You are on page 1of 1

Ang mga Misteryo ng Luwalhati ay nagsasalaysay ng galak at pag-asa.

Kung si Kristo'y hindi muling


nabuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya'
(1 Corinto 15:14). Higit sa lahat pinatotohanan ng Pagkabuhay ang lahat ng mga gawain at pangaral ni
Kristo.

Ang huling misteryong ito ay kaugnay ng pinakauna, yaong pagpanaog niya mula sa langit sa
pamamagitan ng pagiging tao. Tanging siya na 'galing sa Ama' ang maaaring magbalik sa Ama: si Kristong
Jesus.

Espiritu Santo' ang nararapat na pangalan ng isang sinasamba natin at pinapupurihan kasama ng Diyos
Ama at Diyos Anak. Natanggap ng Simbahan ang pangalan niya mula sa Panginoon at binabanggit ito sa
Pagbibinyag ng kanyang mga anak.

Ang Pinakabanal na Birheng Maria, pagkatapos ng kanyang buhay sa mundo, ay iniakyat sa langit,
katawan at kaluluwa. Doon kabahagi siya ng kaluwalhatian ng Pagkabuhay ng kanyang Anak, umaasa sa
Pagkabuhay ng lahat ng miyembro ng Simbahan.

Sa wakas, pagkatapos niyang mabuhay sa mundo, ang Birhen Imakulada, malaya sa lahat ng bahid ng
orihinal na pagkakasala, ay iniakyat sa kaluwalhatian sa langit -- katawan at kaluluwa -- at ipinagbubunyi
ng Panginoon bilang Reyna ng lahat ng bagay, kapiling ang kanyang Anak, ang Panginoon ng mga
panginoon at manlulupig ng kasalanan at kamatayan

You might also like