You are on page 1of 47

Araling Panlipunan 1 Pagbuo ng Kamalayang Pambansa

Ikalawang Markahan Modyul 1.1: Kolonisasyon at Kristiyanisasyon

Pagtuklas ng Pag-Unawa Sa bahaging ito aalamin ang iyong ang pag-unawa kung paano
nakabuo ng isang bansa ang mga Pilipino bunga ng kanilang pagpupunyagi at
pagbubuklod na wakasan ang kolonyalismong Español.Inaasahan na iyong masasagutan
ang pang-unang pagsusulit na makatutulong sa pag-unawa at pagganap ng mga
nakatakdang gawain sa sumusunod na pahina. Saklaw din ng bahaging ito ang pagsagot
mo sa mga gawain na higit na makatutulong sa pag-unawa sa mahahalagang konsepto at
magiging gabay sa pagbuo ng mahalagang tanong (Essential Question). Kaugnay nito ay
inaasahan din na malinang mo ang anim na aspekto ng pag-unawa upang mapayaman at
mapalawak ang mga kakailanganin sa pag-unawa (Essential Understanding). Panimulang
Pagsusulit : Ngayon, subukin mo ng sagutin ang panimulang pagsusulit na magtatakda
kung anon ang n ang iyong alam sa aralin. Handa ka nab a? Simulan mo na ang
pagsagot . Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Noong panahon ng pananakop ng ika-labinganim na siglo, ang Pilipinas ay


pinamamahalaan ng A. Español B. Mehikano C. Amerikano D. Hapones 2. Ang pananakop
ng mga Español sa Pilipinas ay A. nakapagpasigla sa mga Pilipino
B. isang malungkot na karanasan C. walang epekto sa buhay ng mga Pilipino D. isang
mabuting karanasan sa mga Pilipino 3. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na
salik sa pandarayuhang kanluraning Español sa ating lupain? A. Paghina ng
impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa Europe. B. Paglalakbay ni Marco Polo C.
Krusada ng mga Katoliko D. Pagbubukas ng Suez Canal 4. Alin sa sumusunod na bansa
sa Europe ang nanguna sa paglalakbay para maghanap ng ibang ruta papuntang
Silangan? A. España B. Inglatera C. Pransya D. Portugal 5. Si Magellan ang unang
dayuhang Europeo na nakarating as Pilipinas at nakipag-ugnayan sa mga katutubo. Ang
unang pulo kung saan siya dumaong ay ang: A. Samar B. Homonhon C. Cebu D. Mactan 6.
Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging pinakamahalagang resulta ng paglalakbay
ni Magellan para sa mundo? A. Ang pagkakatuklas sa Pilipinas B. Ang patunay na ang
mundo ay bilog C. Ang pagkakatuklas ng mga rekado sa Moluccas D. Ang pagiging
Kristiyano ng mga katutubo sa ating kapuluan 7. Maraming ekspedisyon ang ipinadala
ng España sa Pilipinas. Sino sa mga namuno ng mga ekspedisyong ang nagbigay ng
pangalang Filipinas sa ating kapuluan? A. Loaisa B. Cabot C. Villalobos D. Saavedra
8.Ano ang pinakamahabang pag-aalsang naganap laban sa mga Español A. Magat Salamat
B. Dagohoy C. Tablot
D. Bankaw 9. Ano ang pahayagan ng Kilusang Propaganda ? A. Kalayaan B. War Bulletin
C. La Solidaridad D. La Independencia 10. Ano ang itinatag at pinamatnugutang
pahayagan ni Marcelo H. Del Pilar A. Diariong Tagalog B. La Solidaridad C. Kalayaan
D. La Independencia 11. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit bigo ang mga naunang
pag-aalsa A. Pera B. Armas C. Diwa ng pagkakaisa D. Tao 12. Ang sumusunod ay naging
bayani ng mga Propaganda maliban kay : A. Jose Rizal B. Graciano Lopez Jaena C.
Marcelo del Pilar D. Andres Bonifacio 13. Ang mga patakaran ng mga Español ay A.
demokratiko B. Liberal C. Mapaniil D. Progresibo 14.Ang ekonomiya ng Pilipinas sa
ilalim ng mga Español ay A. Nasa kamay ng mga Español lamang B. Napaunlad ng mga
Pilipino C. Napaunlad ng mga Español D. Nagpahirap sa kabuhayan ng mga Pilipino 15.
Noong panahon ng pananakop ang Pilipinas ay pinamamahalaan ng mga A. Español B.
Mehikano C. Pilipinong Datu D. Paring Español 16. Ang likas na yaman ng Pilipinas
ay nalustay dahil sa mga patakarang A. Pangkabuhayan
B. Pangkultura C. Pulitikal D. Pulitikal at pangkabuhayan 17. Pinakamataas na
pinuno ng simbahan A. Papa sa Roma B. Obispo C. Pari D. Madre 18. Ang kulturang
Español ay _______. A.Umakma sa kulturang Pilipino B. Madaling natutuhan ng mga
Pilipino C. Nakapag paangat ng kulturang Pilipino D. Malayo ang kaibahan sa
kulturang Pilipino 19. Ang samahang itinatag ni Dr. Jose Rizal upang tulungang
magkaisa ang mga Pilipino ay A. La Liga Filipina B. La Solidaridad C. La
Independencia D. El Renacimiento 20. Ang pinaka mahalagang pangyayari na
nagpaigting sa pagkagalit ng mga Pilipino sa mga Español A. Pagpapataw ng buwis B.
Pagpunta n i Rizal sa España C. Pagbabawal sa pakikipagkalakalan D. Pagpatay sa
tatlong Paring Martir

GAWAIN 1.PAGSUSURI SA MGA LARAWAN Panuto: Piliin sa mga sumusunod na larawan ang
nagpapamalas ng kolonisasyon ng mga Espanol sa ating bansa.

_________________

_____________________

_____________________
______________________ ___________________

________________________

______________________

_____________________

____________________

Mga Tanong : 1. Ano-ano ang larawan na iyong minarkahan ng tsek? 2. Ano ang
kaugnayan nito sa kolonisasyon? 3. Paano ito naging bahagi ng kolonisasyon ng mga
Español? 4. Paano makatutulong ang mga larawang ito na maunawaan ang tungkol sa
pagsakop sa atin ng mga Español? GAWAIN 2. ALAM MO NA BA? 1. Sagutan mo ang Know-
Want-Learn Technique upang mapalawig ang iyong pagtuklas sa kahalagahan ng araling
tinalakay. 2. Direksiyon: Sagutin lamang ang una (Kung ano ang alam) at ikalawang
hanay (Kung ano ang gustong mapag-aralan). Sasagutan mo ang ikatlong hanay (Kung
ano ang natutuhan) pagkatapos pag-aaralan ang aralin upang mataya ang iyong
pagkatuto. Paksa : Layunin ng Pagsakop ng mga Español sa mga Pilipino “?
Know ( Kung ano ang ala) Want (Kung ano ang gustong mapag-aralan) Learn (Kung ano
ang natutuhan)

Know-Kung ano ang alam?

Want-Ano ang nais mapag-aralan?

Learn- Ano na ang natutuhan?

GAWAIN 3 : TUKUYIN MO : Panuto : Gamit ang mapa tukuyin ang mga lugar na napuntahan
ni Legazpi. Kulayan ng asul ang mga lugar na kusang nasakop at lagyan ng kulay pula
ang mga lugar na hindi tuluyang nasakop

Source:
ww.google.com.ph/imgres?
imgurl=http://www.asiatravel.com/gifs/philsmap.jpg&imgrefurl=http://www.asiatravel.
com/philmap.html&h= 539&w=485&sz=39&tbnid=StHFAI9wLuMv
QM:&tbnh=87&tbnw=78&prev=/search%3Fq%3Dphilippine%2Bmap%26tbm%3Disch%26tb
GAWAIN 4. PULSO (Pag-unawa at Ugnayan Laan sa Opinyon) KO Panuto : Sagutin mo ang
mga katanungan batay sa iyong malayang pananaw at opinyon.(Bawal ang mahiyain!)
1.Para sa akin ang kahulugan ng salitang kristyanismo
ay____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ 2.Pinili ko
ang relihiyong _____________
sapagkat______________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ 3.Ang
Pamahalaan at Simbahan sa panahon ng pananakop ng mga Español
ay____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ 4.Ang
pananakop ng mga Español gamit ang relihiyon ay nagbunga
ng____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
GAWAIN 5. MAGTANONG KA Panuto : Balikan ang mga nakaraang gawain at iugnay ang mga
konsepto isinasaad ng mga larawan. Hinahamon kita na bumuo ng isang mahalagang
tanong tungkol sa Kolonisasyon at Kristiyanisasyon. MGA LARAWAN
Linangin Ang Iyong Pag-unawa

Muling mong balikan ang naging mga kasagutan mo sa bahaging Pagtuklas. Isagawa ang
mga mungkahing gawain upang masuri kung ang kakailanganing Pagunawa ng mag-aaral sa
bahaging Pagtukas ay tama/katanggap-tanggap . Minumungkahing maging maingat ang
guro sa hindi pag tanggap sa mga maling Kakailangain Pag-unawa. Sa bahaging ito
naitama na kung mayroon man ang maling Kakailanganing Pag-unawa sa pamamagitan ng
mapaghamong gawain.

ARALIN I – Kolonisasyon at Kristiyanisasyon

Paglulunsad Ng Mga EksplorasyonPaglulunsad Ng Mga Eksplorasyon

Sa larangang ng pangagalugad ng iba pang lupain sa mundo nauna ang bansang


Portugal. Pangunahin layunin nito ay makatuklas sa ibang lupain ng mga pampalasa ng
pagkain tulad paminta, luya at iba pa. Sapagkat noong panahon yaon ay isa ito sa
pinakamahal na kalakal sa Europa. Katunayan monopolyo ng mga taga-Venice ang pag-
angkat at pamamahagi sa Europeo ng mga bagay mula sa Silangan. Sila din lamang ang
tanging nakakadaan sa Dagat Mediterranean. Bunsod kasi ito ng pahintulot ng mga
Turkong Muslim na may hawak sa Dagat Mediterreanean matapos nilang tulungan sa
pakikipagdigma laban sa Greece Ang paghahangad na wakasan ang monopolyo ng mga
taga-Venice sa kalakalang Silangan-Kanluran ang nagtulak sa Portugal at iba pang
bansa sa Europa na humanap ng ibang daanan patungong silangan.
Nanguna at naging magkaribal sa gawaing ito ang Espa ña at Portugal partikular sa
lupain sa Silangan bilang kanilang kolonyal. Humantong ito sa hidwaan ng dalawang
nasabing bansa kung kaya nagpalabas si Papa Alexander ng utos noong May 3, 1493 na
nagbibigay karapatan sa Portugal na tumuklas ng mga lupain sa Africa at sa España
naman ay sa Bagong Daigdig. Ngunit may mga hindi pa rin napagkakasunduan ang
dalawang bansa hinggil sa hatian ng teritoryo. Kaya sa Kasunduan sa Tordesillas ay
pinagtibay ang pagguhit ng isang imahinaryong linya namula sa hilagang polo
patungong timog polo, sa kanluran ng Azores at Cabo. Ang mga lupaing matutuklasan
sa silangan ng linya ay sa Portugal at lahat ng mga lupaing nasa kanluran ay sa
España. Paglalayag ni Ferdinand Magellan
Isang katuparan kay Ferdinand Magellan ,isang Portuges, na matapos mabigo sa hari
ng Portugal ang pagsang-ayon ni Haring Carlos I na makapaglayag siya upang hanapin
ang mga bansa sa Silangan na may pampalasa gamit ang rutang pakanluran. Ang
ekspedisyon ay binubuo ng limang barko at 264 na manlalayag ay tumulak mula sa San
Lucar Espanya.

Naglayag sila papuntang kanluran kahit ang Spice Island ay nasa silangan. Sa halip
na makarating sa nasabing pulo, napunta sila sa pulong malapit sa Samar. Dumaong
sila sa pulo ng Homonhon noong ika -16 ng Marso, 1521. Sa baybayin naman ng Masau
ipinagdiwang nila ang unang misang Katoliko noong Marso 31, 1521. Naglayag din sila
patungong Cebu at nakipagkaibigan kay Rajah Humabon, hari ng Cebu. Noong ika-14 ng
Abril, isa pang misa ang ginanap at ito ay sinundan ng pagbibinyag kay Raha Humabon
na binigyan ng pangalang katoliko na Carlos at asawa niya na si Juana kasama ang
800 na katutubo. Sila ang kauna-unahang Kristiyanong Pilipino. Kasama ni Raha
Kolambu, nagtungo ang pangkat ni Magellan sa Cebu noong Abril 17, 1521. Naging
kaibigan ng mga kastila ang pinuno ng Cebu na si Raha Humabon at ang kanyang may
bahay na si Reyna Juana. Dito ay muling nagtayo ng Krus ng Kristyanismo ang mga
Espa ñol
Nais mamuno ni Magellan sa buong kapuluan kaya’t humingi siya ng buwis kay
Lapulapu, pinuno ng Mactan. Hindi pumayag si Lapulapu kaya’t nagsimula ang pag-
aaway nila ni Magellan. Noong Abril 27, 1521 naganap ang labanan ng kani-kanilang
pangkat. Napatay si Magellan ng pagtulong-tulungan ng mga mandirigma ni Lapu Lapu.
Sa tagumpay na ito kinilala si Lapu-Lapu bilang kauna-unahang Pilipinong nagpakita
ng katapangan at pagmamahal sa sariling bayang sinilangan.

Mga Ekspedisyon pagkatapos kay Magellan Ekspedisyon ni Villalobos Pagkatapos ng


pagkamatay ni Magellan ay ipinagpatuloy pa ng Espanya ang paglulunsad ng mga
ekspedisyon. Sinundan ito ng ekspedisyon na pinamumunuan ni Roy Lopez de Villabos
na nagnanais na marating ang Isla de Poniete. Taong 1543 nang dumating si
Villalobos sa pulo ng Leyte. Siya ang nagpangalan sa ating bansa ng Felipinas
bilang parangal sa haring España, si Haring Felipe II.

Ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi


Dumating naman si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 sa utos ni Haring Felipe II.
Napadpad ito sa Samar, Leyte,Limasawa at Bohol bago ito dumating sa Cebu noong
Abril 27, 1521 kung saan naitayo ang unang pamayanang Español Layunin nito na
palaganapin ang Kristyanismo, sakupin ang Pilipinas at magtatag ng pamayanang
España at pamahalaan,tukuyin ang mga lugar na pinagkukunan ng mga rekado at
maghanap ng rutang patungong Mexico na babagtas sa Karagatang Pasipiko. Isa sa
pinakatampok na pangyayari ng ekspedisyon ni Legaspi ay pakikipagsandugo nito kay
Sikatuna, pinuno ng Bohol. Ang Sandugo ay ang sinaunang pamamaraan ng pagpapatibay
ng pagkakaibigan. Karagdagan pa dito ay nang makarating sila sa Maynila ng bunsod
pagpapahanap pa ng lupain. Noong Hunyo 24, 1571 ay idineklara ni Legazpi ang
Maynila bilang kabisera ng Pilipinas. Si Legazpi ay nabigyan ng titulong Adelantad
(na nangangahulugan ng paggamit ng sariling pondo para sa paglulunsad ng
ekspedisyon) at naging kauna-unahang Gobernador-Heneral sa panahon ng Kastila.
Dahil sa mga nabanggit ay kinikilala ang ekspedisyon ni Legaspi bilang pinaka
matagumpay sa lahat na ipinadala ng España sa bansa.
Mga Dahilan sa Lubusang Pananakop ng mga Kastila

Sa kabuuan ng pananakop ay ginamit ng mga Kastila ang kahinaan ng mga Pilipino


Katunayan may 600 na sundalong Espanol lamang ang bumubuo sa hukbong sumakop sa
Pilipinas,hindi kasama ang Mindanao at Sulu.Gayupaman,nagawa nilang sakupin ang
Pilipinas ng 333 taon. Ilan sa mga dahilan ng lubusang pananakop ng mga Kastila ay
ang sumusunod: Kawalan ng pagkakaisa ng mga sinaunang Pilipino na maaaring
napaigting ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo. Wala din pambansang institusyon
tulad ng pamahalaan. Kawalan ng pinuno na may malakas at disiplinadong sandatahan
na gamit tulad ng espada,kanyon at iba pang armas.Nahikayat ang mga sinaunang
Pilipino sa kanilang paraan ng pamumuhay,gawi,at kaugalian. Dahil dito, mas madali
silang napasunod at nasakop ng mga Español. Maliban sa mga nasabing dahilan ay
nagamit din ng mga Kasitla ang impluwensiya ng Krisityanismo upang masakop ang
bansa. Marami kasing pagkakahawig ang Kristiyanismo sa mga katutubong relihiyon
kaya unti-unti ay maraming sinaunang Pilipino ang naging Katoliko. Ilan sa mga ito
ay ang pananalig sa makapangyarihang Diyos,paniniwala sa espiritu at sa
kapangyarihan ng mga namayapang ninuno. Kaya naman madaling niyakap ng mga katutubo
ang Kristiyanismo at madali silang napasunod ng mga Kastila sa ibat-ibang aspeto ng
kanilang pamumuhay tulad ng pangkultural, pampamalahaan, panlipunan at
pangkabuhayan
GAWAIN 1. PLAKE NG PAGKILALA Panuto : Ikaw ay inaatasang gumawa ng plake ng
pagkilala kay Magellan at Lapu-lapu. 1.Ano ang ilalagay mong laman ng kanilang
plake? 2.Magtala ka ng iyong pagpapatunay sa nilalaman ng sertipiko ni Magellan at
Lapulapu 3.Paano sila naugnay sa Kolonisasyon at Kristiyanisasyon? 4. Paano sila
naka impluwensiya sa pagbuo ng mga Pilipino ng pagiging bansa na nagbigay wakas sa
kolonyalismong Español?.

FERDINAND MAGALLANES Sertipiko

LAPU LAPU Sertipiko


GAWAIN 2. MAGSURI KA Panuto : Suriin ang naging kahinaan at kalakasan ng mga tao sa
mga larawan na nasa kasunod na pahina, itala ang mgat ito at iugnay sa panahon ng
kolonisasyon at pananakop.

MGA TALA( LAPU LAPU)

___________________________________________________ MGA TALA (MIGUEL LOPEZ DE


LEGAZPI)

_______________________________________________________

MGA TALA ( RAHA HUMABON )

_____________________________________________________
Mga Gabay na Tanong : 1.Ano ang papel na ginampanan ng mga tao sa eksplorasyon at
kolonisasyon ? 2.Paghambingin ang kanilang mga kontribusyon sa pagpapalawig ng
kolonisasyon at eksplorasyon ? 3 Paano nakaapekto sa mga Pilipino ang pagdating ng
mga Espavol sa pagbuo ng isang bansa? 4.Gumawa ng simpleng : slogan na may
kaugnayan sa kanilang katangian at kontribusyon. ISLOGAN

GAWAIN 3. MAG - PIZZA TAYO Panuto : Bumuo ng pie graph na nagpapakita ng


pagbabahagi sa bawat antas o porsyento ng mga dahilan ng pagsakop sa atin ng mga
Español. Lumikha at magdisenyo ayon sa iyong pananaw.Hatiin ang mga dahilan sa
bawat porsyento at tandaan na ang magiging kabuuan ng paghahati-hati ay isang daang
porsyento o 100%. Bigyan ng paliwanag sa ibaba ang naging paghahati-hati ng mga
dahilan at ipaliwag kung paano ito naging instrument sa pagbuo ng isang bansa ng
mga Pilipino bunga ng kanilang pagpupunyagi at pagbubuklod na wakasan ang
kolonyalismong Español.
GAWAIN 4.SIGAW NG DAMDAMIN BOARD Panuto : Sumulat sa Sigaw ng Damdamin Board at
magpahayag ng iyong pananaw sa mga nagawa ng simbahan sa pagbuo ng isang bansa
simula noong panahon ng Español hanggang sa kasalukuyan. Maging maingat sa pagsulat
at pagpapahayag.

MGA PATAKARANG PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG KASTILA Sa aspetong pangkabuhayan ay


batid naman na isa pangunahing layunin ng Espanya ay magkamal ng kayamanan kaya
ginastusan nila ang mga ekspedisyon sa paghanap ng mga lupaing masasakop katulad ng
Pilipinas. Kaugnay pa nito ay kastila ang ilang patakaran na nakabuti sa kanila
ngunit nakabigat para sa mga Pilipino tulad ng mga sumusunod na patakaran :

Kalakalang Galyon Ang Kalakalang Galeon o tinatawag din na Kalakalang Maynila-


Acapulco ay naganap sa pagitan sa Pilipinas, España at Mexico noong huling bahagi
ng ika-16 na siglo hanggang sa maagang bahagi ng ika-19 na siglo. Hinango ang
\tawag dito sa
Dinala sa kalakalan ito ang pilak at ilang mahahalagang metal mula sa Bagong Mundo
patungo sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula sa Moluccas at ang porselana,
ivory, lacquerware at seda mula sa Tsina at Timog-silangang Asya. Bagama't ginamit
ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ay dinala sa España, upang ipagbili
sa Europeo . Itinuturing din ang kalakalan na ito bilang monopolyo ng pamahalaang
Español dahil kanilang kinokontrol ang kalakalan panlabas na nagaganap noon.
Tanging matataas sa lipunan lamang ang nakikilahok dito gamit ang kanilang
pribilehiyo na indulto de comercio. Maraming katiwaliang naganap dito kaya inialis
ito ng hari ng España noong 1815. Bunsod nito ay lalong nahirapan ang mga Pilipino
sapagkat kailangang maparami nila ang mga produktong pangluwas na binibili lang
naman sa sa murang halaga. Bandala Ang Bandala ay isang taunang pagbubuwis na
nangangahulugang sapilitang pagtitinda ng mga ani, produkto at kalakal sa
pamahalaan noong panahon ng Kastila. Maliban sa hirap ang mga Pilipino na matugunan
ang itinakdang kaukulang dami at kalidad ng mga produktong sisingilin sa bawat
pueblo o bayan ay itinatakda ng pamahalaan ay talo sila baba ng presyong ibinabayad
na minsan pa nga ay hindi pa babayaran. Kapag hindi naman naabot ng magsasaka ang
takdang dami ng produkto ay kinakailangang bumili sila ng pampuno sa kakulangan.
Ang hindi makaabot sa itinakdang dami ay kinukumpiskahan ng mga produktong inilaan
para sa sariling gamit ng pamilya. Monopolyo ng Tabako Ang Monopolyo ng Tabako ay
isang programang pang-ekonomiya na pinasinayaan ni Jose Basco y Vargas noong 1781,
labinlimang taon makalipas na ipakilala sa Pilipinas ang sistemang monopolyo. Ang
programang ito ay nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng
tabako ay nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng pamahalaan – isang pamaraan
upang matiyak at mapanatiling malaki ang kinikita ng Espanya dito. Kaugnay nito ay
hindi nalinang ang kalayaan sa pagtatanim ng iba pang produktong agrikultural lalo
na sa mga lugar kung saan ito lamang ang ipinapatanim. Sistemang Encomienda Sa
sistemang ito hinati-hati ng mananakop na si Legaspi ang mga lupain sa Pilipinas,
at ang bawat bahagi ay itinalaga sa mga pinagkakatiwalaang Español upang ito ay
pangalagaan at pamunuan ang mga Pilipino. Tinatawag na encomendero ang namamahala
sa mga lupain at humahawak sa pangkabuhayan ng sistemang ito. Ngunit mga
pagpapahirap ang naranasan ng mga
Pilipino sa kamay ng mga encomendero . Nagbigay daan din naman ito sa samu't saring
pag-aaklas ng mga Pilipino. Natigil lamang ang sistemang ito noong taong 1674 nang
tuluyan ng binuwag ang sistemang encomienda sa Pilipinas kasabaya ang iba pa sa
kolonya ng España. Sistemang Polo Nagsimulang pairalin ito noong 1580 Isa pang
patakarang pinairal ng Español ang sistemang polo o sapilitang paggawa ng lahat ng
lalaking katutubo mula edad 16 hanggang 60 sa loob ng 40 na araw taon- taon para sa
mga proyektong pangsimbahan at pamahalaan. Alinsunod dito maaari namang umiwas sa
polo ngunit kailangang magbayad ng falla. Kakaunti sa mga Pilipino ang may
kakayahang magbayad ng falla dahil sa kataasan ng halaga nito. Kaya naman maraming
Pilipino ang nagdusa sa hirap, pagtitiis at pagkawala ng ani at pagkagutom
samantalang ang mga kastila ay namumuhay na puno ng kaginhawahan. Sistemang Tribute
Itinatadhana sa batas ng mga Español na kailangang magbayad ng tribute ang mga
nasasakupan. Ang tribute ay maaaring bayaran ng salapi o kalakal. Nagsimula ang
paniningil nito mula pa noong manungkulan si Legaspi. Ang halaga ng tribute ay
walong (8) reales hanggang katorse (14) reales. Libre sa pagbabayad ng tribute ang
na nunungkulang gobernadorcillo, cabeza de barangay at mga pamilya nila, mga
empleyado ng pamahalaan at sundalong pinarangalan. Binubug bog, tinatakot at
kinukulong ang mga hindi nagbabayad nito. Inalis ang tribute noong 1884. Pinalitan
ito ng cedula isang uri ng buwis batay sa kinikita ng tao. Ang Kolonyalismo at
Pyudalismong Español Pagsakop ng mga Kolonyalistang Español sa Pilipinas sa
Pamamagitan ng Kolonyal na Tropa Dahil walang pagkakaisa sa politika ang lahat o
ang mayorya ng mamamayan sa kapuluan, hakbang-hakbang na naipataw ng mga
kongkistador na Español ang kanilang gusto sa pamamagitan ng iilandaang kolonyal na
tropa. Ginamit ang karaniwang taktikang maghati't maghari. Sa pamamagitan ng espada
at krus itinatag ng Kolonyalismong Español ang unang pamayanang kolonyal sa
Kabisayaan at pagkaraa'y sa Luzon. Subalit sa kabuuan ng kolonyal na paghahari ng
Espanya, hindi nasakop ang mga sultanatong Islam sa Mindanao at Sulu. Mahusay na
nakapagdepensa ang mga Moro dahil sa mataas na antas ng sistemang pang-ekonomiya at
pagkakaisang pampulitika na naabot na nila noon.
Ang mga Pangunahing Katangian ng Lipunang Kolonyal at Pyudal na Pinairal ng
Kolonyalismong Espanyol Kolonyal at pyudal ang klase ng lipunang nabuo sa mahigit
tatlong siglo ng paghahari ng España. Isa itong lipunan na pundamental na
pinaghaharian ng uring panginoong maylupa, kabilang ang kolonyal na mga opisyal na
Espanyol, mga ordeng Katoliko at mga lokal na pinunong papet. Nanatili sa katayuang
timawa ang masa ng mamamayan, at inagawan ng ari-arian kahit ang mga maharlika.
Sistemang enkomyenda at sistemang asyenda – ang pang-ekonomyang batay sa
kolonyalismong Español at pyudalismo. Upang palawakin ang pyudalismo sa malawak na
bahagi ng Pilipinas, ipinatupad muna ng kolonyalismong Español ang sistemang
encomienda. Ito ay paraang pyudal-militar na nagsilbing transisyon sa pagtatatag ng
lipunang kolonyal at pyudal. Ang encomienda ay malawak na lupaing gantimpala ng
hari ng España sa mga kolonyal na upisyal at iba pang indibidwal na nagpakita ng
katapatan o nakagawa ng mahalagang serbisyo sa kapangyarihang kolonyal, gayundin sa
mga ordeng relihiyoso at institusyong pangkawanggawa. Sa pamamagitan ng sistemang
ito, pwersahang tinipon para mas mahigpit na makontrol ang iba’t ibang prekolonyal
na komunidad, ipatupad ang koleksiyon ng mga buwis, palaganapin ang Katolisismo at
organisahin ang sapilitang paggawa at konskripsyon. Nilusaw ng sistemang encomienda
ang komunal na pag-aari ng lupa. Kinamkam ng mga enkomendero ang malaking bahagi ng
kalupaan at ang tira ay ipinaubaya sa mga katutubong upisyal at katiwala ng
kolonyalismong Español. Idineklarang pag-aari ng hari ng Español ang mga lupa sa
kagubatan at mga lugar na di sinasaka. Nilusaw ang mga enkomyenda at pinalitan ng
pangangasiwa sa pamamagitan ng mga probinsya noong ika-17 siglo pagkatapos
mapatatag ang kolonyal na pagkontrol sa mga lokalidad, gayundin ang pribadong
pagaari ng mga Espanyol sa malalawak na lupain. Mula huling bahagi ng ika-16 siglo
hanggang maagang bahagi ng ika-19 siglo ang pangunahing pinagkaabalahan ng mga
kolonyal na opisyal at mga ordeng relihiyosong mahilig sa negosyo ay ang kalakalang
Galeon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Ang mga kalakal mula sa Tsina at
ibang kalapit-bayan ay ibinabagsak sa Maynila, hinahakot ng mga barkong Galeon at
ipinagbibili sa Mexico. Napakalaki ng kinita ng mga opisyal at prayleng Español sa
kalakalang Galeon hindi lamang dahil sa napakataas na presyo at benta sa Europa ng
mga produktong mula Tsina. Ang Galeon, daungan at daang gamit sa kalakalan at pati
ang paghahakot ng mga produkto ay ginamitan ng sapilitang paggawa ng mga katutubo.
Bumagsak ang kalakalang Galeon noong huling bahagi ng ika-18 siglo kasabay ng
pagbagsak ng España sa harap ng paghamon ng mga umaabanteng bayang kapitalista ng
Europa at Hilagang Amerika. Nang bumagsak ang kalakalang galyon, napilitan ang
España na buksan ang Pilipinas sa mga dayuhang kapitalista, pangunahin ang mga
Ingles, Amerikano at Pranses. Sinimulan ang malawakang pagbubungkal ng mga pananim
na pang-eksport na kailangan ng mga pabrika sa Europeo, tulad ng tubo,
abaka, niyog, tabako, indigo at iba pa. Ipinatupad ang sistemang asyenda at lalong
pinatindi ng kolonyalismong Español ang pagsasamantalang pyudal sa masang
magsasaka. Sa sistemang asyenda, pinilit ang masang magsasaka na magpalitaw ng
labis na produkto hindi lang para sustentuhan ang pagkain at luho ng mga dayuhan at
katutubong panginoong maylupa at opisyal. Pinilit silang silang piniga upang
makaani ng papalaking kantidad ng hilaw na materyales na ieeksport sa mga bayang
kapitalista. Lalong lumubha ang pang-aagaw ng lupa at lalong pinataas ang upa sa
lupa at mga buwis. Minomonopolyo ng mga prayle at kolonyal na opisyal ang kalakalan
sa mga produktong pinakamalaki ang kita. Lalong bumigat ang sapilitang pagpapagawa
sa mga kalsada, tulay at daungang gamit sa paghakot ng mga produktong pang-eksport.
Sa paglawak ng pakikipagkalakalan sa mga bayang kapitalista, nahinog ang pyudalismo
sa Pilipinas at lumitaw sa loob ng likas na ekonomiya ang sistemang kalakal at
ekonomiyang nakabatay sa salapi.

GAWAIN 1. DATA RETRIEVAL CHART Panuto : Punan ng kaukulang hinihingi na impormasyon


ang bawat kahon. Suriin at pag-aralan ang ibat-ibang patakaran ng mga Español
bilang instrumento ng kanilang kolonisasyon na nagdulot ng mga pagbabago sa
sinaunang pamayanang Pilipino sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart.

Patakaran ng Mga Español

Paano ito Ipinatupad ?

Reaksiyon ng mga Pilipino sa Pagpapatupad

Bunga/Resulta Paano naging ng banta/oportunidad Pagpapatupad ang Sistemang ito sa


Pagpupunyagi at Pagbubuklod na wakasan ang Kolonyalismong Español?

Monopolyo ng Tabako

Sistemang Encomienda

Sistemang Polo
Sistemang Tributo

Sistemang Bandala

Kalakalang Galleon

Mga Gabay na Tanong : 1.Ano- ano ang patakarang pang- ekonomiya, sosyal, at
pampolitika na nagdulot ng makabuluhang tranpormasyon sa pagbuo ng ng bansang
nagpupunyagi at nagbubuklod para sa pag-unlad nito? 2.Paano hinarap ng mga Pilipino
ang ibat ibang uri ng pagbabago sa lipunan? 3. Ang mga sistema ng España ay
nakabuti sa mga Español o nagsilbi lamang itong kasangkapan upang lalo nilang
ipakita ang kanilang kapangyarihan sa mga katutubo? 4.Paanong ang mga pamaraang ito
ng mga Español ay naging bahagi sa pagbuo ng pagpupunyagi at pagbubuklod ng mga
Pilipino na wakasan ang kolonyalismong Español ? GAWAIN 2. VIDEO CLIPS ANALYSIS?
Panuto : Ikaw ngayon ay manonod ng ilang video clips sa Rizal the Movie. Sagutin
ang mga kasunod na tanong matapos mapanood ang video clips
MGA TANONG : 1. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mapanood ang video clips? 2.
Batay sa pinanood, paano winakasan ni Rizal ang pagka-alipin sa mga Español? 3.
Paano nagpunyagi ang mga Pilipino upang wakasan ang kolonyalistang Español at bumuo
ng isang bansa? 4. Paano ginising ni Jose Rizal ang damdaming makabansa ng mga
Pilipino? 5. Ano anong pamaraan ang ginawa ni Jose Rizal para makabuo ang mga
Pilipino ng isang bansa na bunga ng kanilang pagpupunyagi ?

ARALIN 2. PAGSIBOL NG NASYONALISMONG PILIPINO Paano tinanggap ng mga Pilipino ang


pananakop? Isang bayang dating Malaya ang sinakop ng mga dayuhan, hinubog ang
relihiyon, gawi, asal at mga paniniwala ng mga tao upang magsilbi sa interes ng mga
dayuhang mananakop. Pinilit magtrabaho at magbayad ng buwis, inagawan ng lupa’t
ari-arian, at inalisan ng mga karapatang pantao ang mga Pilipino ng mga Español.

Mga Dahilan ng Rebelyon at Reaksiyon ng Kolonyang Pilipinas Sa tatlong daan taon ng


pananakop ng mga Español, hindi naging madali para sa kanila ang pamahalaan ang
bansa. Ibat-ibang reaksyon ang kanilang tinanggap
mula sa kolonyang Pilipinas. Ang sumusunod ay pagtalakay sa ibat-ibang reaksyon ng
mga Pilipino sa kolonyalismo. Marami ring mga Pilipino sa kolonyang Español ang
nagwalang- bahala sa mga maling gawain at pang- aabuso ng mga mananakop. Marahil sa
kalayuan ng bansa sa España, ang mga hinaing ng mga Pillipino ay hindi nakarating
sa Hari ng España o kaya naman ay binigyan ng panandaliang lunas ng mga namumunong
Español. Sa ganitong mga pangyayari, nagkaroon ng mga saloobing pagwawalang bahala
o walang pakialam ang ibang Pilipino. Sapat na ang mairaos nila ang pangaraw-araw
na pangangailangan. Walang dahilan para sila ay magpakasipag at tumulong sa
pagsasasaayos at pag-unlad ng bansa sapagkat hindi rin sila ang makikinabang.
Subalit ang mga patakarang sapilitang paggawa, di makatarungang patakarang panlupa
ang talagang nagtulak sa mga Pilipino upang mag-alsa at lumaban sa mga Español.
Pagtutol sa Relihiyon Isang Babaylan si Tamblot na namuno sa daan- daang Boholano
na nagnais maibalik ang kanilang katutubong pananampalataya. Isa pang pag-aalsa na
may ganitong dahilan ni Bangkaw na umabot hanggang Leyte, ngunit natalo rin sila ng
mga Español. Pinag-alsahan ng mga Ilongot ang pamimilit sa kanila na talikuran ang
kinagisnan nilang relihiyon at tanggapin ang kristiyanismo. Nalutas ang pag-aalsa
ngunit hindi rin lubos na tinanggap ng mga Ilongot ang relihiyon ng mga Español.
Tinanggihan ng mga Dominikano si Apolinario dela Cruz sa pagnanais nitong maging
pari dahil siya ay isang katutubo. Bunga nito, nagtatag na lamang si dela Cruz, ng
isang kapatirang nakilala sa pangalang Cofradia de San Jose sa Tayabas.Tinawag na
Hermano Pule si dela Cruz ng libo libo nilang tagasunod. Nilusob ang kapatiran ng
puwersang Español. Pagtutol sa Mga Patakarang Kolonyal Labis ang paghihirap sa
pagbabayad ng tributo, sapilitang paggawa, indulto de comercio at iba pang mapang-
aping patakaran ng mga Español. Kaugnay nito, naganap ang rebelyon ni Magalat sa
Cagayan bilang pagtutol sa sapilitan at dimakatarungang pangongolekta ng tribute.
Upang masugpo ang pag-aalsa, umupa ang mga Español ng taong pumatay kay Magalat. Sa
Kabisayaan, tinutulan nina Juan Ponce Sumoroy at Pedro Caamug ng Samar ang kautusan
ni Gobernador Diego Fajardo na magpadala ng mga polista sa pagawaan ng mga barko sa
Cavite. Sa pamamagitan ng mga pinadalalang sundalo mula sa mga na-Kristiyanong
katutubong Lutao, pinilit magapi ng pamahalaang kolonyal ang pagaalsa ni Sumoroy at
ng kanyang mga tagasuporta. Kalaunan, pinugutan si Sumoroy ng dalawa sa kanyang mga
tauhang nagtaksil sa kanya at iniharap ang kanyang ulo sa alcalde mayor ng Samar.
Noong 1719, sa pamumuno ni Juan Caragay ng Dagupan at Juan de la Cruz Palaris ng
Binalatongan noong 1762, nag-alsa ang mga taga- Pangasinan laban sa malupit na
paniningil ng tributo, katiwalian at iba pang pagmamalabis ng kanilang alcalde
mayor. Hiniling din nilang alisin sa tungkulin ang alcalde mayor dahil sa mga
katiwalian nito. Kapwa pinatay sina Caragay at Palaris sanhi ng kataksilan ng
kanilang mga kababayang nakipagsabwatan sa mga Español. Nabibilang si Diego Silang
sa pamilyang principalia ng Vigan, tatlo ang hinaing niya sa pag-aalsa: mabigat na
pagpapataw ng buwis, pagsikil sa kalayaan at pangaabuso ng alcalde mayor sa
paggamit ng indulto de comercio. May limang buwan ding nahawakan ni Diego Silang
ang Vigan. Pinatay si Diego Silang ng matalik niyang kaibigang si Miguel Vicos.
Ipinagpatuloy ng asawa niyang si Gabriela Silang ang kaniyang sinimulang
pakikipaglaban. Pagkaraan ng apat na buwan, nahuli at binitay si Gabriela. Ang pag-
agaw ng mga prayleng Español ng mga lupa ng mga katutubo ay isa ring pangunahing
dahilan ng mga pag-aalsa, ganito ang naganap sa pag-aalsa ni Matienza ng Nasugbu at
Lian Batangas.

Personal na Karaingan Noong 1574, si Lakandula ang Rajah ng Tondo, at ang kaniyang
pamangkin na si Rajah Sulayman ang lumusob sa katatayong kuta ng mga Español sa
Maynila. Naganap ito dahil sa hindi pagsunod ng mga Español sa kanilang pangako sa
dalawang Rajah at kanilang pamilya na hindi sila pagbabayarin ng buwis. Natapos ang
pag-aalsa nang mamagitan si Juan de Salcedo na nagsabing tutupad ang pamahalaan sa
pangako. Pinangunahan ni Andres Malong ng Pangasinan ang pag-aalsa na lumusob sa
mayamang pamayanan ng Bacnotan at Lingayen, napatay ni Malong ang alcalde mayor, at
inihayag ang sarili bilang hari ng Pangasinan subalit nagapi si Malong nang
sumaklolo ang mga Español, ganun din ang nagyari kay Pedro Almazan, inihayag din
ang sarili bilang hari ng Ilocos. Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsang
isinagawa ng mga hindi Muslim. Ang pag-aalsa ni Francisco Dagohoy ay nagsimula sa
isang personal na hinanakit. Tumangging basbasan ng paring Heswita na si Padre
Gaspar Morales ang bangkay ng kapatid ni Dagohoy na namatay sa pakikipag-duwelo.
May tatlong libong Boholano ang sumama kay Dagohoy, hindi dahil nakisimpatya sila
kay Dagohoy kundi may kimkim na rin silang galit sa mga Español.
PAG-USBONG NG NASYONALISMONG PILIPINO Sa mga pag-aalsang naganap, unti unting
nabuksan ang kamalayan ng mga katutubo. Ang magkakatulad nilang mga suliranin at
mga hinaing ay dapat magbunga ng pagkakaisa. Walang naabot ang mga pag-aalsa dahil
walang nakaplanong mga susunod na aksiyon. Walang pagpaplano dahil walang
pagkakaisa. Ang sunod-sunod na pangyayari noong ika-19 na siglo ang nagsilbing
mitsa ng pagkakaisa na nagbunga ng paggising sa nasyonalismo ng mga Pilipino.
Tunghayan ang mga pangyayaring nagsilang sa konsepto ng pagka-makabansa ng mga
Pilipino. A. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Pangkalakalan Nang itigil ang
kalakalang Galleon, binuksan ang Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan. Bunga nito,
pumasok na rin ang malalayang kaisipan mula sa Europa at Amerika na pinabilis pa ng
pagbubukas ng Suez Canal noong 1869. Mabilis na nakarating sa Pilipinas ang
dayuhang nagtataglay ng mga ideyang liberal. Dito namulat ang mga Pilipino sa ideya
ng pagkakapantay- pantay, kapatiran at kalayaan na nagsulong sa Himagsikang
Amerikano at Pranses. Natanto nila ang kanilang kalagayan at ito ang nagtulak upang
humingi ng reporma mula sa mga Español. B. Suliranin sa Sekularisasiyon Naglabas si
Papa Pio V ng exponi nobis, isang pahintulot na ibinibigay sa mga paring regular na
mamahala sa mga parokya na labas sa kapangyarihan ng mga Obispo. Dahil sa kautusang
ito, naapektuhan ang mga paring sekular na karamiha’y katutubo dahil inalisan sila
ng pinamamahalaang parokya. Dahil dito, napilitan ang mga paring sekular na
karamiha’y mga Pilipino na ipaglaban ang karapatang mamahala sa mga parokya. Bunga
nito, kanilang hiniling ang sekularisasyon ng mga parokya mula sa kontrol at
pamamahala ng mga paring regular. C.Rebelyon sa Cavite Idinawit ng mga Español na
may kinalaman sa pag-aalsa ang tatlong paring martir na sina Jose Burgos, Jacinto
Zamora at Mariano Gomez sa isang pag-aaklas ng mga manggagawa sa arsenal ng Cavite.
Matapos ang kunwaring paglilitis na kung saan nagharap ang pamahalaan ng mga
bulaang saksi, ginarote sa Bagumbayan ang tatlong pari. Ang pag-aalsang ito sa
Cavite ay nagpatindi sa hidwaan ng mga creoles at penisulares. Maraming creoles ang
hinuli at ang iba ay pinatapon sa Marianas. D.Ang Liberal na Pamamahala ni Gob.
Carlos Maria de la Torre Ipinadala sa Pilipinas si Carlos Maria Dela Torre noong
1869. Napamahal sa mga Pilipino ang Gobernador dahil sa makatao niyang patakaran.
Pantay ang pagtrato niya sa mga Español at Pilipino. Pinairal niya ang kalayaan sa
pananalita at pamamahayag. Ipinatigil din niya ang pamamalo sa mga katutubong
iniiwan ang tungkulin, pinatawad niya ang mga nag-alsa laban sa pamahalaan. Subalit
pinalitan
agad siya ni Rafael de Izquierdo. Taliwas ang ugali at pamamalakad ni Izquierdo kay
de la Torre. Isa ito sa naging sanhi ng pag-aaklas sa Cavite noong 1872. E. Ang
Pagsulpot ng Uring Ilustrado Ang mga Ilustrado ay binubuo ng nakapag-aral na mga
mestisong Kastila at Tsino at ilang mga katutubong mayayamang Pilipino. Sila ay
karaniwang nakapag-aral sa Maynila at Europa. Sila yaong nakabasa ng mga ideyang
liberal at nakipagpalitan ng kuro-kuro sa mga taong may liberal na kaisipan. Sila,
sa dakong huli ang nagpahayag at nagsiwalat tungkol sa mga hinaing at hinanakit ng
mga Pilipino. Sila ang namuno kalaunan sa kilusang humihiling ng pagbabago sa
pamamalakad sa Pilipinas. GAWAIN 1.SHOUT OUT Isigaw ang iyong mga nabasa, napag
aralan at saloobin sa mga dahilan ng pagaalsa ng mga Pilipino laban sa mga Español.
Isulat sa nakalaang espasyo ang iyong mga isisigaw na mensahe ( SIDE A). Sa katapat
ay isulat (SIDE B) kung paano ito naging bahagi sa pagbuo ng isa sa kanilang
pagpupunyagi at pagbubuklod na wakasan ang kolonyalismong Español. Isulat sa
sagutang papel.

SIDE A

SIDE B
GAWAIN 2.TIMBANGIN NATIN Panuto : Timbangin at suriin ang mga pangyayaring nag-
pausbong sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. Bigyang katuwiran kung naging
makabuluhan ang salik sa pag-usbong ng damdaming makabansa mula sa mga pangyayari.
Magtala ng 30 salita upang patunayan ang mga sagot. Ipamahagi ang 100 porsiyento sa
apat na salik na ang paghahati- hati ay ayon sa iyong pangangatuwiran at pag-unawa(
(Halimbawa. 20%,30%,50% at 10% ayon sa iyong pag-unawa)

Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Pangkalakalan (____%)


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ Suliranin sa
Sekularisasyon (____%)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ Ang Liberal
na Pamamahala ni Gob. Carlos Maria De la Torre (_____%)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Ang Pagsulpot ng Uring Ilustrado (_____%)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

GAWAIN 3. MANINDIGAN KA Ipahayag ang iyong malaya at malawak na opinyon tungkol sa


isang isyu. Isulat ang pahayag sa bahaging nais mong panindigan. Sa ganitong paraan
masusuri mo ang mga pangyayari at salik sa pag-usbong at paglinang ng
nasyonalismong Pilipino.

OO

HINDI

Nakatulong ba sa pagbuo ng isang bansa ang pagsakop sa atin ng mga Español?


Oo/Hindi at paano kumilos ang mga Pilipino sa kanilang pagpupunyagi at pagbubuklod
na wakasan ang kolonyalismong Español?
GAWAIN 4. FACTS RETRIEVAL TAYO Panuto: Kompletuhin mo ang tsart ayon sa hinihingi
upang masuri ang naging dinamismo at padron ng mga pag-aalsa na naganap sa ilalim
ng kolonyalismong Español. Pagsusuri sa Kabiguan ng mga Pag-aalsa sa Pamamagitan ng
Pagkumpleto sa Tsart

Mga Pinuno ng Pag-aalsa

Saan Naganap ang Pag-aalsa?

Dahilan ng Mga Pag-aalsa?

Naging Resulta ng Pag-aalsa?


Mga Gabay naTanong sa Pagpapalalim 1. Paano sumibol ang nasyonalismong Pilipino
batay sa mga inilunsad na pagaalsa? 2. Kung nabuhay ka ng mga panahong iyon, ano
ang gagawin mong pagtatanggol sa bansa upang maipadama mo ang iyong pagiging tunay
na Pilipino ? Ilahad mo ito? 3. Para sa iyo alin ang pinakamalubhang pag-aalsa na
nagpamulat ng damdaming makabansa ng mga Pilipino? 4. Paanong naging instrumento
ang mga pag-aalsa sa pagbuo at pagpupunyagi na wakasan ang Kolonyalismong Español?
5. Paano naging instrumento ang pag aalsa para mabuo ng mga Pilipino ang pagiging
isang bansa na nagbigay-wakas sa kolonyalismong Español?

ARALIN 3.ANG KATIPUNAN AT ANG REBOLUSYON

Ang hindi pagkakaloob ng reporma sa mga propagandista ay nagtulak sa mga Pilipino


na maglunsad na ng malawakang armadong pakikibaka. Sinimulan ng mga karaniwang
mamamayan ang paglagot sa tanikala ng pagkaalipin. Ito ang panahon ng pagpapatunay
na dapat kumilos para sa kalayaan at karapatan. Anak, asawa, magulang at kapatid ay
napilitang iwan alang-alang sa pagtatanggol sa bayan ng mga Katipunero. Ito ang
panahon ng tunay na katapangan at kabayanihan.
ANDRES BONIFACIO AT KATIPUNAN Noong gabi ng Hulyo 7, 1892, itinatag nina Andres
Bonifacio, kasama ang mga dating kasapi ng La Liga Filipina na sina Ladislao Diwa,
Deodato Arellano, Teodoro Plata, at Valentin Diaz ang Kataas-taasang Kagalang-
galang na Katipunan mga Anak ng Bayan sa isang bahay sa Calle Azcarraga (ngayo'y
Claro M. Recto Avenue). Sa kabila ng nilalaman ng karamihan, si Bonifacio ang
ikatlong Pangulo. Nangalap sila ng mga pondo at sandata, sa abot ng kanilang
makakaya. Humingi rin sila ng tulong sa isang barkong pandigma ng Hapon na
nakadaong sa Maynila Para maikalat ang kanilang panawagan ng isang mapagpalayang
himagsikan, inilimbag ng Katipunan, sa tulong ng isang palimbagan na binili ng
dalawang Katipunero na sina Candido Iban at Franciso del Castillo (na parehong
nagtatag ng Katipunan sa Kabisayaan), ang pahayagang Kalayaan. Para di malaman ng
mga Español ang kinaroroonan ng palimbagan, ipinalabas na si Marcelo H. del Pilar
ang patnugot nito at sa Yokohama, Japan ang lugar ng palimbagan. Hindi nagtagal at
dumami ang mga kasapi ng Katipunan. Mula sa unang balangay nito sa Tondo, nagtatag
ang Katipunan ng mga sanggunian nito sa mga bayan ng San Juan del Monte, Pasig, San
Felipe Neri, Pateros, Marikina, Kalookan, Malabon, at di kalauna'y sa ilang mga
bayan sa mga lalawigan sa Visayas. Nagkaroon din ng sangay pangkababaihan ang
Katipunan. Umanib ang kauna-unahang babaeng kasapi nito noong 1893. Sa kabuuan,
mula sa mahigit na 300, lumaki ang Katipunan sa mahigit 30,000 kasapi bago ang
pagputok ng himagsikan noong Agosto 1896. May tatlong pangunahing layunin ang
Katipunan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: • magkamit ng kalayaan mula sa España
sa pamamagitan ng himagsikan • pagbabago sa sarili tulad ng pagwawaksi sa bulag na
pananampalataya, karuwagan, at iba pa. • pagtutulungan sa isa’t-isa sa mga panahon
ng paghihirap at kagipitan Inilagda ang kanilang mga pangalan sa sariling dugo,
nagbigay ng 25 sentimos na paunang-bayad at nangakong magbubuwis ng 12 sentimos
buwanbuwan ang mga bagong kasapi ng Katipunan. Maliban pa rito, nanghikayat pa sila
ng iba pang nais sumapi. Upang mailihis ang mga Español, gumamit sila ng mga
sagisag-pangalan na gagamitin sa samahan sa halip na mga tunay na pangalan.

Sigaw sa Pugad Lawin Nang matuklasan ang Katipunan noong Agosto 19, 1896, nag-utos
si Andres Bonifacio na magtungo ang lahat ng kasapi ng Katipunan sa Balintawak.
Noong Agosto 23, 1896, sa isang pagpupulong, napagpasyahan ng mga pinuno at kasapi
ng Katipunan na simulan na ang himagsikan sa kabila ng matinding kakulangan ng
armas at paghahanda. Ang nasabing pangyayari ay nakilala sa tawag na “Sigaw sa
Pugadlawin,” ang opisyal na pagsisimula ng Rebolusyong Pilipino ng 1896. Sa pulong,
matapos ang pagpapasiya kinuha ni Bonifacio ang kanyang sedula na patunay ng pagka-
mamamayan sa ilalim ng Espana at pinunit iyon habang sumisigaw ng” Mabuhay
ang Pilipinas.” Sinundan iyon ng mga Katipunero na pinunit din ang kanilang mga
sedula na simbolo sa paglaya sa kolonyalismong Español. Kumbensyon sa Tejeros Ang
lalawigan ng Cavite ang itinuturing na moog ng himagsikan sa unang yugto ng
Rebolusyong Pilipino. Pinakamatagumpay ang mga taga-Cavite na mapalaya ang halos
buong lalawigan sa kamay ng mga Español. Subalit ang tagumpay na ito ay nagdulot ng
pagkakahati sa ilang mga kasapi nito na naghahangad na mapasakanila ang pamumuno ng
himagsikan. Upang malunasan ang pagkakahati ng mga Katipunero sa Cavite sa pagitan
ng Magdalo at Magdiwang, nagtungo si Andres Bonifacio sa lalawigan bilang Supremo
ng Katipunan. Subalit sa halip na pagkakaisa, nagdulot ito ng pagpapalit ng bagong
pamahalaan na nagbigay daan sa pagkawala ng Katipunan. Sa isang pulong noong Marso
22, 1897 sa Tejeros, San Francisco de Malabon, matapos ang mainit na pagtatalo
tungkol sa pagtatatag ng isang pamahalaang rebolusyonaryo, napilitan si Bonifacio
na pumayag sa kagustuhan ng nakararaming nagsidalo sa pulong. Napilitan si
Bonifacio pumayag na magpalit ng bagong pamahalaan at maghalal ng bagong pamunuan
ng himagsikan. Sa idinaos na eleksyon, ang mga nahalal ay ang sumusunod : Pangulo :
Pangalawang Pangulo: Kapitan Heneral: Direktor ng Digmaan: Direktor na Panloob:
Emilio Aguinaldo Mariano Trias Artemio Ricarte Emiliano Riego De Dios Andres
Bonifacio

Samantalang inihayag ang pagwawagi ni Bonifacio, tumayo si Daniel Tirona, isang


tauhan ni Aguinaldo at tumutol sa proklamasyon ni Bonifacio dahil ayon sa kanya ay
kailangang tapos ng abogasya ang uupo sa posisyong ng Direktor na Panloob. Nagalit
si Bonifacio sapagkat napag-usapan na sinuman ang mahalal ay igagalang dahil iyon
ay ang kapasyahan ng nakararami. Muntik pang mabaril ni Bonifacio si Tirona. Sa
huli idineklara ni Bonifacio bilang Supremo ng Katipunan na walang bisa ang ginanap
na pulong at halalan sa Tejeros. Pagpatay kay Bonifacio Iniutos ni Aguinaldo ang
paghuli kay Bonifacio at sa kaniyang mga tapat na tauhan. Nagkaroon ng isang
maikling labanan ng mga puwersang Aguinaldo at Bonifacio, napatay ang kapatid ni
Bonifacio at nasugatan si Procopio. Kinulong si Andres at Procopio at nahatulan ng
kamatayan ang dalawa, Binabaan ni Aguinaldo ang parusa at ginawang pagpapatapon na
lang. Subalit matapos ang pakiusap ng ilang dating kasamahan ni Bonifacio na
bumaligtad sa panig ni Aguinaldo, ibinalik ni Aguinaldo ang orihinal na hatol na
kamatayan sa magkapatid na Andres at Procopio. Sa Bundok Tala sa bayan ng
Maragondon, Cavite isinagawa ang parusang kamatayan sa magkapatid na Bonifacio. Si
Lazaro Makapagal namuno sa mga sundalong nagpatupad ng parusang kamatayan.
GAWAIN 1. Pagsusuri ng Dokumentong “Dekalogo ng Katipunan ni ANDRES BONIFACIO

Ang Dekalogo ng Katipunan Ni Andres Bonifacio 1. Mahalin mo ang Diyos nang buong
puso. 2. Laging isaisip na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal din sa iyong
kapwa. 3. Itanim sa iyong puso na ang tunay na sukatan ng karangalan at kaligayahan
ay ang mamatay para sa kalayaan ng iyong bayan. 4. Ang lahat ng iyong magagandang
hangarin ay magtatagumpay kung ikaw ay may kapayapaan, katuwiran at paniniwala sa
iyong mga kilos at gawain. 5. Ipagtanggol ang mga kautusan at layunin ng Katipunan
tulad ng pagtatanggol sa iyong karangalan. 6. Pananagutan ng lahat na iligtas,
sukdang manganib ang kanilang buhay at kayamanan, ang sinumang malalagay sa
malaking panganib sa pagtupad sa kaniyang tungkulin. 7. Ang ating pananagutan sa
ating sarili at ang pagtupad ng ating mga tungkulin ay magsisilbing huwaran ng
ating mga kababayan. 8. Hanggang makakaya mo, ibahagi ang iyong kayamanan sa
mahihirap at kapuspalad. 9. Ang pagsisikap sa gawaing nagbibigay ng iyong
ikinabubuhay ay ang tunay na batayan ng pagmamahal- pagmamahal sa iyong sarili, sa
iyong asawa at mag anak at sa iyong kapatid at kababayan. 10. Parusahan ang
sinumang buhong at taksil at purihin ang lahat ng mabubuting gawa. Gayon din,
paniwalaan na ang layunin ng Katipunan ay kaloob ng Diyos, dahil ang kalooban ng
taong-bayan ay kalooban din ng Diyos. Ginawa ni: Rommel Reyes BSCS UP-Manila. Hango
mula sa, Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas ni Agno, Cristobal, Juanico,
Libunao, at Tadena.

SOAPS Tone

Mga Katanungan

Kasagutan Kailangan isulat ang bahagi ng dokumento na ipinapahayag ang kasagutan

Speaker

Sino ang tagapaghatid ng mensahe?Sino ang taga pagsalay say ng dokumento?


Occasion

Ano ang kondisyon o pangyayari ng mga panahong iyon? Mahihinuha ba ito sa


dokumento? Kanino inialay ang dokumento?Para kanino nilikha ang dokumento?
Mababatid ba ito sa dokumento? Ibigay ang layunin ng sumulat ng dokumento?Bakit
kaya nilikha ang dokumento? Ano ang motibo o layunin ng may-akda? Ano ang nais na
maipahiwatig ng may-akda? Ano ang pangunahing paksa o tema ng dokumento? Anong
kongklusyon ang maari mong mabuo sa tunay na mensahe ng dokumento? Saang bahagi ng
dokumento pinahahayag ang kanyang damdamin? Ano/Ano-anong damdamin o aktitud ang
ipinapahayag ng may- akda?

Audience

Purpose

Subject

Tone

Bilang pag-uugnay sa aralin at yunit ang sumusunod na katanungan ay kailangan mong


sagutin. 1. Anong kondisyon ng bansa at mga Pilipino ang inilalarawan ng dokumento?
Aling bahagi ng pangungusap o saknong mababatid ito? 2. Anong pangyayari sa
rebolusyong Pilipino ang ipinahahayag ng dokumento matapos ang pakikipaglaban natin
sa mga Español? 3. Ayon sa dokumento, anong mahalagang bahagi ang ginampanan ng
mamamayang Pilipino sa pagbuo ng isang bansa laban sa mga Kastila? 4. Paano ang
Dekalogo naging instrumento ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng mga Pilipino ng isang
bansa na nagbigay-wakas sa kolonyalismong Español?.
5. Paano naging makabuluhang sangkap ang mahalagang dokumento sa pagwawakas ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Español? 6. Batay sa dokumento, paano
winakasan ng mga Pilipino ang kolonyalismong Espavol na naging daan sa pagpupunyagi
at pagbubuklod bilang isang bansa.

PAGPAPALALIM Sa bahaging ito ay higit na mapalalalim ang iyong pag-aaral sa nabuong


Kakailanganing Pag-unawa, sa tulong ng mapanghamong mga tanong o gawain upang ikaw
ay makapagnilay-nilay, makabalik sa mga natutuhan upang muling baguhin at mag-isip
kung kinakailangan.Palalimin mo pa ang pag-aral sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
isyu o suliraning nauugnay tungkol sa paksang tinalakay. Magiging gabay ang
bahaging ito bilang paghahanda sa iyo upang mailapat ang natutuhan sa pagsasagawa
ng Inaasahang Pagganap sa bahaging Paglalapat. At upang mataya mo ang iyong
natutuhan at kakayahan ay magkakaroon ka ng pagkakataong sumagot sa pagsusulit.
GAWAIN 1. PINAKA PARA SA AKIN Panuto : Magtala ng limang pamana ng mga Español sa
mga Pilipino na ipinalalagay mong mahalaga. Markahan ang pinakagusto mong bilang,
at susunod na bilang 2,3,4 at 5.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ B.Magbigay
ng tatlong paraan kung paano mo ipakikita ang iyong pagpapahalaga sa mga pamanang
napili mo at ang nilagyan ng bilang 1.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ C.Itala kung
paano nakatulong at nakaimpluwensya ang mga ito sa pagyabong at pagunlad ng
nasyonalismo na naging daan sa pagbuo ng isang bansa ng mga Pilipino.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

GAWAIN 2. Nasyonalismo Tsek 101 Panuto : Nakatala ang mga gawaing nagpapakita ng
pagmamahal sa bansa. Markahan sa pamamagitan ng (√) sa grado. Maging tapat sa
pagsagot. Sa ibaba, gumawa ng isang pahayag kung paano mo pa mamahalin ang iyong
bansa. Gawaing Nasyonalismo 1.Pagdama sa kahulugan ng pambansang awit 2.Paggalang
sa bandila 3.Pagtulong sa kababayan 4.Pagsunod sa mga batas at ordinansa
5.Paggalang sa magulang, guro at bayan 6.Pangangalaga sa kapaligiran 7.Pagtangkilik
sa sariling produkto 8.Pagmamalaki sa mga sagisag 9.Pagtangkilik sa sining
10.Pagsunod sa mga kultura at tradisyon 70% 80% 90% 100%

Ilagay ang sarili sa katauhan ng mga Pilipinong nagpunyagi at pinahalagahan ang


kanilang ginawa na wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa.
Ang aking pangako na gagawin bilang pagpapahalaga sa kanilang ginawa ay ang
sumusunod: ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________ GAWAIN 3.
REFLECTION PAPER Panuto : Sumulat ng isang reflection paper o journal at gumawa ng
isang komitment bilang pagpapayabong sa nasyonalismong Pilipino. Ito ay batay sa
pagninilay-nilay mo sa kahalagahang pangkasaysayan ng pagpupunyagi ng mga Pilipino
na mawakasan ang kolonyalismong Español at makabuo ng isang bansa. Bigyang pansin
sa pagsulat ng reflection paper ang kasunod na mga tanong upang lubos mong mailabas
ang iyong mahalagang pagkaunawa sa aralin. ● Paano nagbago ang iyong sariling
pananaw bilang isang mag-aaral dahil sa mga pagpupunyaging ipinakita ng mga
Pilipino sa panahon ng kolonyalismo ?
● Ipakita ang iyong kamulatan sa epekto ng kolonyalismo sa uri ng pamumuhay,
kaisipan at kagawian bilang mamamayan ng ating bansa. ● Ipahayag mo ang mga balakin
mo para sa patuloy na pagpapayabong ng nasyonalismo sa kabila ng mga banta at
oportunidad sa pagkabansa.

GAWAIN 4: KARTILYA NI EMILIO JACINTO Sa bahaging ito ikaw ay bibigyan ng


pagkakataon na magnilay sa kahalagahang pangkasaysayan ng pagpupunyagi ng mga
Pilipino na wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa.
Inaasahan din na ikaw ay nakapagpapahayag ng malikhaing panghihikayat sa
pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino . Ikaw ay bubuo ng isang historical
analysis sa pagtugon sa mga hamon ng kolonyalismo at Kristiyanisasyon sa
pagpupunyagi at pagbubuklod na wakasan ang kolonyalismong Español gamit ang mga
gabay na tanong :

Dokumento : Ang Kartilya ng Katipunan Ni Emilio Jacinto 1. Ang Buhay na hindi


inilaan sa isang dakila at banal na layunin ay tulad ng isang punong walang lilim
kundi man ng isang nakalalasong damo. 2. Ang isang mabuting gawa na isinasagawa
para sa pansariling kapakinabangan at hindi dahil sa hangaring makagawa ng mabuti
ay hindi kagandahang-loob. 3. Ang tunay na kadakilaan ay nakasalalay sa pagiging
mapagkawanggawa, sa pagmamahal sa kapwa-tao at sa pag-aakma ng bawat kilos, gawa at
pananalita sa tunay na hangarin. 4. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay, maging ang
kulay ng kaniyang balat ay itim o puti. Maaaring ang isang tao'y nakahihigit sa iba
pang tao sa talino, yaman at ganda, subalit hindi siya nakahihigit bilang isang
tao. 5. Ang taong marangal ay minamabuti ang karangalan kaysa pansariling
kapakanan; ang isang taong buhong ay minamabuti ang pansariling kapakanan kaysa
karangalan. 6. Sa isang taong may kahihiyan, ang kaniyang salita'y di-nalalabag. 7.
Huwag sayangin ang panahon; ang yamang nawala ay maaari pang mabawi, subalit ang
lumipas na panahon ay hindi na kailanman maibabalik. 8. Ipagtanggol ang naaapi at
labanan ang nang-aapi. 9. Ang isang matalinong tao ay lubhang maingat sa kaniyang
pagsasalita at marunong magtago ng lihim. 10. Sa masalimuot na landas ng buhay, ang
lalaki ang patnubay ng kanyang asawa at mga anak; kung ang pumapatnubay ay gumawa
ng kasamaan ang kaniyang pinapatnubay ay gayon din ang patutunguhan. 11. Ituring
ang babae hindi tulad sa isang bagay na palipasan ng oras, kundi bilang isang
katulong at kasama sa mga paghihirap sa buhay. Igalang siya sa kanyang
kahinaan at alalahanin. Ang inang nagsilang sa iyo sa daigdig na ito, at nagaruga
sa iyo sa iyong kamusmusan. 12. Ang ayaw mong gawin sa iyong asawa, at kapatid ay
huwag mong gawin sa asawa, anak at kapatid ng iba. 13. Ang kadakilaan ng isang tao
ay hindi nakasalalay sa pagiging isang hari, ni sa katangusan ng ilong at kaputian
ng balat, ni sa pagiging pari na kumakatawan sa Diyos, ni sa mataas na kalagayan sa
lipunan, kundi sa kaniyang pagiging malinis at marangal na bagama't isinilang sa
kagubatan, ay nagtataglay ng mabuting pag-uugali't tapat sa kanyang salita; may
dangal; hindi nang-aapi o tumutulong sa nang-aapi; at marunong magmahal sa bayang
sinilangan. Ginawa ni: Rommel U. Reyes BSCS UP-Manila Sanggunian: Kasaysayan at
Pamahalaan ng Pilipinas ni Agno, Cristobal, Juanico, Libunao,at Tadena.

Mga Katanungan Sino ang sumulat ng Dokumento Kailan niya isinulat at gaano siya
kahanda nang sinulat ito? Ano ang lawak ng kaniyang kaalaman sa pagsulat ng
nilalaman nito? Sino kaya ang nais niyang bigyang mensahe sa dokumento? Ano and
dahilan ng pagsulat niya ng dokumento? Ano ang nais niyang iparating at ipadama ng
mensahe ng kanyang dokumento? Ano ang implikasyon ng kanyang dokumento sa lipunan
ngayon?

Documento

Pagpapalalim ng Gawain ▄ Suriin ang naging kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng


kolonisasyon at Kristiyanisasyon ?
▄ Ano ang naging pangkalahatang damdamin ng mga Pilipino sa pananakop ng mga
Español sa ating bansa? ▄ Ano- ano ang mga dahilan nang di matagumpay na
pagtatanggol sa ating kalayaan laban sa mga mananakop? ▄ Paano nagk iba ang mga
pamaraan sa pananakop at pamamahala ng mga Español sa ating bansa? ▄ Paghambingin
ang mga pagbabagong naganap bago at pagkatapos dumating amg mga Español? ▄ Bumuo ng
isang kongklusyon bilang Pilipino na nakapag- aral, nakaalam, at nakarinig ng mga
karanasan natin sa panahon ng kolonisasyon at kristiyanisasyon.

PANGHULING PAGSUSULIT I.Panuto : Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.


_______________1. Unang pulo sa Pilipinas na pinagdaungan ni Magellan.
_______________2. Kasunduang nag -ayos sa pagmamay- ari ng Moluccas.
_______________3. Pinuno ng Cebu na nakipagkasundo kay Legaspi. _______________4.
Layunin ng Ekspedisyong Villalobos. _______________5. Nakalaban ni Martin De Goiti
sa Maynila II. Ayusin ang mga pinaghalong letra na tumutugon sa inilalarawan ng
bawat pangungusap. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 1. Ang kalakalang
kinokontrol o monopolyo ng pamahalaang Español AAAAGKKLLN
AGLNOE_____________________________ 2. Walong reales ang ibinabayad ng mga Pilipino
sa pamahalaan BIORTTU_______________________________ 3.Institusyong pangkawanggawa
na nagpapautang sa mga mangangalakal sa Galeon ABORS
AIPS____________________________ 4.Halamang itinatanim sa mga lalawigan ng Ilocos,
Abra at Cagayan AABKOT___________________________ 5.Gobernador Heneral na bumuo ng
pangkalahatang planong pangkabuhayan EJO ABCOS AAGRSV______________________________
III.Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang. 1.Pinunong Español na may liberal na
pamamalakad___________________________ 2. Panggitnang uri ng tao sa
lipunan_____________________________________ 3. Nagtatag ng
Sekularisasyon__________________________________________ 4.Mga paring kabilang sa
Orden ng Fransiskano, Recoletos___________________ 5.Ang arsobispo na nagtaguyod ng
Sekularisasyon__________________________ IV.Piliin ang titik ng tamang sagot :
1.Lihim na samahang tinatag ni Bonifacio. A.Kataastaasang Kagalang galangan ng mga
Katipunan ng Anak ng Bayan B.La Liga Filipina C.La Solidaridad D.El Renacimiento
2.Ipinatapon siya sa Dapitan ng mga Español A.Apolinario Mabini B.Jose Rizal
C.Marcelo Del Pilar D.Andres Bonifacio 3.Ang pangunahing layunin ng pagkakaroon ng
nasyonalismo ay A.digmaan B.kaunlaran c.kalayaan D.paglawak ng nasasakupan
4.Isinulat ni Andres Bonifacio ang A.Noli Me Tangere B.Dasalan at Tocsohan C.Pag
ibig sa Tinubuang Lupa D.Fray Botod 5.Siya ang Utak ng Katipunan A.Apolinario
Mabini B.Emilio Jacinto C.Andres Bonifacio D.Marcelo del Pilar

PAGLALAPAT
Sa bahaging ito ay isasagawa mo na ang Inaasahang Pagganap bilang patunay na
nauunawaaan mo ang aralin. Muli mong balikan ang mga pamantayan sa pagtataya ng
nasabing gawain. Dito ay mapagtatanto mo ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang
Pagganap sa iyong sarili at sa iyong pamayanan o bansang ginagalawan.
GAWAIN 1 : ADVOCACY CAMPAIGN

Sa bahaging ito ng Modyul ay aktwal mong isasagawa ang Inaasahang Pagganap.


Kritikal mong susuriin ang pagtugon ng mga Pilipino sa pagtataguyod at pagpapahayag
ng malikhaing panghihikayat sa pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino. Ipakita at
ipadama mo ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Pagganap sa iyong sariling
bansa bilang isang Malaya at katangi-tanging Pilipino. Inaasahang maipahayag mo
nang malalim ang pagkakaunawa sa kahulugan nasyonalismong Pilipino at mahikayat ang
kapwa mag-aaral at kabataan maisabuhay ang nasyonalismong Pilipino na magbibigay-
daan hindi lamang paggising kundi mapag-ambag sa pagyabong ng pagmamahal sa bansa
kasalukuyan. ng na sa sa

Panuto : Kailangan mong buuin ang ad campaign sa panlasa ng kapwa kabataan. Maaring
kombinasyon ng iba’t-ibang media ang gamitin tulad ng komersyal sa telebisyon at
radyo, print ads sa mga diyaryo at magasin, paggawa ng brochure, komiks, posters,
advocacy shirts at iba pang paraphernalia, internet website o blogsite, at paglikha
ng campaign jingle o tula. Kailangan maitanghal sa publiko ang nabuo mong advocacy
campaign sa isang pagtitipong tinakda para rito. Rubric ng Ad Campaign Katumbas na
Marka Antas 4 – Napakahusay Antas 3- Mahusay Antas 2- Medyo Mahusay Antas 1 – Hindi
Mahusay Pamantayan Antas 4 1.Naipakikita ang malawak at malalim na pagkakaunawa sa
pamamagitan na malinaw na pagsagot at pagpapaliwanag 2.Nakapagpapakita ng mataas na
antas ng pagsusuri at interpretasyon sa paksa. 3.Nakapagpapakita nang sapat, pili
Antas 3 25 20 15 10 Antas 2 Antas 1 Kabuuan
at kailangang ebidensya o pinagkukunan. 4.Nagpamalas ng sapat na kahusayan at
kaalaman sa panahon. 5.Napaghiwalay sa pananaliksik ang impormasyong may pagkiling
at ang katotohanan sa opinyon. 6.Ganap na natukoy ang mahalagang puntos at
pangunahing isyu. 7.Nakapagsumite sa takdang oras ang mag-aaral. 8.Nakapgpamalas
nang sapat na kahusayan at kaalaman sa panahon. Kabuuang Marka

GAWAIN 2: KUNG MAY KATWIRAN, IPAGLABAN MO! Naaalala at nauunawaan mo ba ang


ginawang paglabag ng mga Español sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino?. 1.
Magtala ka ngayon ng mga paraan na dapat mong gawin upang makatulong sa pag-unawa
at pagbibigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng kapwa mo.Pagkatapos ay mag
organisa ng isang Forum tungukol sa karapatang Pantao. 2. Mag anyaya sa inyong
bayan ng isang tagapagsalita para sa isang Forum tungkol sa Karapatang Pantao, mas
mabuti kung siya ay abogado. 3. Anyayahan ang mga guro, kaklase at mga tao sa
pamayanan na lumahok at dumalo sa Forum. 4. Idokumento at itala ang lahat ng mga
pangyayari at kaganapan na gagawin sa proyektong Forum sa Karapatang Pantao. 5.
Sundin ang Pamantayan sa ibaba sa Pagtataya ng Forum sa Karapatang Pantao. Rubric
sa Pagtataya ng Forum Puntos Antas Katangian ng Partisipasyon
10

6 4 2

Napakahusay Nagpapahayag ng sapat na komentaryo at katanungan, nagbibigay linaw sa


ibat-ibang pananaw,opinyon o ideya sa mga nakikinig.May maayos na palitan ng
kurokuro ang mga tao.Propesyonal sa pagpapahayag ng saloobin.Nagpapamalas ng
abilidad at husay sa pakikipagtalastasan Mahusay Kulang ng isa o dalawang katangian
na isinasaad ng napakahusay. Kinakalilangan pang himukin para makilahok Katamtaman
Kulang ng tatlo sa katangian sa napakahusay.Bihirang makapagpahayag ng opinyon
Mahina Hindi gaanong nakikilahok sa talakayan Napakahina Hindi nakikilahok kahit na
himukin at tanungin.

GAWAIN 3: ANG KASO NG PAGPATAY SA MAGKAPATID NA BONIFACIO (Case Unclosed ) 1.


Magsaliksik sa kaso ng pagpatay kay Andres Bonifacio 2. Magsaliklik sa mga artikulo
at maghanap ng mga taong maaaring kapanayamin 3. Suriin at pag-aralan ang mga ito.
4. Buuin at isaayos ang case study 5. Pumili ng isang mananalaysay at guro at
hingin ang kanilang reaksiyon tungkol dito. 6. Sundin ang kraytirya sa ibaba para
sa gagawing proyekto.

Kraytirya Kasapatan ng impormasyon

Pamantayang A ( 90- 100) Kompleto sa lahat ng impormasyon, naipapakita ng lahat ng


kinakailangan impormasyon

Pamantayang B (80-90) Kompleto sa karamihan ng aspekto ng impormasyon, naipapakita


ang karamihan sa kinakailangang impormasyon Nagpapakita ng katanggap –tanggap na
pag-unawa sa paksa at isyu Nagpapakita ng epektibong pagsusuri ng lahat ng
katanungan

Pamantayang C 70- 79 Hindi kompleto sa ilang aspekto ng impormasyon, hindi


naipapakita ang ilan lang sa kinakailangan

Pamantayang D 70 pababa Hindi kompleto sa karamihan ng aspekto ng impormasyon.


Walang maipakita sa mga kinakailangan

Pag-unawa

Nagpapakita ng malalim na pag-unawa sa paksa at isyu

Nagpapakita ng simpleng pag-unawa sa paksa at isyu

Nagpapakita ng hindi kumpletong pag-unawa sa paksa at isyu

Pagsusuri

Nagpapakita ng sarili at malalim na pagsusuri sa mga katanungan

Nagpapakita ng pagsusuri sa ilang mga katanungan

Nagpapakita ng hindi kumpletong pagsusuri sa mga katanungan


Paglalapat

Nakagagawa ng tama at malakas na paguugnay ng tinampok na kaso at mga konseptong


pinagaralan

Nakagagawa ng tamang pag-uugnay sa pagitan ng tinampok na kaso at mga estratehikong


konseptong pinagaralan

Nakagagawa ng tamang pag-uugnay ngunit may kalabuan sa pagitan ng tinampok na kaso


at mga konseptong pinagaralan

Nakaggawa ng maliit na pag-uugnay o kaya ay walang pag-uugnay sa pagitan ng


tinampok na kaso at mga estratehikong konseptong pinagaralan

GAWAIN 4 : PERSONALITY PROFILE Gumawa ka ng personality profile ng kilalang tao o


personalidad sa Pilipinas noon na maaaring nakapagbigay inspirasyon sa mga mag-
aaral at iba pang mamamayan na tularan ang naging pamumuhay ng isang tunay na
Pilipino dahil sa pakikipaglaban, pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, i upload sa
internet upang higit na makapagbigay ng kaalaman sa mga tao sa ibat ibang bahagi ng
mundo. Rubric ng Personality Profile Panuto: Lagyan ng tsek (✓ ang hanay (column)
ng lebel ng pagkatuto na sa iyong ) pansariling ebalwasyon ang natugunan at naabot
ng iyong personality profile. Basahing mabuti ang bawat pamantayan. 1 – Walang alam
2 – Nalilito 3 – Mahusay 4 – Napakahusay

Krayterya Organisasyon:Nakahanay at maayos at may sistema na nakatala ang mga


kakailanganing impormasyon Kalidad ng Impormasyon: Makabuluhan at malalim ang mga
impormasyon at nakabatay sa mga pag-aaral at pananaliksik Kaalaman sa
Kasaysayan:May pangkasaysayang pangnilalaman at hango sa makatotohanang tala.
Estilo at Pamamaraan ng Presentasyon:May orihinal at kalidad na pamamaraan ng
paggawa Kaalaman sa Paksa:Sumasaklaw ang presentasyon sa

4
lawak ng mga kaalaman at impormasyon

Prepared by : AUGUST M. JAMORA Master Teacher I

You might also like