You are on page 1of 60

TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA,

AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL

KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG
BAYANI
A. Pagsilang
1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba,
Laguna
2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo
22, 1861.
3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal
4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal
A. Magulang
1. Francisco Mercado
1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818
2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose
3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang
Dominicano sa Calmba.
4. Namatay noong Enero 5, 1898.
2. Teodora Alonzo
1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa
3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang
Espanyol.
4. Namatay noong Agosto 16, 1911
A. Magkakapatid na Rizal
1. Saturnina
2. Paciano
3. Narcisa
4. Olympia
5. Lucia
6. Maria
7. Jose
8. Concepcion
9. Josefa
10. Trinidad
11. Soledad
A. Mga Ninuno
1. Ninuno sa Ama
1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la
Rosa naging anak si
2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging
anak si
3. Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging
anak si
4. Francisco Mercado at napangasawa si Teodora Alonzo at
naging anak si
5. Jose Rizal
2. Ninuno sa Ina
1. Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila
si
2. Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos at naging anak
nila si
3. Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto Alonzo at naging
anak nila si
4. Teodora Alonzo na napangasiwa ni Francisco Mercado at
naging anak nila si
5. Jose Rizal
A. Pamilyang Rizal
1. Ang Kabuhayan ng Pamilya
1. Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa
mga kinikilalang pamilya sa Calamba.
2. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng
hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya na ang
kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya.
Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo.
3. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa
kanilang mga hanapbuhay.
4. Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim
ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging
harina, at gawaan ng hamon.
5. Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng
bahay na bato sa Calamba.
6. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang
karangyaan sa panahong iyon.
7. Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman
ng 1,000 aklat.
8. Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa
Maynila para mag-aral.

B. Ang Tahanan ng mga Rizal

1. Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at

matitigas na kahoy at ito ay nakatayo na malapit
sa simbahan ng Calamba.

2. Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng

mga punong atis, balimbing, chico, macopa,
papaya, santol, tampoy, at iba pa.
3. Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng
mga manok at pabo.

KABANATA 2 – KABATAAN SA CALAMBA

1. Mga Ala-ala ng Kamusmusan
1. Panonood ng mga ibon.
2. Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus.
3. Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at
tikbalang.
4. Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang
nakababatang kapatid na si Concha.
5. Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng
pamilya.
6. Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang
unang pagtawid sa Lawa ng Laguna. Pagkatapos ng pagpunta
sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila.
7. Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina
ukol sa gamo-gamo.
2. Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan
1. Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng
simbahan.
2. Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).
3. Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga
Kabata na nagbibigay ng pagpapahalaga sa kaniyang sariling
wika.
4. Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa
kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay
binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.
1. Mga Inpluwensiya Kay Rizal
1. Namana
1. Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya
ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad sa
paglalakbay, at katapangan.
2. Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay
namana niya ang pagiging seryoso, katipiran,
katiyagaan, at pagmamahal sa mga bata.
3. Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay
namana niya kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa
insulto.
4. Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang
pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili, at
malayang pag-iisip.
5. Mula sa kaniyang ina ay namana niya
pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at
panitikan.
2. Kapaligiran
1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing
kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at
literatura.
2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo
sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa
kalayaan at katarungan.
3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay
natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan.
4. Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng
kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa mga
kuwentong bayan at mga alamat.
5. Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay
nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod:
1. Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya
ang pagmamahal sa sining.
2. Manuel Alonzo ay natutunan niya ang
kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan.
3. Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang
ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa.
6. Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang
pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip.

KABANATA 3 - ANG PAG-AARAL SA CALAMBA AT

BIÑAN
1. Mga Unang Guro ni Rizal
1. Doña Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal
2. Mestro Celestino
3. Lucas Padua
4. Leon Monroy
2. Pagpunta sa Biñan
1. Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba
para magtungo sa Biñan para mag-aral.
2. Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si
Paciano.
3. Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni
Rizal sa Biñan.
3. Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral
1. Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay
sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng kaalaman sa
Espanyol at Latin.
2. Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may
kahusayan sa balarilang Espanyol na sinulat nina
Nebrija at Gainza.
3. Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng
kaniyang guro.
4. Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa
Biñan isa na rito si Andres Salandanan na tumalo sa
kaniya.
5. Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang
Juancho na dito ay nakasama ng kaniyang
kaeskuwelang si Jose Guevarra.
6. Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna
sa kaniyang mga kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin
at iba pang mga aralin.
7. Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral,
siya ay napapalo ng kaniyang maestro halos araw-
araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng
kaniyang mga kamag-aral.
8. Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñan noong
Disyembre 1870 pagkatapos ng halos isa at kalahating
taon.
9. Nilisan ni Rizal ang Biñan sakay ng
Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa Calamba.
4. Ang Gomburza
1. Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan
niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong
paring martir na sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at
Jacinto Zamora.
2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging
malapit na mag-aaral ni Padre Jose Burgos.
3. Si Paciano sa maraming pagkakataon ay
naibahagi kay Rizal ang mag ideya at pilosopiya ni
Jose Burgos.
5. Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina
1. Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang
ina ni Rizal ay pinagbintangan na nagbabalak na
lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose Alberto) .
2. Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang
hipag ng kaniyang ina ay nagkipagsabawatan upang
maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason.
3. Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito
ay pinaglakad mula Calamba hanggang Santa Cruz,
Laguna na ang layo ay 50 kilometro.
4. Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa
at kalahating taon.

KABANATA 4 PAG-AARAL SA ATENEO

1. Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo
1. June 20, 1872 – sinamahan si Rizal ni Paciano
para magpunta sa Maynila. Kumuha ng pagsusulit sa
mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa
sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa
Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan
sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip
si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.
2. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa
siya
1. huli na sa patalaan
2. maliit para sa kaniyang edad
3. Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang
kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado.
4. Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose
Burgos na tumulong upang makapasok si Rizal sa
Ateneo.
5. Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na
pag-aari ni Señora Titay sa Daang Caraballo, na nasa
labas ng Intramuros.
2. Sistema ng Edukasyong Heswita
1. Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob
ng mga Jesuita kumpara sa mga kolehiyo noong sa
Pilipinas.
2. Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay
ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga aral ng
Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang
matalinong Katoliko mula sa pananaw ng mga Jesuita
ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan.
Ang pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem
Dei Gloriam – Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos.
3. Hinati ang klase sa dalawang pangkat
1. Imperyong Romano – katawagan sa mga
internos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng
bakuran ng Ateneo.
2. Imperyong Cartago – katawagan sa mga
externos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng
bakuran ng Ateneo.
1. Unang Taon sa Ateneo (1872-73)
1. Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa
kaniyang unang taon sa Ateneo.
2. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa
imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng mga linggo ay
nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.
3. Napanalunan niya ang kaniyang unang
gantimpala sa kaniyang pag-aaral – isang larawang
pangrelihiyon.
4. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang
kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng
aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng
kaniyang pamamahinga sa tanghali.
5. Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti
sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili ang kaniyang
pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama
ng loob sa hindi makatwirang puna ng guro sa kaniya.
6. Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging
masaya dahilan sa nasa bilangguan ang kaniyang ina.
Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang
kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang ina ukol sa
kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
2. Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)
1. Walang masyadong mahalagang pangyayari kay
Rizal sa Ateneo sa taong ito.
2. Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si
Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa hindi
magandang puna ng guro sa kaniya
3. Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga
dating kamag-aral sa Biñan.
4. Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng
kaniyang ina.
5. Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa
pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang mga
sumusunod:
1. Count of Monte Cristo na sinulat ni
Alexander Dumas.
2. Universal History na sinulat ni Cesar
Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama.
3. Travels in the Philippines na isinulat ni
Dr. Feodor Jagor.
3. Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)
1. Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang
Ikatlong Taon.
2. Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam
kaniyang paglaya kay Rizal.
3. Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal
sa klase.
4. Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa
wikang Espanyol dahilan sa mas mahusay ang mga ito
sa sa tamang pagbigkas.
4. Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)
1. Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre
Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang nasabing pari
ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti,
lalo na sa pagsulat ng mga tula.
2. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula
Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap
para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.
3. Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa
pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral na
mayroong limang medalya.
5. Huling Taon sa Ateneo (1876-77)
1. Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang
pag-aaral sa Ateneo.
2. Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23,
1877 at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.
6. Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo
1. Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal
1. Kalihim ng Marian Congregation
2. Kasapi ng Academy of Spanish Language
3. Kasapi ng Academy of natural Sciences
2. Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na
kilalang mahusay na pintor na Espanyol.
3. Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de
Jesus.
4. Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics.
5. Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na
tigilan na ang pagsulat ng tula.
7. Likhang Lilok
1. Imahen ng Birheng Maria na
ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre Lleonart.
8. Unang Pag-ibig ni Rizal
1. Segunda Katigbak – ang babaeng unang
minahal ni Rizal.
2. Mariano Katigbak – kapatid ni Segunda at
kaibigan ni Rizal.
3. La Concordia – ang paaralan na pinapasukan ni
Segunda Katigbak.
4. Manuel Luz – ang lalaking takdang
mapangasawa ni Segunda.

KABANATA 5 PAG-AARAL NG MEDISINA SA

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-82)
1. Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya
para sa pag-aaral sa unibersidad.
2. Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay
tinutulan ng kaniyang ina dahilan sa pagkakaroon
nito ng maraming kaalaman ay nanganganib ang
buhay ni Rizal.
3. Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay
isinama ni Paciano sa Maynila para mag-aral.
4. Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa
Unibersidad ng Santo Tomas.
5. Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra
bunga ng mga sumsusunod na dahilan:
1. Ito ang gusto ng kaniyang ama
2. Wala pa siyang tiyak na kursong gusto
6. Padre Pablo Ramon SJ – ang hiningan ni Rizal ng
payo ukol sa kaniyang dapat na maging kurso sa UST.
7. Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay
nag-aral sa kursong perito agrimensor sa Ateneo.
8. Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay
natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Ramon SJ
na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina.
Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang
pagnanais na magamot ang kaniyang ina.
9. Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na
babae:
1. Binibining L. – isang babae na taga Calamba na laging
dinadalaw ni Rizal sa gabi sa panahon ng bakasyon na
umuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda
Katigbak.
2. Leonora Valenzuela – kapitbahay ng inuupahang
bahay ni Rizal. Kaniya itong pinadadalhan ng sulat sa
pamamagitan ng hindi nakikitang tinta.
3. Leonor Rivera – pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang
inuupahang bahay. Sa kanilang pagsusulatan ay
ginagamit ni Leonor ang pangalang Taimis.
10. Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na
Espanyol noong 1878. Si Rizal ay pinalo ng sable sa
likod ng nasabing opisyal.
11. Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan
ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing paligsahan ay
nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang
sinulat na may pamagat na A La Juventud Filipina.Ang
paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.
12. Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan
ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pag-paparangal
sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes.
Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda
na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo
ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga
Pilipino at Espanyol.
13. Kampeon ng mga Estudyante – Nagtayo sina
Rizal ng isang samahan na tinatagwag
na Compañerismo sa layunin na ipagtanggol ang
kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang
mga kamag-aral na Espanyol.
14. Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng
mga sumusunod na kadahilanan;
1. Galit sa kaniya ang mga guro ng UST
2. Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga
Espanyol
3. Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST

KABANATA 6 – PAGPUNTA SA ESPANYA (1982-85)

A. Ang Pag-alis
1. Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon
ng pag-aaral ng medisina sa UST si Rizal ay nagbalak
na tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-
aaral.
2. Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal
1. Paciano – ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para
magtungo sa Europa.
2. Antonio Rivera – ang ama ni Leonor Rivera na
kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng Espanya.
3. Jose Mercado – ang ginamit na pangalan ni Rizal sa
kaniyang lihim na pag-alis patungo sa Espanya.
3. Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay
ng barkong Salvadora.
4. Donato Lecha – ang kapitan ng barkong Salvadora.
B. Singapore
1. Mayo 8, 1882 – narating ni Rizal ang Singapore.
2. Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal
sa Singapore.
3. Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:
1. Harding Botaniko
2. Distritong Pamilihan
3. Templong Budista
4. Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag
ng Singapore.
4. Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng
barkong Djemnah.
B. Colombo
1. Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa
barko Djemnahat binalak ni Rizal na magsalita ng
Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito.
2. Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong
malungkot ang lunsod.
3. Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda
ang lunsod kaysa sa Singapore, Port Galle, at Maynila.
B. Suez Canal
1. Suez Canal – isang lagusang tubig na nag-uugnay ng
Red Sea at Mediterrenean Sea.
2. Ferdinand de Lesseps – isang diplomatikong Pranses
na nagplano ng pagtatayo ng Suez Canal.
3. Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng
Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita
ng iba’t ibang mga wika.
B. Naples at Merseilles
1. Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong
narating ni Rizal ang Naples noong Hunyo 11, 1882.
2. Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng
Merselles at kaniyang binisita ang Chateu d’If na
siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa
kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.
B. Barcelona
1. Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty
narating ang Barcelona sakay ng tren galing Pransiya.
2. Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
3. Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal
sa Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi
magandang bahagi ng lunsod.
4. Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw
sa Barcelonadahilan sa nakita niya ang lunsod ay
nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay
palakaibigan, at magagalang.
5. Plaza de Cataluña – ang paboritong kaininan ng mga
mag-aaral na Pilipino sa Barcelona at dito binigyan si
Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang
pagdating.
B. Amor Patrio
1. Amor Patrio – ang unang akda ni Rizal sa labas ng
bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang pangalan sa
panulat na Laong Laan.
2. Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan
sa Maynila na naglathala ng kaniyang mga artikulo.
3. Basilio Teodoro – ang patnugot ng Diariong Tagalog.
4. Marcelo H. Del Pilar – ang nagsalin ng Amor
Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang Tagalog.
5. Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong
Tagalog
1. Los Viajes
2. Revista del Madrid
B. Paglipat sa Madrid
1. Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa
epidemya ng kolera sa Pilipinas.
2. Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na
nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor
buhat ng siya ay umalis.
3. Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.
B. Buhay sa Madrid
1. Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid
sa mga kursong:
1. Medisina
2. Pilosopiya at Pagsulat
2. Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:
1. Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San
Fernando
2. Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of
Sanz y Carbonell
3. Nag-aral ng mga wikang:
1. Pranses
2. Aleman
3. English
3. Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo
4. Nagbasa ng maraming mga aklat
5. Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos
6. Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto
7. Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga
Paterno
B. Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez
1. Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa
bahay ni Señor Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng
Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador
Heneral Polavieja.
2. Consuelo – ang anak na dalaga ni Don Pablo na
umibig kay Rizal.
3. Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may
pamagat na A La Señorita C. O. Y P.
4. Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga
dahilan sa:
a. Tapat siya kay Leonor
b. Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay
nanliligaw sa dalaga
B. Si Rizal Bilang Mason
1. Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal
ng Espanya na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng
mga Mason.
2. Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga
taong may malayang kaisipan.
3. Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi
ang tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga
prayle sa Pilipinas.
4. Logia de Acacia – ang balangay ng Masoneya na
inaniban ni Rizal.
B. Paghihirap sa Paris
1. Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan
sa hindi naging maganda ang ani sa kanilang lupa.
Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal
sa Madrid.
2. Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may
maipadala lamang kay Rizal.
3. Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa
Griego na hindi man lamang nag-aalmusal at
nananghalian.
B. Pagpugay kina Luna at Hidalgo
1. Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan
sa pagkapanalo nina :
1. Juan Luna sa Spolarium
2. Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas
Expuesta al Populacho.
B. Pagtatapos sa Pag-aaral
1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa
Medisina at Pilosopiya

KABANATA 7 - RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN

I. Sa Paris (1885-86)
1. Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na
magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa
mata.
2. Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si
Rizal sa bahay ni Maximo Viola na nag-aaral ng
medisina sa Barcelo.
3. Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio
Carominas ang patnugot ng pahayagang La
Publicidad .
4. Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at
naglingkod bilang katulong ni Dr. Loius de Weckert na
pangunahing optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito
si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero
1886.
5. Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert
ay kanyang kaibigan partikular na dito ang
pamilyang Pardo de Tavera.
I. Heidelberg
1. Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal
ay nagtungo ng Alemanya para sa
pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.
2. Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang
lunsod ng Heidelberg na kilala sa kanyang
unibersidad. Naninirahan siya sa isang boarding
house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng abogasya.
3. Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong
sa klinika ni Dr. Otto Becker, isang kilalang doktor ng
optalmolohiya sa Alemanya.
4. A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal
sa kagandahan ng mga bulaklak ng Heidelberg.
5. Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon
ng Ikalimang Daan Taon ng Pagkakatatag
ng Heidelberg.
I. Wilhelmsfeld
1. Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya
kung saan si Rizal ay tumigil ng tatlong buwan.
2. Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal
habang siya ay nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.
3. Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at
ito ay kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng
pagsulat sa anak nito na si Friedrich Ullmer na
nagpapasalamat sa kabutihan ng nasabing pamilya.
I. Unang Sulat kay Blumentritt
1. Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na
ipinadal;a niya kay Blumentritt.
2. Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo
ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng
mga diyalekta ng Pilipinas.
3. Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang
Espanyol at Tagalog na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt
upang magamit niyang batayan sa pag-aaral ng wikang
Tagalog.
I. Leipsig at Dresden
1. Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang
binisita upang dumalo ng aralin sa Kasaysayan at
Sikolohiya.
2. Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich
Ratzel na kilalang mananalaysay at si Dr. Hans
Mever na isang kilalang antropologo.
3. Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian
Andersen.
4. Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay
kaniyang nakilala si Dr. Adolph Mever ang direktor ng
Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya.
I. Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko
sa Berlin
1. Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan
sa pagkakroon nito ng siyentipikong kapaligiran at
malaya sa pagtatangi ng lahi.
2. Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing
manlalakbay na sumulat ng isang akalt tungkol sa
Pilipinas.
3. Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang
Aleman na nakilala ni Rizal sa Berlin.
4. Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na
nakilala ni Rizal sa Berlin.
5. Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang
optalmolohista ng Berlinat dito si Rizal ay naglingkod
sa klinika.
6. Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na
magsalita sa isang pagpupulong ng Ethnographic
Society ng Berlin.
7. Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na
binasa ni Rizal sa isinagawang pagpupulong
ng Ethnographic Society ng Berlin.
I. Buhay ni Rizal sa Berlin
1. Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin
a. Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya
b. Palawakin ang kaalaman sa agham at wika
c. Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng
Alemanya
d. Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman
e. Ipalimbag ang Noli Me Tangere
1. Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman
a. Seryosa
b. Matiyaga
c. Edukada
d. palakaibiganin
1. Paghihirap sa Berlin
a. Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba
b. Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw
c. Naglalaba ng kaniyang sariling damit
d. Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit
na tuberkulosis

KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG NG NOLI ME

TANGERE
I. Ang Ideya at Pagsulat ng Noli
1. Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet
Beecher Stowe na tumatalakay sa buhay ng mga
aliping itim sa Amerika.
2. Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan
pinanukala ni Rizal sa grupo ng mga Pilipino na
magsulat sila ng isang nobelang ukol sa kalagayan ng
Pilipinas.
3. Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere
a. 1/2 sa Espanya
b. 1/4 sa Pransya
c. 1/4 sa Alemanya
1. Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata
ng Noli Me Tangere.
2. Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli
Me Tangere sa pamamagitan ng pagpapahiram niya
kay Rizal ng halagang P300 upang magamit sa
pagpapalimbag ng nasabing nobela.
3. Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me
Tangere at inihanda para sa pagpapalimbag.
4. Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang
palimbagan na tumanggap upang ilaathala ang Noli Me
Tangere sa halagang P300 sa daming 2,000 kopya.
5. Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang
nobelang Noli Me Tangere.
6. Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli
a. Ferdinand Blumentritt
b. Dr. Antonio Ma. Regidor
c. Graciano Lopez-Jaena
d. Mariano Ponce
e. Felix Resurrecion- Hidalgo
1. Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula
sa ebanghelyo ni San Juan.
2. Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang
bayan.
3. Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal
sa Noli Me Tangere upang makatipid siya sa presyo ng
pagpapalimbag ng nobela.

KABANATA 9 - PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA

NI VIOLA
I. Ang Paglalakbay
1. Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina
Rizal at Viola sa Europa.
A. Dresden
1. Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa
Eksposisyon ng mga Bulaklak.
2. Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng
Sining.
3. Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na
labis na hinangaan ni Rizal sa Dresden.
4. Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg
telegrama si Blumentritt bago siya pumunta ng
Leitmeritz.
A. Leitmeritz
1. Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at
dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt
sa istasyon ng tren dala ang larawan na
pagkakakilalanan kay Rizal.
2. Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt
habang bumibisita sa Leitmeritz.
3. Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt
a. Rosa ang asawa ni Blumentritt
b. Dolores - anak
c. Conrad - anak
d. Fritz - anak
1. Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at
kaniyang hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa
madaling pagkatuto ng wikang Aleman.
2. Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko
ng Europa nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.
3. Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na
nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.
A. Prague
1. Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong
Mayo 17 -19, 1887.
2. Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng
Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod
dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt.
3. Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus -
ang dakilang astronomo sa kasaysayan ng
sangkatauhan.
4. Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan
ni San Juan Nepomuceno pati na ang tulay na
pinaghulugan nito.
A. Vienna
1. Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa
sa mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong
panahong iyon. Sa dakong huli hinangaan din niya si
Rizal sa katalinuhang taglay nito.
2. Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola
sa Vienna.
A. Pagbaybay sa Ilog Danube
1. Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa.
Nagsakay sina Rizal at Viola ng bangka upang makita
ang kagandahan ng ilog at ng kanyang mga pangpang.
2. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang
kakaibang gamit ng mga tagarito na papel na napkin
sa kanilang pagkain.
A. Lintz tungo sa Rheinfall
1. Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at
panandaliang namasyal upang malasahan
ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya.
2. Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at
Viola ang museo na nagtataglay ng mga kagamitang
pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at
ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking
industriya ng lunsod.
3. Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng
lunsod na kilala bilang pinakamalaki at pinakamataas
at pinanhik ang tore nito.
4. Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang
sinabing "pinakamaganda sa buong Europa."
A. Switzerland
1. Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang
pinakamaganda sa buong Europa.
2. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland
a. Aleman
b. Pranses
c. Italyan
1. Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa
isinasagawang Eksposisyon sa Madrid na ang
ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ng Igorot na
suot na bahag at mga makalumang kagamitan ay
pinagtatawanan ng mga taga- Madrid.
2. Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na
taong kaarawan at kanyang pinakain si Viola ng isang
masaganang pagkain.
3. Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at
Viola. Si Rizal para ipagpatuloy ang kanyang
paglalakbay sa Italya at si Viola naman para magbalik
sa Barcelona.
A. Italya
1. Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal
a. Turin
b. Milan
c. Venice
d. Florence
e. Rome
1. Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar"
noong Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis
ang karangyaan ng nasabing lunsod.
2. Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa
Roma
a. Capitolium
b. Bato ng Tarpeian
c. Palatinum
d. Forum Romanum
e. Ampiteatro
f. Simbahan ng Santa Maria Magigiore
1. Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa
mundo at dinalaw ito ni Rizal noong Hunyo 29, 1887.
Kanyang nakita ang Basilica de San Pedro - ang
pinakamalaking simbahan sa mundo.

KABANATA 10 ANG UNANG PAGBABALIK

A. Desisyon na magbalik sa Pilipinas
1. Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas
a. Paciano Rizal
b. Silvestre Ubaldo
c. Jose Cecilio
1. Mga Dahilan ng Pagbabalik
a. Tistisin ang mata ng kanyang ina
b. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan
c. Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli
d. Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera
1. Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang
ama ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
A. Pagbabalik Patungo ng Maynila
1. Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa
barkong Diemnah ang barkong kanyang sinakyan
noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na
ang nakakaraan.
2. Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at
sumakay ng barkong Haipong.
3. Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.
4. Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang
pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago
sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.
A. Pagbabalik sa Calamba
1. Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa
Calamba.
2. Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga
unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa
kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang
nakababatang kapatid.
3. Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang
maka-paglingkod sioya bilang manggagamot.
4. Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang
ina, nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang
katarata nito ay hindi pa noon hinog.
5. Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -
Calamba at naging bantog sa Calamba at mga karatig
bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika.
6. Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang
paggagamot at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga
ay umabot ng P5,000.
7. Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba
upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa
bisyong tulad ng sugal at sabong.
8. Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa
pagtutol ng kanyang mga magulang na dalawin ang
dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw
na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal.
A. Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere
1. Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at
naghahatid ng mga sumbong na laban sa
nobelang Noli Me Tangere.
2. Emilio Terrero - ang gobernador heneral na
nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelang Noli
Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang
kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay
si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.
3. Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating
guro na sina Padre Federico Faura, Francisco Paula
Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya
ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo,
ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga
kopya.
4. Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng
mga Pilipino at nagpadala ng kopya ng Noli Me
Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas
upang pag-aralan ang nobela.
5. Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong
ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng
pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere.
6. Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST
ng rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay
heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang
pampubliko.
7. Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng
mga guro ng UST dahilan sa alam niyang kalaban ni
Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng
Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura
na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng
simbahan.
8. Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa
Sensura na nag-ulat na ang Noli Me Tangere
ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan.
Kanyang iminungkahi ang pagbabawal
ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang
nobela.

A. Mga Kaaway ng Noli Me Tangere

1. Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na
naglabas ng walong polyeto na bumabatikos sa Noli
Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat niya ay
ipinagbibili sa mga nagsisimba.
2. Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me
Tangere.
Jose Salamanca
Luis M. de Pando
Fernando Vida
3. Vicente Barrantes - kanyang binatikos ang Noli Me
Tangere sa kanyang inilathalang artikulo sa
pahayagang La Espana Moderna.
A. Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere
1. Marcelo H. del Pilar
2. Antonio Ma. Regidor
3. Graciano Lopez Jaena
4. Mariano Ponce
5. Segismundo Moret - isang Espanyol na dating
Ministro ng hari ng Espanya at tagapagtanggol ng Noli
Me Tangere.
6. Miguel Morayta - propesor ng kasaysayan sa
Unibersidad Central de Madrid.
7. Ferdinand Blumentritt
8. Padre Vicente Garcia - isang iskolar na paring Pilipino
na gumawa ng isang polyeto na ginamitan niya ng
pangalang panulat na Desiderio Magalang at kanyang
sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose Rodriguez
laban sa Noli Me Tangere at sa may akda nito.
A. Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel de Andrade
1. Jose Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong
Espanyol na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero
upang magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa mga
lihim niyang kaaway.
2. Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may
kultura naging ganap na magkaibigan sina Rizal at
Andrade .
3. Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal,
iskrimahan, at pagbaril.
A. Suliranin Agraryo sa Calamba
1. Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng
kanyang nabasa sa Noli Me Tangere at nagpasimula ng
imbestigasyon sa mga hacienda na pag-aari ng mga
prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis na
nagaganap dito.
2. Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa
Calamba sa pagkuha ng mahahalagang datos ukol sa
suliraning agraryo sa kanyang bayan.
3. Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga
sumusunod:
a. ang hacienda ng mga paring Dominikano ay
sumasakop sa buong bayan ng Calamba.
b. Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na
tumataas dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng
binabayarang upa sa lupa.
c. Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng
anumang tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang
ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga kabataan,
at pagpapabuti ng agrikultura.
d. Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa
paggawa sa hacienda ay pinapaalis na lamang mula sa
lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na
kadahilanan.
e. Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa
hacienda at kung hindi nakapagbabayad ay
kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang
mga hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga
kasama.
A. Pag-alis sa Calamba
1. Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa
suliraning agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay
labis na kinamuhian ng mga prayleng Dominikano.
2. Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero
na iligpit si Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapon sa
kanya ngunit ang gobernador heneral ay hindi
sumunod sa kagustuhan ng mga prayle.
3. Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal
ang kanyang mga magulang at pinaki-usapan siya ng
kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose
Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas.
4. Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at
pinayuhan siya na umalis ng Pilipinas para sa
kabutihan ng una.
5. Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng
dalawang pangunahing kadahilanan.
6. Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga
magulang, kapatid at mga kaibigan.
7. Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng
byan kung siya ay magsusulat na malaya sa ibang
bansa.

KABANATA 11 HONGKONG AT MACAO

A. Biyahe Patungo sa Hongkong
1. Peberero 3, 1888 - sumakay si rizal ng
barkong Zafiro patungo ng Hongkong at nakarating sa
Amoy, China noong Pebrero 7,1888.
2. Hndi lumabas si Rizal ng Amoy bunga ng tatlong
dahilan:
a. hindi mabuti ang kanyang pakiramdam
b. umuulan noon ng malakas
c. narinig niya na ang lunsod ay marumi.
1. Victoria Hotel - dito nanuluyan si Rizal sa pagdating
sa Hongkong
2. Jose Sainz de Varanda - isang opisyal na Espanyol na
sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal sa
Hongkong.
3. Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong ang mga Pilipinong
takas mula sa Marianas na hinuli ng mga Espanyol
noong 1872.
4. Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong si Jose Basa isang
abogadong tumakas sa Marianas aat biktima ng
terorismo ng Espanya ng 1872.
A. Pagbisita sa Macao
1. Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa
patungo sa Macao noong Pebrero 18, 1888 at nakita
niya dito si Jose Sainz de Varanda na sumusunod sa
kanya.
2. Don Juan Francisco Lecaros - Pilipino na nakapag-
asawa ng Portugess at sa kanyang bahay si Rizal ay
nanuluyan habang sila ay nasa Macao.
A. Karanasan sa Hongkong
1. Naobserbahan ni Rizal ang mga sumusunod sa
Hongkong;
a. Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero
11- 13, 1888.
b. Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino at paraan
ng pagganap at paglalarawan ng mg galaw ng mga
tauhan.
c. Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin
ay inaanihan ng labis na pagkain.
d. Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng
pangrelihiyon sa Hongkong dahilan sa pag-aari ng
maraming mga bahay paupahan, at malaking
halagang salapi na nakadeposito sa mga bangko na
tumutubo ng malaking interes.
A. Paglisan sa Hongkong
1. Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong
sakay ng barkong Oceanic na pag-aari ng mga
Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang
Hapon.

KABANATA 12 SI RIZAL SA HAPON

A. Ang Pagdating sa Hapon
1. Pebrero 28, 1888 - duamting si Rizal sa Yokohama at
tumigil sa Grand Hotel.
2. Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na
siyang punong lunsod ng nasabing bansa.
A. Si Rizal sa Tokyo
1. Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya
sa Tokyo na bumisita kaay Rizal sa hotel at
inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng
legasyon.
2. Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya
sa tokyo dahilan sa mga sumusunod:
a. Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon
maninirahan
b. Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol
1. Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging
matalik niyang kaibigan si Juan Perez Caballero at
kanyang sinabi na ang diplomat ay isang bata,
matalino, at mahusay na manunulat.
2. Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo ay napahiya si Rizal
sa dahilan na napagkamalan na isang Hapon na hindi
marunong magsalita ng nihongo.
3. Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang nihongo at
natutunan niya ito sa loob ng ilang araw lamang.
4. Pinag-aralan din ni Rizal ang kabuki, sining, musika,
at jujitsu.
5. Nakatagpo ni Rizal sa Tokyo ang mga musikerong
Pilipino.
A. Ang Impresyon ni Rizal sa bansang Hapon
1. Ang impresyon ni Rizal sa bansang Hapon
a. Ang kagandahan ng bansa
b. Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga
Hapon
c. Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga
Haponesa
d. Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo
e. Halos walang pulubing makikita sa lansangan
A. Si O-Sei-San
1. Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay
nasa bansang Hapon at mas kilala siya sa katawagang
ibinigay ni Rizal na O-Sei-San.
2. Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng
Espanya sa Tokyo na kung saan malapit ang tinitirhan
ni O-Sei-San.
3. Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan
ng legasyon at siya ay ipinakilala ng hardinero ng
legasyon kay O-Sei-San na isang manggagamot na
mula sa Maynila at panauhin ng legasyon. Sumagot si
O-Sei-San sa salitang Pranses at Ingles.
4. Buhat noon ay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-
Sei-San at nakasama ni Rizal sa pamamasyal sa mga
magagandang lugar ng lunsod ng Tokyo.
5. Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay
bigo kay Leonor Rivera at biktima ng kawalan ng
katarungan.
6. Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang
karanasan sa pag-ibig. Ang magkatulad nilang interes
sa sining ang nagbigay daan sa kanilang pag-ibig.
7. Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na
babaing iibigin. Si O-Sei-San ay maganda,
mapanghalina, mahinhin at matalino.
8. Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahilan sa maginoo,
magalang at pagkakaroon ng maraming kaalaman.
9. Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan
ng higit sa isang katipan. Si O-Sei-San ay nagsilbing
kasama ni Rizal sa pamamasyal, interpreter at
tagapagturo.
10. Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos
bumihag kay Rizal na manirahan sa Hapon at
tanggapin ang magandang hanapbuhay na inaalok ng
legasyon ng Espanya sa Tokyo.
11. Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa
sa pakasalan si O-Sei-San .
12. Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-
asawa lamang ito noong 1897 pagkatapos na bitayin si
Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred
Charlton na isang Ingles na isang guro ng kemistriya
sa Tokyo.
A. Pag-alis sa Hapon
1. Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal
sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng
barkong Belgic.
2. Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni
Rizal sa barko ang mag-asawang Reinaldo Turner at
Emma Jacson. Itinanong ng kanilang anak kung kilala
niya si Richal na sumulat ng Noli Me Tangere . Sinabi
niya sa mga bata na siya si Rizal.
3. Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa
barko. Siya ay mamamahayag, nobelista, at
tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Hapon.
a. Magkatulad si rizal at Techo sa dahilan sa silang
dalawa ay pinaalis sa kanilang mga
bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan.
b. Kapwa sila mga lalaki ng kapayapaan na gumamit ng
lakas ng panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na
nagaganap sa kanilang bansa.
c. Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy
ang kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng
kanilang mga kababayan.
d. Kapwa sila mayroong misyon na palayain ang
kanilang bansa sa mga mapaniil na pinuno ng
pamahalaan.

You might also like