You are on page 1of 4

1

TEORYA AT PRAKTIS NG PAGSASALIN

KATUTURAN NG PAGSASALIN

 Translation consists in producing in the receptor language the closest natural equivalent of the
message of the source language, first in meaning and secondly in style.

Ang pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit na


natural na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una’y sa kahulugan at
pangalawa’y sa estilo

(E. Nida 1959/1966)

 Translation may be defined as the replacement of textual material in one language (source
language) by equivalent textual material in another language (target language).

Ang pagsasalin ay pagpapalit ng tekstwal na materyal sa isang wika (SL) ng


katumbas na tekstwal na materyal sa iba pang wika (TL).
(J.C Catford 1965)

 Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written message in one
language by the same message in another language.

Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang


nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika.

(P. Newmark 1977)

 Translation is reproducing in the receptor language a text which communicates the same message
as the source language but using the natural grammatical and lexical choices of the receptor
language.

Ang pagsasalin ay muling paglalahad sa tumatanggap na wika ng tekstong


naghahatid ng mensaheng katulad ng sa simulaang wika ngunit gumagamit ng piling
mga tuntuning panggramatika at mga salita ng tumatanggap na wika.

(M. Larson 1984)

 Translation is made possible by an equivalence of thought that lies behind its different verbal
expressions.

Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa


kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal.

(T. Savory 1968)


 Translation is a communicative process which takes place within a social context.

Ang pagsasalin ay isang prosesong komunikatibo na nagaganap sa loob ng


isang kontekstong panlipunan.

(B. Hatim at I. Mason 1990)

Pansinin na lahat ng katuturan ay bumanggit sa salitang “meaning” o “message” na ang ibig


sabihin, ang isinasalin ay kahulugan o mensahe mula sa isinalin tungo sa pinagsasalinang wika. Ang
isinasalin kung gayon ay ang mga salita upang sa gayong paraan ay mailipat sa pinagsasalinang wika ang
diwa ng mensahe mula sa isinasaling wika.

Mabubuo kung gayon ang katuturan ng pagsasalin sa Filipino bilang paglilipat sa pinagsasalinang
wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.

Diwa at hindi salita ang isinasalin


2

INGLES ---------------------------------- FILIPINO


(Wikang Isinasalin) (Wikang Pinagsasalinan)

The beautiful girl. Ang magandang babae.

Tagabasa A Tagabasa B

Wika ang midyum ng pagsasalin; nasa kaibuturan nito ang kakayahang linggwistiko ngunit ayon
kay Bassnet-McGuire (1980), ang pagsasalin ay nasasaklaw ng semiotics. Ang semiotics ay agham
tungkol sa “signs system or sign structures, sign processes and sign functions”

Samakatwid, hindi lamang wika ang kasangkot sa proseso ng pagsasalin kundi maging ang
malalim na pagkaunawa sa kultura. Binigyang diin ni Bassnet-McGuire ang mahigpit na ugnayan ng
teorya at praktis ng pagsasalin. Sinabi niya na sa kabila ng maraming pagsasaling naisagawa na, ang
sistematikong pag-aaral tungkol sa proseso ng pagsasalin ay masasabing ‘nasa kasanggulan pa’.

Dahil maraming suliraning nakakaharap sa pagsasalin, mahalagang magkaharap at mag-usap ang


mga teorisyan at praktisyoner ng pagsasalin para makatulong sa isa’t isa. Ang pag-aaral ng pagsasalin
ay isang komplikado at malawak na larangan. Nahahati ito sa apat na pangkalahatang kategorya. Ang
unang kategorya ay ang Kasaysayan ng Pagsasalin, at ito ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayang
pampanitikan. Kabilang dito ang mga pag-aaral sa mga teorya ng pagsasalin sa iba’t ibang panahon, ang
mapanuring pagtanggap sa mga salin, ang mga hakbang sa pagpapasalin at pagpapalathala ng mga salin,
ang papel at tungkulin ng pagsasalin sa isang tiyak na panahon, ang pag-unlad ng mga pamamaraan ng
pagsasalin, at pagsusuri sa nga naisagawa ng mga indibidwal na tagasalin.

Ang pangalawang kategorya ay ang Pagsasalin sa Kultura ng Tunguhang Lenggwahe.


Kabilang dito ang pagsusuri kung paanong nagkaroon ng impluwensya ang isang teksto, awtor o genre sa
mga pamanatayang sinusunod sa sistemang linggwistiko ng tunguhang lenggwahe.

Ang pangatlo ay Pagsasalin at Linggwistika, kabilang ang paghahambing ng mga sangkap na


linggwistiko ng simulaaan at tunguhang lenggwahe sa antas na ponemiko, morpemiko, leksikal,
syntagmatic at sintaktik. Dito pumapasok ang mga pagsusuri sa mga problemang nakakaharap sa pagpili
ng mga panumbas, kabilang na iyong kaugnay ng pagsasalin ng mga tekstong di pampanitikan.

Ang pang-apat na kategorya ay Pagsasalin at Poetika. Ito’y tungkol sa teorya at praktis ng


pagsasaling pampanitikan, kabilang na ang mga problemang nakakaharap sa pagsasalin ng tula, tekstong
pandulaan, libretti at pati cinema, dubbing man o subtitling. Sa kategorya ring ito papasok ang mga
pagtatangkang makabuo ng teorya sa pagsasaling pampanitikan.

Bukod sa paliwanag na ito, kapaki-pakinabang sa pagsasalin ang aklat ni Bassnett-McGuire dahil


sa pagtalakay sa mga teoryang ibinigay ng mga teorisyan sa iba’t ibang panahon. Maraming teorisyan na
nagkakaisa sa mga katangiang dapat taglayin ng isang tagasalin, tulad ng lubos na pagkaunawa sa
paksang isinasalin, kakayahang mahuli ang diwa ng orihinal, kahusayan sa dalawang wikang sangkot sa
pagsasalin, at iba pa. ngunit hindi sila nagkakaisa sa teorya. Kung gayon, nagkakaiba sila sa mga
pamamaraang pinaiiral sa pagsasalin.

Mga Teorya ng Pagsasalin

Ang unang manunulat na nagbuo ng teorya sa pagsasalin ay ang French humanist na si Etienne
Dolet (1509-46) na nilitis at nahatulan ng kamatayan sa pagiging isang erehe dahil sa maling salin ng isa
sa mga dayalog ni Plato, na nagpapahiwatig ng di paniniwala sa imortalidad.
Naniniwala si Dolet na kailangang maunawaan ng tagasalin ang kahulugan ng orihinal na awtor bagama’t
may kalayaan siya na linawin ang mga bahaging malabo. Sinabi rin ni Dolet na iwasan ng tagasalin ang
salita-sa-salitang tumbasan.

Ganito rin ang ipinahayag ni George Chapman (1559-1634), ang nagsalin kay Homer, na
nagsasabing kailangang ‘mahuli’ ng tagasalin ang diwa ng orihinal. Batay ito sa paniniwalang posibleng
ilipat ang diwa at tono ng orihinal sa ibang kontekstong kultural sa pamamagitan ng isang tagasalin na
singhusay ng orihinal na awtor at may tungkulin at responsabilidad hindi lamang sa kanyang pinag-
uukulang tagabasa kundi maging sa orihinal na awtor.
3

Naniniwala naman sina Wyatt (1503-42) at Surey (1517-47), na kilala sa kanilang mga salin ng
mga tula ng Italyanong makatang si Petrach, na hindi lamang ang kahulugan ng orihinal ang dapat
maisalin kundi pati ang epekto at tungkulin nito sa orihinal na mambabasa.

Si Philemon Holland (1552-1637), na nagsalin kay Livy, ay gumamit ng mga kontemporaryong


terminolohiya kaya ang patres et plebs ay naging nobles at commons, at nagdagdag pa siya ng mga
paliwanag sa mga bahaging malabo.

Para naman kay John Dryden (1631-1700), may tatlong uri ng salin: (1) metaphrase o salita-sa-
salitang tumbasan; (2) paraphrase o pagsasalin ng kahulugan sa kahulugan; at (3) imitation o malayang
salin, na maaaring baguhin ng tagasalin ang orihinal sa ano mang paraan sa palagay niya’y tama.
Idinagdag din ni Dryden na kailangang makatugon ang tagasalin sa ilang krayterya: Kailangang siya ay
isa ring makata; mahusay sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin; at nauunawaan niya ang diwa at
katangian ng orihinal na makata bukod sa umaayon siya sa pamantayang pampanulaan ng kanyang
sariling panahon.

Halos ganito rin ang pananaw ni Alexander Pope (1688-1744), na nagbigay diin din sa estilo ng
orihinal at sa pagpapanatiling buhay sa ‘apoy’ ng tula.

Iminungkahi naman ni Friendrich Scleiermacher (1768-1834) ang paglikha ng isang hiwalay na


wikang ng pagsasalin para sa pampanitikang salin lamang. Sinabi naman ni Dante Gabriel Rosetti (1828-
82) na kailangang sundan ng tagasalin ang porma at lenggwahe ng orihinal. Kay Matthew Arnold (1822-
68), ang tekstong SL ang mas mahalaga at ito ang kailangang paglingkuran nang buong katapatan ng
tagasalin. Kabaligtaran naman ito ng paniniwala ni Edward Fitzgerald (1809-63) na “mas mabuti na ang
buhay na maya kaysa sa pinatuyong agila” na nangangahulugan ng pagkiling sa isang pumipintig na
teksto kaya ang tagasalin ay may layang idagdag sa salin ang sariling ideya.

Sinabi rin I Bassnett-McGuire na may iba’t ibang konsepto ang nangingibabaw tungkol sa
pagsasalin sa iba’t ibang panahon; nagbabago ang papel at tungkulin ng tagasalin batay sa nagbabagong
mga konseptong ito; at napakarami pa ring dapat pag-aralan tungkol sa epekto ng iba’t ibang teorya sa
proseso mismo ng pagsasalin.

Ayon naman kay Steiner (1992), ang literature tungkol sa teorya at praktis at kasaysayan ng
pagsasalin ay nahahati sa apat na panahon bagamat mahirap tukuyin ang aktwal na hangganan ng bawat
panahon. Ang unang panahon ay nagsisimula sa pahayag ni Cicero na di dapat magsalin nang verbum pro
verbo at sa pagsuporta ni Horace sa ganito ring ideya, may dalawampung taon pagkaraan hanggang sa
matalinghagang komentaryo ni Holderlin sa sariling salin niya kay Sophocles noong 1804. Sa mahabang
panahong saklaw nito, ang mga pagsusuri at pahayag ay galing mismo sa mga tagasalin. Kabilang sa
panahong ito ang mga obserbasyon at polemika ni St. Jerome, ang mga paliwanag ni Dryden tungkol kina
Horace, Quintilian at Jhonson, ang mga teorya ni Pope tungkol sa pagsasalin kay Homer, atbp. May
mahalagang teksto tungkol sa teorya tulad ng De interpretation recta (c. 1420) ni Leonardo Bruni ngunit
ang pangunahing katangian ng panahong ito ay “immediaite empirical focus.” Nagwawakas ang
panahong ito sa paglabas ng Essay on the Principles of Translation (1792) ni Alexander Fraser Tytler at
ng mapagpasiyang sanaysay ni Friedrich Scleiermacher noong 1813.

Ang pangalawa ay panahon ng teorya at hermeneutic inquiry – ang pagsasalin ay iniugnay sa mas
pangkalahatang teorya ng wika at isipan. Nagkaroon ito ng sariling bokabularyo at metodolohiya. Ang
panahong ito na tinatawag na ni Steiner na “age of philosophic-poetic theory and definition’ ay nagwakas
sa pagkalathala ng Sous l’invocation de Saint Jerome ni Valery Larbaud noong 1946.

Ang pangatlong panahon ay nagsimula sa paglalathala ng mga unang papel tungkol sa machine
translation noong mga 1940’s; nang panahong ito pumasok ang structural linguistics at teorya ng
komunikasyon sa pag-aaral tungkol sa pagsasalin. Maraming kournal tungkol sa pagsasalin na
nagsimulang lumabas sa panahong ito at ang mga propesyunal na tagasalin ay kasapi na ngayon ng m,ga
samahanang internasyonal. Ang mga bagong direksyon sa pagsasalin ay tinalakay sa dalawang aklat: On
Translation na inedit ni Reuben A. Brower at inilathala ng Harvard noong 1959 at The Craft and Context
of Translation: A Critical Symposium na inedit nina William Arrowsmith at Roger Shattuck para sa
University of Texas Press noong 1961.

Ang pang-apat na panahon ay kasabay na umiiral ng pangatlo at nagsimula noong kapapasok ng


dekada 60. Ang “pagkatuklas” sa papel ni Walter Benjamin na pinamagatang “Die Aufgabe des
4

Ubersetzers” na unang nalathala noong 1923 at impluwensya nina Heidegger at Hans-Georg Gadamer ay
nagpapakita ng pagbalik sa hermeneutic at halos metapisikal na pagsisiyasat sa pagsasalin at
interpretasyon.

You might also like