You are on page 1of 74

Polytechnic University of the Philippines

Sta. Mesa, Manila

College of Business Administration

“Iba’t Ibang Uri at Anyo


ng Pagiging Bakla’

G. Marvin R. Arriola
Filipino II

Ente, Jessica T.

Dionisio, Dianara

Escoto, Christian Julius

Estolas, Iana Kristine D.

Gacusana, Ayana Mae


Dahon ng Pagkilala

Ang grupo ay taos-pusong ipinapaabot ang pasasalamat sa mga

sumusunod na tao sa kanilang walang pagdadalawang-isip na pagtulong

upang maisagawa ng matagumapay ang pag-aaral at pananaliksik na ito.

Kay G. Marvin R. Arriola, ang aming kagalang-galang na propesor

sa Filipino 2 na nagsilbing tagapayo upang ipaalam sa amin ang tamang

hakbangin nang sa gayo‟y mabuo namin ang pag-aaral na ito ng tama at

wasto.

Sa bawat indibidwal na kalahok na siyang tumugon sa aming

sagutang papel (sarbey) upang makakalap ng pangunahing datos at sa

kanilang pagtulong upang malaman namin ng lubos ang bawat

damdamin, saloobin ng isang bakla na siyang aming paksa sa pag-aaral

na ito.

Sa kanya kanyang pamilya at kaibigan ng myembro ng grupong ito,

unang una sa tulong pang-pinansyal upang maisakatuparanang pag-aaral

at ikalawa sa suportang moral upang makapagsagawa kami ng maayos

na pag-aaral.

At higit sa lahat, sa Poong Maykapal na nagbigay ng lakas,

mabuting pangangatawan at gabay upang maisakatuparang ang lahat ng

ito.

Muli, maraming salamat!


Dahon ng Paghahandog

Ang pananaliksik na ito ay aming buong-pusonginihahandog sa

mga taong nagbigay inspirasyon upang maisakatuparan at matapos ito.

Unang una sa aming magulang, sa hindi pagsasawang pag-unawa

sa aming mga pangangailangan, higit sa lahat sa pagmamahal, nagsilbi

kayong inspirasyon sa pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito.

Sa aming tagapayo, Propesor Marvin R. Arriola na siyang nag-

udyok sa amin upang gawin ang pag-aaral na ito.

Higit sa lahat, sa mga respondante, mag-aaral ng Philippine

Normal University, sa mga kabataan ng Parish Youth Ministry, lalong lalo

sa mga bakla, ipinapabatid namin na para sa inyo ang pag-aaral na ito.

At sa Poong Maykapal na siyang pinag-aalayan namin ng

proyektong ito sa patuloy at walang humpay na pagbibigay basbas at

biyaya upang sa gayon matapos namin ito ng wasto at matagumpay.


Talaan ng Nilalaman

Dahon ng Pagkilala……………………………………………………………………i

Dahon ng Paghahandog……………………………………………………..……...ii

Kabanata I……………………………………………………………………………….

Ang Suliranin at Kaligirang Kasaysayan

I. Panimula……………………………………………………………………………

II. Kaligirang Kasaysayan………………………………………………………….

III. Balangkas Teoretikal……………………………………………………………

IV. Balangkas Konseptual………………………………………………………….

V. Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………

VI. Hipotesis………………………………………………………………………….

VII. Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………

VIII. Saklaw at Limitasyon………………………………………………………….

IX. Katuturan ng mga Salitang Ginamit…………………………………………..

Kabanata II………………………………………………………………………………….

Mga Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral

I. Banyagang Literatura………………………………………………………….

II. Banyagang Pag-aaral…………………………………………………………

III. Lokal na Literatura……………………………………………………………

IV. Lokal na Pag-aaral……………………………………………………………


Kabanata III…………………………………………………………………………………

Pamamaraang Ginamit

I. Pamaraang Ginamit……………………………………………………………

II. Populasyon at Bilang Nito……………………………………………………

III. Paraan ng Pagpili ng Kalahok……………………………………………..

IV. Diskripsyon ng Kalahok………………………………………………….…

V. Instrumentong Gagamitin…………………….……………………………..

VI. Paraan ng Pangangalap ng Datus……………….……………………….

VII. Uri ng Gagamiting Estadistika…………………………….……….………

Kabanata IV…………………………………………………………………………………

Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapahalaga sa mga Datos…………………….

Kabanata V…………………………………………………………………………………

Paglalagom, Natuklasan, kongklusyon at Rekomendasyon…………………

Bibliograpiya……………………………………………………………………………….
Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligirang Kasaysayan

I. Panimula

Namulat ang kamalayan ng tao mula sa pagsilang hang-gang sa

paglaki; magsimulang mag-aral, matuto at sa lipunan na ginagalawan

natin ngayon, na dalawa lang ang kasarian ng tao: ito ay ang lalaki at

babae. Noon ay tahimik na nakakubli ang dam-damin ng tao, ngunit sa

patuloy na pag-inog ng mundo at pag-unlad ng kultura at siyensya,

nagkaroon ng panibagong kasarian na tinatawag natin ngayon na “bakla.”

Dito umiikot ang pag-aaral na tatalakayin ng grupo kung saan

aming bibigyang kahulugan ang iba‟t ibang uri at anyo ng isang bakla.

Mula sa edad na napagtanto nilang hindi ang pagi-ging lalaki ang

kasariang kanilang kinabibilangan. Kabilang din rito ang samu‟t saring

hirap at sakit na pinagdaanan nila sa mga mapanghusgang mata ng tao at

kung paano nga ba nila ito nakayanan at napagtagumpayan. Kasama rin

sa pag-aaral ng grupo na sa kabila ng pagiging bakla nanaisin nga ba

nilang magkaroon ng asawa‟t anak upang bumuo ng isang pamilya.

Sa pag-aaral na ito pinili ng grupo ang paksa dahil naniniwala

kaming maipapakita nito ang iba‟t ibang aspeto ng buhay ng mga bakla.

Naniniwala rin ang grupona ang kuwentong buhay ay kumikilala sa

kakayahan ng mga kalahok na unawain at bigyang-kahulugan ang mga

pangyayari sa kanilang buhay.


II. Kaligirang Kasaysayan

Ano nga ba ang isang bakla? Ayon kay Oriondo, ito daw ay

nanggaling sa salitang bakli na nangangahulugang “bali o baluktot” na

nagpapakita ng negatibong kahulugan ng pagkakaroon ng abnormal na

pagkilos bagay na hinahalintulad sa mga bakla dahil sila ay kilos babae,

sa halip na pangatawanan ang kanilang pagkalalake.

Ayon naman kay Neil Garcia, ang salitang bakla daw ay nagmula

sa salitang bayog na pangalan ng isang uri ng kawayan. Noong unang

panahon daw, sinasabing tinatawag na bayoguin ang mga lalakeng kilos

babae dahil sa pagiging malambot nila. Kalaunan ay nagbago daw ang

salitang ito at naging bakla.May nagsabi din na ang bakla ay hango sa

salitang bisaya na "bakol" na ang ibig sabihin ay "hindi pagtayo ng tuwid".

Iba-iba ang sinasabing puinagmulan ng salita, ngunit ating mapapansin na

malaki ang koneksyon ng kabaklaan at pagkilos na parang babae.

Sa panahon natin ngayon marami ng hindi tuwid ang pagtayo.

Bawat lingon natin ay mayroon ka nang matatanaw na bakla. Sa

kadahilanang dumarami na ang bakla nagkaroon ito ng iba‟t ibang uri na

siya namang naisip ng mananaliksik na gawing paksa. Ngunit masasabing

hindi rin lahat ay tanggap ng lipunan. Ang pag-aaral sa bakla ay maaaring

maging paraan para mas maintindihan natin sila. Halimbawa nito ayang

isang palabas sa Showtime na “pogay”. Layunin rin nila na maipaalam sa

sambayang Pilipino ang saloobin at talento ng mga bakla.


Sa pananaliksik na ito mas kikilalanin pa natin ang mga bakla;

simula sa panlabas nilang anyo hanggang kung paano sila tinanggap o

kung paano sila lumalaban sa karapatan nila bilang bakla. Mas

malalaman natin ang dahilan kung bakit nila pinili ang landas na ito. Ang

landas ng pagiging bakla.

III. Balangkas Teoretikal

Mga Pananaw Siyentipiko

 Ayon kanila Rosario, Schrimshaw, Hunter, Braun (2006), "Ang

pagkabuo ng pagkakakilanlan sekswal ng mga lesbiyan, bakla o

biseksuwal ay magulo at kadalasang mahirap na proseso. Hindi gaya ng

ibang kasapi ng ibang maliliit na pangkat (hal. mga pangkat etniko at mga

lahing minorya), karamihan sa mga indibidwal na LGB ay hindi lumaki sa

isang pamayanan na mayroon katulad na huwaran na maaaring

matutunan nila ang kanilang pagkakakilanlan na nagpapalakas at

tumutulong sa ganoong pagkakakilanlan. Subalit, ang mga indibidwal na

LGB ay kadalasang lumalaki sa mga pamayanang ignorate o laban sa

homoseksuwalidad."

 Ayon sa mga organisasyong siyentipiko gaya ng American

Psychological Association, American Psychiatric Association, American

Psychological Association, American Counseling Association, the National

Association of Social Workers, American Academy of

Pediatrics, American Association of School Administrators, American


Federation of Teachers,National Association of School Psychologists,

American Academy of Physician Assistants, at National Education

Association., ang homosekwal na orientasyon ng isang tao ay isang

normal na orientasyon at ito ay isang katangian na hindi na mababago.

Sa isang pagsasaliksik ng mga siyentipiko, ang sukat ng utak ng

mga lalaking homosekswal ay natagpuan na katulad ng sukat ng utak ng

mga babaeng heterosekswal. Ang isa pang pagkakapareho ang bilang ng

mga nerves (ugat) na nagdudugtong sa dalawang hemisphere ng utak ng

tao ay pareho sa bilang ng mga lalaking homosekswal at babaeng

heterosekswal

 Bakla ni J. Neil Garcia- “All bakla are homosexual, but not all

homosexual are bakla.” Sapagkat ang pagiging homosekswal ay hindi

kinakailangan magpakita ng effeminacy. Ayon din kay Garcia, “the bakla is

a male who…loses his maleness, and begins to turn into a female…such

transformation into another gender is never fully accomplished.” Naipakita

ito sa pelikula kung saan kahit na bihis, kilos, at pangalan ni Gorio (naging

Glori) ay pambabae, lalaki pa rin ang turing ng mga tao sa kaniya. Kaya

naman sa palengke, pinatulan siya ng isang tindero sapagkat lalaki pa rin

ang turing nito sa bakla. Gayundin nang tanggihan siya bilang labandera

sapagkat babae ang hinahanap nila.


Mga Pananaw Relihiyoso

 Ang mga iba't ibang sekta ay may iba't ibang pananaw tungkol sa

homoseksuwalidad at iba't ibang interpretasyon sa mga talatang

sinasabing nagbabawal sa homoseksuwalidad sa Bibliya o Quran at iba

pang aklat. Ayon sa iskolar na si Daniel A. Helminiak, ang Bibliya ay

maaaring ipakahulugan na literal o sa pamamagitan ng isang tamang

kontekstong historikal-kultural nito. Sa ilalim ng isang literal na pagbasa

nito, ang Bibliya ay pinapakahulugan ng mga konserbatibo na

kumokondena sa homoseksuwalidad at mga homoseksuwal. Sa ilalim

naman ng kontekstong historikal-kultural nito, ang Bibliya "ay hindi

sumasagot sa mga kasalukuyang tanong tungkol sa etikang seksuwal at

hindi kumokondena sa pakikipagtalik sa parehong kasarian o

orientasyong homoseksuwal gaya ng siyentipikong pagkakaunawa sa

konseptong ito sa kasalukuyang makabagong panahon." Ayon kay

Helminiak, walang sinabi si Hesus tungkol sa homoseksuwalidad. Para sa

mga liberal, ang kontekstong kultural ng mga talatang ito ay tumutukoy sa

pakikipagtalik na sangkot ang prostitusyon sa mga paganong templo ng

ibang kultura. Ayon naman sa mga sekularista, ang Bibliya ay hindi na

makabuluhan sa modernong panahon ngayon dahil ito ay hindi aklat

ng agham at gayundin ay sinasalungat ng

agham, kosmolohiya, arkeolohiya, biolohiya (ebolusyon), heolohiya at iba

pang sangay ng agham.


Konserbatibong Posisyon

 Ang opisyal na doktrina ng Romano katoliko ay naglalarawan ng

homosekswalidad bilang "objectively disordered" ngunit ayon sa

katekismo ng Katoliko, ang "mga homosekswal ay dapat na tanggapin na

may paggalang, habag, at pagiging sensitibo. Ayon din sa katekismo, ang

mga homoseksuwal ay tinatawag na maging selibato (celibate- buhay na

walang asawa).

Liberal na Posisyon

 Ang ilang mga liberal na relihiyon ay hindi tumuturing sa isang relasyong

homosekswal na isang kasalanan o imoral. Para sa mga liberal, ang

homoseksuwal na orientasyon ay hindi piniling pag-aasal at hindi

mababago ayon sa pananaw ng mga siyentipiko. Tinatanggap rin ng mga

liberal ang mga homoseksuwal dahil sila ay naniniwalang itinaguyod

ni Hesus ang panlipunang hustisya (social justice) at pagtataguyod sa

mga naaapi at itinakwil ng lipunan. Kabilang dito ang United Church of

Canada, Unitarian Universalist Association, Canadian Unitarian Council,

Episcopal Church (United States), United Church of Christ, Metropolitan

Community Church, mga ilang protestante, mga liberal na sekta

ng Hudaismo (Reform Judaism in North, Reconstructionist Judaism

etc.), Kristyanismo atIslam (Al-Fatiha Foundation), Wicca at iba pa.


V. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tungkol s iba‟t-ibang uri ng pagiging isang

bakla ay magbibigay kasagutan sa mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang iba‟t-ibang uri ng pagiging isang bakla?

2. Sa anong edad mas marami ang lalaking nalaman nila na isa pala

silang bakla?

3. Ano nga ba ang dahilan ng kanilang pagiging bakla?

4. Ano nga ba ang hirap na dinadanas nila sa mata ng mga tao ng

kinabibilangan nilang lipunan? Sa paanong paraan nila ito

nakayanan at nalagpasan?

5. Sa kabila ng pagiging bakla nila, nanaisin pa ba nila na magkaroon

ng asawa‟t anak at bumuo ng isang pamilya?

VI. Hipotesis

Sa Pilipinas, sinasabing maraming mga bakla. „Di man daw sila

nanganganak, patuloy pa rin ang pagdami nila.Sa telebisyon, sa mga

pelikula, sa parlor, sa palengke, sa school.Kahit saan ka lumingon,

imposibleng „di ka makakita ng bakla.

Sa isang bansang binansagang konserbatibo at relihiyoso, kataka-

takang marami na ang nagsisipaglantaran at sumasali sa animo‟y

pederasyon ng makabagong sekswalidad sa katauhan ng kabaklaan.

Pero kahit na parami ng parami ang mga bakla, parang „di pa rin

nagbabago ang pagkakakilanlan sa kanila: nakakatuwa, artistic, mahilig


magpaganda, pa-girl. Sa gitna ng mga simple at minsa‟y kakatuwang

pagkakakilanlan sa mga bakla, talaga bang kilala natin sila?

Marami sa ati‟y hindi pa ganoon kaalam sa kung ano nga ba ang

mga uri nila? At ang iba pa nga ay hindi alam na may uri pala ang mga ito.

Ninais ng grupo na talakayin at pag-aralan ang paksa na ito sa halip ng

malawak na sakop at sa halip ng dami ng taong bumabatikos sa kanila.

Ano-ano nga ba ang naidudulot na epekto ng mga bakla sa atin?

Paano nga ba maipababatid ng pag-aaral na ito sa mga taong may

saradong puso‟t isipan kahit marinig pa lamang ang salitang “kabaklaan?”

At huli, sila nga ba ay may naitutulong sa pag-unlad ng bansang Pilipinas

o nakapagpapababa at nakapagpapadumi ng imahe ng ating lipunang

kinabibilangan?

VII. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang grupo ay nagsagawa ng pag-aaral upang sa pamamagitan nito

ma-ipabatid ang kahalagahan sa mga sumusunod:

Sa mga Mananaliksik

Sa paglipas ng panahon dumarami ang bilang ng bakla sa ating

lipunan, masasabi rin na hindi lamang at kami ang kauna-unahang grupo

na gumawa ng pananaliksik sa paksang ito. Ngunit sa pag-aaral na ito

mabibigyang-linaw pinagkaiba-iba ng mga sumusunod na uri at anyo ng

bakla.
 Baklang Cross-dresser

 Baklang Pasikreto

 Baklang Babaylan

 Baklang Transsexual

 Pamintang Buo

 Pamintang Durog
Sa mga Magulang at Mag-aaral

Batid sa ating kaalaman ang karanasan ng mga bakla, ito man ay

ang kanilang tagumpay o hindi, nais ipaabot ng grupo ang dalawang salik

na ito sa mga magulang at kapwa naming mag-aaral.

1. Pagkakapantay-pantay

Sabi nga ni Boy Abunda, “Ang mga bakla ay hindi humihingi

ng equal rights kundi equal privileges sa trabaho, oportunidad, at kahit

respeto man lang sa mga nakakaintindi. “

Lumantad ang mga bakla upang maging “malaya” sa tunay nilang

nararamdaman. Sa paglalantad nilang iyon na diumano, ang karapatan

nila ay kanilang isusulong sa abot ng kanilang makakaya sa laban.

Gayon man, sila‟y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga naghahari

na kalalakihan at pinapatay ang kanilang pag-asa sa pamamagitan ng

isang konstitusyon na wala ng pagkilala‟t pagtanggap sa kani-kanilang

karapatan at ito‟y nagsisilbi nilang balakid, tanda ng pagtakwil at lubos na

pagkondena na hindi pa-aawat na pangmamata.

Ito‟y isang mahirap na kalagayan ng bakla na nagsusumamo ng

pagtanggap sa lipunan. Tulad ng isang babae at lalake sila ay likha ng

Diyos na nangangailangan ng paggalang kung kaya‟t bawat bakla ay may

karapatan na sila ay bigyang respeto.


2. Adbentaheng naidudulot sa atin

Sa kabilang banda, marami tayong kilalang bakla na hindi

man ipinanganak na „astig‟ at „lalaking-lalaki‟ ay buong-pusong

ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa buhay.

Halimbawa nalang rito ng ma-koronahan si Kevin Balot na

isang Pinay Transgender bilang 2012 Miss International Queen

kamakailan lamang. Si Ricky Reyes na may-ari ng 39 na salon, 3

Learning Institutes at ng prangkisang “Reyes Haircutters.” Si Joel Cruz na

may-ari sa likod ng sikat na pabangong “Aficionado” at iba pang Joel Cruz

perfumes. Pati na rin sina Vice Ganda, BB Gandang Hari, Allan K. at Boy

Abunda.

Ilan lamang sila sa mga baklang kayod-kabayo sa

pagiging breadwinners. Mga baklang career-oriented na wala mang

sariling pamilya ay pilit nagtatagumpay sa larangang kanilang

kinabibilangan.

Mga baklang nagsusunog ng kilay sa pag-aaral at nag-ti-

tiyaga sa pag-ta-trabaho mapatunayan lamang sa pamilya nila at sa

lipunang umaalipusta sa kanila na ang pagiging bakla ay hindi lamang

humihinto sa pagpaparlor, pagkendeng, pagmemake-up at pagbibihis

babae.

Higit sa lahat ng iyan, sila ay may abilidad na bigyang saya

at kulay ang lipunan.


VIII. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay umiikot lamang sa mga nabanggit na

katanungan sa sarbey na sinagutan ng mga kalahok na siya ring tinuturing

na paksa ng pag-aaral na ito.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagbibigay-linaw sa pagkakaiba-iba

ng uri at anyo ng isang bakla.

Kasama din ng pag-aaral na ito kung ano ang edad mas madami

ang lalaki na nalaman nilang bakla pala sila.

Bahagi din sa pag-aaral na ito ang mga dahilan o kung ano ang

nagtulak sa kanila upang maging isa silang bakla.

Sumasagot din ang pag-aaral na ito sa tanong na kung ano nga ba

ang hirap na dinadanas nila sa mata ng mga tao ng kinabibilangan nilang

lipunan at sa paanong paraan nila ito nakayanan at nalagpasan.

Kabilang din sa pag-aaral na ito ay ang porsyento ng mga baklang

nagnanais magkaroon ng asawa‟t anak at bumuo ng isang pamilya.

Sa loob ng mahigit dalawang buwan na pag-aaral at pananaliksik,

ipinapabatid ng grupo na saklaw din rito ang mga personal na kaalaman,

damdamin, saloobin at pahayag ng mga kalahok at ito ay nakuha sa

pamamagitan ng pinasagutan na survey questionaire na kung saan ito ay

tinipon at pinagsama-sama upang makakalap ng resulta.


IX. Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Abstinensya – pag-iwas sa ano mang bagay na gusto mung iwasan.

Bahagdan – iba pang tawag sa porsyento.

Bakla – itinutiring pangatlong kasarian kung saan ang mga taong ito

ay nagkikilos babae.

Baklang Babaylan – isang uri ng bakla na maituturing na chickboy,

pwede sa chicks at pwede sa boy.

Baklang Cross-dresser – isang uri ng bakla na nagdadamit pang

babae.

Baklang Pamintang Buo – isang uri ng bakla na buo ang kalooban na

hindi umamin kahit na anu pa man ang

mangyari.

Baklang Pamintang Durog – isang uri ng baklang durog na durog na

ang kalooban sa katatanong ng

sambayanang Pilipinas tungkol sa

kanyang tunay na pagkatao.

Baklang Tranasexual – isang uri ng bakla na ganap na ang

pagbabagong anyo. Hindi mo na

mapagkakamalan na dati syang lalaki.

Bakli – nangangahulugang bali o baluktot.

Bakol – salitang bisaya na ang ibig sabihin ay “hindi pagtayo ng tuwid.”

Bayog – pangalan ng isang uri ng kawayan.


Bayoguin – tawag sa mga lalaking nagkikilos babae dahil sa pagiging

malambot nila.

Breadwinners – pangunahing nagbibigay ng pera o sustento sa

pamilya.

Bumayo – dinikdik.

Career-oriented – dedikado sa kanilang tinatahak na career.

Diborsiyo – legal na pagpapawalang –bisa ng kasal.

Equal privilege – pagkakapantay-pantay ng pribelihiyo. Halimbawa

pribelihiyo ng isang manggagawa ng gobyerno ang

hindi pagpasok sa trabaho na hindi kinakaltasan ang

sahod, tinatawag naman itong privilege leave.

Equal rights – pagkakapantay-pantay ng karapatan.

Heterosekswal – naaakit sa ibang kasarian. Kumbaga ang lalaki ay naakit sa

babae at gayundin ang babae ay naaakit sa lalaki.

Kamalayan -ay isang katangian ng kaisipan. Nangangahulugan ito ng

pagiging gising, alisto, at tumutugon sa kapaligiran.

Kapilyuhan – pagiging makulit o malikot.

Kayod-kabayo – pagiging masipag o pursigido sa isang gawain o

trabaho.

Konserbatibo – pananatiling tradisyonal at maingat sa pagbabago o

pagiging makabago, karaniwang may kaugnayan ito

sa pulitika at relihiyon.
Kritisismo – paglalait sa isang tao o bagay.

Lumantad – nagbunyag, lumabas, “expose” sa tunay na pagkatao o

tunay na sarili.

Masturbesyon – sekswal na pagpapasigla ng sariling maselang bahagi ng

katawan.

Pag-inog – pag-ikot

Pagkendeng – pagkembot ng balakang sa mas grabeng paraan.

Pagkondena – pagbawal, pagtanggi, pagtutol.

Parlor – silid o isang lugar kung saan ginagawa ang pag-aayos ng

panlabas o pisikal na parte ng katawan tulad ng pag-gugupit

ng buhok, pag make up at marami pang iba.

Pederasyon – isang grupo ng mga estado na may isang sentral na

pamahalaan ngunit may pagsasarili sa panloob na

affairs.

Pogay – pinagsamang “pogi” at “gay” na nangangahulugang

gwapong bakla.

Porsyento – ay nangangahulugan ng resulta kapag hinati mo ang

isang numero sa isang daan.

Psychotherephy – isang paraang ng pagagamot ng problemang

psychological ng isang tao.

Radikal – bago at naiiba sa kung ano ang tradisyunal o ordinaryo.

Sarbey – ay isang proseso kung paano makakakuha ng isang datos o


impormasyon.

Sekswalidad –Ito ay mga katangian o paglalarawan sa sarili na may

kaugnayan sa ating kasarian bilang lalaki o babae. Ito

ay tumutugon sa kabuuan ng isang tao.

Silahis – nagkakagusto sa parehas na kasarian ngunit iba ito sa bakla.

Talahanayan – ginagamit para makita ang klasipikasyon ng isang bagay.


Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral

I. Banyagang Literatura
Gay is Okay!

Should gays be treated with the same respect as all other people? Conservative

Christians and gay people are going at it again. They never seem to tire of this

war. Only few Christians have the guts to admit that they believe that all gays

should be treated with the same respect as any other people! It seems that only

a person with a number of gay and lesbian friends and acquaintances can realize

the importance of getting to know the people behind the labels and images

society makes; and their experience of building connections with people of many

different backgrounds and personal differences has been both challenging and

tremendously rewarding.

Why do some Christians seem to need a stereotypical enemy, bogeyman, or

group caricature that represents all that is wrong with the world? Perhaps they

also secretly fear that they themselves are not good enough for God, which they

themselves deserve to be punished in hell, that God does not really love them, or

that they cannot rely on such love since they most likely do not deserve it. This

fear may lead them to project this view of themselves as evil. Such people do not

seem to believe that Divine Love is unconditional, that there is no need for

anyone to earn it, and so they cannot trust in the surety of Divine Love nearly so

much as they rely on the certainty of Divine Judgment.


(2001, 04). Gay Is Okay. StudyMode.com. Retrieved 04, 2001.

Pagsasalin:

Ang Bakla ay Okay!

Dapat bang ang bakla ay tratuhin nang may parehong paggalang tulad ng

lahat ng iba pang mga tao. Ang mga konserbatibong mga Kristiyano at ang mga

bakla ay pinag-uusarpan muli ito. Hindi na natapos ang ganitong usapin. Kaunti

lamang sa mga Kristiyano ang may lakas ng loob na dapat din respetuhin ang

mga bakla tulad ng ibang tao. Ipinapakita rito na ang ibang mga tao na may mga

kaibigan na bakla ay malalaman ang kahalagan ng pagkilala sa likod ng kanilang

panlabas na kaanyuan. At ang paghubog ng kanilang koneksyon sa

pakikisalamuha sa mga tao ng iba‟t ibang katayuan at personal na pagkakaiba-

iba ng mga tao ay nagpapakita ng isang makabuluhang premyo.

Bakit kailangan ng mga kristiyano ng kaaway na nagrerepresenta ng

kanilang kamalian sa mundo. Marahil ang ibang mga kristiyano ay natatakot na

baka may pagkukulang pa sila sa Panginoon, dahil ditto, naiisip nilang kailangan

nilang magdusa sa impyerno, na hindi sila mahal ng Panginoon o di kaya‟y di sila

masyadong umaasa na magkaroon ng pagmamahal dahil nga sa hindi sila

kararapat-dapat. Dahil dito ay maaari magbunga na ang kanilang mga sarili ay

mga masasamang tao. May mga tao na hindi naniniwala na ang pagmamahal ng

Diyos ay walang makakapigil, na walang ibang may karapatan dito at kaya hindi

sila maaaring pagkatiwalaan sa pag-ibig ng Diyos na halos umasa sila sa

katiyakan ng panghuhusga ng Diyos..


Growing Up Gay

"The unprecedented growth of the gay community in recent history has

transformed our culture and consciousness, creating radically new possibilities

for people to „come out' and live more openly as homosexuals"(Herdt 2). Before

the 1969's Stonewall riot in New York, homosexuality was a taboo subject.

Research concerning homosexuality emphasized the etiology, treatment, and

psychological adjustment of homosexuals. Times have changed since 1969.

Homosexuals have gained great attention in arts, entertainment, media, and

politics. Yesterday's research on homosexuality has expanded to include trying to

understand the different experiences and situations of homosexuals (Ben-Ari 89-

90).

Despite the transition, little consideration has been given to understanding

the growing population of gay adolescents. 25% of American families are likely to

have a gay child (Hidalgo 24); In the United States, three million adolescents are

estimated to be homosexual. Yet, American society still ignores gay adolescents.

Majority of children are raised in heterosexual families, taught in heterosexual

establishments, and put in heterosexual peer groups. Gay adolescents often feel

forced by parents to pass as "heterosexually normal" (Herdt 2). As a result,

homosexual teens hide their sexual orientation and feelings, especially from their

parents. Limited research conducted on gay young adults on disclosure to

parents generally suggests that disclosure is a time of familial crisis and

emotional distress. Very few researchers argue that disclosure to parents results

in happiness, bringing parents and children closer (Ben-Ari 90).


(1999, 10).Growing Up Gay. StudyMode.com. Retrieved 10, 1999.

Pagsasalin:

Lumalagong mga Bakla

“Ang walang ulirang paglago ng mga bakla sa komunidad sa kamakailang

kasaysayan ay binago ng aming kultura at malay, na lumilikha ng mga bagong

radikal na posibilidad para sa mga tao na „lumabas‟ at mabuhay nang higit pa

nang lantaran bilang homosekswal”. Bago ang 1969 ni Stonewall, taga-New

York, ang homosekswalidad ay isang bawal na paksa. Ang pananaliksik ukol sa

homosekswallidad ay binigyang-diin ang pinagmulan, paggamot, at sikolohikal

na pag-aayos ng homosekswal. Sa pagbabago ng panahon simula noong 1969.

Ang homosekswalidad ay nagkamit ng mahusay na pansin sa sining, sa

larangan ng pang-aaliw, media, at pulitika. Ang pananaliksik ng kahapon sa

homosekswaliidad ay pinalawak upang maunawaan ang iba‟t ibang mga

karanasan at sitwasyon ng mga homosekswal.

Sa kabila ng mga pagbabago, maliit na pagsasaalang-alang lamang ang

ibinigay sa pag-unawa sa lumalaking populasyon ng baklang kabataan. 25% ng

mga Amerikanong pamilya ay malamang na mayroong isang bakla. Sa Estados

Unidos, 3,000,000 kabataan ay tinatantya na maging bakla. Ngunit, binabalewala

pa rin sa lipunan ng Amerikano ang mga baklang kabataan. Karamihan sa mga

kabataan ay nagiging bakla dahil sa ng heterosekswal na pamilya, nag-aral sa

mga heterosekswal na tao, at ilalagay sa heterosekswal na kaibigang grupo. Ang

mga baklang kabataan ay madalasna pinipilit ng mga magulang na pumasa

bilang “heterosekswal na normal”. Dahil dito, ang mga baklang kabataan ay


tinatago ang kanilang sekswal na oryentasyon at mga damdamin, lalo na sa

kanilang mga magulang. Ang limitadong pananaliksik na isinagawa sa mga

baklang bata at matanda sa pagsisiwalat sa mga magulang sa pangkalahatan ay

nagmumungkahi na ang pagsisiwalat ay isang oras ng krisis pampamilya at

emosyonal na pagkabalisa. Ang ilan sa mga mananaliksik na nagtatala ng pag-

amin ng mga heterosekswal na kabataan sa mga magulang na nagreresulta sa

kaligayahan, nagdadala sa mga magulang at mga anak na mas malapit.

II. Banyagang Pag-aaral

What Causes Homosexual Desire

If homosexual impulses are not inherited, what kinds of influences do

cause strong homosexual desires? No one answer is acceptable to all

researchers in the field. Important factors, however, seem to fall into four

categories. These are:

1. Homosexual experience:

 any homosexual experience in childhood, especially if it is a first sexual

experience or with an adult

 any homosexual contact with an adult, particularly with a relative or authority

figure.

2. Family abnormality, including the following:

 a dominant, possessive, or rejecting mother

 an absent, distant, or rejecting father


 a sibling with homosexual tendencies, particularly one who molests a brother or

sister

 the lack of a religious home environment

 divorce, which often leads to sexual problems for both the children and the adults

 parents who model unconventional sex roles

 condoning homosexuality as a legitimate lifestyle– welcoming homosexuals (e.g.,

co-workers, friends) into the family circle

3. Unusual sexual experience, particularly in early childhood:

 precocious or excessive masturbation

 exposure to pornography in childhood

 or girls, sexual interaction with adult males

4. Cultural influences:

 a visible and socially approved homosexual sub-culture that invites curiosity and

encourages exploration

 pro-homosexual sex education

 openly homosexual authority figures, such as teachers

 legal toleration of homosexual acts

 depictions of homosexuality as normal and/or desirable behavior


Can homosexuality be changed?

Certainly. As noted above, many people have turned away from

homosexuality - almost as many people call themselves "gay."

Clearly the easier problem to eliminate is homosexual behavior. Just as

many heterosexuals control their desires to engage in premarital or extramarital

sex, so some with homosexual desires discipline themselves to abstain from

homosexual contact.

One thing seems to stand out: Associations are all-important. Anyone who

wants to abstain from homosexual behavior should avoid the company of

practicing homosexuals. There are organizations including "ex-gay ministries,

"designed to help those who wish to reform their conduct. Psychotherapy claims

about a 30% cure rate, and religious commitment seems to be the most helpful

factor in avoiding homosexual habits.

Pagsasalin:

Ano ang Nagiging Sanhing Pagnanais na Maging Bakla?

Kung ang pag-udyok sa pagiging bakla ay hindi minana, ano ang mga uri ng

impluwensyang maaring nagtulak sa mga bakla para maglantad? Walang isa sa

mga sagot ay katanggap-tanggap sa lahat ng mga mananaliksik sa pag-aaral

tungkol dito. Ang mahahalagang mga kadahilanan, gayunpaman, ay tila na

bibilang sa apat na mga kategorya. Ang mga ito ay:


1. Karanasan ng Bakla:

 Anumang karanasan ng bakla sa pagkabata, lalo na kung ito ay isang unang

seksuwal na karanasan o sa isang nakatatanda.

 Anumang kauganayan ng isang bakla sa nakatatanda, lalo na sa isang

kamag-anak o mga katungkulan gaya ng pulis.

2. Kaalanganan ng pamilya, kabilangang sumusunod:

 Isang nangingibabaw, mapang-angkin, o pagtanggi ng ina

 Walang ama, malayo, o pagtanggi ng ama

 Isang kapatid na may pag-asang maging bakla, lalo na ang isa na minolestiya

ng isang kapatid na lalaki o kapatid na babae.

 Ang kakulangan ng isang relihiyosong kapaligiran

 Diborsiyo, na madalas ay humahantong sa sekswal na mga problema para sa

parehong mga bata at mga matanda.

 Mga magulang na nagiging modelo ng pagiging bakla at tomboy

 Pagkalimot sa homosekswalidad bilang isang lehitimong pamumuhay,

nakakaengganyo ang homosekswal (hal, mga katrabaho, kaibigan) sa lupon

ng pamilya.

3. Hindi karaniwang sekswal na karanasan, lalo na sa unang bahagi ng

pagkabata:

 Maagang umunlad o labis na masturbesyon

 Pagkakalantad sa pornograpiya sa pagkabata

 O mga batang babae, sekswal na pakikipag-ugnayan sa mga nakatatandang

lalaki.
4. Impluwensyang kultural:

 Isang nakikita at panglipunan na naaprubahan ang bakla na pangkultura ng

mga imbitasyon sa pag-usisa at naghihikayat sa paggalugad.

 Sang-ayon sa homosekswal na kasarian na pag-aaral.

 Pagbubukas ng kaisipan tungkol sa mga homosekswal gaya ng guro.

 Legal napagpapaubaya ng mga bakla sa gawain.

 Paglalarawan ng homosekswalidad bilang normal at / o kanais-nais na pag-

uugali.

Maaari bang ang homosekswalidad ay magbago?

Tiyak. Tulad ng nabanggit sa itaas, maraming tao ang nagpalit ng

katauhan mula sa homosekswalidad–kadalasang tinatawag na “bakla”

Malinaw na ang mas madaling problema upang maalis ay ang pag-uugali

ng mga bakla. Tulad ng maraming heterosekswal na kinokontrol ang kanilang

mga kagustuhan upang makisali sa pre-marital o sa labas ng kasalan ng

parehong kasarian, kaya ang ilan ay may baklang gusting disiplinahin ang

kanilang mga sarili upang mag-abstinensya mula sa kontak ng pagiging bakla.

Mukhang isang bagay ang sigurado: ang asosasyon ay ang mahalaga sa

lahat. Sinuman ng gustong mag-abstinensya mula sa pag-uugali ng bakla ay

dapat iwasan ang kumpanya ng pagsasanay ng homosekswal. Mayroong mga

organisasyon na kabilangang “ex-gay ministries,” na dinisenyo upang

makatulong sa mga nais maging mapabuti ang kanilang pag-uugali. Pinatunayan

ng Psychotherapy ang tungkol sa isang 30% ng lunas, at pangako sa relihiyon.


Mukhang ang pinaka-kapaki-pakinabang na kadahilanan sa pag-iwas na maging

bakla ay ang mga gawi.

III. Lokal na Literatura

IBA'T IBANG URI NG KABAKLAAN

Ni Anjoh Ding

Bakla, beki, bading, bek-bek, badap.. Kahit anu pa mang itawag sa

amin ganito na talaga kami. Ayon sa aking obserbasyon, maraming uri

ang kabaklaan. Pero kung kayo ang tatanungin kung anong klase kayo,

ano kayo sa mga sumusunod?

Cross-dresser: Kilala rin sa term na transvestite. Uri ng bakla na

kung saan sila ay nagbibihis pambabae. Hindi pa ganap ang kanilang

pagbabagong anyo, wala pa silang manika. Kuntento na sila sa packaging

tape.

Transsexual: Ganap na ang pagbabagong anyo. Hindi mo na

mapagkakamalan na dati syang lalaki. Marami silang pera, kaya nilang

lumipad papuntang Thailand upang ipatanggal si junjun at palitan ng

manika.

Pangkaraniwan: Bihis lalake pero mas babae pa kesa sa babae.

Marami silang kaibigan na babae. May allergy sa pukelya. Maraming


ganito sa panahon ngayon, mas pinipili nila ang ganoong anyo sa

personal nilang kadahilanan. Minsan na din silang naghahangad maging

dyosa. Maraming uri ang mga ganito.

Babaylan: Ito rin ay kilala sa tawag na Bi o Bisexual. Maituturing

na chickboy, pwede sa chicks at pwede sa boy. Ang hilig nya ay nasa

parehas na kasarian, walang siyang pinipili kung babae o lalaki ang gusto

nya. Kadalasan sila ay gwapo at maporma. Pagdating sa boogie-boogie,

mayroong tatlong klase ang babaylan.

 Top - Sila ang mga bumabayo.

 Bottom - Sila ang mga binabayo.

 Middle - Pwede syang bumayo o kaya naman ay

magpabayo.

Paminta: Ang mga beki na pilit ikinukubli ang katotohanan kahit

ramdam na ramdam na ng sambayanang pilipinas ang totoo.

Nagkukulong sa masikip na kloseta. Ayaw magladlad dahil natatakot sa

maaaring mangyari. Mayroon itong dalawang uri, buo at durog.

 Pamintang durog - Durog na durog na ang kanyang

kalooban sa katatanong ng sambayanang pilipinas tungkol sa kanyang

pagkatao, malapit na syang magladlad. Tumetyempo lang sya at inuunti-

unti ang mga pinagsasabihan ng sikreto. Mamamtay sya ng masaya at

nakaranas na makalanghap ng malinis na hangin.


 Pamintang buo - Buo ang kanyang kalooban na hindi

umamin kahit na anu pa man ang mangyari. Kuntento sya na sarilinin ang

nararamdaman. Mamamatay siya ng suffocated, malungkot at walang

pinagsasabihan ng kanyang sikreto na sobrang obvious na.

IV. Lokal na Pag-aaral

Ang Konsepto ng Sekswal na Oryentasyon: Ang Kaugnayan nito sa

Buhay Sekswal, Buhay Pag-ibig at Buhay Pamilya ng mga Lalaki

RAMEL L. GUINOMMA

M.A. Sociology (November 2004)

Department of Sociology

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa konsepto ng sekswal na oryentasyon at

sa kaugnayan nito sa buhay sekswal at buhay pag-ibig ng mga lalaki. Tiningnan

din ang seks at pag-ibig kaugnay ng buhay pamilya ng mga lalaki. Binigyan ng

higit na pansin ang mga bakla at silahis upang ilarawan ang kanilang buhay

sekswal, buhay pag-ibig at pagpapakahulugan sa pamilya.

Ang pagiging bakla, silahis at heterosekswal na lalaki ay mga uri ng

sekswal na oryentasyon. Ang sekswal na oryentasyon ay tumutukoy sa kasarian

(babae, lalaki o pareho) na nagugustuhan ng isang tao. Bagamat ang sekswal na

oryentasyon ng isang tao ay maaaring magbago, karamihan sa mga tao na

kakilala ko ay hindi nagbabago ng sekswal na oryentasyon.


Ang sekswal na oryentasyon ng isang lalaki ay hiwalay na katangian sa

kanyang pagiging lalaki at pagkalalaki. Ang mga biyolohikal na lalaki ay

maaaring maging heterosekswal na lalaki, bakla o silahis. Ang mga

heterosekswal na lalaki, bakla at silahis ay nagkakaiba-iba rin sa

pagpapakahulugan sa pagkalalaki at sa pagsunod sa mga panlipunang

ekspektasyon kaugnay ng pagiging lalaki.

Batay sa mga literaturang nasuri, ipinapalagay na ang sekswal na

oryentasyon ng kalalakihan ay may malaking impluwensya sa kanilang buhay

sekswal at buhay pag-ibig. Sa partikular, ang isang heterosekswal na lalaki ay

malamang na ilimita ang kanyang sarili sa pakikipagtalik sa mga babae at

malamang na umibig sa mga babae na kanyang sekswal na nagugustuhan.

Ang isang bakla naman ay malamang na ilimita ang kanyang sarili sa

pakikipagtalik sa mga lalaki at malamang na umibig sa mga lalaki na kanyang

sekswal na nagugustuhan. Ang isang silahis ay maaaring bukas sa pakikipagtalik

sa mga babae at mga lalaki at maaaring umibig sa mga lalaki at mga babae na

kanyang sekswal na nagugustuhan.

Sa pag-aaral na ito pinili ko ang lapit ng kuwentong buhay dahil

naniniwala akong maipapakita ng lapit na ito ang kompleksidad at ang iba‟t ibang

aspeto ng buhay ng mga bakla at silahis. Naniniwala rin ako na ang lapit ng

kuwentong buhay ay kumikilala sa kakayahan ng mga kalahok na unawain at

bigyang-kahulugan ang mga pangyayari sa kanilang buhay.


Ang 12 kalahok ay ipinanganak na may aring panglalaki, may edad na

hindi bababa sa 25 taon, nasa wastong pag-iisip at hindi nakadarama ng sekswal

na atraksyon sa mga batang babae at/o lalaki na may edad 15 taon at pababa.

Tatlo ang mga heterosekswal na kalahok. Sila ay nagdadamit-lalaki at

walang pagnanais na maging babae. Isa lamang ang silahis o bisexual na

kalahok. Siya ay nagdadamit-lalaki at walang pagnanais na maging babae.

Isang kalahok ang maaaring silahis o maaaring bakla. Lima naman ang

mga bakla o homosekswal na kalahok. Silang anim ay nagdadamit-lalaki at

walang pagnanais na maging babae.

May isang bakla o homosekswal na kalahok na dating nagdadamit-babae

ngunit hanggang ngayon ay gumagamit pa rin ng foundation para sa kanyang

mukha. Ayon sa kanya, siya ay isang tunay na bakla. Sa aking pakiwari, wala

siyang matinding pagnanais na maging babae.

May isang bakla o homosekswal na kalahok na matindi ang pagnanais na

maging babae kaya nagawa niyang sumailalim sa sex reassignment surgery.

Siya ay nagdadamit-babae bago at pagkatapos ng kanyang matagumpay

naoperasyon. Ang pagtukoy ko sa kanya bilang homosekswal ay batay sa

kanyang orihinal na kasarian.

Mahalaga ang seks at pag-ibig sa buhay ng mga Pilipino dahil bahagi ang

mga ito ng reproduksyon ng tao. Dahil sa pagiging mahalagang salik ng

reproduksyon ng tao, ang seks at pag-ibig ay integral na bahagi rin ng

pagpapatuloy ng lipunang Pilipino. Ipinakita ng pag-aaral na ito na ang seks at


pag-ibig sa buhay ng mga lalaki ay mayroong kaugnayan sa pagbubuo ng

pamilya at sa panlipunang pagbabanghay.

Ang silahis o bisexual na lalaki na gustong bumuo ng pamilya na

mayroong ama, ina at anak ay magagawa ito kung pipiliin niyang

makipagrelasyon sa isang babae. Kung pipiliin niyang makipagrelasyon sa isang

lalaki, ibang anyo ng pamilya ang kanyang mabubuo, halimbawa isang pamilya

na mayroong dalawang ama at anak na maaaring inampon o sariling anak ng isa

sa kanila.

Sa piling ng babae, kailangan niyang pigilan ang homosekswal na bahagi

ng kanyang sekswal na oryentasyon. Sa piling ng lalaki, kailangan niyang pigilan

ang heterosekswal na bahagi ng kanyang sekswal na oryentasyon.

Ang mga bakla o homosekswal na lalaki na gustong bumuo/nakabuo ng

pamilya na mayroong ama, ina at anak ay magagawa/nagawa ito nang

pinipigilan ang kanilang sekswal na oryentasyon.

Ang mga bakla o homosekswal na lalaki na ayaw pigilan ang kanilang

sekswal na oryentasyon ay mayroong tatlong klase. Ang unang klase ay

kinabibilangan ng mga bakla na ayaw magkaroon ng sariling anak at sariling

pamilya. Ang ikalawang klase ay kinabibilangan ng mga bakla na gustong

magkaroon ng isang alternatibong pamilya, halimbawa isang pamilya na

mayroong dalawang ama at anak na maaaring inampon o sariling anak ng isa sa

kanila. Ang ikatlong klase ay makikita sa buhay ng isang bakla na namumuhay

bilang babae at itinuturing ang kanyang sarili at ang kanyang asawang lalaki

bilang bahagi ng kanyang sariling pamilya.


Ang mga heterosekswal na lalaki na gustong bumuo/nakabuo ng pamilya

na mayroong ama, ina at anak ay magagawa/nagawa ito nang hindi pinipigilan

ang kanilang sekswal na oryentasyon.

Ang mga kongklusyon na inihain ay hindi kumakatawan sa lahat ng uri ng

lalaki, halimbawa, hindi naisama sa pag-aaral na ito ang mga heterosekswal at

silahis o bisexual na lalaki na ayaw mag-asawa at ayaw magkaroon ng sariling

anak at pamilya. Hindi rin nito nabigyang-pansin ang lahat ng anyo ng pamilya

na makikita sa lipunang Pilipino, halimbawa, hindi naisama sa pag-aaral na ito

ang mga baklang ama na mayroong asawang babae at mga baklang ama na

mayroong asawang lalaki. Hindi rin masasagot ng pag-aaral na ito ang aktwal na

distribusyon sa kalalakihan ng mga anyo ng pamilya na tinalakay.


Kabanata III

Pamamaraang Ginamit

Sa kabanatang ito ay makikita natin ang mga pamamaraang ginamit

ng mga mananaliksik upang makakuha ng mga datos na makakatulong sa

pag-aaral at mapalawak pa ang napiling paksa.

I. Pamaraang Ginamit

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng paraang palarawan. Ito

ay nangangahulugan ng paghahanap ng katibayan na may sapat na

pagpapakahulugan o interpretasyon. Ang paraan na ito ay sa

paraang pagsa-sarbey na binubuo ng dalampu‟t isang (21)

katanungan.

II. Populasyon at Bilang Nito

Ang sarbey ng grupo ay binubuo ng limampung kalahok o

ang mga magsasagot nito. Binubuo rin ito ng limampung mga lalaki

na may pusong babae.

III. Paraan ng Pagpili ng Kalahok

Ang pagpili ng mga kalahok ay kahit sinong lalaki na nasa

labinlimang taong gulang pataas at bukal sa loob ang pagsagot sa

mga katanungan. Ang mga mananaliksik ay namigay ng mga sarbey


sa: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Philippine Normal University

at sa Lungsod ng Kalookan at Quezon.

IV. Diskripsyon ng Kalahok

Ang pag-aaral na tungkol sa iba‟t ibang uri at anyo ng

pagiging bakla ay nagpasagot ng sarbey sa mga lalaki na naging

bakla mula sa iba‟t ibang lugar na pinuntahan ng mga mananaliksik

upang makatulong sa pagbibigay ng mga impormasyon na kailangan

namin sa pag-aaral na ito. Karamihan sa mga ito ay may gulang na

labing-pito pataas.

V. Instrumentong Ginamit

Ang pananaliksik ng grupo ay gagamit ng mga bagay na

makakatulong sa paghahanap ng mga datos na kailangan kagaya

ng mga libro, kompyuter at ang mga kalahok mismo na aming

binigyan ng sarbey.

VI. Paraan ng Pangangalap ng Datus

Ang pag-aaral ng grupo ay nangalap ng mga datos sa

„internet‟. Kung saan nakakita ng iba‟t ibang pag-aaral na tungkol

din sa paksa, ang mga bakla. Nakakita din mga mananaliksik ng

mga artikulo , at ibang sabi-sabi tungkol sa mga bakla, negatibo man

ito o positibo.
VII. Uri ng Gagamiting Estadistika

Sa kadahilanang ang pag-aaral ng grupo ay gumamit ng

paraang pagsa-sarbey, ang bawat tanong ay ita-tali upang makuha

ang bilang ng mga kalahok na may pare-parehong sagot sa

naturang katanungan. Pagkatapos na mai-tali ang lahat ng ito ay

gagamitin namin ang pormulang nasa baba upang makuha namin

ang tamang bahagdan nito:

(x) bilang ng mga sumagot

Bahagdan(%)=------------------------------------------------ x 100

(y) kabuuanng kalahok


Kabanata IV

Paglalahad, Pagsusuri

At Pagpapahalagasa mga Datos

Sa kabanatang ito ay ilalahad at susuriin ang mga datos na nakuha

tungkol sa iba‟t ibang uri at anyo ng pagiging bakla. Ito ay matutugunan

sa pamamagitan ng ginawang sarbey mula sa iba‟t ibang kalahok.

Iba’t ibang Uri at Anyo ng Pagiging Bakla

Ang sarbey ay binubuo ng dalampu‟t isang katanungan ngunit

labingtatlo lamang dito ang mga katanungan na may mga pagpipilian at

ang iba naman ay mga katanungan na nangangailangan ng sarili nilang

mga kasagutan.

Talahanayan 1- Anong uri ka ng bakla?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Baklang Pasikreto 4 8%

Baklang Cross-Dresser 3 6%

Baklang Pangkaraniwan 24 48%

Baklang Babaylan 10 20%

Baklang Transesexual 1 2%
Pamintang Buo 1 2%

Pamintang Durog 3 6%

Iba pang Uri 3 6%

KABUUAN 49 98%

Uri ng Bakla

2% 6% 8%
6% Baklang Pasikreto
2% 6%
Baklang Cross-Dresser
Baklang Pangkaraniwan
Baklang Babaylan
21% Baklang Transexual
Pamintang Buo
Pamintang Durog
49%
Iba pang uri

Makikita sa unang talahanayan ang iba‟t ibang klasipikasyon ng

isang bakla.

Ang may pinaka-malaking bahagdan ay ang baklang pangkaraniwan

na mayroong 24 na kalahok ang sumagot dito o 48% na bahagdan.

Sumunod naman dito ay ang baklang babaylan na may dami na 10 o 20%

na bahagdan. Ikatlo ay ang baklang pasikreto na may dami na 4 o 8%.


Magkapantay naman ang baklang cross-dresser, pamintang durog at iba

pang uri na sila mismo ang nagtukoy na may tigta-tatlong dami o

katumbas ng 6% na bahagdan. Ang may pinakamababang dami naman ay

ang baklang transsexual at pamintang buo na may tig-isang dami o 2%

lamang.

Dahil sa ang baklang pangkaraniwan ang may pinakamarami,

maraming lalaki o bakla ang mas piniling maging simple lamang o natural

lang ang pagiging bakla nila na walang halong pangamba at totoo sa

sarili.

Talahanayan 2- Ilang taon ka noong nalaman mo sa sarili mo na isa


kang bakla?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

5-10 taong gulang 29 58%

11-15 taong gulang 16 32%

16-20 taong gulang 5 10%

21-25 taong gulang 0 0%

26 pataas 0 0%

KABUUAN 50 100%
Edad
0% 0%

10%

5-10 taong gulang


11-15 taong gulang
16-20 taong gulang
32%
58% 21-25taong gulang
26 pataas

Sa ikalawang talahanayan matutukoy kung anong edad nga ba mas

natuklasan ng mga bakla na ganap na bang bakla at ang edad na may

pinakamalaking bahagdan ay ang edad 5-10 taong gulang na may dami

na 29 o 58% na bahagdan. Sumunod dito ay ang 11-15 taong gulang na

may dami na 16 o 32% na bahagdan. Ikatlo naman ang 16-20 taong

gulang na may dami na 5 o 10% lamang. Ang 21-25 taong gulang at 26

pataas naman ay walang sagot na nakuha.

Makikita natin na mas maraming 5-10 taong gulang ay nagiging

bakla na ang isang lalaki. Malalaman dito na mula pagkabata ay alam na

merong naiiba sa pagkatao ng isang lalaki kahit di pa gaanung alam kung

ano ito.
Talahanayan 3- Alam na ba ng iyong mga magulang ang iyong
totoong pagkatao?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo, parehong nanay at 35 70%


tatay

Hindi, parehong nanay 5 10%


at tatay

Oo, nanay ko lamang 9 18%

Hindi, tatay ko lamang 0 0%

KABUUAN 49 98%

Alam na ba ng iyong mga magulang ang iyong


totoong pagkatao?
0%

18%

Oo, parehong nanay at tatay

10% Hindi, parehong nanay at tatay


Oo, nanay ko lamang
Hindi, tatay ko lamang
72%
Dito sa ikatlong talahanayan pinakita kung nasasabi nga ba ng

isang lalaki ang pagiging bakla nito sa kanyang mga magulang.

Pinakamalaking bahagdan ang parehong alam ng nanay at tatay na

may dami na 35 o may 70% na bahagdan. Sumunod naman ang nanay

lang ang may alam na may dami na 9 o 18% na bahagdan. Ikatlo ang

hindi alam pareho ng nanay at tatay ang kanilang totoong pagkatao na

may dami 5 o may 10% na bahagdan. At wala namang may sagot na

hindi alam pareho ng magulang.

Makikita sa sarbey na alam ng parehong nanay at tatay ang

totoong pagkatao ang may pinakamataas. Ibig sabihin ay handang

magsabi ng nararamdaman ang mga bakla kahit ano pang sabihin ng

kanilang magulang na kasalungat naman ng may pinakamaliit na bahagdan

na hindi alam pareho ng mga magulang ang totoong pagkatao ng anak

dahil sa takot na kung anong maaaring sabihin at gawin ng mga ito.

Sumunod naman na mataas ang bahagdan ay ang nanay lamang ang

may alam dahil maraming lalaki ang natatakot na magsabi sa tatay dahil

maaaring itakwil ng tatay ang sariling anak sa pamilya at magkaroon ng

problema sa pagitan ng mag-ama. Kagaya na lamang sa pelikula ni Vice

Ganda na “Praybeyt Benjamin” na kung saan ay hindi gusto ng lolo na

isang bakla ang kanyang apo dahil nasa lahi ng mga sundalo ang kanilang

pamiya at nakakahiya sa mata ng ibang tao. Ganoon din sa totoong

buhay na maraming lalaki ang natatakot umamin sa kanilang tatay dahil

sa maaaring magawa nito sa kanya.


Talahanayan 4- Magkaiba ba ang pinapakita mong pagkatao sa pamilya
mo at sa ibang tao?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo 14 28%

Hindi 36 72%

KABUUAN 50 100%

Magkaiba ba ang pinapakita mong pagkatao sa


pamilya mo at sa ibang tao?

28%

Oo
Hindi

72%

Sa talahanay na ito makikita kung magkaiba nga ba ang pakikitungo

ng mga bakla sa kanilang pamilya at sa ibang tao. Pinakamalaking

bahagdan ay ang nagsasabing hindi magkaiba ang pinapakitang pagkatao


na may dami na 36 o may katumbas na 72% na bahagdan. Labing-apat

naman o 28% ang nagsasabing magkaiba.

Talahanayan 5- Naranasan mo na bang makipag-relasyon sa isang


babae?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo 15 30%

Hindi 35 70%

KABUUAN 50 100

Naranasan mo na bang makipag-relasyon sa isang


babae?

30%

Oo
Hindi

70%

Dito sa talahanayan na ito ay makikita na sa kabila ba ng pagiging

bakla ng isang lalaki ay nagkaroon nga ba ng kasintahan na babae.

Maraming nagsasabi na hindi nagkaroon ng kasintahan na babae ang


bakla na may dami na 35 o 70% dahil kung babalikan ang talahanayan 2

na kung saan ay tinanong kung anong edad nung nalaman ng lalaki ang

totoong gusto nito ay maraming nagsabi na nasa 5-10 taong gulang na

nung nalaman ng isang bakla na ito kaya nung dumating na ang tinatawag

na “teenage stage” na kung saan ay mararanasan mo ng magkaroon ng

taong mahal ay alam na nila kung ano ang gusto nila, at hindi ito babae.

Labinglima naman ang nagsabi na nagkaroon ng kasintahan na

babae ang ngayon ay bakla. Halimbawa ulit nito ay si Vice Ganda na

sinabing nagkaroon nang limang „girlfriends‟ noong bata pa at inamin na

kahit bakla siya ay nakaka-„appreciate‟ pa rin si Vice ng kagandahan ng

isang babae at kung manliligaw daw muli ay liligawan ang artistang si

Kaye Abad.

Talahanayan 6- Ngayong alam mo na isa kang bakla, nagkakagusto ka pa


ba sa isang babae?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo 16 32%

Hindi 33 66%

KABUUAN 49 98%
Ngayong alam mo na isa kang bakla, nagkakagusto ka pa
ba sa isang babae?

33%
Oo
Hindi
67%

Sa talahanayan na ito makikita kung nagkakagusto pa ba ang isang

bakla sa isang babae. 66% ang nagsabi na hindi na sila nagkakagusto sa

isang babae dahil sinasabi nilang hindi sila talo nito at kadalasan pa nga‟y

sinasabi nilang mas maganda pa kaysa sa isang babae ang bakla kaya‟t

imposible para sa kanila na magkagusto muli sa babae.

32% naman ang nakapagsabing nagkakagusto pa sa isang babae.

Kung mapapansin natin, kulang ito ng 2%. At ang 2% na ito ay nagsagot ng

“depende”.

Talahanayan 7- Nakipagrelasyon ka na ba sa kapwa mo lalaki?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo 25 50%

Hindi 25 50%

KABUUAN 50 100%
Nakipagrelasyon ka na ba sa kapwa mo lalaki?

Oo
50% 50%
Hindi

Sa panahon na ito, marami ng makikitang bakla sa paligid na may

mga kasintahan na kapwa nila lalaki.

Sa aming sarbey na lumabas ay pantay lang ang bahagdan ng

mga sumagot ng oo at hindi sa katanungang, nakipagrelasyon ka na ba

sa kapwa mo lalaki? Dahil sa medyo tanggap na ng lipunan ang mga

bakla ay nagkakaroon na rin ng kalayaan ang mga bakla na mahalin ang

lalaking iniibig at makipagrelasyon dito.

Sa ibang bansa kagaya sa United States, Canada, Argentina, Belgium,

Brazil, Denmark, France, Iceland, Netherlands, New Zealand, etc. ay

pinapayagan ang same sex marriage na kung saan ay pupwedeng

magpakasal ang dalawang magkaparehas ng kasarian kaya may ibang

mga Pilipino ang pumupunta doon upang magpakasal dahill hindi pa

pinapayagan ang ganoong mga gawain dito sa Pilipinas.


Talahanayan 8- Nagkaroon ka na ba ng isang relasyon na kung saan
ay mahal ka rin ng lalaking mahal mo?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo 22 44%

Hindi 27 54%

KABUUAN 49 98%

Nagkaroon ka na ba ng isang relasyon na kung saan


ay mahal ka rin ng lalaking mahal mo?

45% Oo

55% Hindi

54% ang nagsasabi na hindi pa nagkakaroon ng karelasyon ang

bakla na kung saan ay parehas na nagmamahalan ng tunay ang

magkasintahan. Kung babalikan ang talahanayan 7 ay kalahati ang nagsabi

na hindi pa nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki ang ilan sa mga bakla.

Sa susunod na talahanayan ay makikita natin kung ano nga ba ang

pinoproblema ng isang bakla.


Talahanayan 9- Ano ang kadalasang pinoproblema ng isang bakla?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Pagtrato sa kanila ng 11 22%


kanilang pamilya

Mga mapanghusgang 32 64%


mata ng tao

Lalaking minamahal 16 32%

Mga totoong kaibigan 6 12%

Pagtanggap sa iyo ng 2 4%
lipunan

KABUUAN 67 134%

Ano ang kadalasang pinoproblema ng isang bakla?


3%
Pagtrato ng kanilang pamilya
9% 16%
Mga mapanghusgang mata ng
tao

24% Lalaking Minamahal

Mga totoong kaibigan

48%
Pagtanggap sa iyo ng lipunan
Kahit na anong saya sa mukha ang nakikita sa mga bakla, may

mga problema din itong tinatago. Ang may pinakamataas na bahagdan na

problema ng mga bakla ay ang mga mapanghusgang mata ng tao sa

paligid . Dahil nga sa sinasabi na isang kasalanan sa Diyos ang pag-iibang

kasarian ng tao, ay iba‟t ibang opinyon na ang lumalabas mula sa ibang

tao. Sumunod naman na pinakamataas ay ang problema nila sa lalaking

minamahal na may bahagdan na 32%. Dahil nga sa sinasabing ang lalaki

ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki ay hirap ng makahanap

ang isang bakla ng lalaking tunay na magmamahal sa kapwa din lalaki.

Kapag may isang bakla ang may karelasyon na lalaki ay iniisip agad na

binibigyan niya ito ng kahit anong gusto nito wag lang maiwan ng

minamahal.

May isang palabas noon na ang pamagat ay “My husband‟s lover”

na pinalabas sa GMA 7 na ang istorya ay ang asawa ng babae ay

mayroong karelasyon na lalaki rin at di magawang iwanan ng asawa ng

babae ang karelasyon nito dahil na rin sa matagal na ang nagging

relasyon nila at mahal pa rin ang isa‟t isa. Patunay lamang ito na kahit

anong bagay ay handang hamakin ng pag-ibig kahit na bawal pa ito sa

mata ng ibang tao basta ang mahalaga ay ang pagmamahal isa‟t isa.
Talahanayan 10- Nakaka-apekto ba ang iyong pagkatao sa iyong pag-
aaral?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo 3 6%

Hindi 47 94%

KABUUAN 50 100%

Nakaka-apekto ba angiyong pagkatao sa


iyong pag-aaral?

6%

Oo
Hindi

94%

94% ang nagsabing hindi nakaka-apekto ang pagkatao sa kanilang

pag-aaral at 6% naman ang nagsabing oo. Batay sa talahanayan, mas

marami ang may gusto na hindi pina papabayaan ang pag-aaral ano man

ang estado sa buhay. At isa itong paraan upang ipakita sa ibang tao na

kahit ang isang bakla, tanggap man ng lipunan o hindi, ay may

maipagmamalaki pa.
Talahanayan 11- May pag-aalinlangan ka ba sa iyong pagiging bakla?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo 7 14%

Hindi 43 86%

KABUUAN 50 100%

May pag-aalinlangan ka ba sa iyong


pagiging bakla?

14%

Oo
Hindi

86%

86% ang sigurado sa sarili na bakla na talaga at wala pag-

aalinlangan sa sarili sa tunay na pagkataong ipinapakita sa iba. 14% naman

ang may pag-aalinlangan pa sa sarili.


Talahanayan 12- Minsan na bang sumagi sa isip mo na bumalik sa
pagiging lalaki?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo 12 24%

Hindi 38 76%

KABUUAN 50 100%

Minsan na bang sumagi sa isip mo na


bumalik sa pagiging lalaki?

24%

Oo
Hindi

76%

Makikita dito na kahit bakla na ang isang lalaki ay minsan ring

sumasagi sa isip na bumalik sa pagiging isang lalaki. Iyong ibang nagsagot

ng hindi ay natatakot sa kung anong sasabihin ng ibang tao kung bumalik

sa pagiging lalaki at sigurado na talaga na bakla ang kanilang kasarian

ano man ang mangyari.


Talahanayan 13- Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ipabago ang iyo
pisikal na kaanyuan, kukuhain mo ba ang oportunidad na ito?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo 13 26%

Hindi 37 74%

KABUUAN 50 100%

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na


ipabago ang iyo pisikal na kaanyuan,
kukuhain mo ba ang oportunidad na ito?

26%

Oo
Hindi

74%

74% ang nagsabing kahit bigyan ng oportunidad ang mga bakla na

baguhin ang kanilang pisikal na kaanyuan ay hindi ito babaguhin sa

kadahilanang ganoon ang pagkakalikha ng Diyos at iingatan ito.

26% naman ang nagsabing oo, kagaya na lamang ni Kevin Balot. Si

Kevin Balot ay aakalain mo talagang babae sa unang tingin dahil taglay


niya ang mga pisikal na kaanyuan nito. Siya ang isa sa mga sikat na

bakla na iniidolo ng mga bakla dahil sa talino nito at nananalo pa ito sa

mga patimpalak para sa mga bakla sa ibang bansa.

Dumako naman tayo sa mga sariling sagot ng ating mga kalahok

patungkol sa isang katanungan.

Tanong #1: Ano ang nagtulak sa iyo upang maging isang bakla?

Karaniwan sagot dito ay nalalaman na lamang sa sarili at kusa na

lang itong lumalabas.

Sa isang „game show‟ ng GMA 7 na ayon daw sa isang pag-aaral na

ang mas nagtutulak daw sa isang lalaki na maging bakla ay ang mga

kapatid nitong babae dahil mas naiimpluwensyahan siya ng mga bagay na

ginagawa ng mga kapatid niyang babae. Isa ring dahilan na nakita namin

sa aming sarbey ay dahil hindi naging maganda ang resulta ng relasyon

ng isang lalaki sa babae kaya naging bakla ito.

Tanong#2: Sa paanong paraan mo ipinaalam sa mga magulang mo


ang iyong pagkatao?

 Napapansin na lamang

 Nakikita sa ikinikilos

 Kinausap ang magulang

Iyan ang may maraming sagot sa sarbey sa katanungang ito. Dito ay

makikita natin kung gaano nga ba kakilala ng magulang ang kanyang

anak. Itong mga kasagutan na ito ang nagsasabi na kahit anong tago ang
gawin ng isang anak sa sariling mga magulang ay malalaman at

malalaman ito dahil sariling anak ito at dapat ay maging katuwang ng

mga anak ang kanilang magulang sa anumang bumabagabag sa kanilang

kalooban.

Tanong#3: Magkaiba ba ang pinapakita mong pagkatao sa pamilya mo


at sa ibang tao? Kung oo, paano?

 Mas limitado ang pagkabakla sa bahay kaysa sa eskwela

 Nagpapakalalaki ako kapag kaharap ang pamilya at medyo

malambot kapag kaibigan ang kasama

 Bakla sa mga kaibigan pero lalaki sa harap ng magulang

 Lalaki sa harap ng ama

 Sa pamilya, nagkikilos lalaki

Batay sa mga sagot, halos parehas lang ang ibig sabihin ng mga sagot

sa katanungan na ito. Ibig sabihin ay ibang-iba nga talaga kumilos ang

isang bakla sa harap ng sariling magulang lalo na‟t hindi alam kung ano

talaga ang tunay na pagkatao. Bilang estudyante, iba rin ang pinapakitang

ugali sa harap ng magulang at sa ibang tao lalo na sa mga kaibigan.

Dahil sa kaibigan, mas nailalabas mo ang tunay mong sarili.

Tanong#4: Bilang isang bakla, ano-ano sa tingin mo ang adbentahe


mo sa lipunan?

 Magdulot ng kasiyahan.
 Nagpapakita ng fleksilidad sa pagtanggap ng mga kritisismo
 Pagiging malikhain
Iyan ang ilan sa mga adbentahe ng mga bakla sa lipunan. Ang

magbigay ng kasiyahan na kahit may pinoproblema ay isinasantabi ito

mapakita lang na masaya rin sila. Aminin man natin o sa hindi, bihira

lamang ang baklang hindi palatawa at walang naiisip na kapilyuhan. Ang

madalas nating nakikita na bakla ay iyong masayahin at laging nakangiti

sa harap ng mga tao. Kahanga-hanga rin ang mga bakla padating sa

pagtanggap ng kritisismo. Isa ito sa mga dahilan kay lumakas ang kalooban ng

mga bakla. Ayaw din naman magpatalo ang bakla sa iba. Ang pagiging malikhain

naman ng bakla ay naipakita na rin sa mga naimbentong mga salita ng mga

bakla. Kaya nga rin magaling magpatawa ang isang bakla dahil marami itong

naiisip na kapilyuhan.

Tanong#5: Ano ang gagawin mo kung sakaling may babaeng

magkakagusto sa iyo?

 “Kakaibiganin. Gusto lang naman diba? Hindi naman magmamahal?

Siguro I’ll give it a try kung may babaeng magmamalaki na kahit

ganyan siya, mahal ko yan”

 Matutuwa at magpapasalamat kasi nagkagusto pa rin kahit na alam ng

babae na isa akong bakla.

 Didiretsuhin ang babae. Sasabihin na ayaw sa babae at ang gusto ay

lalaki

 “Wala. Kakausapin ko siya na hindi kami talo. Hindi kami bagay. Mas

maganda ako sa kanya.”


May ibang bakla na kapag may babaeng nagkagusto ay natutuwa

dahil kahit na ganoon ang pagkataong kanilang ipinapakita ay mayroon

pa rin nagkakagusto na babae. Kagaya na lang ng una at pangalawang

sagot na nagpapakita na kanilang katuwaan kung sakaling may

magkagustong babae.

May iba naman na walang gagawin at tatapatin ito na hindi gusto

ang mga babae.

Tanong #6: Sino sa mga sikat na bakla ang iniidolo mo? Bakit?

 Vice Ganda – ay isang sikat na komedyante at isang permanenteng

hurado sa Showtime, isang popular na palabas sa ABS-CBN.

 Ricky Reyes – may-ari ng 39 na salon, 3 Learning Institute at ang

prangkisa ng Reyes Haircutters. Tinaguriang "Mader ng Ganda".

 Boy Abunda – isang mamamahayag, talent manager at personalidad sa

telebisyon.

 Kevin Balot – ang Pinoy transgender na nanalong 2012 Miss

International Queen.

Sa mga napiling sagot, ang pinaka-sikat talaga ngayon ay ang

komedyanteng si Vice Ganda na host ng palabas na “It‟s Showtime” at

“Gandang Gabi Vice” na talagang nakakapagbigay ng saya sa ibang tao

kaya ang nakaraang pelikula na “Girl Boy Bakla Tomboy” na naging „entry‟

para sa MMFF ay nanguna.


Masasabi na kahit bakla si Vice Ganda ay marami na itong naabot sa

buhay na talagang maipagmamalaki at nagagamit ito para makatulong

sa ibang tao.

Tanong#7: Naniniwala ka ba sa isang liriko ng kanta na “mas lalaki


pa sa lalaki ang bakla”? Bakit?

Karamihan sa nagsagot ay kaya mas lalaki pa sa lalaki ang bakla

ay dahil kapag ang lalaki ay may desisyon sa buhay na hindi naging

maganda ang resulta ay tinatakbuhan ito o kaya ay iiwan na lang. May

mga bakla naman na kahit anong desisyon nila ay pinapanindigan pa rin

nila ang naging desisyon nila. Tulad nga ng sabi sa tanong#4 ay mas

sanay tumanggap ang mga bakla ng kritisismo kaysa lalaki. Masasabi na rin

na kapag ang lalaki ay masabihan lang ng masama ay makikipagaway na ito

o mahihinaan ng loob. Mas alam ng bakla kung paano haharapin ang

kritisismong ibinabato.

Pero hindi pa rin naman natin masasabi na mas lalaki pa sa lalaki

ang bakla dahil nakadepende pa rin ito sa kung sino ang gumaganap

nito.

Tanong#8: Nakikita mo ba ang sarili mo na magakakaroon ng asawa’t


anak gaya ng mga totoong lalaki sa hinaharap? Bakit?

 “Hindi, kasi wala akong planong mag-asawa pero gusto ko magka-

anak.”
 “Oo, dahil naniniwala akong ang pagiging isang bakla ko ngayon ay

nagsisislbing pagsubok ng Panginoon upang maging matatag akong

Padre de Pamilya sa hinaharap.”

 “Oo, para naman may makasama ako sa buhay.”

 “Hindi, dahil ayokong tuksuhin ang aking magiging anak kung sakali

man.”

Makikita naman dito ang iba‟t ibang opinyon ng mga kalahok. May

nagsabing oo, may nagsabing hindi. Isang magandang naging dahilan kung

bakit ayaw magka-anak ng isang bakla ay ayaw na tuksuhin lamang ito

dahil sa pagkatao ng nagpalaki sa bata. Masakit nga naming makita na

ang anak mo ay tinutukso ng mga kaibigan niya dahil sayo.

May isang „episode‟ noon sa “”Magpakailanman” na palabas ni Mel

Tiangco na kung saan nag-ampon ang isang bakla ng anak. Inalagaan ng

bakla ang bata at noong paglaki nito ay tinutukso ng mga kaibigan ng

bata ang pagiging bakla ng tumayong magulang at anak. Pero kahit

ganoon may pagmamahal pa rin sa pagitan ng mag-ama kahit na hindi

tunay na anak ng bakla ang bata.

Walang nakakaalam kung gaano katagal ang pananatili sa mundong

ibabaw. Pero hindi ba‟t maganda kung sa pagtanda mayroong nakakasama

sa buhay? Na may mag-aalaga sa atin? Pero hindi pa rin dapat husgahan

ang kagustuhan ng bakla. Tomboy man yan o normal na tao ay dapat

alam ang salitang “Respeto” na dapat may karapatan din, dahil tulad natin,
gusto lang rin ng mga bakla na maging masaya ang buhay. Huwag dapat

basta-basta na lang manghuhusga ng ibang tao dahil hindi natin alam

kung gaano karaming problema ang dumadating sa buhay ng isang bakla.

Pinagmulan:

http://www.headlinegl.com/kung-niligawan-ng-bading-si-toni-gonzagavice-ganda-
nagkaroon-ng-limang-girlfriends
Kabanata V

Paglalagom, Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon

Paglalagom

Mga Natuklasan

Ang mga sumusunod ay natuklasan batay sa mga datos na

nalikom sa mga talatanungan.

1. Na nangunguna ang mga baklang pangkaraniwanna may pinakamataas

na bahagdan sa iba pang uri kung saan nagtataglay ito ng 48%.

Sinusundan ito ng Baklang babaylan na may bahagdan na 20%, ikatlo ay

ang baklang pasikreto, 8%; samantala nakakuha ng magkakatulad na

bahagdan ang mga baklang cross-dresser, pamintang durog at iba

pang uri na sila mismo ang nagtukoy, 6%.

2. Na ang uri ng Baklang Transsexual at Pamintang Buo naman ang may

pinakamaliit na bahagdan na may magkatulad na porsyento, 2%.

3. Na ang edad 5-10 ang may pinakamataas na bahagdan kung saan

nalaman nila na sila ay bakla, nagtataglay ito ng 58%.

4. Na ang sumunod sa edad na may pinakamataas na bilang ay ang 11-15

taong gulang. Sinusundan ito ng 16-20 taong gulang na may bahagdang

10%. Samantala ang 21-25 taong gulang at 26 pataas ay parehas na

nakakuha ng 0%.
5. Na 70% ng kalahok ang may parehong nanay at tatay na may alam na

sila ay bakla, sinusundan ng 18% kung saan nanay lamang nila ang may

alam, at 10% naman ang bahagdan na parehong nanay at tatay nila ang

hindi nakakaalam.

6. Na ang may pinakamalaking bahagdan ay ang nagsasabing hindi

magkaiba ang pinapakita nilang pagkatao sa kanilang pamilya at ibang

tao na may 72% na bahagdan samatala28% ang nagsasabing magkaiba.

7. Na may bahagdan na 70% ang nagsasabing sila ay hindi nakipagrelasyon

sa babae at 30% naman ang nakaranas.

8. Na 66% ng mga kalahok ay sinasabing sila ay hindi na nagkakagusto pa

sa mga babae at 32% naman ang oo. Samantala may bahagdan na 2%

ang sumagot ng “depende.”

9. Na may pantay na pagkakahati ang nagsabing kung sila ba ay

nakipagrelasyon sa lalaki; 50% an goo at 50% din ang hindi.

10. Na may bahagdan na 44% ng kalahok ang nagsasabing mahal sila ng

lalaking nakarelasyon nila.

11. Na ang mapanghusgang mata ng tao ang may pinakamataas na

bahagdan na pino-problema ng mga kalahok kung saan nakakuha ito ng

64%, sumunod ay ang lalaking minamahal na may 32%, ikatlo ay ang

pagtrato sa kanila ng kanilang pamilya na may 22%. Ikaapat ay ang

totoong kaibigan na nakakuha lamang ng 12% at 4% naman sa

pagtanggap sa kanila sa lipunan ang may pinakamababang bahagdan.


12. Na 94% ng mga kalahok ang nagsasabing hindi nakaaapekto ang

pagiging bakla nila sa kanilang pag-aaral at 6% naman ang nagsabing oo.

13. Na 86% ang nagsasabing sila ay hindi na nag-aalinlangan sa kanilang

pagiging bakla at 14% naman ng mga kalahok ang may pag-aalinlangan.

14. Na 76% ng mga kalahok ang nagsasabing hindi sumagi sa kanilang isip

na bumalik sa pagiging lalaki at 24% naman ang oo.

15. Na 74% ng mga kalahok ang nagsasabing hindi nila kukuhain ang

oportunidad na ipabago ang pisikal na kaanyuan, at 26% naman an goo.

16. Na naniniwala ang karamihan sa mga kalahok na kusa nilang

naramdaman na sila ay isang bakla.

17. Na sa paraan ng mga sumusunod kaya naipaalam nila ito sa kanilang

magulang; naramdamang kusa, nakita sa ikinikilos at pagsasabi sa

magulang nila na sila ay bakla.

18. Na karamihan sa mga kalahok ang nagsasabing limitado ang pagkabakla

nila sa bahay kaysa sa eskwela at mas nagpapakalalaki sila sa harap ng

kanilang pamilya.

19. Na ang adbentahe na isinagot ng mga kalahok ay ang magdulot ng

kasiyahan.

20. Na karamihan sa mga kalahok ang nagsasabing kakaibiganin nila ang

babae na magkakagusto sa kanila.

21. Na ang mga sumusunod ay ang madalas i-sagot sa mga baklang

kanilang iniidolo; Vice Ganda, Ricky Reyes, Boy Abunda at Kevin Balot.
22. Na karamihan sa mga bakla ang walang plano mag-asawa ngunit nais

magkaroon ng anak at ang iba naman ay natatakot sa kadahilanang sila

ay maaaring tuksuhin ng kanilang magiging anak. Samantala marami rin

ang nagnanais na magkaroon ng sariling pamilya upang may makasama

sa pagtanda at sa paniniwalang ito ay isa lamang pagsubok na bigay ng

Panginoon upang maging matatag na Padre de Pamilya sa hinaharap.

Kongklusyon

Ang pagwawakas sa pag-aaral na ito ay batay sa mga sumusunod

na natuklasan mula sa pagsa-sarbey.

1. Maraming bakla ang karaniwan lamang kung saan mas piniling maging

simple lamang o natural lang ang pagiging bakla nila na walang

halong pangamba at totoo sa sarili.

2. Nalalaman agad ng mga bakla sa edad pa lamang na 5-10 taong gulang

na sila ay hindi tunay na lalaki.

3. Karamihan sa mga bakla ay parehong nanay at tatay nila ang may alam

sa tunay nilang pagkatao at tanggap ito.

4. Masasabing magkatulad lamang ang ipinapakita ng mga bakla sa

kanilang pamilya at ibang tao at iilan lamang ang magkaiba.

5. Kaunti lamang ang mga baklang nakakaranas makipagrelasyon sa mga

babae ngunit may bilang pa din ang mga ninais na makipagrelasyon sa

kabila ng kanilang pagiging bakla.


6. Karamihan sa mga bakla ay ay hindi interesado sa pakikipagrelasyon sa

mga babae sa kadahilanang sila ay naniniwalang may pusong babae din

sila.

7. Kadalasan sa mga bakla ay hindi sila mahal ng mga lalaking

nakakarelasyon nila.

8. Mapanghusgang lipunan at mata ng tao ang talagang problema ng isang

bakla at kasunod nito ang lalaking kanilang nakakarelasyon.

9. Hindi naapektuhan ng pagiging bakla ang kanilang pag-aaral.

10. Marami sa mga bakla ang walang pag-aalinlangan sa kanilang pagkatao

at naniniwalang ito talaga nag nararapat at makakapagpasaya sa sarili

nila.

11. Hindi na nanaisin pa ng isang bakla ang bumalik sa dati nitong kasarian,

ang pagiging lalaki kung matapos nitong palayain ang kanilang sarili at

makapaglantad.

12. Hindi lahat ng bakla ay nagnanais magpabago ng pisikal na kaanyuan at

masasabing tanggap nila kung ano ang mayroon sila ngayon.

13. Nararamdamang kusa ng isang bakla ang kanilang tunay na kasarian at

pagkatao sa murang edad pa lamang.

14. Ang pagbibigay kasiyahan ang adbentaheng hindi mo maiaalis sa

pagiging bakla.

15. Masasabing mas lalaki pa sa lalaki ang isang bakla, isang liriko mula sa

kanta, sa kadahilanang sila ay mas responsable at may paninidigan,

ngunit ito ay nakadepende pa rin sa indibidwal na gumaganap nito.


16. Marami sa mga bakla ang natatakot na tumanda mag-isa sa kabila ng

pinili nilang maging isang bakla.

17. Marami sa mga bakla ang nagnanais na magkaroon ng anak ngunit ayaw

mag-asawa ng babae.

18. Marami sa mga bakla ang umi-idolo sa sumusunod; Vice Ganda, Boy

Abunda, Ricky Reyes at Kevin Balot dahil sa tagumpay na kanilang

narating at pagpapakita ng magandang imahe ng isang bakla.

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan at pagwawakas ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod

na mungkahi ay itinatagbilin:

1. Pagbibigay ng suporta ng pamahalaan sa mga bakla na makapagpatayo

ng negosyo maliban sa beauty parlor na makakatulong sa paglago ng

ekonomiya.

2. Pagkilala sa kakayahang makapagbigay ng serbisyo sa barangay at iba

pang departamento ng pamahalaan.

3. Pagkilala ng simbahan sa isyu ng moral para sa mga bakla

4. Hikayatin ang pamahalaan ng mamuhunan sa mga lalawigan ng negosyo

kung saan mapapakita ng mga bakla ang kanilang natatanging

kakayahan.

5. Hikayatin ang mga bakla na makatapos ng pag-aaral para mapalakas ang

kanilang pagkakataon na makapagtrabaho sa mga malaking kompanya.


6. Pagsuporta ng mga mamamayan at ng pamahalaan sa orgnisasyon ng

mga bakla.

7. Dapat natin tanggapin ang presensya ng mga bakla sa ating komunidad.

8. Iba –iba ang mg bakla. Kahit anong uri pa yan may sarili silang

personalidad kaya dapat ay kilalanin pa rin natin sila ng mabuti.

9. Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa bawat isa mapa-babae man, lalake o

bakla. Kasama na rin ang mga tomboy.

10. Pagsasagawa ng mas malawak na pagaaral ukol sa naturang paksa

upang makumpirma o mapabuluaan ang mga natuklasan ng mga

mananaliksik.

Bibliograpiya

 http://tl.answers.com/Q/Pinagmulan_ng_bakla

 http://n5e.interaksyon.com/top/41CEF311DF0F4E4/1003/history-may-

bakla-nga-ba-na-kasapi-sa-katipunan

 http://talaarawannibeki.blogspot.com/2011/07/sariling-sikap-sintomas-ng-

pagiging.html

 http://kambakla.blogspot.com/2009/03/ang-mga-ambag-ng-kulturang-

bakla-sa.html

 http://definitelyfilipino.com/blog/2011/11/24/sino-ang-tunay-na-bading/

 http://1epm-pananaliksiksafilipino.blogspot.com/2009_02_01_archive.html

 https://www.google.com.ph/search?newwindow=1&q=kahalagahan+ng+b

akla+sa+lipunan&oq=kahalagahan+ng+bakla+sa+lipuna&gs_l=serp.1.0.3
0i10.410954.430084.0.432072.47.38.7.0.0.2.1038.9793.12j10j4j3j2j5j1j1.3

8.0.ekp%2Ckpns%3D1000%2Ckpnr%3D120...0...1.1.32.serp..31.16.1614.

WQx7XcJmWto

 http://www.scribd.com/doc/111381251/BEKIMON-Gay-Lingo-at-Ang-

Epekto-Nito-Sa-Lipunan#download

 https://www.google.com.ph/search?newwindow=1&site=&source=hp&q=th

esis+tungkol+sa+mga+bakla&oq=thesis&gs_l=hp.1.0.35i39j0l9.7461.8740

.0.11429.6.6.0.0.0.0.150.554.3j3.6.0.ekp%2Ckpns%3D1000%2Ckpnr%3D

120...0...1.1.32.hp..1.5.404.oqhkphnhc0E

 http://freelipino.blogspot.com/2009/05/bakla-ka-ba.html

 http://1epm-pananaliksiksafilipino.blogspot.com/2009_02_01_archive.html

 https://www.google.com.ph/search?newwindow=1&q=kahalagahan+ng+b

akla+sa+lipunan&oq=kahalagahan+ng+bakla&gs_l=serp.3.0.35i39.36024

67.3608456.0.3610647.16.15.1.0.0.1.260.1710.6j8j1.15.0.ekp%2Ckpns%

3D1000%2Ckpnr%3D120...0...1.1.32.serp..13.3.193.QSENGXh4uN8

 http://trickshuh.wordpress.com/2012/07/31/ang-dapat-mabatid-ng-mga-

mamamayan/

 http://definitelyfilipino.com/blog/2011/11/24/sino-ang-tunay-na-bading/

 http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/17/si-intoy-syokoy-ng-kalye-

marino-review/

 http://kambakla.blogspot.com/2009/03/ang-mga-ambag-ng-kulturang-

bakla-sa.html
 http://www.studymode.com/search_results.php?query=gay&field%5B%5D

=title&field%5B%5D=paper&period=any&pages=0&pages_from=1&pages

_to=10&words=0&words_from=1&words_to=1500&match_mode=any&ex

act_query=&exclude_query=

 http://www.godandscience.org/evolution/genetics_of_homosexuality.html

 http://tl.wikipedia.org/wiki/Homoseksuwalidad

 http://jarharpar.blogspot.com/2012/12/bakla-bakla-bakla.html

 http://geoffreycruz.wordpress.com/2013/01/15/ang-bakla-bilang-bakla/

 http://vinnicents.wordpress.com/2013/03/24/basta-magulang-gender-

performativity-ang-bakla-at-ang-kaayusan-ng-pamilya-sa-ang-tatay-kong-

nanay-ni-lino-brocka/

You might also like