You are on page 1of 50

Introduction to the Philosophy of the Human Person

PAMBUNGAD SA PILOSOPIYA NG TAO

Bilang ng oras sa semestre: 80 Oras sa Buong Semestre

Deskripsyon ng Kurso: Ipinakikilala ng kursong ito ang gawain at mga pamamaraan ng pamimilosopiya bilang
isang pangkabuoang pananaw sa buhay. Pinagmumunihan ditto ang pagkasumasakatawang-diwa ng tao,
ang iba’t ibang larangan ng pakikipamuhay sa mundo at sa kapaligiran ng tao bilang malaya,
nakikipagkapwa at sumasalipunan, hanggang kamatayan.

Mga Layunin: Sa katapusan ng kurso, magkakaroon ng kakayahan ang mag-aaral na

1. Mamilosopiya o magkaroon ng malawakang pananaw sa buhay
2. Maging mapangilatis sa buhay
3. Suriin nang malawakan at malaliman ang mga sitwasyong kinalalagyan
4. Maging tapat sa katotohahan, makakalikasan, mapaglingkod sa kapwa at
5. Masugid sa pakikibahagi sa paghubog ng isang makataong lipunan

Pangkalahatang Pamantayan sa Baitang: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayanang kumilatis sa buhay

mula sa malawakan at malalimang pananaw.

UNANG MARKAHAN: Kahulugan at Pamamaraan ng Pamimilosopiya Bilang Taong Sumasakatawang-diwa

sa Mundo at Kapaligiran
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa gawain ng pamimilosopiya ng
tao bilang sumasakatawang-diwa sa mundo at kapaligiran.
Batayang Konsepto: Ang pag-unawa sa kahulugan at pamamaraan ng pamimilosopiya ng tao bilang
sumasakatawang-diwa sa mundo at kapaligiran ay nagdudulot ng malawakang pananaw sa buhay.

Nilalaman Pamantayang Pamantayan Mga Kasanayang Pampakatuto

Pangnilalaman sa Pagganap
1. Pamimilosopiya Nakapagpapam Nakapagmumu 1.1 Nakikilala ang pagkakaiba ng pangkabuuang
alas ang mag- ni-muni ang pananaw mula sa pananaw ng mga bahagi lamang
aaral ng pag- mag-aaral sa 1.2 Natatasa kung napagmunihan ng isang tao ang
unawa sa isang suliranin
kanyang ginawa sa isang sitwasyon
gawain ng sa 1.3 Nahihinuha na mahalaga ang pamimilosopiya
pamimilosopiya pilosopikong upang magkaroon ng malawakang pananaw sa
. paraan. buhay.
1.4 Nakapagmumuni-muni sa isang suliranin sa
isang pilosopikong paraan at nakagagawa ng
pamimilosopiya sa buhay
2. Ang mga Nakapagpapam Nakapagpapam 2.1 Nakikilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa
Pamamaraan ng alas ang mag- alas ang mag- opinyon
Pamimilosopiya aaral ng pag- aaral ng 2.2 Nakapagsusuri ng isang karanasan na
unawa sa mga kakayahan na nagpapakita ng pagkakaiba ng katotohanan sa
pamamaraan ng mangilatis opinyon lamang
pamimilosopiya (discern) ng 2.3 Nahihinuha na patungo sa katotohanan ang
. mga opinyon. mga pamamaraan ng pamimilosopiya
2.4 Nakapagpapamalas ng kakayahan na
mangilatis (discern) ng mga opinion
3. Ang Tao Bilang Nakapagpapam Nakapagsusuri 3.1 Nakikilala ang mga pagkakatakda (hangganan)
Sumasakatawang alas ang mag- ang magaaral at pagsasaibayo (posibilidad) ng sarili
Diwa aaral ng pag- ng 3.2 Natatasa ang mga pagkakatakda (hangganan)
unawa sa tao pagkakatakda at pagsasaibayo (posibilidad) ng sarili
bilang (hangganan) at 3.3 Nakikilala na: Binibigyan akong hangganan at
sumasakatawan pagsasaibayo posibilidad ng aking katawan.
gdiwa. (posibilidad) 3.4 Nakapagsusuri ng pagkakatakda (hangganan)
ng sarili. at pagsasaibayo (posibilidad) ng sarili
4. Ang Tao sa Nakapagpapam Nakapagpapam 4.1 Napupuna ang kawalan ng kaayusan sa
Kanyang alas ang mag- alas ang mag- kapaligiran
Kapaligiran aaral ng pag- aaral ng 4.2 Napapansin ang mga bagay na wala sa
unawa sa pagiging wastong lugar at naisasaayos ito nang ayon sa
pakikipagtalaba masinop sa kagandahan
n (may epekto pakikibagay sa 4.3 Napatutunayan na ang pagkalinga sa
sa isa’t isa) ng kanyang kapaligiran ay nakatutulong sa pagkamit ng
tao sa kanyang kapwa nilalang kalusugan, kagalingan, at likas-kayang kaunlaran
kapaligiran. at sa 4.4 Nagiging masinop sa pakikibagay sa kanyang
kapaligiran. mga kapwa nilalang at sa kapaligiran

IKALAWANG MARKAHAN: Ang Buhay ng Tao

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamimilosopiya sa larangan ng
pagpapakatao ng tao bilang malaya, nakikipagkapwa-tao, sumasa lipunan, patungo sa kamatayan.
Batayang Konsepto: Ang pag-unawa sa pamimilosopiya sa konteksto ng kalayaan, pakikipagkapwa-tao,
sumasalipunan at patungo sa kamatayan ay nakatutulong sa pagpapalalim ng pagkatao ng tao.

Nilalaman Pamantayang Pamantayan sa Mga Kasanayang Pampakatuto

Pangnilalaman Pagganap
5. Ang Tao Bilang Nakapagpapam Nakapaglalahad
5.1 Nakikilala na ang bawat kilos ay may
Malaya alas ang mag- ang magaaralkahihinatnan
aaral ng pag- ng mga 5.2 Natatasa kung siya ay maingat sa pagpapasya o
unawa sa sitwasyon kung
hindi
pagkatao ng tao saan naipakikita
5.3 Nakikilala na:
bilang malaya. ang pagpili at a. May kahihinatnan ang bawat pagpili.
kahihinatnan ng b. May binibitawan at may makukuha sa
mga ito. bawat pagpili.
5.4 Nakapaglalahad ng mga sitwasyon kung saan
naipakikita ang pagpili at kahihinatnan ng mga ito
6. Pakikipagkapwa- Nakapagpapam Nakapagsasaga 6.1 Nakikilala na ang pakikipagkapwa-tao ay ang
tao alas ang mag- wa ang pagtanggap sa pagkakaiba ng kapwa at hindi
aaral ng pag- magaaral ng pagpataw ng sarili
unawa sa isang gawain na 6.2 Nakapagtatasa ng mga talentong may
pakikipagkapwa nagpapamalas kapansanan at kapus-palad na maaaring maiambag
-tao. ng mga sa lipunan
talentong mga 6.3 Nakapagpapaliwanag na ang tunay na diyalogo
may ay ang pagtanggap sa kapwa bilang kapwa kahit
kapansanan at na siya ay iba sa akin
kapus-palad. 6.4 Nakapagsasagawa ng isang gawain na
nagpapamalas ng mga talento ng mga may
kapansanan at kapus-palad
7. Ang Tao sa Nakapagpapam Nakapagtatasa 7.1 Nakikilala kung paano nahuhubog ng tao ang
Lipunan amalas ang ang magaaral lipunan at kung paano nahuhubog ng lipunan ang
mag-aaral ng ng mga tao
pag-unawa sa ugnayang nabuo 7.2 Nakapaghahambing ng iba’t ibang uri ng
pakikipagtalaba dahil sa lipunan (hal. agraryo, industriyal at birtwal)
n (epekto sa sistemang 7.3 Nakapagpapaliwanag na nagbabago ang mga
isa’t isa) ng tao lipunan na ugnayan ng tao dahil sa sistema ng lipunan na
sa lipunan. kinabibilangan kinabibilangan niya
niya at kung 7.4 Nakapagtatas ang mga ugnayang nabuo dahil
paano hinubog sa sistemang lipunan na kinabibilangan niya at
ng lipunan ang kung paano hinubog ng lipunan ang indibidwal.
indibidwal.
8. Ang Tao Bilang Nakapagpapam Nakapagsusulat 8.1 Nakikilala kung ano ang kahulugan ng
Tumutungo sa amalas ang ang magaaral kanyang buhay
Kamatayan mag-aaral ng ng pagninilay 8.2 Nakapagtatala ng mga bagay na tunay na gusto
pag-unawa sa tungkol sa niyang gawin (Ano ang gusto niyang maging?)
tao bilang kahulugan ng 8.3 Nakapagpapaliwanag sa kahulugan ng buhay
tumutungo sa sarili niyang (Saan hahantong ang lahat ng ito?)
kamatayan. buhay. 8.4 Nakapagsusulat ng pagninilay tungkol sa
kahulugan ng sarili niyang buhay
ARALIN 1 – Ang Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Kahulugan ng Pilosopiya

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral ang Kahulugan ng Pilosopiya
Pagkilos: Tanungin ang katabi, “ano sa palagay mo ang pilosopiya?”. Sabihin ang inyong sagot
sa buong klase.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Pilosopiya (Philosophy) = philia (pag-ibig) and Sophia (kaalaman)
b. Ito ay pag-alam na ginagamit ang pag-iisip
c. Ito ang nagbibigay ng layunin sa laham ng agham (science)
d. Ito ay pag-alam ng mga dahilan at pamamaraan ng pagtuklas ng magagandang kaisipan at
buhay
e. Ito ay upang isalarawan ang tunay na buhay at tunay na kondisyon ng tao
f. Ito ay pagkilatis sa mga “salitang” ginagamit
g. Ito ay tumutukoy sa mga pinaniniwalaan at ipinaglalaban ka kaisipan (ideologies) upang
makuha ang kapangyarihan at mga pribilehiyo sa lipunan
h. Ito ay upang pag-aralan ang lipunan ng tao para mapaunlad ito
Pagsasabuhay:
A. Magbigay ng dalawang kahulugan ng pilosopiya?
1. ___________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
B. Ano ang nais mong matutunan sa asignaturang Pilosopiya?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Pagtataya: ________________

Sesyon 2 – Ang 4 na Suliranin na Tinatalakay ng Pilosopiya

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral ang Apat (4) na Suliranin na
Binibigyan ng Solusyon ng Pilosopiya
Pagkilos: Sa isang papel, isulat ang iyong pangalan at ang pinakamahalagang tanong mo
tungkol sa buhay ng tao. Ipasa ang papel.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Lahat ba ng Pangyayari ay mayroon lamang isang dahilan? Dalawang Sagot:
1) Monismo (monism) – ang lahat ng pangyayari ay binubuo ng isang maayos na
kabuuan (“ordered whole”) o may isang pangkabuuang sistema (“completely unified
system”). Si Benedict Spinoza ay nagsabi na hindi natin mauunawaan ang anumang
pangyayari kung hindi natin mauunawaan ang lahat ng relasyon nito sa kabuuan.
2) Pluralismo (pluralism) – maaari nating maunawaan ang isang pangyayari kahit hindi
mo nalalaman o nauunawaan ang iba o lahat ng mga pangyayari. Ito ay pananaw ni
Charles Pierce at William James. Ito ay dahil lahat ng maayos o may basehan na
paliwanag ay katanggap-tanggap at dapat tanggapin.
b. Ano ang relasyon ng isip (“mind” o “soul”) sa katawan (“body”)? Dalawang Sagot:
1) Ang isip at katawan ng tao ay magkahiwalay at may sariling magka-ibang kalagayan
at patutunguhan (Rene Descrates).
2) Ang isip o kaluluwa ay resulta o kasama ng mga pisikal na pangyayari at kakayahan
(“Pragmatism”). Kapag nawala ang pisikal o katawan, wala na rin ang isip at
kaluluwa.
c. Mayroong bang Dios at ano ang Kanyang relasyon sa Sanlibutan at Tao? Tatlong Sagot:
1) “Immanent God” – mayroong Dios at siya ay nasa kalikasan at nasa tao.
2) “Transcendant God” – mayroong Dios at siya ay hiwalay, mas mataas at
makapangyarihan sa kalikasan at tao
3) “Agnostics” = ang paniniwala na may Dios o walang Dios ay hindi kayang
masolusyunan.
d. Ano ang katotohanan (“truth”) o realidad (“reality”)? Dalawang Sagot:
1) Naïve Realism – ang lahat ng nakikita, nararamdaman at nararanasan ang
katotohanan at realidad.
2) Metaphysical Idealism – ang lahat ng nakikita, nararamdaman o nararanasan ay hindi
matatawag na katotohanan at realidad, sapagkat ang katotohanan at realidad ay hindi
nakikita at pangwalang-hanggan.
Pagsasabuhay:
A. Para sa iyo, ano ang iyong mga sagot sa 4 na tanong ng Pilosopiya?
1. Ang lahat ba ng Pangyayari ay mayroon lamang isang dahilan?
______________________________________________________
______________________________________________________
2. Ano ang relasyon ng isip (“mind” o “soul”) sa katawan (“body”)?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Mayroong bang Dios at ano ang Kanyang relasyon sa Sanlibutan at Tao?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
4. Ano ang katotohanan (“truth”) o realidad (“reality”)?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
B. Sa 4 na tanong ng Pilosopiya, ano mas gusto mong pag-aralan ng lubusan? Bakit?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: ________________
Sesyon 3 – Apat na Elemento ng Pilosopiya
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral ang Ang Apat na Elemento ng
Pilosopiya
Pagkilos: Tanungin ang katabi, “ano ang mas gusto mong ipagkaloob sa iyo ng iyong mga
magulang, malaking kalupaan o pag-aralin ka hanggang gusto mo?” Bakit? Sabihin ang inyong
sagot sa buong klase.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Metapisika (Metaphysics) – “meta” (pagkatapos o sa likod); “physics” (bagay na
nakikita); tumutukoy sa mga bagay na hindi nakikita
b. Epistemolohiya (Epistemology) – pag-aaral sa batayan (validity) ng tamang pag-iisip
c. Etika (Ethics) – pagdedesisyon at pagpili sa tamang moralidad at responsibilidad
d. Lohika (Logic) – tamang paraan ng pakikipag-argumento at pagpapahayag (retorika)
Pagsasabuhay:
A. Sa iyong sariling pananalita, ano ang kahulugan ng mga sumusunod?
1. Metapisika __________________________________________________________
2. Epistemolohiya ______________________________________________________
3. Lohika _____________________________________________________________
4.Etika ______________________________________________________________
B. Para sa iyo, mayroon bang mga nilalalng na hindi nakikita (invisible) at kasama natin?
Ano ang iyong patunay?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 4 – Ang Kalikasan ng Pag-aaral ng Pilosopiya

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, magbabalik-aral sa Aralin 1 at magkaroon ng Dagdag na
Kaalaman
Pagkilos: Tanungin ang katabi, “bakit sikat ang mga fiction movies?” Sabihin ang inyong sagot
sa buong klase.
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilosopiya
a. Ang pilosopiya ay isang disiplina na walang bakod o limitasyon; “completely non-
dogmatic subject”
b. Sa pilosopiya ay maaaring gamitin ang lahat ng awtoridad (authorities) o mga batas
(laws) – legal na awtoridad, batas mula sa agham, dalubhasang kaalaman (expert
knowledge), o maging panrelihiyong awtoridad tulad ng mga Banal na Kasulatan
c. Walang anumang paniniwala, gaano man ito katagal na pinaniniwalaan o may
magagandang suporta o pruweba man, ang libre sa pagsusuri at pagtatanong.
Pagsasabuhay
A. Ano ang 4 na mga tanong ng Pilosopiya?
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ____________________________________________________________
B. Ano ang apat na elemento ng Pilosopiya?
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ____________________________________________________________
C. Paano mo pakikisamahan o tatanggapin ang mga tao na ang Pilosopiya ay hindi mo
katulad?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

ARALIN 2 – Ang Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Mga Tauhan (Beings) sa Sanlibutan

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral ang Mga Tauhan (Being) sa
Loob ng Sansinukob (Universe) at Sanlibutan (World)
Pagkilos: Magsulat ang mag-aaral sa pisara ng katangian ng magandang buhay.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Walang Buhay na Tauhan (“Non-Living Beings” o “Non-Living World”)
b. Ang May Buhay na Tauhan (“Living Beings” o “Living World”)
Kaibahan ng Walang Buhay at May Buhay na Tauhan
Walang Buhay May Buhay
Hindi kailangan ng pagkain Kailangan ng pagkain para mabuhay
Hindi lumalago Lumalago – ipinapanganak, lumalaki, namamatay
Hindi kumikilos Kumikilos
Hindi humihinga Humihinga
Hindi dumadami Dumadami
Hindi tumutugon Tumutugon
c. Ang mga espiritu o buhay na hindi nakikita
d. Ang Dakilang Dios bilang “Supreme Being”
Pagsasabuhay:
A. Magbigay ng 4 katangian ang may buhay na nilalang o tauhan (being)?
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ____________________________________________________________
B. Ano ang pagkakakilanlan o katangian ng buhay na makabuluhan?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 – Kaibahan ng Dios at Tao

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Mga Tauhan (Being) sa
Loob ng Sansinukob (Universe) at Sanlibutan (World)
Pagkilos: Magsulat sa pisara ng katangian ng tunay na Dios.
Pag-unawa: Maikling Lektura
Kaibahan ng Dios at May Buhay na Tauhan o sa Tao
Dios May Buhay/Tao
Walang Pasimula at Walang May Pasimula at May Wakas
Wakas
Walang Limitasyon (Omnipotent, May Limitasyon (Limitado sa Kakayahan, sa
Omniscient, Omnipresent) Kaalaman, at sa Lokasyon)
Hindi Nagbabago Nagbabago
Banal (Puspos ng pa-ibig, Makasalanan (kapos sa pag-ibig, kaawaan,
kaawaan, katapatan, katarungan, katapatan, katarungan, atbp.)
atbp.)
Nakapangyayari sa Buong Limitado sa Kapangyarihan
Sansinukob (Sovereign in the
whole Universe)
May Likha ng Lahat Nilikha
Hindi nangangailangan ng Nangangailangan ng maraming bagay at kapwa-
anuman o sinuman para mabuhay tao para mabuhay
(self-sufficient)
Pagsasabuhay:
A. Ano ang katangian ng Dios na gusto mo? Bakit

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
B. Ano ang katangian ng tao na gusto mo? Bakit?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 3 – 2 Prinsipyo ng Tamang Pakikipag-argumento

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral ang Prinsipyo ng Walang
Kontradiksyon (Non-Contradiction) at Prinsipyo ng Sapat ng Rason (Sufficient Reason)
Pagkilos: Sa nakasulat sa pisara, piliin ang tamang Konklusyon
Ang ebolusyon ay isang teorya kung paano nagkaroon ng buhay at tao sa mundo
Ang teorya ay isang paliwanag na walang konklusibong (conclusive) ebidensya
Konklusyon 1: Kaya nga, nagkaroon ng tao sa mundo dahil sa ebolusyon.
Konklusyon 2: Kaya nga, nagkaroon ng tao sa mundo hindi dahil sa ebolusyon.
Konklusyon 3: Kaya nga, ang pagkakaroon ng tao sa mundo ay hindi kayang madiskubre ng
tao.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Prinsipyo ng Walang Kontradiksyon (Non-Contradiction) – ito ay prinsipyo na
walang sinuman o anuman na magkasabay sa parehong oras, panahon at pagkakataon ay
parehong tama at mali.
b. Ang Prinsipyo ng Sapat ng Rason (Sufficient Reason) – ito ay prinsipyo na ang lahat ng
bagay, tao, hayop o mga pangyayari ay andito (in existence), nangyari o nabubuhay dahil
may sapat na dahilan o rason. Ang sapat na rason (cause) ay maaaring nasa (inherent)
kanya o nasa iba. Hindi maaari na ang epekto (effect) ay siya ring dahilan (cause) dahil
ito ay labag sa Prinsipyo ng Walang Kontradiksyon. Ang lahat na nandito o mga bagay
na nangyari ay may sapat na rason (sufficient reason) at may sapat na dahilan (sufficient
cause).
(files.meetup.com/602651/Metaphysics.ppt)
Pagsasabuhay:
A. Ibigay ang 2 batayan ng maayos na pag-iisip o pagbibigay ng rason (reasoning)?
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ____________________________________________________________
B. Para sa iyo, ano o anu-ano ang sapat na dahilan bakit ka nabubuhay sa mundo?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 4 – Ang Ebidensya
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, magbabalik-aral sa Aralin 2 at magkakaroon ng Dagdag na
Kaalaman
Pagkilos: Ano ang hahanapin o titingnan mong ebidensya na talagang mahal ka ng iyong bf/gf?
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilosopiya
a. Lahat ng may ebidensya ay maaari nating paniwalaan.
b. May mga bagay, kaisipan o pangyayari na madaling paniwalaan dahil maliwanag at nasa
harap natin ang ebidensya
c. Mga mga bagay, kaisipan o pangyayari na hindi madaling paniwalaan. Paano tayo dapat
maniwala na ginagamit ang pilosopiya?
1) Dapat ay gumamit tayo ng argumento o rason na nakabase sa isang bagay, kaisipan o
pangyayari na pinaniniwalaan ng lahat, lalo na kung ito ay sinasang-ayunan ng batas
ng agham (natural o scientific laws)
2) Dapat ay gumamit tayo ng argumento o rason na lohikal (logical reasoning) – walang
magkatulad na bagay sa parehong sitwasyon na magkasalungat o magkalaban
3) Dapat ay gumamit tayo ng argumento o rason na may kakayahang ipaliwanag ang
lahat ng bagay na maayos (explanatory power)
Pagsasabuhay
A. Magbigay ng 2 katangian na ang isang kaisipan ay opinyon lamang at hindi katotohanan?
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
B. Magbigay ng 1 pagkakaiba ng tao at Dios? Ipaliwanag ito

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Pagtataya: _________________

ARALIN 3 – Ang Pamamaraan ng Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Ang Rasyonalismo

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Pag-alam sa
Katotohanan na Nakabase sa Rason o Pag-iisip (Rationalism)
Pagkilos: Isulat sa pisara ang inyong pamanatayan na ang isang tao ay maganda (beautifiul) o
gwapo (handsome)?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Rasyonalismo ay ang paggamit ng isip at rason (Rene Descartes, Plato, Spinoza,
Phytagoreans) upang malaman ang katotohahan.
b. Ang tao ay may kakayanang magkaroon ng kahit anong kaalaman (kalikasan, universe,
Dios, batas o moralidad) sa pamamagitan ng paggamit ng isip at rason.
c. Ang ating isip na nakakadiskubre ng mga kaalamang matematika ay kayang magdiskubre
ng anumang katanungan.
d. Si Plato at Socrates na may mataas na pagtingin sa isip (mind) ay nagpanukala ng
salitang opinyon (“opinions”) sa halip na kaalaman (“knowledge”) kapag wala pang
lubos na katiyakan.
e. Ang katotohanan ay makikita lamang sa batas ng matematika at kahit kaalaman at batas
ng kalikasan ay maaaring isang opinyon lamang. May dalawang uri ng kaalaman:
1) Posteriori Knowledge – kaalaman na kailangan ng basehan o proofs.
2) A Priori Knowledge – kaalaman na direktang nauunawaan at hindi na kailangan pa
ng proofs.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang katawagan sa 2 katotohanan na kailangan at hindi kailangan ng ebidensya?
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
B. Ano sa tingin mo ang iyong “talent” o “kakayahan”? May sapat ka bang basehan sa tingin
mong ito?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 – Ang Empirisismo

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Pag-alam sa
Katotohanan na Nakabase sa Karanasan (Classical Empiricism)
Pagkilos: Tanungin ang katabi, ang “to see is to believe” (ipakita mo muna bago ako
maniwala) ba na pananaw ay tama o mali?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Empirisismo ay paniniwala ni Aristotle, Thomas Aquinas, John Locke, Berkeley, at
Hume.
b. Ayon kay David Hume, ang lahat ng bagay na hindi naranasan ay hindi matatawag na
katotohanan kundi opinyon lamang.
c. Binibigyan nila ng diin ang karanasan kaysa sa rason o isip. Walang nasa isip na hindi
muna naranasan. Ang karanasan ay isang pruweba na totoo ang ating kaisipan.
d. Si Emmanuel Kant ay nagbase din sa karanasan ngunit pinaghiwalay niya ang konsepto
ng “noumena” (tunay na pangyayari) at “phenomenon” (kahulugan ng pangyayari ayon
sa mga nakakita o nakaranas nito). Ang kaalaman ay nasa larangan lamang ng
“phenomenon” sapagkat hindi mo naman talaga mauunawaan ang “noumena”.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang kaibahan ng “noumena” sa “phenomenon”?
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
B. Magbigay ng is among pinaniniwalaan pero hindi mo pa karanasan? Bakit mo ito
pinaniniwalaann?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 3 – Ang Romantisismo

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Pag-alam sa Katotohanan
na Nakabase sa Emosyon (Romanticism)
Paksilos: Kung pipili ka ng mapapangasawa, isip ba o damdamin ang magiging mas
matimbang? Bakit? Ipahayag sa buong klase ang iyong sagot.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ito ay pilosopiya na binibigyan-diin ang emosyon ng tao bilang mahalagang
pangangailangan sa pag-unald ng lipunan at pagpapabuti ng sitwasyon ng sangkatauhan
b. Ito ay laban sa Rasyonalismo at Empirisismo at naninindigan na ang mahalaga sa tao ay
damdamin (subjective) at hindi ang isip (objective).
c. Pinaniniwalaan ng Romantisismo na binihag na ng agham at klasikal na pilosopiya ang
tao kaya nawala at nahadlangan ang kanyang kalayaan at pagiging malikhain. Kapag hindi
na nakadama ang tao ng emosyon o malakas na emosyon, hindi na siya magiging
maligaya at hindi na magiging maganda ang kanyang buhay.
d. Ang mga Romantisismo ay mahilig sa musika, pagguhit, at pagsulat. Sa mga
Romantisismo, ang buhay ay dapat buo (single unified and interconnected whole) at
puno ng pananampalataya, pag-asa at buhay.
e. Ang Romantisismo ay pinasikat ni Jean-Jacques Rousseau.
Pagsasabuhay
A. Bakit mahalaga ang emosyon o damdamin sa buhay ng isang tao?
1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
B. Bakit mas makapangyarihan ang damdamin kaysa sa isip?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 4 – Ang Kaibahan ng Pilosopiya sa Pananampalataya

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1 ay makakapagbalik-aral sa Aralin 2 at magkakaroon ng
Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Magsulat sa pisara ng dahilan bakit ka naniniwala sa Dios.
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilosopiya
Kaibahan ng Pilosopiya at Pananampalataya sa Dios
Pilosopiya: Unawain natin upang Pananampalatayasa Dios: Paniwalaan
tayo ay maniwala (understand in order natin upang tayo ay maka-unawa (believe
to believe) in order to understand)
Thomas Aquinas: Gamit man Biblia o Augustine at Anselm: manampalataya tayo
ang ating isip ay mauunawaan natin ang sa Dios na naghahanap ng kaunawaan
tungkol sa kung sino ang Dios at paano
tayo mabubuhay ng marangall.
BB Warfield: Ang paniniwala ay dapat John Calvin, Blaise Pascal, Abraham
kapani-paniwala o sumusunod sa batas Kuyper: Ang pananampalataya sa Dios ang
ng tamang pag-iisip. Ang pinakamahalaga. Ang pagka-unawa ay
pananampalataya na hindi mahalaga upang tumatag tayo sa ating mga
maipaliwanag ay hindi dapat paniniwala sa Dios at lalo pa nating
paniwalaan. maunwaan ang Dios at ang kanyang mga
kapahayagan.
Pagsasabuhay
A. Ano ang 2 kahalagahan ng pag-unawa (understanding) sa pananamapalataya (faith)?
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
B. Ano ang mas paniniwala mo: unawain para maniwala o maniwala para maunawaan?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

ARALIN 4 – Ang Pamamaraan ng Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Ang Kritikal na Pilosopiya

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang 2 Uri ng Paggamit ng
Isip: Kritikal na Pilosopiya (Critical Philosophy)
Pagkilos: Kailan masama ang magduda?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Kritikal na Pilosopiya ay pamamaraan ni Socrates na nagpapasimula sa pagdududa
(“doubt”) o pag-iisip na hindi mo pa lubos na nauunawaan ang isang bagay o pangyayari
(“Socratic Irony”).
b. Ang layunin ng Critical Philosophy ay liwanagin ang ating mga pinaniniwalaan at
magkaroon ng maliwanag at nagkakasundong kaalaman (“internal consistency”).
c. Si Plato ay naniniwala sa mga hindi nakikitang bagay o espiritwal na bagay na tinawag
niyang “ideas” o “forms” o “being”. Ang mga ito ay eternal, hindi nagbabago at subalit
maaaring malaman katulad ng matematika at kahulugan ng salita.
d. Paano mag-isip ng kritikal?
1) Una, upang makaunawa at maka-alam, kailangan munang malinis ang ating isip sa
mga paniniwala na wala namang basehan o hindi natin talagang alam ang mga
basehan. Dahil sa ganitong pamamaraan ay pinatay ng mga Athenians si Socrates.
2) Ikalawa, kailangan nating liwanagin at bigyan ng malinaw na kahulugan ang mga
salitang (“terminologies”) ating ginagamit upang maunawaan natin ang personal
nating paniniwala at madiskure natin ang mga kawalang ng pagkakabagay
(“inconsistencies”). Ang tawag sa pamamaraang ito ay “Dialectic Process”.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang “Dialectic Process”?
__________________________________________________________
___________________________________________________________
B. Ano ang mga patunay na naabot mo na ang tunay na kaalaman o katotohanan?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 – Ang Ispekulatibong Pilosopiya

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang 2 Uri ng Paggamit ng
Isip: Ispekulatibong Pilosopiya (Speculative Philosophy)
Pagkilos: Tanungin ang katabi, “nabigo ka na bas a iyong mga plano na pinag-isipan at
pinagsikapan mong mabuti?” Sa tingin mo bakit? Sabihin sa buong klase ang sagot.
Pag-unawa: Ispekulatibong Pilosopiya (Speculative Philosophy)
a. Ito ang pamamaraan ni Aristotle na nagpapasimula sa paghanga (“wonder”), katulad ng
isang bata o isang tumitingin sa isang larawang ipininta na punong-puno ng paghanga sa
kakaiba at kahiwagahan ng kanyang nakikita.
b. Ipinapaliwanag ng pamamaraang ito ang kaibahan at kagandahang ng isang bagay o
pangyayari ayon sa kaayusan (“order”) na nakikita.
c. Para kay Aristotle, ang lahat ng bagay ay may pisikal (“matter”) at hindi pisikal na
kalagayan (“form”). Upang malaman ang katotohanan at maunawaan ang anumang
bagay, dapat alaminan ang apat (4) na uri ng pagkilos (“motion”) ng mga ito. Apat na Uri
ng Paggalaw (motion):
1) pagsisimula at pagkawasak (generation and destruction);
2) pagbabago ng kwalidad (alteration and qualitative change);
3) pagbabago ng bilang, laki o dami (quantitative change); at,
4) pagbabago ng lugar at galaw (locomotion change).
Pagsasabuhay:
A. Isulat ang 4 na uri ng paggalaw o pagbabago:
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. _______________________________________________________
B. May hinangaan ka na bang tao? Bakit mo siya hinangaan?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 3 – Ang Aplikasyon ng Ispekulatibong Pananaw

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral ano ang resulta ng
Ispekulatibong Pilosopiya (Speculative Philosophy)
Pagkilos: Hatiin ang klase. Itanong: Maaari na bang ikasal ang babae sa babae o ang lalaki sa
lalaki? Bakit? Sabihin ang sagot sa buong klase.
Pag-unawa: Aplikasyon ng Ispekulatibong Pilosopiya (Speculative Philosophy)
a. Atomism – Ito ay pinasikat ni Epicurus na nagsabing ang katotohanan o realidad ay
nakabase sa “atoms” – napakaliit na bagay na hindi nakikita ng mata ngunit siyang
bumubuo sa lahat ng bagay. Ang mga napakaliliit na bagay ay siyang bumubuo sa mga
malalaki at mga importanteng bagay, kaya hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang mga
maliliit na bagay o pangyayari.
b. Dialectical – Ito ay pinasikat ni GWF Hegel na nagsabing ang katotohanan ay nasa
pagsasanib ng “thesis” (isang pangyayari) at “antithesis” (laban sa isang pangyayari) na
nagreresulta sa “synthesis”. Kapag may “synthesis” na, ito naman ay nagiging “thesis”,
at nagpapatuloy ito hanggang sa maging perpekto o ganap ang lahat ng bagay. Ang
tatlong bagay na ito ay nasa ilalim ng tinatawag ni Hegel na “Absolute Spirit”.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang 3 dapat na patuloy na maganap para marating ang katotohanan para kay Hegel?
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. __________________________________________________________
B. Bakit hindi dapat nating ipagwalang bahala ang maliliit na bagay o pangyayari ayon kay
Epicurus?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 4 – Ang Kaibahan ng Pilosopiya at Pananampalataya
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, magkakaron ng Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Tanungin ang katabi, “nagduda ka na ban a may Dios?” Bakit? Sabihin sa klase ang
sagot.
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Plosopiya
Kaibahan ng Pilosopiya at Pananampalataya sa Dios
Unang Tanong: Ano ba ang dapat maunawaan ng tao?
Pilosopiya: Pananampalatayasa Dios:
Katotohanan Ukol sa Buhay at Katotohanan Ukol sa Dios at sa Kanyang
Karanasan ng Tao Kapahayagan (Revelation)
Dahil ito ay magbibigay sa kanya ng Dahil ito ay maagreresulta ng pagsisisi ng
mga dapat bigyan ng diin at pagsisikat tao sa kanyang mga kasalanan at
upang makamit ang pinakamagandang magbibigay ng bagong buhay sa piling ng
uri ng buhay Dios
Ikalawang Tanong: Para kanino ang Pilosopiya o ang pagka-unawa sa
Pananampalataya sa Dios?
Pilosopiya: Pananampalatayasa Dios:
Para sa lahat ng Tao Para sa mga Mananampalataya upang
upang maunawaan ang katotohanan lumakas ang kanilang pananampalataya
laban sa kasinungalingan o opinyon Para sa mga lumalaban sa Pananampalataya
lamang upang mapaunawa ang dahilan ng
pananampalataya
Pagsasabuhay:
A. Magbigay ng isang kaibahan ng Pilosopiya at Pananampalataya:
__________________________________________________________
_______________________________________________________
B. Ano ang mas mahalagang katotohanan: Pilosopiya (katotohanan ukol sa buhay at
karanasan ng tao) o Pananamplataya (katotohanan ukol sa Dios at sa Kanyang mga
Kapahayagan)?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
ARALIN 5 – Ang Pamamaraan ng Pilosopiya

Sesyon 1 – Naturalismo
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Tatlong (3) Uri ng
Pilosopiya at ang Pananaw sa Kabuuan ng Realidad: Naturalism (Naturalism)
Pagkilos: Tanungin ang katabi, “sa paanong paraan nilalabag ng tao ang mga batas ng
kalikasan?” Ano ang mfa resulta nito? Mag-report.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang kabuuan ng realidad ay ang mga karanasan ng iyong mata (sight), tainga (sound),
dila (taste), ilong (smell), balat (touch) at lahat ng nararamdaman ng katawan (uhaw,
gutom, seks, pagod, atbp.).
b. Ang Naturalismo ay naniniwala na wala nang katotohanan sa kabila ng kalikasan.
c. Sina Thales, Anaxagoras, Democritus at Epicurus ang mga sikat na pilosopo na naniwala
sa Naturalismo bilang pangkabuuang pananaw sa buhay.
Pagsasabuhay:
A. Magbigay ng 4 na batas ng kalikasan (natural laws) na sa tingin mo ay mahalaga:
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. _______________________________________________________
B. Magbigay ng 3 dahilan bakit natin dapat sundin ang mga batas ng kalikasan (natural
laws)?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 – Idealismo
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral AngTatlong (3) Uri ng
Pilosopiya at ang Pananaw sa Kabuuan ng Realidad: Idealism (Idealism)
Pagkilos: Itanong: Ano ang dahilan bakit nangangamba ka kung may nilabag kang batas? Mag-
report.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang kabuuan ng realidad ay ang mga espiritwal na bagay o nasa isip lamang dahil ito
lamang ang may kakayahang manatili ng walang hanggan.
b. Ang lahat ng bagay ay nasa isip at ang mga bagay na pangwalang-hanggan lamang ang
totoo at ganap.
c. Sina Plato, Augustine, Plotinus, George Berkeley at Immanuel Kant ang mga sikat na
naniniwala sa Idealismo.
Pagsasabuhay:
A. Magbigay ng 4 na halimbawa ng nananatili o pang-walang hanggan na mga bagay:
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. _______________________________________________________
B. Ano ang mga bagay na pangwalang hanggan na sa tingin ay mahalaga? Bakit?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 3 - Realismo
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Tatlong (3) Uri ng
Pilosopiya at ang Pananaw sa Kabuuan ng Realidad: Realismo (Realism)
Pagkilos: Itanong: Ano ang kailangan ng isang tao 0-18 upang lumaki, umunlad at maging
responsableng tao?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang kabuuan ng realidad ay binubuo ng kalikasan at isip; ang kalikasan at isip ay
parehong andyan at magkahiwalay.
b. Ito ay nagsimula sa pananaw ni Plato at Socrates na may “universals” (permanenteng
katotohanan sa isip) at may “particulars” (kapahayagan ng katotohanan sa konkreto o
natatanging sitwasyon).
c. Ngunit si Aristotle ang nagbigay ng bagong pananaw na ang isip at kalikasan ay magka-
iba at parehong andyan at hindi nakabatay o nakadepende sa isa’t-isa.
d. Lalo pang pinasikat ni Thomas Aquinas ang Realismo noong “Medieval Period” o
“Middle Ages” (476-1492).
Pagsasabuhay:
A. Sa Realismo, importante pareho ang katawan at isip. Magbigay ng 4 na mangyayari kung
hindi tayo balance sa pagpapahalaga sa katawan at sa isip:
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. _______________________________________________________
B. Paano natin maipapakita na pinahahalagahan ng magkasabay ang katawan at isip?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 4 – Paano Magbuo ng Pam-Pilosopiyang Pahayag
Pakay: Magkaroon ng Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Itanong: Ano ba ang “common sense”? Paano mo nalalaman na ang isang tao ay may
“common sense”?
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Plosopiya
Paano Magbuo ng Pam-pilosopiyang Pahayag (Philosophical Statement)?
Unang Tanong: Naaayon ba sa totoong pangyayari (facts) ang iyong pahayag?
Ikalawang Tanong: May saysay (sensible) ba ang iyong pahayag?
Common Sense = kapag ang konklusyon (conclusion) ay nakabatay sa tamang
batayan (premises)
Ikatlong Tanong: May maganda bang idudulot sa pangkasalukuyan (relevant) ang
iyong pahayag?
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Katawan ng
Tao
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Katawan ng Tao:
_______________________________________________________________________

2. Konklusyon Tungkol sa Katawan ng Tao:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Katawan ng Tao:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
ARALIN 6 – Ang Pamamaraan ng Pilosopiya

Sesyon 1 – Monismo
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Ang Tatlong Uri ng
Pananaw sa Realidad: Monismo (Monism)
Pagkilos: Sa kwentong Cinderella, paano siya nagtagumpay sa buhay?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang salitang “metapisika” ay galing sa 2 salita: “meta” (pagkatapos) at “pisika” (pisikal).
Ito ay nagtatanong na, “may realidad ba pagkatapos o sa likod ng mga bagay na pisikal”?
Kaya nga, ang metapisika ay pag-aaral ng mga bagay na hindi nakikita o “invisible”.
b. Monismo (monism) – ito ay nangangahulugan na ang lahat ng bagay ay binubuo lamang
ng isang “substance” o “ultimate reality” (ito yung nananatili ng walang hanggan o
palaging nandyan). May 2 uri ng monism:
1) Materyalismo (materialism) – ito ay base sa pilosopiyang “Naturalism” na
nagsasabing ang lahat ay “bagay” na maaaring matigas (solid), malatubig (liquid),
o hangin (gas) [“everything is matter; the physical laws of the universe is all that
there is”].
2) Idealismo (idealism) – ito ay base sa pilosopiyang “Idealism” na nagsasabing ang
lahat ay nasa isip lamang at ito lang ang nananatili ng walang hanggan o palaging
nandyan.
Pagsasabuhay:
A. Bigyan ng kahulugan ang 2 salita sa ibaba:
1. Materyalismo - ______________________________________________________
2. Idealismo - _________________________________________________________
B. Ano ang mabuti o masama sa mga desisyon nating nakabase lamaang sa material na
bagay o sa pera?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 – Dualismo
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Ang Tatlong Uri ng
Pananaw sa Realidad: Dualism (dualism)
Pagkilos: Itanong: Paano nagkakaroon ng isip ang isang tao?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ito ay base sa pilosopiyang “Realism” na nagsasabing may dalawang realidad na
nananatili ng walang hanggan o palaging nandyan
b. Ito ang tulad ng katawan at espiritu/kaluluwa/isip na pinasikat ni Rene Descartes o ang
tinatawag na “Cartesian Dualism”. Ang Taoismo sa China na naniniwala sa Ying –
Yang ay isang uri ng dualism.
Pagsasabuhay:
A. Magbigay ng 4 na halimbawa ng magkasalungat na salita o bagay (antonyms):
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. _______________________________________________________
B. May panahon ba na ang tama o maging mali, at mali ay maging tama? Magbigay ng
halimbawa.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 3 – Pluralismo
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Ang Tatlong Uri ng
Pananaw sa Realidad: Pluralism (Pluralism)
Pagkilos: Itanong: Paano nagbabago ang isang tao?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. IIto ay base sa makabagong pilosopiya na “Pragmatism” na naniniwala na maraming uri
ng katotohanan (doctrine of multiplicity) depende sa sitwasyon bilang paglaban sa
monism (doctrine of unity) at dualism (doctrine of duality).
b. Ang makabagong “post-modernism” na pilosopiya ay may ganitong pananaw na ang
katotohanan ay depende sa pinaniniwalaan ng isang tao at hindi nakadepende sa ibang tao
o institusyon.
(https://www.quora.com/Whats-the-difference-between-idealism-and-materialism)
(https://answers.yahoo.com/question/index?qid=20090208193216AAIGyfJ)
(http://forum.alchemyforums.com/showthread.php?2825-Monism-Dualism-Pluralism)
Pagsasabuhay
A. Magbigay ng 4 na halimbawa na gusto mo pero at tama o mabuti naman, pero ayaw ng
magulang o kaibigan mo:
1. __________________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. _______________________________________________________
B. Ang sitwasyon ba ang dapat na magdikta o magsabi kung ano ang tama at kung ano ang
mali? Bakit?
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 4 – Ang Biblia at ang Agham
Pakay: Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Bakit mali ang pumatay ng tao?
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilospiya
Ang Mahalagang Kontribusyon ng Biblia sa Pilosopiya at Agham?
1. Ang Biblia ay nagtuturo na may “orderliness” ang sanlibutan. Dahil may kaayusan
ay maaari magplano at mag-isip ng tungkol sa nakalipas, ngayon at sa kinabukasan.
2. Ang Biblia ay nagtuturo na dapat makontrol ng tao ang kalikasan tungo sa pag-
unlad.
3. Ang Biblia din ang nagturo ng tamang pagkalinga (stewardship) sa kalikasan at
lahat ng buhay.
4. Mga Cristiano ang higit sa mga nakakaraming “discoverers”, “inventors”,
“scientists” at “philosophers”.
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Kalikasan
(Nature and Natural Laws):
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Kalikasan:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Konklusyon Tungkol sa Kalikasan:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Kalikasan:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
ARALIN 7 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Early Greek Period

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Dahilan ng Pag-aaral ng
Pilosopiya sa Kasaysayan: Early Greek Period
Pagkilos: Sino o ano ang nagkokontrol sa buhay ng mga tao: mga espiritu, tao, o kapalaran
(destiny)?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Sa Panahon ng Early Greek Period (800-481 BC) ang pag-aaral ng pilosopiya upang
alamin ang pinagmulan at patutunguhan ng tao at mga bagay sa sanlibutan
b. Tinatanong nila, “ano ba ang tunay na realidad”?
1) Thales (584-546 BC) – ang “tubig” (water) ang tunay na realidad o pinagmulan ng
lahat – mayroon itong gas, likido at solid.
2) Anaximander (610-546 BC) – ang lahat ng tao ay nagpasimula sa isda, dahil sa tubig
nagpasimula ang lahat
3) Anaximenes (545-548 BC) – hangin (air) ang tunay na realidad at sa hangin
nagpasimula ang ulap, tubig, mundo at apoy.
4) Phytagoras (born 570 BC) – ang tao ay may kaluluwa at ito ay sa tatlong porma:
1. Nous – ito ang diwa o kamalayan
2. Thymous – ito ang dugo na nagbibigay-buhay sa isang nilalang
3. Phren – ito ang rason (reasoning) at immortal na parte ng
kaluluwa
5) Heraclitus (540-580 BC) – nagturo siya na ang tao ay parte ng isang apoy kasama na
rin ang mga dios.
6) Empedocles (490-410 BC) – ang lahat ng nilalang, kahit ang tao, ay may apat na
elemento: hangin, lupa, apoy at tubig (air, earth, fire and water). Ang tao ay may
ika-limang element na wala ang iba, ito ang pag-iisip.
7) Protagoras ng Abdeia (490-421 BC) – ang tao ay malaya at kaya niyang magbuo ng
sarili niyang kapalaran (fate)
Pagsasabuhay:
A. Saan nagmula ang tao o buhay ayon sa mga sumusunod:
1. Thales - __________________________________________________________
2. Heraclitus - _______________________________________________________
3. Empedocles - ______________________________________________________
B. Naniniwala k aba sa kapalaran? Bakit o Bakit hindi?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 2 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Classical Greek Period
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Dahilan ng Pag-aaral ng
Pilosopiya: Classical Greek Period (480-323 BC)
Pagkilos: Itanong: Ano ang kahalagahan ng mag-asawa? Paano ka liligaya kapag may asawa ka
na?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Sa Panahon ng Classical Greek Period ang pag-aaral ng pilosopiya ay upang alamin at
tiyakin kung ang kanilang mga tradisyunal na paniniwala sa Dios at sa sanlibutan ay
makakatotohanan. May apat na sikat na tao sa panahong ito: Socrates, Plato, Aristotle at
Epicurus.
b. Si Socrates (470-399 BC) ay naniniwala na ang tao ang sentro ng sanlibutan, at hindi ang
mga dios.
1) Ang buhay na hindi pinag-isipan ay walang kwentang buhay. 3 Gabay:
a) Kailangang pag-isipan at tiyakin ng tao ang kanyang mga pinaniniwalaan
b) Kailangang pag-isipan ng tao ang kanyang sarili – kung sino siya at kung ano ang
kanyang magagawa
c) Kailangang maliwanag at klaro ang kanyang kahulugan (definition) sa lahat ng
salita na kanyang sasabihin
2) Itinuro ni Socrates na ang katawan ng tao ay nagmula sa sanlibutan (matter) ngunit
ang kanyang isip ay nagmula sa Universal Reason o Isip. Bilang may isip, ang tao ay
dapat kumilos na pinag-iisipan ang kanyang mga kilos.
3) Lahat ng tao ay naghahangad ng kaligayahan at makakamit lamang ito sa pamamagitan
ng maayos na pamumuhay. Ang pagiging mabuting tao (virtuous) ay bunga ng
kanyang pag-alam o pag-iisip. Ang taong masama (unethical) aymagpapahamak ng
kanyang sarili at magpapahina ng kanyang isip.
Pagsasabuhay:
1. Ano ang maidudulot ng gawaing mabuti sa isang tao?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano ang maiduduot ng gawaing masama sa isang tao?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 3 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Classical Greek Period
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Dahilan ng Pag-aaral ng
Pilosopiya: Classical Greek Period (480-323 BC)
Pagkilos: Itanong: Paano mo itatama ang mga matatanda o may mga pamahiin sa mali nilang
paniniwala?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Si Plato (485-354 BC) ay naniniwala na ang tao ang pamanatayan ng lahat ng bagay at
ang lipunan o nakararaming tao ay mas mahalaga kaysa isang tao (inductive reasoning)
1) May kakayahan ang tao na alamin at tukuyin ang mga bagay na di nagbabago
(changeless), puro o dalisay (pure), at di nagwawakas (eternal).
2) Ang tao ay nilalang ng Dios, pero may pagkakatulad siya sa mga hayop.
3) Ang kanyang kaluluwa ay bahagi ng Divine o Universal Reason na pumasok sa
kanyang katawan, kaya may kakayahan siyang mabuhay higit sa nais ng katawan.
b. Si Aristotle ang nagpasimula ng “empirical” at “deductive reasoning” o ang
pagpapahalaga sa isang tao o isang pangyayari, sa halip na sa mg adios at sa lipunan.
1) Para kay Aristotle, ang tao ay hayop na may isip (rational animal). Ang tao ay hindi
sentro ng sanlibutan, parte lamang siya ng sansinukob. Ang kakayahang niyang mag-
isip ay maliit na bahagi ng Dios sa kanyang buhay.
2) Ang isip ng tao ay may kakayahang maunawaan ang mga nangyayari sa mundo.
3) Upang maging maligaya, kailangan ng tao na mamuhay ayon sa kanyang tamang pag-
iisip.
4) Ang moralidad ay ang pagkakaroon ng tamang ugali, pagpili at pagkilos. Dapat
madiskubre ng tao ang tamang pagkontrol sa kanyang mga nadarama o naisin. Ang
bisyo ay maaring sobra o kaunti; ang mabuti ay nasa gitna lamang (law of
moderation). Hindi magkatulad ang mabuti sa bawat tao, sapagkat nakapadepende ang
tao sa kanyang sitwasyon.
Pagsasabuhay
A. Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod:
1. Deductive Reasoning - ________________________________________________
2. Inductve Reasoning - _________________________________________________
B. Magbigay ng isang sitwasyon o halimbawa na kailangan nating ng law of moderation.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 4 – Ang Katotohanan at Mitolohiya
Pakay: Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Ano ang pangarap mo sa buhay? Ipasa.
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilospiya
Kaibahan ng Katotohanan (Truth) at Mitolohiya (Myth) o Alamat
Ang mitolohiya at alamat ay Ang katotohanan ay isang bagay o pangyayari
paniniwalang tradisyunal tungkol sa na nakabase sa mga tunay na pangyayari at
isang di-maipaliwanag na bagay o realidad
karanasan na karaniwan ay
pinapatungkol na gawa ng isang tao o
grupo ng mga tao, kahit pa nga ito ay
gawa ng kalikasan o pagkakataon.
Ang mitolohiya at alamat ay maling Ang katotohanan ay nakadepende sa tamang
paniniwala kung saan ang isang bagay o konklusyon na mula sa mga tamang
pangyayari ay mula sa kathang-isip o kapahayagan (premises)
ginawang eksaherado (exaggerated).
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Pag-aasawa:
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Moralidad:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Konklusyon Tungkol sa Pag-aasawa:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Pag-aasawa:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
ARALIN 8 – Ang Dahilan ng Pilosopiya

Sesyon 1 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Medieval Period

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Dahilan ng Pag-aaral ng
Pilosopiya: Medieval Period
Pagkilos: Hatiin ang klase. Ano ang kahalagahan ng relihiyon sa isang tao at sa isang lipunan.
Mag-report.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang pag-aaral ng pilospiya sa panahon ng Middle Ages ay upang palakasin o patatagin
ang pananampalataya ng mga Cristiano
b. Limang (5) Dahilan ng Paglago ng Cristianismo ay kay Edward Gibbon
1) Kasigasigan ng mga Cristiano na minana nila sa Judaismo
2) Ang katuruan na may buhay pagkatapos ng kamatayan
3) Ang mga himala na ginawa noong panahon ni Jesus at ng mga Apostol
4) Ang masakripisyong moralidad at kabutihan ng mga Cristiano
5) Ang pagkakaroon ng Cristianong pamahalaan
c. Augustine (354-430 AD) – tinawag niya ang tao na malaking hiwaga (great mystery)
1) Nilikha ng Dios ang lahat mula sa wala (ex nihilo). Ang tao ay nilalang ng Dios.
2) Si Adan ang unang tao. Noong siya ay magkasala ang buong lahi ng tao ay naging
makasalanan dahil minana natin ang kanyang kasalanan (original o inherited sin).
3) Ang tao ay napapahamak na ng walang hanggan patungo sa impierno. Pero dahil sa
biyaya ng Dios ay isinugoNiya ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo upang akuin ang
ating kasalanan at parusa. Ang lahat ng magtitiwala kay Jesus ay hindi na
mapapahamak, kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
4) Sa mundong ito, may mga tao na umiibig at sumusunod sa Dios – sila ang kaharian ng
Dios; mayroong din namang mga tao na umiibig sa sarili at sa sanlibutan – sila ang
kaharian ng sanlibutan.
d. Thomas Aquinas (1225-1274 AD) – Ang tao ay may tatlong bahagi – katawan, kaluluwa
ay espiritu. Ang kaluluwa ay tumutukoy sa kanyang emosyon, isip at pagdedesisyon.
Pagsasabuhay:
A. Ibigay ang 3 dahilan ng paglago ng Cristianismo sa Mundo:
1. __________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
B. Magbigay ng 3 katangian ng tao ayon kay Augustine:
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 2 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: 17th-18th Period
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Dahilan ng Pag-aaral ng
Pilosopiya: 17th and 18th Century
Pagkilos: Itanong: Bakit maraming tao ang hindi na tapat sa kanilang relihiyon o simbahan na
kina-aaniban? Mag-report.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang pag-aaral ng pilospiya sa ika-17 at ika-18 siglo ay upang gamitin ang nadiskubre ng
agham sa pagpapaunlad ng sangkatauhan
b. Francis Bacon (1561-1626) – upang magkaroon ng tunay na kaalaman sa agham at sa
kalikasan (sciences), kailangan iwanan muna ang mga kaalaman tungkol sa relihiyon
c. Thomas Hobbes (1588-1679) – dapat naunawaan ng tao ang mga batas ng kalikasan at
kanyang ibatay dito ang kanyang pamumuhay
d. Rene Descartes (1596-1650) – Ang kabuuan ng realidad ay binubuo ng Dios at ng tao.
Ang tao ay binubuo ng isip at katawan. Dahil parte ng kalikasan ang tao, siya rin ay isang
makina (machine), ngunit may isip siya na hindi parte ng katawan.
e. John Locke (1633-1704) – ang tao ay parte ng sanlibutan. Kahit siya ay binubuo ng
katawan at isip, ang isip ay impluwesyado ng katawan at ganoon din ng katawan sa isip.
Ang isip o rason ng tao ang pinakamataas na batayan ng katotohanan sa sanlibutan. Ang
isip ang dapat na magpaliwanag ng mga bagay tungkol sa Dios at sa Biblia.
f. George Berkeley (1685-1753) – ang tao ang siyang pinaka-importante sa buong mundo.
Walang mundo maliban sa nasa isip ng tao o ng Dios.
g. David Hume (1711-1776) – ang tao ang sentro at ang kabuuan ng sanlibutan.
h. Baron de la Brede et de Montesquieu (1689-1755) – kung mabuti ang kalikasan, walang
masama. Kung may masama (evil), ang kalikasan ay hindi mabuti.
i. Francois Maria Arouet de Voltaire (1694-1778) – siya ay nag-isip na pagkalikha ng Dios
sa tao, ang tao na ang mamamahala sa sanlibutan
j. Jean Jacques Rousseau (1712-1778) – ang tao ay hindi makina o parte ng isang makina.
Ang tao ay may damdamin at naisin. Inalipin ng kultura at agham ang tao at kailangan
niyang makatakas sa agham at kultura.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pananaw ng mga sumusunod tungkol sa tao:
1. Rene Descrates - ____________________________________________________
2. Jean Jacques Rosseasu - _______________________________________________
B. Ang tao ba isang makina o hindi? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 3 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Makabagong Panahon
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Dahilan ng Pag-aaral ng
Pilosopiya: Makabagong Panahon
Pagkilos: Itanong: Kaya ba talaga tayong paunlarin ng agham at teknolohiya? Bakit?.
Magreport.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Sa Makabagong Panahon, ang Pilosopiya ay paraan upang mabuhay na maayos, hindi
ito layunin ng buhay
b. Emmanuel Kant (1724-1804) – ang tao ay parte ng lahat ng bagay sa mundo, subalit
ang tao ay may isip at may kakayahang unawain ang mga bagay sa labas ng sanlibutan
tulad ng kalayaan at imortalidad.
c. Arthur Schopenhauer (1788-1860) – lahat ng bagay at tao sa mundo ay tau-tauhan
lamang (puppets). Ang isip ng tao ay katulad lamang ng sa hayop dahil hindi naman
ito nagpapatuloy o walang hanggan. Kapag namatay na ang katawan, wala na ring isip.
Walang tuny na kasiyahan, dahil pansamantala lamang ang lahat.
d. Jeremy Bentham (1748-1832) – ang tao ay alipin ng dalawang pwersa – ang sakit
(pain) at kasiyahan (pleasure). Ang kasiyahan ang pinakaninanais ng sangkatauhan.
e. Friedrich Wilhelm Nietzsche (1844-1900) - ang pinakananais ng tao ay kapangyarihan
(power), higit sa pagnanais na mabuhay (survive).
f. Pragmatism – mula sa Amerika
1) Willim James (1842-1910) – ang tao ang sentro ng sanlibutan. Ang kanarasan ng
tao sa sanlibutan ay makasarili, nakasentro sa kanyang sarili. Anuman na
makapagpapaligaya sa kanya ay totoo, at anumang makakapagpapabigo ay mali.
Ang lahat ng bagay at pangyayari ay ipinapaliwanag ng tao ayon sa kanyang
sariling pananaw at kaisipan.
2) John Dewey (1851-1951) – ang karanasan ng tao ay nagbabago at nagbabago din
ang kanyang kaisipan.
a. Karl Marx (1818-1883) – tinatawag ang kanyang pilosopiya na “Dialectical
Materialism”; mayroon lamang isang katotohanan o realidad na matatagpuan sa mga
pangyayari o kasaysayan ng sanlibutanan at ito ang katotohanan na ang kasaysayan ay
patungo sa perpektong realidad. Tao, hindi Dios, ang tunay na totoo. Ang lahat ng
kaisipan tungkol sa Dios ay kaisipan ng tao tungkol sa kanyang sarili. Ang Dios ay
produkto ng isip ng tao.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pananaw ng mga sumusunod tungkol sa tao:
1. William James - _______________________________________________________
2. Friedrich Wilhelm Nietzsche - ____________________________________________
B. Sang-ayon ka ba kay Karl Marx o sa Dialectical Meterialism? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 4 – Ano ang Katotohanan?
Pakay: Balik-Aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Ano ang tingin mo sa mga taong walang paninidigan o hindi tapat sa kanilang
pangako?
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilopiya
a. Ano ang katotohanan? Ito ang anumang bagay na lubos mong pinaninindigan
(passionate decision).
b. Sino ang may hawak ng katotohanan? Ang tao na may personal na desisyon at
paninindigan.
c. Matitiyak mo ba ang katotohanan? Hindi. Pero ito ay “probable”, isang “leap of faith”,
isang desisyon na kailangan mong gawin upang ipakita mo sa iyong sarili na ikaw ay
Malaya (free) at totoo (authentic).
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Tao:
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Tao:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Konklusyon Tungkol sa Tao:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Tao:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
ARALIN 9 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Hinduismo

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Dahilan ng Pag-aaral ng
Pilospiya: Hinduism
Pagkilos: Itanong sa iyong katabi, ano ang mangyayari sa iyong isip o kaluluwa kapag namatay
ka? Mag-report.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Hinduismo ay may layuning pag-isahin ang tao sa kanyang pinagmulan
b. Tatlong Mahahalagang Katuruan:
1) Karma – ito ay resulta ng bawat aksyon ng tao, hindi lamang ito mangyayari sa
kanyang pangkasalukuyan, kundi hanggang sa kabilang buhay
2) Samsara (reincarnation) – ito ay paniniwala na sa kamatayan, ang kaluluwa ng tao ay
nagpapatuloy mabuhay sa pamamagitan ng kapanganakan sa ibang uri ng buhay
3) Moksha – ang tao ay lumaya na sa samsara at bilang bahagi ng Brahma, siya ay
patutungo sa Brahman.
c. Ang bawat tao ay dapat maging tapat sa kanyang “Caste”, “destiny” o tadhana
1) Brahmans – pinakamataas na antas sa lipunan; mga pari at mga banal na tao
2) Kshatriyas – mga sundalo
3) Vaisyas – mga magsasaka at may maliit na negosyo
4) Sudras – mga taong tribo na nasakop ng mga Brahmans
5) Untouchables – pinakamababang uri ng tao at hindi kabilang sa caste system
Pagsasabuhay:
A. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito?
1. Karma - _____________________________________________________________
2. Samsara - ___________________________________________________________
3. Moksha - ____________________________________________________________
B. Sang-ayon ka ba sa Caste System ng Hinduism? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Budismo

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Dahilan ng Pag-aaral ng
Pilosopiya: Buddhism
Pagkilos: Itanong sa katabi, Paano mo mapagtatagumpayan o maiiwasan ang kahirapan? Mag-
report.
Pag-unawa:
a. Ang Buddhismo ay may layunin na iligtas ang tao sa kahirapan at sakit
b. Buddha – Siddharta Gautama (563-483 BC) – lumaki siya na hindi lumalabas ng palasyo.
Sa unang paglabas niya, nakita niya ang isang tao na may sakit at naunawaan niya na
laganap ang sakit sa lahat ng tao. Nakita din niya ang isang tao na payat-payat at
naunawaan niya na lahat ay mamamatay. Nakita din niya ang isang tao na patay na. At
panghuli, nakita niya ang isang taong ascetic at naunawaan niya na mahalaga ang
paghahanap sa katotohanan. Sa edad na 29 ay umalis siya sa palasyo at naging ascetic.
Pagkatapos ng 6 na taon, dumating sa kanya ang “enlightenment” habang naka-upo sa
isang puno.
c. Maraming Ulit na Kapanganakan o Reincarnation. Ang tao ay maraming buhay sa iba’t-
ibang uri ng panahon at pagkakataon.
d. Upang makawala sa reincarnation (wheel of life), kailangang paniwalaan at isagawa ang
mga sumusunod:
1) 4 na Pundasyong Katotohanan – Katuruan ng Dharma (Batas)
a) Ang buhay ay puno ng sakit at paghihirap
b) Ang dahilan ng sakit at paghihirap ay ang ating makasariling pagnanais na
masiyahan
c) Ang dahilang ito ay maaari nating maalis
d) Ang paraan upang maiwasan ang sakit at paghihirap ay gawin ang 8 Daan ng
Buhay
2) 8 Daan ng Buhay:
a) Right View – unawain at tanggapin ang reincarnation at 4 Noble Truths
b) Right Intention – ang motibo lamang natin dapat ay tumulong sa kapwa
c) Right Speech – dapat tayong magsabi ng totoo, maging magalang at hindi mag-
tsismis
d) Right Action – 5 moral na ugali:
i. Huwag sasaktang ang anumang may buhay
ii. Huwag kukuha ng hindi sa iyo
iii. Huwag makikipag-seks sa hindi mo asawa
iv. Huwag magsisinungaling
v. Huwag iinom ng alak
e) Right Livelihood – dapat ay nababatay ang iyong trabaho sa 4 Noble Truths at 8-
Fold Path
f) Right Efforts – laging gawing banal ang iyong isip at palawakin ang iyong
kaalaman
g) Right Concentration – mag-yoga lagi
h) Right Meditation – pagkakaroon ng panloob na kapayapaan
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pananaw ng Buddhism sa:
1. Dahilan ng Hirap at Sakit - _______________________________________________
2. Friedrich Wilhelm Nietzsche - ___________________________________________
B. Pumili sa “5 Moral or Right Acton”. Sang-ayon ka ba sa pinili mo? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 3 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Confusianismo
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Dahilan ng Pag-aaral ng
Pilosopiya: Confucianism
Pagkilos: Itanong sa katabi, Paano ba maging mabuting mamamayan ng ating bansa? Mag-
report.
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang layunin ng Confucianismo ay may layunin na turuan ang tao na mamuhay sa
lipunan. Confucius (551-79 BC). Ang tao ang magpapadakila sa gobyerno o sa relihiyon,
hindi gobyerno o relihiyon ang magpapadakila sa tao.
b. Ang buhay ay kaloob kaya dapat pahalagahan:
1) Ren – Ang Golden Rule – Huwag mong gawin sa iyong kapwa ang ayaw mong gawin
nila sa iyo.
2) Gumamit ng tamang pananalita o tamang pagtawag sa kapwa.
3) Ang lider na hindi na pinagtituwalaan ng kanyang mga nasasakupan ay isa nang
talunan. Ang mga lider ng lipunan ay dapat magbigay sa kanilang nasasakupan ng
sapat na pagkain, sundalo at kagamitang pandigma, at dahilan upang sila pagtiwalaan.
4) Paggalang at Paghingi ng Tulong sa mga Namatay.
c. Book of Mencius (372-289 BC)
1) Ang tao ay isinilang na mabuti at makikita ito sa apat niyang katangian na dapat pag-
ibayuhin: kahabagan (compassion), paggalang (courtesy, modesty), pagsunod
(obedience), at katalinuhan (wisdom). Hindi na kailangan ng tao ang batas, kung
susundin lamang niya ang nasa puso niya.
2) Mabuhay sa pag-ibig, ayon sa pagkasunod-sunod: pag-ibig sa magulang, pag-ibig sa
kapwa na kilala, at pag-ibig sa hindi kakilala.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pananaw ng Confucianism sa:
1. Ren - __________________________________________________________
2. Lider ng Lipunan - _____________________________________________________
B. Sang-ayon ka ba sa pananaw ng Confucianism sa mga namatay? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 4 – Kapos ang Isip ng Tao Tungkol sa Dios
Pakay: Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Itanong: Sino o ano ang katangian ng matalinong tao?
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilosopiya
a. 2 Katangian ng Tunay Cristiano:
1) Sila na naglilingkod sa Dios ng buong puso dahil kilala nila Siya.
2) Sila na hinahanap lagi ang Dios ng buong puso dahil hindi nila kilala Siya.
b. Ang Cristianismo ay mahirap ipaliwanag pero hindi mahirap piliin. At kailangan nating
pumili kung gusto nating maging matalino. Ang puso ang nakakaranas ng prensensya ng
Dios, hindi ang isip. Kapag ang Dios ang pinag-uusapan, laging kapos ang isip ng tao.
Ang magagawa lamang ng tao ay isipin kung ano ang mas tama (most probable).
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Pera at
Kayamanan:
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Pera at Kayamanan:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Konklusyon Tungkol sa Pera at Kayamanan:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Pera at Kayamanan:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

ARALIN 10 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Islam

Pakay: Dahilan ng Pag-aaral ng Pilosopiya: Islam
Pagkilos: Ano ang resulta sa iyong buhay ng iyong paniniwala sa Dios?
a. Paniniwala sa Maraming Dios (animism) – pluralism
b. Paniniwala sa Iisang Dios (monotheism) – monism
c. Paniniwala sa Iisang Dios na may Tatlong Perso (Trinity) – pinagsama ang monism at
pluralism
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Islam ay may layunin na turuan ang tao na sumamba sa iisa at tunay na Dios.
b. Si Mohammed (569-832) ay nagturo na may iisa lamang na Dios at ang Kanyang
pangalan ay “Allah”.
c. Siya ay nagbigay ng 5 Pamamaraan upang mabuhay ang tao na kalugod-lugod sa Dios:
1) Pagdedeklara na walang ibang Dios kundi si Allah at si Mohammed ang Kanyang
propeta
2) Pananalangin ng 5 beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca
3) Pagbibigay sa mga dukha
4) Pag-aayuno tuwing buwan ng Ramadan
5) Pagpunta sa Mecca kahit isang beses sa buong buhay.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pananaw ng Islam sa Dios:
__________________________________________________________
B. Pumili ng 1 sa “5 Pamamaraan” upang maging kalugod-lugod sa Dios. Sang-ayon ka ba sa
pinili mo? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Patunayan na May Dios

Ikapitong Linggo
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Apat (4) Na Argumento
sa Paniniwala na May Dios
Pagkilos: Mas kanino ka natatakot – sa galit ng kalikasan o sa galit ng Dios?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ontolohiya (Ontological) – likas sa tao na mag-isip na may Dios. Ang relihiyon ay
laganap kahit saan at kahit kailan. Laging iniisip ng tao na may perpekto o ideal na
bagay, tao o konsepto at nagsisikap ang tao patungo doon. Mas madaling isipin na may
Dios, kaysa isiping wala. Sabi ni Anselm ng Canterbury, “kung kaya nating isipin na may
Dios, tunay nga na may Dios
b. Kosmologikal (Cosmological) – ang lahat ng bagay, tao o pangyayari sa mundo ay may
dahilan (cause). Maaari nating isipan na ang lahat ay may dahilan (cause), ngunit saan
pinakasimula ang lahat? Ang Dios ang pinakasimula ng lahat, First Cause, kung kanino
ang lahat ay nakadepende. Mahirap isipin na ang lahat ay walang pasimula (Al-Ghazali).
Si Thomas Aquinas ay nagsabi na walang magsasabi na siya ang pinagmulan ng lahat,
maliban na nga lamang sa Dios – ang Unmoved Mover.
c. Teleyologikal (Teleological) – Ito ay patunay na may Dios dahil sa disenyo, kaayusan,
kagandahan at karunungan ng kalikasan. Hindi natin maaaring sabihin na ito ay
nagkataon lamang o bunga ng isang natural na proseso. Natural lamang na isipin natin na
may nagdesenyo ng kalikasan at sansinukob, walang iba kundi ang Dios. Sina Plato at
Aristotle ay mangha sa disenyo at ganda ng sanlibutan at ito ay kanilang ipinaliwanag na
dahil sa Matalinong Dios. Si Thomas Aquinas ay nagsabi na ang lahat ay may
productive at final cause – ang Dios.
d. Himala (Miracles) – Ang himala ay mga naganap na hindi kapani-paniwala sa buhay ng
isang tao o ng maraming tao. Isa na rito ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng
isang birhen, ang mga himalang ginawa ni Jesus at ang pagkabuhay Niyang muli. Ang
mga pangyayaring ito ay alam at nakita ng maraming tao at hindi mapapasubalian.
e. Moralidad – Dahil ang tao ay nag-iisip ng tungkol sa moralidad, ito ay nagmula sa
pinakabanal, pinaka perpekto at pinakadakila sa lahat – ang Dios.
Pagsasabuhay:
A. Bigyan ng maikling kahulugan ang mga sumusunod na salita:
1. Ontolohiya - __________________________________________________________
2. Kosmologikal - _____________________________________________________
3. Teleyologikal -
__________________________________________________________
B. Naniniwala ka ba sa himala? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 3 – Ang Dahilan ng Pamimilosopiya: Patunayan na May Dios

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Apat (4) na Kultural na
Argumento sa Paniniwala na May Dios
Pagkilos: Paano mo pinaghahandaan ang iyong kamatayan?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Blaise Pascal – ang buhay na walang Dios ay hindi kapani-paniwala (absurd). Si Blaise
Pascal ay naniniwala sa Dios dahil sa kalagayan ng tao. Sinabi niya na ang matalinong
tao ay mamimiling maniwala na may Dios dahil kung mayroon nga ay nagtagumpay siya;
at kung walang Dios ay wala din namang nawala sa kanyang pagpapakabuti sa mundo.
b. Fyodor Dostoyevsky – ang paniniwala sa Dios lamang ang makakapagbigay solusyon sa
suliranin ng kasamaan. Kung walang Dios, walang kabuluhan ang tao. Pero kung may
Dios, kaya ng tao na harapin ang anuman uri ng buhay sa lupa. Kahit ang kahirapan ay
maaaring magpabanal sa tao upang mas maging malapit siya sa Dios. Kung walang Dios,
maaari nang magpakasama ang tao dahil wala naman palang paghuhukom at ito ay
magwawasak sa sangkatauhan.
c. Soren Kierkegaard – sa Dios lang natin mararanasan ang tunay na kaganapan (full
satisfaction) sa buhay. Mga Nagbibigay kaganapan sa Tao:
Unang Baitang: Kasiyahang Pangkagandahan (Aesthetic) – ito ay anumang karanasan
natin na maganda sa mata, maganda sa pandama, at maganda sa katawan
Ikalawang Baitang: Kasiyahan sa Paggawa ng Mabuti (Ethical) – ito ay kasiyahang
maglingkod at gumawa ng mabuti sa kapwa at sa lipunan
Ikatlong Baitang: Kasiyahang Panrelihiyon (Religious) – ito ay kasiyahan ng katiyakan
ng kapatawaran ng Dios sa iyong mga kasalanan at maging anak Niya. Ito ay kasiyahan ng
pakikipag-usap o relasyon sa Dios sa pamamagitan ng panalangin (nagsasalita ka sa Dios) at sa
pagbubulay ng Salita ng Dios (nagsasallita ang Dios sa iyo).
d. Francis Schaeffer – ang paniniwala sa Dios ang magliligtas sa buong sanlibutan. Sinisisi
ni Schaeffer ang Hegelianism (na siyang nagbigay diin at nagresulta sa Relativism at
Atheism) bilang ugat ng lahat ng suliranin, kalungkutan at mga di kapani-paniwalang
nangyayari sa mundo. Ang pagkilala na may Dios ang nagbibigay sa tao ng dignidad,
kahulugan at kaligayahan. Walang halaga ang buhay kung walang Dios dahil wala naman
palang buhay pagkatapos ng kamatayan. At kung walang imortalidad, walang halaga ang
tao dahil wala naman pala siyang patutunguhan at walang tunay na layunin.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pananaw sa Dios nila:
1. Blaise Pascal __________________________________________________________
2. Francis Schaeffer ______________________________________________________
B. Sa 3 nagbibigay ng kaganapan sa tao ayon kay Kierkegaard, ano para sa iyo ang magbibigay
sa iyo ng tunay na kaganapan bilang tao? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 4 – Ang Implikasyon Kung Walang Dios

Pakay: Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Ano ang magiging implikasyon o resulta kung walang Dios?
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilosopiya
a. Cornelius Van Til: Ang pilosopiyang walang Dios ay hindi makapagbibigay ng solusyon
sa problema ng buhay ng tao, dahil ang lahat ng pilosopiyang hindi naniniwala sa Dios ay
isang pamamaraan ng paglayo sa Dios. Ang Dios lamang ang may solusyon sa problema
ng tao.
b. Franscis Schaeffer: Ang lahat ng pilosopiya na hindi naniniwala sa Dios ay walang
kakayanang mabuhay o gawin ang kanilang pinaninindigan. Dahil ang totoo, mayroong
Dios na siyang maylalang sa lahat, nagtataguyod sa lahat, at nagmamahal sa lahat.
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Dios:
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Dios:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Konklusyon Tungkol sa Dios:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Dios:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
ARALIN 11 – Mga Piling Paksa ng Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Ang Kalayaan ng Tao at ang Dios

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Kalayaan ng Tao at ang
Nakakapangyaring Kapangyarihan (Sovereign Power) ng Dios ayon sa Biblia
Pagkilos: Itanong: Paano nagbabago ang isang tao?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Nakakapangyaring Kapangyarihan (Sovereign Power) ng Dios
1) Ang Dios ang nagpre-preserba (preserves) at nangunguna (governs) sa lahat ng
bagay at lahat ng kilos ng Kanyang mga nilalang.
2) Ang pagpre-preserba at pangunguna ng Dios sa lahat ay pangungunang nakabatay sa
Kanyang kabanalan, katalinuhan at kapangyarihan. Hindi nakompromiso ang
kabanalan ng Dios sa Kanyang Nakakapangyaring Kapangyarihan (Sovereign
Power). Ganoon din naman, ang lahat ng naisin ng Dios ay tiyak na mangyayari dahil
Siya ay makapangyarihan sa lahat.
b. Ano ang Hindi Maliwanag na Itinuturo ng Biblia Tungkol sa Nakakapangyaring
Kapangyarihan (Sovereign Power) ng Dios
1) Hindi maliwanag kung sa pagpre-preserba (preserving) at pangunguna (governing)
ba ng Dios sa lahat ay kasama ba ang isip at nais ng tao.
2) Hindi maliwanag kung kumikilos ba ang Dios na direkta sa Kanyang pagpre-preserba
(preserves) at pangunguna (governs) sa lahat ng bagay o gumagamit siya ng mga
batas ng kalikasan.
Pagsasabunay
A. Ano ang mga maliwanag na turo ng Biblia tungkol sa Sovereign Power ng Dios?
1. __________________________________________________________
2. _________________________________________________________
B. Magbigay ng halimbawa ng 2 bagay na dapat mong gawin kasi hindi ito gaagwin ng Dios
para sa iyo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 – Ang Kalayaan ng Tao

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Tatlong Pananaw (3) sa
Kalayaan ng Tao
Pagkilos: Paano mo tinatanggap ang mga personal mong kaibigan?
Pag-unawa:
a. Determinismo (Determinism) – sa bawat pangyayari ay mayroong naunang pangyayari
and kalagayan na sapat upang mangyari ang bawat pangyayari. Imposible na hindi
mangyari ang bawat nangyari.
b. Libertianismo (Libertianism) – ang iba o maraming mga gawa o isip ng tao ay walang
dahilan kundi siya lamang.
c. Kompatibilismo (Compatibilism) – wala namang paglalaban sa kalayaan ng tao
(freewill) at sa determinismo (determinism) dahil ang tao ay malaya at responsable sa
lahat ng kanyang inisip, sinalita at ginawa kahit may nagtulak pa sa kanyang ginawa,
inisip at sinalita. Mga dahilan:
i. Kahit pa itulak ang isang tao na gumawa ng anuman, siya ay mayroon pa ring
kakayahang sumunod o humindi.
ii. Ang talagang dahilan kung bakit ginagawa ng isang tao ang isang bagay ay hindi ang
ibang tao o pangyayari kundi ang kanyang sarili mismong ‘inner psychological
affairs” – ang kanyang pangarap, naisin, gusto, takot, atbp.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang ibig sabihin ng mga sumusunod na salita?
1. Determinismo__________________________________________________________
2. Libertianismo_________________________________________________________
3.
Kompatibilismo_________________________________________________________
B. Magbigay ng halimbawa ng 2 bagay na dapat mong gawin kasi hindi ito gaagwin ng Dios
para sa iyo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 3 – Ang “Existentialismo”

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Kalayaan ng Tao:
Existenialism
Pagkilos: Sino ang pipiliin mo kapag isa lamang ang iyong maililigtas – asawa mo o anak mo?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Mga Pundasyong Kaisipan:
1) Ang buhay ng tao ay bunga ng mga desisyon na ating ginawa. Dapat magdesisyon ang
tao kung ano ang kanyang tatanggapin o tatanggihan.
2) Ang pagpili ng tao ay desisyon ng tao at hindi nakabatay sa ibang tao. Malaya siya at
manangot sa anumang desisyon niya.
3) Dahil kailangang mamili at magdesisyon ng tao, siya ay malaya. Nagkakaroon siya ng
pagkabalisa (anxiety, worry) dahil sa kanyang mga desisyon. Kahit takasan niya ang
magdesisyon at pumili, hindi siya makakatakas dahil ang pagtakas ay isang desisyon
din. Kailangan ng tao na mamili at magdesisyon, at anuman ang kanyang desisyon, ito
ang kalikasan ng pagiging tao.
4) Ang kaalaman at pananampalataya sa Dios ay magka-iba. Sa pananampalataya
lamang sa Dios mararanasan ng isang tao ang tunay na desisyon at pagpili.
b. Soren Aabye Kierkegaard (1813-1855) – ama ng Existentialism. Ang katotohanan ay
nakabatay sa isang tao (subjective), hindi sa anumang pang-unibersal na prinsipyo o
katotohanan. Ang dapat ay mahasa ang tao na magdesisyon at pumili ng tama sa
kanyang pananaw.
c. Edmund Husserl (1859-1938) – ama ng Phenomenology. Ang katotohanan ay wala sa
isang tao kundi nasa kanyang karanasan (phenomenon). Dapat ay maunawaan ng tao ang
kanyang personal na karanasan hindi sa pamamagitan ng pagpapaliwanag (explain),
kundi sa pamamagitan ng pagbibigay kahalagan (relate) ng karanasan sa kanyang buhay.
d. Martin Heidegger (1889-1976) – ang tao lamang ang magbibigay ng halaga sa kanyang
personal na buhay kasi siya mismo ang nakakaranas ng kabalisahan, takot, pag-ibg at
kamatayan. Ang tao ay nasa sanlibutan at siya ang nagbibigay ng kahulugan sa kanyang
mga nakakasalamuha at nararanasan. Kailangan niyang maging totoo sa kanyang sarili
(authentic existence) upang hind imaging sunod-sunuran sa ibang tao (dasein,
inauthentic existence, absurdity).
e. Jean Paul Sartre (1905-1980) – hindi siya naniniwala sa Dios. Ang tao ay nabubuhay at
nabubuhay para sa kanyang sarili. Siya ang lumilikha ng kanyang sarili at responsable sa
kanyang sarili at sa lahat ng tao. Ang pagdedesisyon at pagpili ay gawain ng bawat tao na
nagdudulot sa kanya ng kabalisahan. Ngunit kapag hindi ka nagdesisyon, hindi ka tunay
na nagiging tao, at kakalabanin mo ang sarili mong konsensya.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pananaw ng mga tao sa ibaba tungkol sa kalayaan ng tao?
1. Kiekegaard__________________________________________________________
2. Husserl_________________________________________________________
3. Heidegger_________________________________________________________
4. Sartre_________________________________________________________
B. Bakit kailangan mong mamili at magdesisyon para sa sarili mong buhay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 4 – Ang Makabuluhang Salita

Pakay: Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Itanong: Gaano kahalaga ang “salita” sa buhay ng isang tao at lipunan?
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilosopiya
a. Ang pilosopiya ay isang gawain (activity) at hindi isang teorya (theory), na nasa isip
lang. Ang resulta ng pilosopiya ay hindi ang pagkakaroon ng mga bagong pananaw o
paniniwala, kundi pagkakaroon ng malinaw na pananaw at paniniwala.
b. Mayroon lamang 2 uri ng maliwanag na salita o “meaningful language”:
1) Matematika (mathematics)
2) Karanasang nakita ng mata o naobserbahan (empirical truths)
c. Maliban sa matematika at karanasang naobserbahan, lahat ng salita ay walang tunay o
maliwanag na
kahulugan.
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Kalayaan ng
Tao:
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Kalayaan ng Tao:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Konklusyon Tungkol sa Kalayaan ng Tao:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Kalayaan ng Tao:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

ARALIN 12 – Mga Piling Paksa ng Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Kaligayahan ng Tao

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Tatlong Pananaw
Tungkol sa Kaligayahan ng Tao
Pagkilos: Itanong: Ano ang lubusang magpapaligaya sa isang tao?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Hedonismo (Hedonism) – ito ang pananaw ni Epicurus at John Stuart Mill na ang
pagkakaroon ng maraming kasiyahan (pleasures) at pagkakaroon ng kaunting
kahirapan (pains) ang magpapaligaya sa tao. Si Epicurus (341-270 BC) ay naniniwala
na ang layunin ng buhay ay kasiyahan (pleasure). Ang kasiyahan ay pag-unti o
pagkawala ng mga sakit ng katawan (pains) at kabalisahan ng isip (troubles or
worries of the mind). Ang pinakamataas na kasiyahan ay kapahingahan – walang
sakit sa katawan at mapayapang pag-iisip. Ang bisyo ay hindi nagdudulot na kasiyahan
kundi ng kalungkutan at mga sakit, dahil hindi kasiyahan ang maging alipin ng
anuman.
b. Eudemonismo (Eudemonism) – ito ay pananaw ni Aristotle na ang paggamit ng tao sa
kanyang sariling talent o panloob na kakayahan, lalo na ang isip at rason ang
nagbibigay kaligayahan sa tao. Ang isip ang kaibahan ng tao sa mga hayop.
c. Teologikal (Theological) – ito ang pananaw ni Thomas Aquinas na ang pagyakap sa
mga espiritwa na bagay ang magpapaligaya sa tao tulad ng pananampalataya, pag-asa
at pag-ibig at pagkakaroon ng maayos na relasyon sa Dios.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pananaw ng mga tao sa ibaba tungkol sa kaligayahan ng tao?
1. Epicurus__________________________________________________________
2. Aristotle_________________________________________________________
3. Aquinas_________________________________________________________
B. Bakit kailangan mong maging maligaya sa buhay mo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 – Mabuting Pag-uugali (Etika)

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Relasyon ng Kaligayahan
ng Tao at ang Mabuting Pag-uugali
Pagkilos: Itanong: Ano ang dahilan bakit mo pipiliin o gagawin ang isang mabuting gawain o
pag-uugali kaysa sa maling gawain o pag-uugali?
Pag-unawa:
a. Teorya ng Teologista (Teleological Theory) – sabi ni John Stuart Mill ay maganda ang
mabuting pag-uugali para sa kapakanan ng taong gumagawa nito at ng maraming tao.
Paano inaalam ng teoryang ito kung ano ang mabuting pag-uugali?
1) Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng isip o rason, pagtingin sa mga resulta
(advantages at disadvantages)
2) Maaari ding gamitin ang damdamin (feelings) sapagkat ang tao naman ang
makakaranas ng saya o lungkot man.
b. Teorya ng Deontologista (Deontological Theory) – sabi ni Immanuel Kant ay maganda
ang mabuting pag-uugali anuman ang maging resulta nito. Paano inaalam ng teoryang ito
kung ano ang mabuting pag-uugali?
1) Ito ay sa pamamagitan din ng paggamit ng isip o rason, pagtingin sa mga resulta
(advantages at disadvantages)
2) Ito ay sa pamamagitan din ng paggamit ng mga pangkalahatang sukatan o batas
(universal laws) at maging ng mga utos ng Dios (laws of God)
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pagkaka-iba ng deontologikal sa teleogikal?
1. __________________________________________________________
2. _________________________________________________________
B. Sa iyong palagay, ano ang mas tama: deontologikal o teleogikal?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 3 – Pinag-aalayan ng Pagsisikap ng Tao
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral ang dapadat na paboran: ang
iyong sarili o ang ibang tao?
Pagkilos: Mali ba ang maghangad ng sariling kaligayahan at tagumpay?
Pag-unawa:
a. Egoismo (Egoism) – normal na pinapaboran ng isang tao ang kanyang sarili bago ang iba
at hindi ito masama dahil imposibleng unahin mo ang kapakanan ng iba ng hindi mo
iniisip ang mangyayari sa iyo. Kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili bago ka
tumulong sa iba.
b. Altruismo (Altruism) – hindi dapat sarili ang unahin ng isang tao kundi ang kapakanan
ng ibang tao. Ito ay kahit pa mapahamak siya.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang pagkaka-iba ng egoismo sa altruismo?
1. __________________________________________________________
2. _________________________________________________________
B. Sa iyong palagay, ano ang mas tama: egoismo o altruismo?
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 4 – Ang Katotohanan ay Epektibo

Pakay: Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Ang pagyaman ba ay batayan o katangian ng magandang buhay?
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilosopiya
a. Ang katotohanan ay kung ano ang epektibo at makakapagpaunlad sa tao at sa lipunan
b. Ang anumang prinsipyo ay dapat maging konkreto o totoo sa buhay ng tao sa ngayon.
Kung hindi ito maaaring maging totoo ay hindi ito katotohanan.
c. Ang anumang katotohanan ay maaaring sukatin. Ang anumang konsepto o prinsipyo ay
dapat na maobserbahan at masukat upang magkaroon ng matalinong pagpapaliwanag.
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Kagandahang-
Asal:
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Kagandahang Asal:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Konklusyon Tungkol sa Kagandahang Asal:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Kagandahang Asal:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
ARALIN 13 – Mga Piling Paksa ng Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Ang Pananaw ni Plato at Aristotle Ukol sa Estado o Pulitika

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Pananaw ni Plato at
Aristotle Tungkol sa Lipunan
Pagkilos: Itanong: Ano ang katangian ng magandang pinuno ng bayan?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Para kay Plato:
1) Ang pinalamalahagalang tungkulin ng estado o gobyerno ay alagaan ang ekonomiya
ng lipunan.
2) Ang edukasyon o paaralan ay upang piliin at sanayin ang mga sundalo at lider ng
lipunan. Isa sa kanilang pangunahing layunin ay hubugin sa mabuting asal ang mga
mag-aaral.
3) Ang mga tao sa lipunan ay binubuo ng tatlong uri: mga mangangalakal tulad ng
magsasaka, negosyante at manggagawa; mga sundalo o kapulisan; at, mga lider. Ang
sinumang tao ay maaaring maging lider kung kaya niya.
4) Mga importanteng pag-uugali ng isang tao ayon kay Plato sa lipunan: Pagiging
Makatarungan, Pagpipigil sa Sarili at Kaalaman
5) Ang nais ng isang tao ay kailangan maipasakop sa nais ng lipunan para magkaroon ng
maayos na lipunan.
6) Ang mga lider ng gobyerno ay dapat matatalino (Philosopher Rulers) upang makabuo
ng perpektong lipunan.
7) Impluwensyado ni Plato sina Augustine, Anselm, Descartes, Hobbes, Mill, Nietzsche,
Heidegger, Gadamer at Russel
b. Para kay Aristotle:
1) Ang lipunan ay mas importante kaysa pamilya at ang pamilya ay mas importante kaysa
sa isag tao.
2) Ang tao ay likas na pulitikal at hindi maaaring tumakas sa lipunan..
3) Ang lipunan ay parang buhay na nilalang (organism) at hindi isang makina
(machine), kung kaya walang perpektong pamahalaan o lipunan.
4) Ang layunin ng gobyerno ay hindi lamang magbigay ng katarungan at paunlarin ng
ekonomiya kundi magbigay ng batas upang mabuhay ang mga tao na maligaya at
marangal.
5) Impluwensyado ni Aristotle sina Alexander the Great, Copernicus, Galileo, at Thomas
Aquinas
Pagsasabuhay
A. Ano ang pagkaka-iba ng pananaw ni Plato kay Aristotle tungkol sa gobyerno?
1. __________________________________________________________
2. _________________________________________________________
B. Sa iyong palagay, ano ang pinakaimportanteng dahilan ng estado?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Sesyon 2 – Ang Pananaw ni John Dewey Tungkol sa Pulitika
Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Pananaw ni John Dewey
Tungkol sa Lipunan
Pagkilos: Itanong sa Katabi: Ano ang suliranin ng bansang Pilipinas sa ngayon?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang pananaw ni John Dewey tungkol sa lipunan ay pinaghalong “Idealismo” (Plato) at
Liberalismo (Liberalism). Ang Liberalism ay naninindigan na ang bawat tao sa lipunan
ay dapat malaya at pantay-pantay. Ipinaglalaban ng mga Liberal ang lahat ng uri ng
kalayaan – salita, pamamahayag, relihiyon at ekonomiya
b. Bilang isang liberal ay naniniwala siya na ang isang tao ay produkto at resulta
(“achievement”) ng isang lipunan. Hindi kaya ng isang tao na maging tao kung wala ang
ibang tao.
c. Ang tao bagaman produkto at resulta ng lipunan ay malaya, ngunit para niya magawang
malaya ay kailangan niyang mag-isip at magdesisyon at palitan niya ang kanyang
desisyon ayon na rin sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang kalayaan ay isang
oportunidad na ibinibigay sa isang tao, kung gusto niya.
d. Hindi siya naniniwala sa laissez-faire na kaisipan at dahil dito ang gobyerno ay dapat
ding matalino sa pagkokontrol sa kanyang mga nasasakupan.
e. Para kay John Dewey, ang demokrasya ay pagpo-protekta sa interes ng nakakarami, pag-
alam sa pamamagitan ng eksperimentasyon kung ano ang nakakabuti sa isang isang tao at
sa nakakarami.
Pagsasabuhay
A. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod:
1. Idealismo __________________________________________________________
2. Liberalismo _________________________________________________________
3. Laissez-Faire ________________________________________________________
B. Sumasang-ayon k aba sa Liberalismong pananaw sa lipunan at estado? Bakit
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
https://en.wikipedia.org/wiki/Liberalism

Sesyon 3 – Ang Pananaw na “Social Contract” Sa Pulitika

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Pananaw ni Hobbes,
Locke at Rousseau Tungkol sa Pulitika
Pagkilos: Itanong: Kailan maaaring mag-aklas laban sa pamahalaan?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang pananaw ukol sa pulitika nina Thomas Hobbes, John Locke at Jean-Jacques
Rousseau ay tinatawag na “Social Contract Theoory” o Sosya na Kontrata. Ito ay ang
pagbibigay ng legalidad sa pagkokontrol ng gobyerno sa isang tao. Ang nilalaman ng
kontratang ito ay ang mga sumusunod:
1) Ang mga tao ay ipapasakop nila ang kanilang kalayaan at karapatan sa estado o sa
gusto ng nakakarami.
2) Ang ganitong desisyon ng mga tao ay para sa kaayusan at ikauunlad ng lipunan.
b. Kapag ang isang tao ay nag-iisa (natural or normal na kalikasan), siya ay magiging
malungkot, makasarili, mailap at hindi lalago. Ganun din, ang isang tao na walang estado
na kina-aaniban ay magiging malaya sa paggawa ng masama at magkakaroon ng tiyak
kaguluhan, awayan at digmaan.
c. Maaaring ang mga pinuno ng gobyerno ay maging mabagsik at masama, pero mas mabuti
ito kaysa walang gobyerno dahil walang batas na iiral para sa lahat. Ang maaaring gawin
ng mga mamamayan kung masama ang kanilang pinuno ay mag-aklas at magbuo ng
bagong gobyerno. Maaari ito dahil ang karapatan at kalayaan ng tao ay mula at bigay ng
Dios, at ang bawat pinuno ng gobyerno ay hindi permanente o mas mataas pa sa Dios.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang teorya na Social Contract?
__________________________________________________________
_________________________________________________________
B. Sa iyong palagay, kailan maaaring mag-aklas ang mamamayan laban sa gobyerno o estado?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
https://en.wikipedia.org/wiki/Social_contract

Sesyon 4 – Ang Mga Uri ng Sistemang Pulitikal

Pakay: Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Itanong: Ano ang mas magandang uri ng pamahalaan para sa bansang Pilipinas?
Pag-unawa: Ang Kalikasan ng Pilosopiya
a. Ang tatlong sikat na Uri ng Pamahalaan
1) Monarchy – pamumuno ng isang tao
2) Aristocracy – pamumuno ng iilang tao
3) Democracy – pamumuno ng marami at gusto ng nakararami
b. Abraham Lincoln: Ang gobyerno ay gobyerno na mula sa mga tao, para sa mga tao, at ng
mga tao.
c. Ang makabagong demokrasya ay tinatawag na “representative democracy” sapagkat
imposible na magkita at mag-usap-usap ang lahat ng mga tao.
d. Ang mga elemento ng bagong demokrasya:
1) Malayang Halalan
2) Nasusunod ang nakakarami, Protektado ang karapatan ng kakaunti
3) May mga partidong political
4) Ang lahat ng uri kapangyarihan ay kontrolado
5) Ang sinusunod ay ang Pambansang Konstitusyon
6) Minimum na Kontrol sa mga Pribadong Organisasyon
Pagsasabuhay:
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Estado o
Pulitika:
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Estado:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Konklusyon Tungkol sa Estado:

3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Estado:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

ARALIN 14 – Mga Piling Paksa ng Pamimilosopiya

Sesyon 1 – Ang Suliranin ng Kasamaan

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Suliranin ng Kasamaan
(evil)
Pagkilos: Itanong sa katabi: Paano mo masasabi na masama ang isang bagay, tao o pangyayari?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Tugkol sa kasamaan, may tatlong tingin sa Dios:
1) Una, hindi kayang pigilin ng Dios ang kasamaan at nagpapatunay lamang na ang Dios
ay hindi lubos na makapangyarihan, o,
2) Ikalawa, may kakayahan ang Dios na pigilin ang kasamaan pero hindi Siya mabuting
Dios. Ma
3) Ikatlo, may layunin ang banal at makapangyarihang Dios kung bakit Niya pinahintulot
ang paghihirap at kamatayan na maaari nating matagpuan sa Biblia.
b. Si Augustine ay naniniwala na ang kasamaan ay hindi kabaligtaran (opposite) ng
kabutihan; sa halip, ang kabaligtaran ng kasamaan ay “kawalan” (absence) ng kabutihan.
Ang kasamaan ay masama (evil) kapag wala (absent) itong maidudulot na mabuti sa
kasalukyan o sa hinaharap man. Halinbawa, ang kadiliman (darkness) ay hindi
kabaligtaran ng liwanag (light), kundi kawalan ng liwanag. Ang kasamaan na nararansan
natin sa ngayon at maaari nating bigyan ng kahulugan bilang kahirapan at kamatayan.
Pagsasabuhay:
A. Ano ang mas gusto mong tingin sa Dios pagdating sa kahirapan at kamatayan ng tao? Bakit?
__________________________________________________________
_________________________________________________________
B. Sa iyong palagay, bakit niloob ng Dios ang kahirapan at kamatayan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 2 - Ang “Theodicy”

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Theodicy: Bakit may
Kahirapan at Kamatayan?
Pagkilos: Bakit may kahirapan sa mundo?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ayon sa Biblia, ang kasamaan (kahirapan at kamatayan) ay hindi direktang nilayon at
ginusto ng Dios, sa halip ito ay kanyang pinayagan bilang resulta ng limitasyon ng tao at
pagkakasala
b. Ayon sa Biblia, kahit na nararanasan natin ang kahirapan at kamatayan dahil sa kasalanan
natin, kasalanan ng ibang tao, at kalagayang pangkalikasan, tayo ay inihahatid na gamitin
natin ang kaloob ng Dios - ang isip at ang personal kalayaang magplano at magdesisyon.
Dahil sa kakayahan nating mag-isip, magplano at magdesisyon, maaari magtagumpay
ang tao sa kahirapan at kamatayan.Hindi pahihintulutan ng Dios ang anumang kahirapan
at kamatayan kung wala Siyang mabuting plano.
Pagsasabuhay:
A. Ayon sa Biblia, bakit may kahirapan at kamatayan sa mundo?
__________________________________________________________
_________________________________________________________
B. Sa iyong palagay, may maganda bang maidudulot ang kahirapan at kamatayan? Magbigay
ng 2 sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 3 – Ang “Theodicy”

Pakay: Pagkatapos ng Sesyon 1, mauunawaan ng mga mag-aaral Ang Theodicy: Bakit may
Kahirapan at Kamatayan?
Pagkilos: Bakit may kamatayan?
Pag-unawa: Maikling Lektura
a. Ang Dios ay makapangyarihan sa lahat at may kakayahan Siyang makipag-ugnay sa mga
taong may sariling isip, makasalanan at mahina; at hindi kayang biglain o isorpresa ng
tao ang Dios dahil ang Dios ay hindi matatalo ng tao o anumang pwersa sa sansinukob.
b. Nakakapagbanal din ang kahirapan at kamatayan sa sanlibutan. Ang mahirapan at
mamatay ay hindi laging nakakasakit sa tao sa halip nakakapagbigay kagalingan at
kabanalan. Kaya nga, ang mga tunay na Cristiano ay hindi nawawalan ng pag-asa sa
hiwaga ng kahirapan at kamatayan.
Pagsasabuhay:
A. Magbigay ng 2 praktikal na tugon sa pagharap sa hirap at kamatayan?
1. __________________________________________________________
2. _________________________________________________________
B. Sa iyong palagay, handa ka bas a kamatayan? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtataya: _________________

Sesyon 4 – Ano ang iyong pangarap para sa buong mundo?

Pakay: Balik-aral at Dagdag na Kaalaman
Pagkilos: Ano ang pangarap mo sa mundo?
Pag-unawa: Maikling Kaalaman
“Imagine there's no countries.
It isn't hard to do. Nothing to kill or die for. And no religion too.
Imagine all the people living life in peace.
You may say that I'm a dreamer. But I'm not the only one
I hope someday you'll join us. And the world will be as one” ― John Lennon, Imagine
Pagsasabuhay: Sumulat ng isang Pam-pilosopiyang Pagpapahayag Tungkol sa Kinabukasan ng
Mundo:
1. Mga Totoo (Facts) Tungkol sa Kinabukasan ng Mundo:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Konklusyon Tungkol sa Kinabukasan ng Mundo:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Mga Dapat Nating Gawin Tungkol sa Kinabukasan ng Mundo:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagtataya: _________________
Mga Piling Pangungusap sa Pilosopiya
“Ang kalikasan ay napakaganda, huwag na tayong mag-isip pa ng tungkol sa Dios”
― Ruth Hurmence Green, The Born Again Skeptic's Guide To The Bible

“Ang mababaw na tayo ay naniniwala sa swerte at pagkakataon. Ang matalino ay naniniwala sa dahilan (cause)
at epekto (effect).” ― Ralph Waldo Emerson

“Si Napoleon, ay nagtanong kay Laplace tungkol sa kanyang aklat, 'G. Laplace, ang iyong sinulat na aklat
tungkol sa teorya ng kalikasan ay napakalaking aklat, bakit hindi mo man lang nabanggit ang Dios na gumawa
nito?. 'Sagot ni Laplace, 'Hindi ko kailangan ang teoryang iyan” ― Pierre-Simon Laplace

“Tayo ay iniligtas ng Pilosopiya ng Materyalismo sa kasalanan at sa parusa ng Dios, dahil wala naman palang
kasalanan at Dios. Ang mayroon ay hindi magandang pag-uugali sa kapwa na maaari nating makontrol sa
pamamagitan ng batas at edukasyon.” ― Phillip E. Johnson, Defeating Darwinism by Opening Minds

“Kapag mayroong isang kaisipan, at nangangakong ito na ang nag-iisang tama at solusyon sa lahat ng
problema, yan ay tanda na wala siyang pag-unawa sa katotohanan.” ― Karl R. Popper

“Noon: Bigyan mo ako ng kalayaan o patayin mo na lamang ako. Ngayon: Gawin mo akong alipin, bayaran mo
lang ako ng sapat.” ― Todd Garlington

“Ang sikreto ng kaligayahan ay tanggapin mo na ang mundo ay kakila-kilabot, kasindak-sindak, katakot-

takot.” ― Bertrand Russell

“Dapat lang na isipin natin lagi na maaaring may masamang bagay mangyayari sa atin.” ― Chuck
Palahniuk, Fight Club

“Ilang tao lamang ang aking minahal. At mas kaunti ang nakita kong mabuting tao. Habang nauunawaan ko ang
sanlibutan, lalo akong nalulungkot. Ang lahat ng tao ay hindi tapat at hindi natin dapat idepende ang ating
buong buhay at kinabukasan sa sinumang tao.” ― Jane Austen, Pride and Prejudice

Wala dapat pang-aalipin sa pagkatuto at edukasyon. Ang pilit na pag-eehersisyo ay hindi nakakasama sa
katawan, pero ang pilit na pagkatuto ay hindi mananatili sa isip. Dapat gawin ang pagkatuto katulad ng
paglalaro ng isang maliit na bata. Plato

Kapag hindi ibinase ng tao ang kaalaman sa Dios at sa Kanyang mga Salita, magsisikap ang tao na magbuo ng
sariling kaalaman na galing sa kanyang sarili. Cornelius Van Til

Ang pag-iisip ay gawain ng kaluluwa. Ang isip ko ay sarili kong pag-aari, hindi na mawawala pa sa akin. Dahil
sa aking isip natitiyak kong ako ay andito at nabubuhay. René Descartes, Meditations on 1st Philosophy (1641)

Ang “Physics” ay matematika, hindi dahil natututo tayo ng higit sa mga nangyayari sa kalikasan, ngunit dahil
kulang ang ating pagka-alam sa kalikasan. Ang kaya lang nating madiskubre ay matematika. Lahat na ng ating
alam ay negatibo. Bertrand Russell, An Outline of Philosophy (1927)

Robert G. Olson. A Short Introduction to Philosophy. NY: Brace and World, 1967

You might also like