Ang Filipino bilang pambansang lengguwahe ng Pilipinas ay siyang
binigyang pansin kung ito ba ay nararapat na isama gayundin ang Panitikan sa kurikulum ng mga mag-aaral na nabibilang sa tersiyaryong antas ng edukasyon. Sa mga susunod na pangungusap ay ipapahayag at itatalakay ang mga saloobin ng ibang mga mag-aaral ukol sa isyung ito at bibigyan ng malinaw na konklusyon.
Para magkaroon ng tiyak na konklusyon, ang mag-aaral ay nag-
interbyu ng dalawang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan gamit ang Facebook Messenger bilang midyum. Ito ang kanilang mga pahayag ukol sa tanong na, “Pabor ka ba o hindi sa pagkakaroon ng mga sabjek na Filipino at Panitikan sa kolehiyo?Bakit?”: Ayon kay Raizelle na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Hospitality Management na kasalukuyang nag-aaral sa paaralang Bestlink College of the Philippines, “Oo, dahil isa ang asignaturang Filipino sa mga dapat na matutunan ng mga Pilipino. Maraming Pilipino sa panahon ngayon ang wala nang alam sa sarili nating wika at mga panitikan. Kung mawawala pa ito sa kolehiyo, paano na lang natin mapapabatid sa mga susunod na henerasyon ang mga panitikan na ginawa ng mga magagaling na manunulat at mga tamang pagsulat sa asignaturang Filipino”. Ayon naman kay Clarence na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology at nagmula sa paaralang ICCT College Foundation Inc., “Para sa akin, pabor ako kasi may mga iilang Pilipino ang nakakatungtong sa kolehiyo na hindi sapat ang kaalaman sa asignaturang Filipino kung saan hindi rin nila alam kung anu-ano ang iba’t ibang uri ng panitikan at ang ibang sanga(branches) nito, at ang ating panitikan ay unti-unti ng naglalaho o nawawala dahil sa impluwensya ng ibang bansa, kaya pabor ako na magkaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo upang mapagyabong ang ating panitikan katulad ng nobela, tula, at iba pa. Ang asignaturang Filipino ay makakatulong upang magkaroon ng siksik, lilig, at umaapaw na kaalaman ang bawat Pilipino at maipagmalaki ang ating panitikan, kultura, at ang ating bansa”.
Batay sa pahayag ng dalawang mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan
dito sa Pilipinas, ang Filipino at Panitikan bilang asignatura sa kolehiyo ay hindi maaaring alisin sa kadahilanang dito mas lalong napagyayabong ng mga mag-aaral ang kanilang mga kaalaman tungkol sa bansang Pilipinas. Kung ito’y aalisin, maaaring makalimutan ng mga mag-aaral ang ilan sa mga dapat kaugalian at kaalaman na tinataglay ng isang Pilipino. Sa paglalagay ng asignaturang ito, ito’y makakatulong sa atin upang magkaroon ng siksik and dipinitibong kaalam tungkol sa Filipino at Panitikan. Mahasa ang bawat mag- aaral sa kahalagahan nito at hindi kailanman makalimutan. Kung gayon, lilipas ang panahon at henerasyon na may malinaw at tiyak na pagkakakilanlan ang bawat Pilipino sa depinisyong may kinalaman sa Filipino at Panitikan. Dokumentasyon:
Note: Ang blur na makikita sa bawat litrato ay tumatalakay sa mga salita at
pangungusap na hindi ayon sa pagtatalakay ng impormasyon at upang bigyang diin ang mga pangungusap na may kinalaman sa paksa o sa aktibti na ito.