You are on page 1of 1

Th 141 Mga Tanong Para sa Huling Pabigkas na Pagsusulit

Unang Semestre, 2018-2019


Ruben C. Mendoza

1. Ipaliwanag kung ano ang panlipunang turo ng simbahan ang isyu sa ekolohiya.
Paano mo ilalarawan ang ugnayan ng sangkatauhan sa sangnilikha at paano
pinayabong ng Laudato Si’ ang turo ng simbahan dito? Ipaliwanag kung ano ang
ugnayan ng pribadong pag-aari at ang pangkalahatang layunin ng yaman ng
mundo. Paano makatutulong ang pang-unawang ito sa krisis natin sa ekolohiya?
2. Ilarawan ang politika sa Pilipinas. Anu-ano ang mga batayan ng pakikilahok ng
simbahan sa politika? Kailan siya kinakailangang magsalita sa mga isyu sa
politika? Tama ba na dahil mayroong “separation of church and state,”
kinakailangang manahimik ang simbahan sa anuman nangyayari sa estado?
Bakit o bakit hindi? Ano ang saysay ng pakikilahok ng simbahan sa politika sa
kasalukuyang panahon?
3. Ano ang ibig sabihin ng “economy with a human face”? Bakit binatikos ni Papa
Francisco ang neoliberalismo? Anu-ano ang mga sinabi niya tungkol sa
ekonomiya sa Evangelii gaudium? Para sa simbahan, anu-ano ang mga
“principles” na dapat maging katangian ng pagpapatakbo ng ekonomiya? Ano
ang halaga ng tinuturo ng simbahan tungkol dito?
4. Ilarawan ang kalagayan ng mga katutubo sa Pilipinas. Paano ba sila tinuring ng
simbahan sa kasaysayan? Ano ang sinasabi ng simbahan tungkol sa kanila sa
kasalukuyan? Paano kaya mapapaganda ang kalagayan ng mga katutubong
Pilipino?
5. Pumili ng isang erya ng imersyon. Gamitin ang sirkulong pastoral sa
pagpapaliwanag ng mga isyu ng lugar na ito. Gumamit ng dalawang teksto ng
bilbliya at dalawang panuntunan ng panlipunang turo ng simbahan na
mahalaga sa kontekstong ito. Maging kongkreto sa pagpapaliwanag ng iyong
sagot.

You might also like