Professional Documents
Culture Documents
PERYODISASYON
1861 – 1882 (Mga Taon ng Pagsibol)
1882 – 1887 (Pagyabong sa Ibayong Lupain)
1887 – 1888 (Pagsapit ng Unos)
1888 – 1892 (Pakikibaka at Radikalisasyon)
1892 – 1896 (Takipsilim ng Isang Buhay at Bukangliwayway ng Isang Bayani)
1861 – 1882
Mga Taon ng Pagsibol
maagang edukasyon
ina – unang guro (alpabeto, dasal, tula)
pribadong guro
Maestro Celestino
Maestro Lucas Padua
Leon Monroy
mga tiyo
Gregorio - pagbabasa
Manuel – palakasan
Jose Alberto – sining
Sa Aking mga Kabata* (ayon sa pagsusuri ay HINDI si Rizal ang sumulat)
Biñan – Maestro Justiniano Aquino Cruz
Segunda Katigbak
mula Lipa, Batangas
kaibigan ng kapatid na si Olimpia
mag-aaral sa La Concordia
nakatakdang ikasal sa kababayang si Manuel Luz
mga grado
aprovado – 1 (Pathology)
bueno – 8
aprovechado / notable – 6
sobresaliente – 6 (karamihan ay mula sa mga kursong kaugnay ng teolohiya at batas)
itinuturing ng ilan na bunga ng diskriminasyon sa unibersidad
binigyang pabor ng mga Dominico nang pinayagang sabay na kunin ang mga preparatoryong kurso at
unang taon ng medisina
sa 24 orihinal na bilang ng mga mag-aaral, 7 lamang ang nakaabot ng ika-4 na taon kung saan si Rizal
ang ikalawa sa pinakamataas
sa 3 peninsulares at 3 insulares, 1 lamang ang umabot sa ikaapat na taon
tunay na interes ay sining at pilosopiya at HINDI medisina
maraming distraksyon
mga gawain sa Ateneo
samahan sa UST – El Compañerismo (Compañeros de Jehu)
ilang kababaihan
Binibining L
taga Pakil, Laguna
higit na matanda, maaaring ang gurong si Jacinta YbardoLaza
Leonor Valenzuela
Orang
kapitbahay sa tinutuluyan sa Intramuros
mga sulat ay ginamitan ng tintang may asin at tubig kaya’t di nakikita kundi idadarang sa apoy
Leonor Rivera
Taimis
mula Camiling, Tarlac
anak ng tiyo na si Antonio Rivera na tagapangasiwa ng Casa Tomasiana kung saan rin nangupahan si Rizal
mag-aaral sa La Concordia
Paciano
malaking ambag sa mga ideyang politikal ni Rizal
sumpaan ng magkapatid (1878)
kay Jose mapupunta ang tungkuling itaguyod ang kapakanan ng mga Pilipino
kay Paciano babagsak ang tungkuling alagaan ang kanilang magulang, habang sinusuportahan si Jose sa
lahat ng kanyang makakaya
isa lamang ang pakakasal
sinasabing ipinakilala si Leonor Rivera upang tiyaking babalik si Jose sa Pilipinas
1882 – 1887
Pagyabong sa Ibayong Lupain
pagtungo sa Europa
palawakin ang kaalaman upang maikumpara ang progresibong buhay sa ibayong dagat sa mabagal at makalumang
kalagayan ng kolonya
tapusin ang pag-aaral ng medisina sa Europa at makapagsanay nang mahigit na makabagong pamamaraan ng
panggagamot sa mata
plano ay alam lamang nina Paciano at Antonio Rivera
Singapore
Colombo, Ceylon
Aden (Yemen)
Suez Canal
Port Said, Egypt
Naples,Italy
Marsailles, France
Barcelona
isinulat ang sanaysay na Amor Patrio
nailathala sa Diariong Tagalog
gamit ang pangalang Laong Laan
realisasyong ang inang bayan ay ang Pilipinas (Patria Grande, Patria Chica)
Circulo Hispano-Filipino
tula at debate
Me Piden Versos
Asosacion Hispano-Filipino
Dr. Miguel Morayta
propesor ng Kasaysayan sa unibersidad na pinatalsik dahil sa mga liberal na paninindigan
Masonerya
sumapi sa Lodge Acacia (1883) gamit ang pangalang Dimasalang
master mason ng Lodge Solidaridad (1890) at ng Le Grand Orient France (1892)
koleksyon ng mg aklat
The Holy Bible; Lives of the Presidents of the United States; Complete Works of Voltaire; Complete Works of C.
Bernard; Complete Works of Horace; Ancient Poetry; Works of Thuycidides; The Byzantine Empire; The Renaissance;
Hebrew Grammar; The Characters of La Bruyere; History of the French Revolution; The Works of Alexander Dumas;
Louis XIV and His Court; The Wandering Jew; Uncle Tom’s Cabin
suliranin sa Calamba
pagbagsak ng ani ng tubo at palay
pagkapeste ng mga alagang pabo
pagtaas ng singil sa renta
talumpati ng papuri para kina Juan Luna (Spoliarium) at Felix Resurreccion Hidalgo (Virgenes Cristianas Expuesta
al Populacho) na nagwagi sa Pambansang Eksposisyon ng Sining
ang pagiging henyo ay walang kinikilalang bansa, sumisibol ito kahit saan
Paris
nagsanay ng optalmolohiya sa ilalim ni Dr. Louis de Weckert
nakasama ang mga kaibigang sina Trinidad Pardo de Tavera, Luna at Hidalgo
kung kailan kasalukuyang ipinipinta ni Luna ang Pacto de Sangre
nagmodelo sa ilang pinta ni Luna
Alemanya
Heidelberg
nagsanay rin sa ilalim ni Dr. Otto Becker
A Las Flores de Heidelberg
Wilhelmsfeld
tumira kay Pastor Karl Ullmer
nagsimula ng pagsusulat kay Propesor Ferdinand Blumentritt, etnolohistang nag-aaral ng wikang
Tagalog
Leipzig
isinalin ang William Tell (Guillermo Tell) at mga fairy tale ni Hans Christian Andersen sa Tagalog
Dresden
Berlin
nakilala sina Dr. Feodor Jagor na nagsulat ng Travels to the Philippines
lumahok sa Samahang Anthropolohiya, Ethnograpiya, Heograpiya
1887 – 1888
Pagsapit ng Unos
Hacienda de Calamba
imbestigasyon ng mga lupain ng mga prayle sa hinalang di nagbabayad ng sapat na buwis, sa utos ni GH Terrero
tumulong si Rizal sa pagbuo ng ulat ukol sa kalagayang agraryo sa Calamba
humantong sa pagtanggi ng mga taga-Calamba na magbayad ng renta
nagsilbing unang abogado sina Ambrosio Rianzares Bautista, pinalitan ni Felipe Buencamino
*nanalo ang mga taga-Calamba sa korte ng bayan ngunit binaliktad ng Korte ng Santa Cruz, at ng Real Audiencia ang
desisyon, pabor sa orden ng Dominico na kalauna’y sinang-ayunan din ng Kataas-taasang Hukuman sa Madrid
sinira ang may 50 tahanan
pinaalis sa Calamba at pinatapon sa iba’t ibang lalawigan ang mga kaanak ni Rizal
* masasalamin sa El Filibusterismo (Kabesang Tales)
Hong Kong
nakita ang yaman ng Ordeng Dominico na nagmamay-ari ng maraming negosyo (bahay paupahan, sosyo sa mga
bangko)
Macau
kolonya ng Portugal
Japan
tumuloy sa Legasyong Espanyol upang patunayang hindi siya sangkot sa anumang subersibong gawain laban sa
Espanya
rickshaw – paglabag sa dangal ng tao
nag-aral ng Nihongo, kabuki, judo
Seiko Usui (O-Sei-San)
marunong mag Ingles at Pranses
Tetcho Suehiro
mamamahayag na kumakalaban sa kawalang katarungan
isinulat ang Dead Traveler at Storm over the Southern Sea
Estados Unidos
paghanga sa kaayusan, kaunlaran
kawalan ng pagkakapantay-pantay ng lahi
pagkwarantina sa barkong Belgic, dahil sa mga sakay na mga Tsinong coolie
diskriminasyon sa mga itim
ang Amerika ay isang may napakahusay na kalayaan ngunit para lamang sa mga puti
London
Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio Morga
sinaliksik sa British Museum sa tulong ni Dr. Reinhold Rost
sandaling pagbisita saPransya at Espanya kung kailan unang nakilala sina Marcelo del Pilar at Mariano Ponce
mga eskultura
Prometheus Bound
The Triumph of Death Over Life
The triumph of Science Over Death
Gertrude Beckett
anak ng may-ari ng inuupahan sa Primrose Hill
ginawan rin ng eskultura
nilisan ang London sa pangambang mapalapit nang husto sa kanya
Paris
Samahang Kidlat – pagsasama-sama ng mga kabataang Pilipino na nasa Paris sa panahon ng Eksposisyong Unibersal
Indios Bravos – pagmamalaki sa lahing indio tulad ng mga Indian Americans
RDLM (Redencion de los Malayos)
pagkakalathala ng anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas
isinulat ang satirikang Por Telefono bilang sagot sa pag-atake ni Padre Salvador Font sa Noli Me Tangere
nasimulan din ang paglalathala ng Filipinas Dentro de Cien Años sa La Solidaridad
matrahedyang pagwawakas ng pangongolonya ng Espanya kung hindi magpapatupad ng pagbabago
interes ng Estados Unidos na manakop
Brussels, Belgium
mas tahimik at higit na mura ang pamumuhay
patuloy na pagsusulat sa La Solidaridad
La Verdad Para Los Todos, Verdades Nuevas, Una Profanacion, Diferencias, Ingratitudes, Sin Nombre, Sobre
la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala, Cosas de Filipinos, Sobre la Indolencia de los Filipinos
tulang A Mi Musa
pamumuna
pagsusugal ng mga Pilipino sa Madrid
plano ni Jaena na magtungo sa Cuba
Dapat siyang umuwi sa Pilipinas at mamatay na naninindigan sa kanyang mga ideya. Minsan lang
namamatay ang isang tao, at kung hindi pa siya mahusay na mamamatay, naglaho na ang isang
magandang pagkakataong hindi na babalik muli…Kung kailangan mang may mamatay, hayaang mamatay
siya sa kanyang sariling bayan, mula sa kanyang bayan, at para sa kanyang bayan (hango sa sulat ni Rizal
kay Mariano Ponce)
Madrid, Espanya
apela sa Tribunal Supremo para sa natalong kaso ng pamilya sa Calamba
Marcelo del Pilar bilang abugado
humingi ng tulong mula sa Asocacion Hispano Filipino upang makausap ang Ministerio de Ultramar ngunit di
nakumbinsi ang bagong Ministro na si Antonio Maria Fabie
itinuloy ang marahas na pagpapaalis sa mga taga-Calamba
Biarritz, Pransya
tumuloy sa pamilyang Boustead, niligawan at inalok ng kasal si Nelly Boustead
hindi natuloy dahil sa kondisyong yakapin ang Protestantismo
di gusto ng ina sa paniniwalang ang hangad ay ang yaman ng pamilyang Boustead
Ghent, Belgium
tumungo kasama si Jose Alejandrino upang maghanap ng murang palimbagan para sa El Filibusterismo
sinimulang isulat nang umuwi sa Calamba at natapos sa Biarritz
tingi-tinging bayad sa manlilimbag hanggang mahinto
tinulungan ni Valentin Ventura na matapos ang pag-imprenta
Hong Kong
orihinal na balak ay bumalik na ng Pilipinas ngunit pinigilan ng mga kaibigan (Luna, Ventura, Pardo de Tavera)
pinayuhan ni Paciano na sa Hong Kong na lamang manirahan upang di malagay sa panganib
pinahiram ni Jose Maria Basa ng pamasahe patungong Hong Kong
nagtatag ng klinika at nagpraktis ng pagiging optalmologo
naging kilalang siruhano sa mata, binayaran ang mga pinagkakautangan
muling nakapiling ang pamilya
Francisco, Paciano, Silvestre Ubaldo (bayaw), Teodora, Lucia, Josefa, Trinidad
bago nakarating ang ina (74 edad) ay hinuli at pinaglakad ng 4 na araw patungong Santa Cruz,
Laguna sa salang di paggamit ng tamang pangalan
inoperahan sa ikalawang pagkakataon ang mata ng ina
nag-iwan ng 2 liham sa kaibigang Portuges na si Dr. Lorenzo Marques sa tagubiling ito ay bubuksan lamang sa kanyang
kamatayan
para sa magulang, kapatid at kaibigan
para sa mga Pilipino
kasabay ng pagbibigay ng garantiya ng kaligtasan ng Konsul ng Espanya sa Hong Kong, hinainan si Rizal ng kaso
laban sa relihiyon at bayan sa Pilipinas
1892 – 1896
Takipsilim ng Isang Buhay at Bukangliwayway ng Isang Bayani
muling ipinatawag ni GH Despujol dahil sa nakitang babasahing Pobres Frailes (sinasabing akda ni P. Jacinto) sa mga
gamit ni Lucia
Hulyo 7 – pinaaresto at ikinulong sa Fuerza Santiago
Hulyo 15 – isinakay sa barkong Cebu upang ipatapon sa Dapitan, Zamboanga
Dapitan
nanirahan sa bahay ni Kapitan Ricardo Carnicero, corregidor ng Dapitan
1 sa 3 nagwagi sa loterya
P6200
P2000 sa ama
P200 kay Jose Maria Basa
natira ay ibinili ng lupain sa Dapitan at Talisay
parihabang bahay kung saan si Rizal nakatira kasama ang bumisitang ina, kapatid na sina Trinidad, Narcisa at Maria, at
pamangkin sa likod nito ay ang nakahiwalay na istruktura ng kusina
oktagonal na bahay kung saan tumutuloy ang mga estudyante dinagdagan ng isa pang kwadradong bahay
21 →16 na mag-aaral
sa halip na magbayad ay tumutulong sa iba’t ibang proyekto para sa komunidad
pagbabasa, pagsusulat, wikang Espanyol at Ingles, heograpiya, kasaysayan, matematika, geometry, moralidad,
agham, palakasan (gymnastics, boksing, paglangoy, arnis, atbp)
klase ay mula ika-2 hanggang ika-4 ng hapon
2 maliit na kubo para sa mga pasyente – pambabae at panlalaki
libre ang panggagamot sa mahihirap na pasyente
nagturo ng paggamit ng halamang gamut
gumawa ng sistemang patubig para sa mga tahanan sa Dapitan
nilinis ang mga latian at masusukal na lugar upang mabawasan ang mga insidente ng malaria
mapa ng Mindanao
katulong si Padre Francisco de Paula Sanchez, inayos ang plaza ng pueblo at nilagyan ng pailaw ang mga daan gamit ang
langis ng niyog
heksagonal na bahay na tirahan ng mga alagang manok
nagnegosyo sa pangingisda, kopra, apog kasosyo ang isang mangangalakal na si Ramon Carreon
nagtatag ng kooperatiba ng mga magsasaka
nagturo ng makabagong paraan ng pagtatanim, pag-ani at pagmamanupaktura ng abaka
nag-angkat ng makinarya mula sa Amerika
nakaimbento ng sulpukan (lighter) na gawa sa kahoy at makinang gumagawa ng ladrilyo (bricks)
nangalap ng mga ispesimen ng mga halaman at hayop
Florencio Namanan
nagpanggap na kaanak na si Pablo Mercado
lumalabas na inupahan ng mga paring Recolletos upang mag-espiya at maghanap ng ebidensya laban kay Rizal
Josephine Bracken
Irlandes na 18 taong gulang
mula sa Hong Kong
dumating sa Dapitan upang ipagamot ang ama-amahang si George Taufer
nagplanong magpakasal ngunit di pinahintulutan ng simbahan dahil sa pagiging mason ni Rizal
nagkaroon ng anak na pinangalanang Francisco ngunit agad binawian ng buhay dahil kulang sa buwan
Pio Valenzuela
ipinadala ng Katipunan upang sumangguni ukol sa Himagsikan
tinutulan at sinabing di pa napapanahon ang rebolusyon dahil kulang sa kahandaan at kagamitan
bagamat marami ang mga kasaping masa, di sapat ang suporta mula sa mayayamang pamilya
kulang sa armas at kasanayang pandigma
payong lapitan si Antonio Luna
liham mula kay GH Ramon Blanco na pinahihintulutang magtungo sa Cuba upang magsilbing doktor
una ng ipinayo ni Blumentritt upang makalaya sa pagka-destierro
ibinenta ang mga lupain at iba pang ari-arian
bumalik sa Maynila kasama si Josephine, Narcisa, ilang pamangkin at mag-aaral sakay ng barkong España
Maynila
hindi inabutan ang barkong Isla de Luzon papuntang Espanya
inilipat sa barkong Castilla habang hinihintay ang susunod na barkong bibiyahe (Agos.6–Set.2, 1896)
isinakay sa barkong Isla de Panay patungong Espanya
pinayuhan ni Don Pedro Roxas na magpaiwan sa Singapore ngunit tumanggi
lumabas ang utos ng pagpapa-aresto kay Rizal
dumating sa Barcelona noong Oktubre 3, 1896
nagsilbing bantay si Hen. Eulogio Despujol
ikinulong sa Montjuich
isinakay muli sa barkong Colon noong Oktubre 6, 1896 upang ibalik sa Pilipinas
Singapore
sa pakiusap nina Antonio Ma. Regidor at Sixto Lopez, tinangka ng abogadong si Hugh Fort na hainan ng writ of
habeas corpus upang mapalaya ngunit nabigo
mga akusasyon
pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng insureksyong Pilipino
tagapagtatag ng mga samahan, pahayagan at aklat na nagpapaalab at nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa
rebolusyon
Disyembre 26
nagsimula ang paglilitis at sa araw ding iyon ay nagdesisyon ang korte-militar na si Rizal ay maysala at dapat
parusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad
Disyembre 28
nilagdaan ni GH Polavieja ang hatol na kamatayan
Disyembre 29
pinaalam kay Rizal ang hatol at sintensya
inilipat sa kapilyang may mga relihiyosong imahen upang mahikayat na bumalik sa Katolisismo
binisita ng mga dating guro at pari mula sa Ateneo
Padre Miguel Saderra Mata, Luis Viza, Antonio Roselle, Federico Faura, Jose Vilaclara, Vicente
Balaguer
Santiago Mataix - mamamahayag ng El Heraldo de Madrid
pagsulat ng tulang nakilala bilang Ultimo Pensamiento (Mariano Ponce) / Ultimo Adios (P. Mariano
Dacanay)
itinago sa loob ng alkohol na lutuan na ibinigay kay Trinidad
usapin ng retraksyon
unang binuksan ni Padre Balaguer ang isyu
ipinadala ni Arsobispo Bernardo Nozaleda kay Padre Balaguer ang burador na palalagdaan kay
Rizal ang bersyong inihanda ni Padre Pio Pi ang sinang-ayunan ni Rizal
binago nang kaunti at isinulat ang retraksyon kung saan itinatakwil ang Masonerya at mga
ideyang anti-Katoliko
binisita rin ng ina, mga kapatid na si Trinidad, Narcisa, Lucia, Josefa, Maria
iba pang Espanyol tulad nina Padre Estanislao March, Don Silvino Lopezes Tuñon,Don
Gaspar Cestaño, abogadong si Hen. Taviel de Andrade
Josephine Bracken
binigyan ng sipi ng aklat na Imitacion de Cristo
Disyembre 30 6:30 nu
simula ng martsa mula Fuerza Santiago patungong Bagumbayan
kasama sina Taviel de Andrade, Padre March at Vilaclara
nakatali ang bisig
normal ang pulso ayon kay Dr. Felipe Ruiz Castillo
nagwika ng Consummatum est
Disyembre 30 7:03 nu
binaril nang patalikod ngunit pumihit kaya’t bumagsak nang nakaharap sa pagsikat ng araw