You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

CARLOS HILADO MEMORIAL STATE COLLEGE


Talisay Main Campus
COLLEGE OF ARTS & SCIENCES
KONTEKSWALISADONG FILIPINO
PAGSASANAY # 1
Pangalan: MITCH DESSIRRE A. MANAYTAY Petsa: Dec. 03, 2021
Kurso /Seksyon: BSNED 1-GENERALIST Guro: Rey Q. Mendoza

Pagpapaliwanag:

Ang kahalagahan ng asignaturang Pilipino ay makakatulong ito upang mas


maging malawak ang ating kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa tungkol sa
ating sariling wika lalong lalo na sa pagkilala at sa pag alam sa sarili nating
kultura pati narin sa kalagayan ng ating panitikan sa globalisasyon na habang
lumilipas ang panahon ang wikang Pilipino ay unti unting naiiwan at
nakakalimutan ng gamitin na pinapalitan ng ibang mga estrangherong
lenggwahe. dahil sa panahon ngayon na patuloy na globalisasyon at ng
napipintong Association of South Asian Nations o tinatawag na ASEAN
integrasyon na nararapat lamang na patibayin ng mga pilipino ang sarili nating
wika at panitikan upang makapag ambag ang mga ito sa proyekto ng global at
rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural sa pamamagitan ng pag aaral at
paggamit ng wikang pilipino dahil ang gamit ng sariling wika ay makakatulong
sa lalong paglakas ng wikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon sa
paghahanda para sa Asean Integrasyon at patuloy na globalisayon. na kung saan
maraming mga estudyanteng dayuhan na nagmula sa ASEAN o iba pang lugar
ang makaka-dalo at mag-aaral tungkol sa ng wikang Filipino o asignatura sa
wika, kultura at identidad ng pilipinas sa edukasyon pang sosyo-kultural. kaya
dapat nating ipaglaban na wag alisin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa
kolehiyo at sa anumang antas ng edukasyon dahil isang malaking kawalan ang
problema ito. katulad ng, maraming guro ang mawawalan ng trabaho, maraming
bata ang tuluyang hindi makaka-intindi, makaka-gamit at makaka-pagbasa gamit
ang sarili nating wika kung tuluyan na itong kukunin o aalisin sa ibat ibang antas
ng edukasyon sa pilipinas. higit sa lahat malaki ang epekto nito sa ating
ekonomiya sa instusyon pang sosyo-kultural. kaya dapat tayong magtulungan at
hikayatin bawat indibidwal sa ating lugar sa wag kalimutan ang sarili nating wika
at bigyan ng halaga ang mga ito, katulad sa pagbibigay ng halaga sa mga taong
lumaban at binuwis ang sariling buhay para makamtan natin ang kalayaan sa
paggamit ng sariling nating wika.

You might also like