You are on page 1of 1

Th 141: Teolohiya ng Katolikong Pananaw Hinggil sa Lipunan

Gabay kung paano ipaliwanag ang mga Tesis1


Ang mga tesis ay nagpapahayag ng buod ng mga araling nakapaloob rito. Kaya naman ang bawat
mahalagang kataga/salita o parirala ay may halaga at mayaman sa kahulugan na marapat
maipaliwanag sa tama, tumpak, kumprehensibo, at malinaw na paraan. Kaya kailangang balikan at
masusing pag-aralan ang bawat tesis at ang mga araling tinutukoy nito.

Narito ang ilang mga gabay/tanong:


1. ANO ang ipinahahayag ng tesis? Anu-ano ang (mga) mahahalagang punto ng tesis?

2. PAANO ito ipinapahayag/ipinapakita? Anu-ano ang mga mahahalagang salita/parirala na


nagpapahayag ng ng pakahulugan? Kung maari ay himayin ang bawat mahahalagang bahagi
ng bawat pangungusap. Anu-ano ang mga detalyeng makapagpapalinaw ng punto ng tesis?

3. BAKIT ito ang punto ng tesis? Bakit ito mahalaga? Ano ba ang konteksto na
pinanggagalingan ng tesis? Ano ang kabuluhan (significance) nito? Mayroon ba itong suliranin
o isyung tinutugunan? Mayroon ba itong tinutuligsa
/itinatama/pinatototohanan/sinusuportahan/pinalalakas na mga
disposisyon/kaisipan/ugali? BAKIT ito mahalaga?

4. Anu-anong mga kaisipan/kahulugan (insights) rito ang maiuugnay sa mga punto ng ibang mga
tesis, sa mga aral na buhat sa talakayan sa klase, mga babasahin, sa mga pagninilay sa Banal
na Kasulatan, Turo ng Simbahan?

5. Ano ang sinasabi nito sa ating konteksto ngayon? Paano ito nailalapat sa mga inyong
karanasan, sa inyong pagbabad, panlipunang kalagayan? Ano ang ambag nito sa pag-unawa,
paglilinaw sa mga kalagayang panlipunan, at paghubog ng mga kilos, hakbang, pagpapasya, at
pagtataya ng inyong sarili, ng mga indibidwal at ng mga institusyon/grupo ng tao, ng
sangkatauhan sa lipunan/daigdig?

6. Sa kabuuan, ano ang aral/kahulugan ng tesis na ito?

1Ma. Lucia C. Natividad, How to Study Thesis Statements : Th 121 Introduction to Doing Theology. Ang gabay na ito
ay inangkop para sa mga mag-aaral ng Th 141: Teolohiya ng Katolikong Pananaw hinggil sa Lipunan.

You might also like