Ang Tagalog Ay Isa Sa Nangungunang 40 Wika NG Mundo Na May 24 Milyong Nagsasalita Nito Bilang Kanilang Unang Wika at Higit Sa 65 Milyong Mga Nagsasalita Nito Bilang Kanilang Pandagdag Na Wika
Ang Tagalog Ay Isa Sa Nangungunang 40 Wika Ng Mundo Na May 24 Milyong Nagsasalita Nito Bilang Kanilang Unang Wika at Higit Sa 65 Milyong Mga Nagsasalita Nito Bilang Kanilang Pandagdag Na Wika
Ang Tagalog Ay Isa Sa Nangungunang 40 Wika NG Mundo Na May 24 Milyong Nagsasalita Nito Bilang Kanilang Unang Wika at Higit Sa 65 Milyong Mga Nagsasalita Nito Bilang Kanilang Pandagdag Na Wika
kanilang unang wika at higit sa 65 milyong mga nagsasalita nito bilang kanilang pandagdag na wika. Ang Tagalog ay katutubo sa rehiyon ng Katagalugan ng bansa, na kung tutuusin ay ang binubuo ng kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang 10 katabi nitong mga lalawigan sa kalagitnaan hanggang katimugang bahagi ng isla ng Luzon kasama ang ilang mga bahagi ng mga isla ng Marinduque at Mindoro. Ang Tagalog, na kasama sa bokabularyong Austronesian ay pangunahing binubuo ng mga salitang may pinagmulang Austronesian na may ilang mga hiniram mula sa Espanyol, Min Nan/Hokkien Chinese, Malay, Sanskrit, Arabic, Tamil, Persian, Kapampangan, mga wikang sinasalita sa Luzon, at iba pa, lalo na ang iba pang mga wikang Austronesian. Sa kabilang banda, ang wikang "Filipino" ay ang pangalan ng opisyal na wika ng Pilipinas, ang ang opisyal na wikang ito ay ibinatay sa Tagalog. Marami pang ibang mga wikang sinasalita sa Pilipinas (tulad ng Cebuano, Ilokano, Ilonggo) ngunit nang magpasya ang pamahalaan ng Pilipinas na pumili ng isang opisyal na wika para sa bansa, pinili nila ang Tagalog upang maging siyang basehan para sa opisyal na wika na iyon (na siya namang nakilala bilang Filipino). Ang Surian ng Wikang Pambansa ("National Language Institute", na ngayon ay kilala na bilang Komisyon ng Wikang Filipino) ay inatasan para sa gawaing ito. Ang unang direktor ng Surian na si Jaime de Veyra ang siyang kinikilala bilang nagpanukala ng Tagalog na maging basehan para sa wikang pambansa. Noong Nobyembre 13, 1936, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog upang maging basehan ng wikang pambansa, at ang mga pangunahing dahilan ay ang pagiging laganap nito sa pananalita at sa mga akdang nakasulat, at pati na rin sa pagiging siyang wikang ginagamit sa kabisera ng bansa, ang Maynila. Pagkatapos ay inilathala ng Surian noong 1940 ang isang opisyal na balarila ang diksyunaro, ang Balarila ng Wikang Pambansa ("Grammar of the National Language") na isinulat ni Lope K. Santos, at ang "Tagalog-English Vocabulary". Ang alpabetong Pilipino, na gumagamit ng mga Latin na pagsusulat at binubuo na ngayon ng 28 titik, ay nagbago na nang husto mula sa panahon ni Lope K. Santos, na siyang opisyal na naglabas ng isang alpabetong “ABAKADA” na may 20 titik na siya namang ginamit ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1973--ang parehong taon kung kailan ay itinakda ng batas na ang “Pilipino” ang maging pangalan ng wikang pambansa. Ang pambansang alpabeto ay lumawak upang magkaroon ng 31 titik—ang 26 titik ng alpabetong Ingles, ang ñ mula sa Espanyol, ll, rr, at ch, at ang ng ng Tagalog—at muli, noong 1976 ay nabago ito upang maisama ang mga titik na C, Ch, F, J, Ll, Ñ, Q, Rr, V, X, at Z upang maisama ang mga salita na nagmula sa Espanyol at Ingles. Pagsapit ng 1987, ang alpabeto ay nabawasan at naging 28 titik, at natanggal ang rr, ll at ch, na kapwa nagmula sa Espanyol, at kasabay nito ay ang pangalan ng opisyal na wika ay napalitan mula “Pilipino” upang maging “Filipino”. Kaakibat ng pagbabagong ito, may ilang mga "makalumang" patakaran sa pagbaybay ang pinalitan (hal. ang "Caloocan City" ay naging “Kalookan City”) habang sinimulng talikuran ang transliteration o ang literal na pagbaybay ng mga salita kapalit ang paggamit ng mga direktang katumbas na salita (hal. “Pamantasan” para sa “University” sa halip na “Unibersidad”) at--hangga't naaangkop--assimilation o pagtanggap ng mga dayuhang salita (hal. “computer” sa halip na “kompyuter” para sa “computer”). Samakatuwid, ang Filipino ang siyang itinakdang salita sa pagtuturo para sa ilang mga asignatura sa paaralan sa buong bansa--pati na sa mga lugar kung saan ay hindi sinasalita ang Tagalog (hal. sa lalawigan ng Cebu kung saan ang Cebuano ang siyang katutubong salita). Ngayon, ang makabagong wikang Filipino ang siyang itinuturing na isinapamantayang bersyon, bagaman kung tutuusin ay kaiba ito. Ang Filipino ay itinuturing ng Ethnologue bilang isang uri ng Tagalog, isang wika ng Kalagitnaang Pilipinas sa loob Malayo-Polynesian na sangay ng pamilya ng mga wikang Austronesian. Sanhi nito, ang Tagalog ay lubhang katulad ng Filipino, ngunit hindi sila eksaktong magkapareho. Sa praktikal na punto-de-bista, ang pangunahing pagkakaiba ay ang Tagalog ay mas hindi gaanong nababago (sapagkat matatag ang pagkakatanim nito sa mga pinagmulan nitong lugar kung saan ito ay sinasalita nang walang gaanong pagbabago) habang ang Filipino naman ay mas mapag-angkop sapagkat mas bukas-loob ito sa mga impluwensyang matatagpuan hindi lamang sa loob ng bansa (ibig sabihin sa mga hindi nagsasalita ng Tagalog tulad ng mga Cebuano) ngunit pati na rin mula sa labas ng bansa (hal. Ingles). Samakatuwid para sa mga paggagamitan na may kasangkot na estilo ng pagsusulat na mas moderno, natural at katanggap-tanggap ng iba't-ibang mga tao--lalo na sa pagsasalokal—ang Filipino ay mas naaakma kaysa sa Tagalog para makamit ang layunin ng taos-pusong pakikipag-ugnay sa merkadong pang-Pilipinas at sa mga PIlilino sa kabuuan.