You are on page 1of 2

ANG UWAK NA NAGPANGGAP

(Ni G. Domingo)
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa.
Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba’t ibang kulay na taglay
niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay
kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo


at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman
hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba’t ibang kulay na balahibong
nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa’y pinagtutuka nila ito
hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya
tinanggap ng mga ito. At sinabing, “Hindi namin kailangan ang isang
tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!”
Ang klima ay ang pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian
ng panahon (weather) sa isang takdang lugar o rehiyon. Depende ang klima sa
pagdating ng tag-init,tag-tuyot,tag-lamig o tag-ulan sa pook o rehiyong pinag-
uusapan.<ref name=NBK>The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng
Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporation at c patrick noddy ay nag
pakamatay

Ang klima ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar.

Iba't- ibang uri ng klima:

1. Tag-araw

Ito ang pinakamainit at isa sa pinakatuyong panahon ng taon, kaya't tinatawag din
itong tagtuyot kung minsan.

2. Tag- ulan

Ang tag-ulan ay panahon ng mga bagyo at baha.

3. Tag- lamig

Itinuturing na panahon ng tagyelo o winter.

4. Tag- lagas

Ito ay ang panahon pagkaraan ng tag-araw at bago dumating ang taglamig.

5. Tag- sibol

Panahon pagkalipas ng tagyelo at bago sumapit ang taginit o tag-araw. Nagiging


mas mainit ang panahon dahil nakakiling ang lupa patungo sa araw.

You might also like