You are on page 1of 2

PAANO PUMATAY NANG HINDI MAKUKULONG?

(Naranasan mo na bang pumatay? Osige, iibahin ko ang tanong Gusto mo bang pumatay? Gusto
mo bang pumatay nang hindi makukulong? Makinig ka Dahil may ikukuwento ako sayo Minsan kasi,
may nakilala ako Hindi naman siya kriminal Pero eksperto siya sa usaping into At oo, sa katunayan
nga, sa kanya ko natutunan ang teknik na 'to) Paano pumatay nang hindi makukulong? Ganito,
humanap ka ng biktima Yung inosente at walang muwang Yung sa tingin mong hindi manlalaban
Pag nahanap mo na siya, Kilalanin mo siya Alamin mo ang lahat lahat ng tungkol sa kanya Hindi
lang yung pangalan o kaarawan niya Puntiryahin mo rin yung mga bagay na hindi alam ng iba Lahat
ng pinakatatagong lihim niya Mga bagay bagay na hindi mabababakas pero tinataglay niya Pasukin
mo! Ang buhay niya Ang mundo niya Alamin mo lahat ng ayaw at gusto niya Tanungin mo kung
bakit puti at itim ang paboritong kulay niya Kung bakit ayaw niya sa suka at bakit mahilig siya sa
pusa Hayaan mo siya Na isalaysay ang taglay niyang hiwaga Makinig ka habang iniisa-isa niya ang
mga weirdong pangyayari sa buhay niya At dahil minsan ka na lang papatay nang hindi
makukulong, magpapakasadista ka na! Galingan mo sa pagpapanggap, na kunwari nakikinig ka
talaga Hayaan mo siyang magkwento Hayaan mo siyang masanay sa kompanya mo Hayaan mo
siyang gisnan ang pagkakaroon ng kaibigan na tulad mo Hayaan mo siya na ibahagi sa'yo yung
mga bagay na takot na takot siyang masialyan man lang ng ibang tai Hayaan mong gumaan ang
loob niya sa iyo Hanggang sa mahulog siya sa bitag na inihanda mo At kapag nahulog na siya sayo
Saluhin mo Kasi nga minsan ka na lang papatay nang hindi makukulong, magpapakasadista ka na!
Kaya oo, saluhin mo muna Paniwalain mo siya na parehas kayo ng nadarama Tandaan mong
inosente siya sa mundong sinusubukan mong ipakilala sa kanya Kaya't dalhin mo siya sa lugar na
hindi niya pa napupuntahan Iparamdam mo sa kanya ang mga hindi niya pa nararanasan At sa
sandaling maghangad siya ng isang simpleng harana, alayan mo siya ng engrandeng banda Sa
sandaling maghangad siya ng plastik na kubyertos at plato, alayan mo siya ng mga yari sa ginto Sa
sandali na maghangad siya na mahawakan man lamang ang buwan, alayan mo siya ng isang buong
kalawakan Dahil 'ika nga nila Hindi alam ng tao ang kailangan niya Hangga't hindi ito direktang
inihahain sa kanya Kaya wag mo lang siya basta pakainin Palamunin mo siya Hayaan mong mabuo
ang tiwala niya Hayaan mong matunaw ang takot niya na baka bigla kang mawala Hayaan mong
tignan niya ang bukas na kasama ka Hayaan mong maging ikaw ang sentro ng buhay niya Hayaan
mong maging ikaw ang buhay niya Hanggang sa hindi niya na makita ang sarili na nabubuhay nang
wala ka Samahan mo siya Na magpakalunod sa ligaya na hatid ng iyong presensya Manatili ka sa
tabi niya habang unti-unti siyang natututo na kumatha ng tula Tula, na tungkol sa'yo at kung gaano
ka niya sinasamba Tula, na tungkol sa labis na tuwa dulot ng unang tao na nagparamdam ng
ganoong klaseng pagmamahal sa kanya Kung gaano siya kaswerte dahil dumating ka sa buhay niya
At kung gaano kalakas ang paniniwala niya, na ikaw na nga ang una't huling tao na mamahalin niya
at magmamahal sa kanya Tula na tungkol sa kung gaano ka niya kamahal na umaabot sa punto na
kung mali ang mahalin ka hindi niya gugustuhin maging tama Tula na nagsasabing mahal na mahal
na mahal ka niya Makiramdam ka! Kapag alam mo na masyado na siyang nalilibang sa hatid mong
saya at masyadong na siyang nalulunod sa samahan ninyong dalawa, tipong ikaw na yung palaging
hanap hanap niya at ramdam mo na mahal na mahal ka na niya talaga Saka ka unti-unting
magbago Saka ka unti-unting manlamig Saka mo unti-unting ilayo ang sarili mo sa kanya Saka mo
unti-unting bawiin lahat ng inaalay mo sa kanya Saka mo unti-unting dalangan ang pagsasabi sa
kanya ng mga salitang na nagdudulot sa kanya ng kakaibang ligaya Unti unti, oo Kasi nga minsan
ka na lang papatay nang hindi makukulong, magpapakasadista ka na! Kaya oo, unti unti Dahil wala
nang mas sasakit pa sa pamamaalam na hindi mo pa naririnig ngunit nadarama mo na Na alam
mong hindi pa nangyayari pero paparating na At kapag pagod ka nang makipaglaro sa kanya Kapag
sawa ka nang umisip ng panibagong kasinungalingan pa Kapag naubusan ka na ng dahilan para
manatili pa Iwan mo na siya Bitawan mo siya Nang walang paliwanag at kahit na ano Sa isang iglap,
ituring mo siya estranghetro o kahit na anong walang kwenta para sayo Sa isang iglap, bigla kang
magbago, Maging ikaw yung tao na hindi interesado sa mga kwento niya Yung tao, na hindi
nasasabik sa mga tula niya Yung tao, na hindi iniisip ang nararamdaman niya Yung tao, na hindi
alam kung paano mahalin ang tulad niya Hayaan mo siyang tanungin ang sarili niya kung anong
maling nagawa niya Hayaan mo siyang mabaliw kaiisip kung ano pa ang kulang niya Hayaan mo
siyang manatiling gising hanggang umaga na luha lamang ang tanging kasama Hayaan mo siyang
magsulat ng tula na masakit at malungkot ang tema, Hayaan mo siya na maging mapagpanggap,
ipakita sa madla na masaya kahit sa totoo lang ang sakit sakit na Ituturing niya ang bawat araw
bilang isang tanikala Na nakatakda niyang dalhin ang sakit dulot ng iyong pagkawala Pipiliting
tanggapin ang katotohanang wala na, wala nang kayo at wala na yung dating siya kasi wala ka na
Pero mananatili siya sa pagkapit sa pag-asa na babalik ka pa At walang gabi na nindi siya hihiling
na sana paggising niya nandyan ka na Pero kakainin ng liwanag ang dilim at darating ang umaaga
Magigising siya na tanging malamig na hangin ang sasalubong sa kanya At hindi siya tanga, alam
niya, alam niya na isa itong paalala na wala nang babalik pa Kahit na ilang balde pa ng luha ang
iiyak niya Mapuno man ang bawat sulok ng mundo ng mga tulang isusulat niya Alam niya Na hindi
na mauuulit ang lahat pero umaasa siya At babangon siya Magpapatuloy siya Kahit na alam niya Na
isa ang mga araw na iyon sa itinakda Upang isampal sa kanya ang katotohanan na wala ka na
Upang muli na naming maramdaman ang pagkadurog sa tuwing sasagi sa isip niya na umalis ka na
At maya’t mayang sisikip ang dibdib dahil sa pagpipigil ng luha Dahil bawal malaman ng iba na
nasasaktan siya Pero babangon siya Magpapatuloy siya Nang Buhay pero patay Patay pero buhay
Buhay na pinatay pero nanatiling buhay kahit ayaw na niya, ayaw na niyang mabuhay pero ayaw
niya pang mamatay kasi hinihintay ka niya Buhay pero patay Patay pero buhay Buhay na pinatay
pero nanatiling buhay kahit ayaw ko na, ayaw ko nang mabuhay pero ayaw ko pang mamatay kasi
hinihintay kita Oo ikaw Ikaw na nagturo sa akin ng taktikang ito Kung paano pumatay nang hindi
nakukulong Ang galling ‘di ba? Ikaw yung pumatay sa akin pero ako yung nakakulong Nakakakulong
sa nakaraan Kaya hanggang ngayon hindi pa rin kita nakakalimutan Kasi naman ba’t ‘di mo pa ako
tinuluyan? Kasi kung alam ko lang na magkakaganito Hihiling ako sa’yo Sana pinatay mo na lang
talaga ako Kasi mas mahirap palang mabuhay araw-araw Habang unti-unti akong pinapatay ng mga
ala-ala mo…

You might also like