You are on page 1of 5

ANG RILES SA TIYAN NI TATAY

I. Panimula

MAIKLING KWENTO

a. Ano ang Maikling Kwento

- ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan, na nagsasalaysay ng isang


“kwento” o pangyayari sa iisa o maraming tauhan, hango man sa totoong buhay o
hindi.

b. Ano ang mga uri nito?

- ang ilan sa mga uri ng maikling kwento ay apologo, kwentong bayan, kwento ng
pakikipagsapalaran, katutubong kulay, kwento ng katatakutan at kwento ng
kababalaghan.

II. Pormalistiko

A. Buod/Sinopsis-

- Ito ang isang kwento ng batang lumaki sa isang bayan, masaya sila ng kanilang
pamilya, ang kanyang tatay ay isang construction worker na siyang gumagawa ng mga
tulay, overpass, at fly-over. Siya rin ang gumagawa ang mga gusali at daanan sa may
kabundukan. Ang bata ay ipinagmamalaki ang trabaho ng kanyang ama, kahit na ang
mga ama ng kanyang kaklase, ay nagtatayugan ang mga karangalan mula sa
trabahong kanilang kinalalagyan. Ikwenento ito ng bata sa kanyang ama’t ina, Ngunit
nung nakita niya ang tila malaking balat na hugis riles ng tren sa may tiyan ng kanyang
ama, ay nahiwagaan siya rito, napakaraming ideya ang agad pumasok sa kanyang
isipan. Ngunit pagdating ng isang araw, hindi siya nakatiis, tinanong niya kung bakit
may malaking balat ang kanyang ama sa tyan nito. Doon niya nalaman na ang kanyang
ama ay isa sa mga donor ng bato sa mga mayayaman na tao, upang madugtungan ang
buhay ng bata, dahil sa mga oras na iyon, ay may sakit din ang bata. Mula noon,
hinangaan niya ang kanyang ama dahil sa ginawang iyon ng kanyang ama.

B. Mga Elemento-

1. Paksa- tungkol ito sa isang buhay ng ama na ibinigay ang isang bato para
matawid ang buhay ng kanyang mga anak.
2. Tagpuan- Sa Bagong Lupa, Isang Araw

3. Tauhan-

- Bata- minsang nahiwagahan sa tila balat na nakalagay sa tiyan ng kanyang ama

- Ama- isang consruction Worker: nagbenta ng isang niyang bato o kidney, upang
maitawid niya ang buhay ng kanyang mag-anak

4. Banghay

A. Panimula

- Ano ang Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

- Panimula Sa Kuwento- ipinakilala ng bata ang kaniyang ama sa pamamagitan ng


mga kanyang pagkabilib dito.

B. Saglit na Kakintalan-

- Ano ang Saglit na kakintalan?- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga


tauhang masasangkot sa suliranin.

- Saglit na Kakintalan sa Kuwento- ipinagmamalaki niya ang kanyang ama, sa


kanyang kaklase, lalung-lalo na ang trabaho nito na isang construction worker.

C. Papataas na Aksyon-

- Ano ang Papataas na Aksyon- yugto sa kwento na nagpapaigting sa interes ng


mambabasa sa kwento, na nagiging tulay patungong kasukdulan o climax.

- Papataas na Aksyon sa kuwento- isang araw, buong pagmamalaking


isinalaysay ng bata ang kanyang pagkabilib sa kanyang tatay; inihambing niya ang
kaniyang tatay sa mga tatay ng mga kaklase niya, na puro may medalya, at sinabi ng
kanyang inang may medalya din ang kanyang ama, sabay pakita sa tila balat na hugis
riles ng tren sa kanyang tiyan.

D. Kasukdulan-
- Ano ang Kasukdulan- yugto sa kwento na makakamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

- Kasukdulan sa Kuwento- Nahiwagahan ang bata sa kanyang ideya. Sa paglipas


ng araw, ay nadadagdagan ang kanyang mga tanong ukol sa marking iyon.

E. Pababang Aksyon

- Ano ang Pababang Aksyon- yugto ng kwento na nagtutuloy sa pagwawakas ng


kwento.

- Pababang Aksyon sa Kuwento- Hindi siya nakatiis. Isang araw, tinanong niya sa
kanyang ama kung ano ang nangyari sa tiyan ng kanyang ama; at nalaman niya na ang
marking iyon ay mula sa talamak na pagbebenta ng bato upang maitawid ang kanyang
ama.

F. Wakas-

- Ano ang Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

- Wakas sa Kuwento- Mula noon, ay bumilib sa kanyang ama, di lamang sa


trabaho nito, kundi sa kabayanihang ginawa nito.

G. Tunggalian

- Ano ang Tunggalian- ito ang paglalaban ng dalawang pwersa na namamayani sa


kabuuan ng kwento: May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan

- Tunggalian sa Kuwento- tao laban sa lipunan; ang kanyang ama ay


nakipaglaban bunga ng kahirapan sa lipunan; binenta nito ang kanyang bato upang
maitawid ang kanyang pamilya sa pagkahikahos.

5. Reaksyon- Maganda ang pagkakaayos ng kwento. Lumitaw ng maigi ang mga

III. Teoryang Pampanitikan

A. Ipaliwanag ang mga teoryang Pampanitikan.

1. Teoryang Klasismo- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga


pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita
at laging nagtatapos nang may kaayusan.

2. Teoryang Humanismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang


sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao
gaya ng talino, talento atbp.

3. Teoryang Realismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan


at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan.

4. Teoryang Feminismo- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga


kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan.

5. Teoryang Saykolohikal- Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa


pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng
naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda.

6. Teoryang Romantisismo- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t


ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa at mundong kinalakhan.

7. Teoryang Formalismo/Formalistiko- Ang layunin ng panitikan ay iparating sa


mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.

8. Teoryang Queer- Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin


ng lipunan sa mga homosexual.

9. Teoryang Psycho-Analitiko- ipinapakita sa akada ang pagkaagresibo ng mga


tao sa usaping sekswal at mga sexual urges.

10. Teoryang Bayograpikal- Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o


kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang
mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

B. Teoryang Gagamitin sa Pagsusuri


Teoryang Imahismo-

- Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa


mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na
higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

C. Pagsusuri Gamit ang Teorya

- Ipinakita ng may-akda na ang pagbebenta ng bato ay isang imahen ng isang


damdamin, na kahit ano, kayang gawin upang maitawid sa hikahos ang hirap na hirap
nang pamilya. Ginamit niya ang balat na ito upang ipakita sa mga mambabasa ang
imahe ng pagkamatiisin ng isang Pilipinong ama sa Pamilya.

You might also like