You are on page 1of 2

ARALIN 6.

3 ANG KOMPOSISYON
LAYUNIN

1. Nakapagsusulat ang wasto ng komposisyon.


2. Natutukoy ang panimula, gitna at pangwakas na pangungusap.

KATUTURAN
Ang komposisyon ay pag-aayos ng mga ideya upang maging malinaw ang
pagsulat.Naisusulat sa komposisyon. Naisusulat sa komposisyon ang isang karanasan,
pagbibigay ng pakahulugan sa mga nabasa at napanood.Ito ay binubuo ng talata.

BAHAGI
1.Panimulang Pangungusap
Ang panimula ay dapat na nakakatawag ng pansin upang maakit ang mambabasa.

PARAAN NG PAGBUO NG PANIMULA


1.Gumamit ng mga katanungan (Rhetorical Question).
Halimbawa: Ano ang edukasyon? Bakit ito mahalaga sa buhay ng tao?
2. Gumamit ng isang pangungusap na nakatatawag ng pansin.
Halimbawa: Susi ng krimes ang kahirapan.

3. Gumamit ng isang analohiya.


Halimbawa: Ang buhay ng tao ay tulad ng isang gulong - minsan nasa itaas, minsan nasa
ibaba.
4. Gumamit ng salitaan.
Halimbawa: "Saan ka na naman pupunta? wilka ng ina sa anak. "Diyan lang po”,
padabog na wika ng anak.
5. Gumamit ng salawikain.
Halimbawa: “Ang taong nagugutom sa patalim kakapit”. Ito ang kaisipang ipahahayag ng
aking ikukwento sa inyo.
2.Gitnang Pangungusap.
Ito ay mga pangungusap na magkakaugnay-ugnay na sumusunod sa pamaksang
pangungusap. Ito ay tinatawag ding katawan ng komposisyon.
3.Pangwakas na Pangungusap
lbinigay ang buod ng talata. Nagbibigay ng opinyon, huling detalye at opinyon ng
paksang talata.

You might also like