You are on page 1of 8

GRADE IV

PAGLILINIS AT PAG-AAYOS NG SARILI

ALAMIN MO

Kawili-wiling tingnan ang isang bata kung malinis at maayos. Sa modyul na ito,
matututuhan mo ang wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili.

Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan mo ang:

 pagpili ng proyektong kapaki-pakinabang ayon sa materyales at


kagamitang matatagpuan sa pamayanan
 nakagagawa ng isang simpleng plano ng proyekto

1
PAG-ARALAN MO

A. Ang mga sumusunod ay wastong gamit ng mga pantulong sa kalinisan.

Tuwalya Ginagamit upang patuyuin ang katawan pagkatapos maligo. Ang


maliit na tuwalya o bimpo ay pamunas sa mukha kapag
naghihilamos. Maaaring pangkuskos ng katawan habang naliligo.
Gumamit ng ibang pamunas o basahan na para sa paa lamang.
Pagkatapos gamitin ay patuyuin lahat ng tuwalya at pamunas

Sabon Gumamit ng sabon na angkop para sa katawan. May mga sabon na


panggamot na rin sa sakit ng balat. Iligpit ang sabon sa lalagyan nito
na may butas at pansahod upang di kaagad lumambot at matunaw.

Shampoo Ito ay para sa paglilinis ng buhok. Gugo ang tawag sa panlinis ng


buhok na mula sa mga halaman. Gumamit ng shampoo na angkop sa
iyong buhok.

Sipilyo Ang maliit na panguskos sa ngipin ay kailangan pansarili lamang.


Hindi ito hinihiram at di dapat ipahiram. Hugasang mabuti ito bago
at matapos gamitin. Takpan at itago sa lugar na hindi madudumihan.

Toothpaste Inilalagay ito sa sipilyo at ipinanlilinis ng ngipin.

Suklay Ginagamit upang maging maayos at hindi buhul-buhol ang buhok.

Suyod Dikit-dikit at pinung-pino ang ngipin nito. Panghuli ito ng kuto sa


buhok. Parang suklay na may magkabilang ngipin ito.

Nailcutter Pamutol ito ng kuko.

Nail File Ginagamit ito na pangkuskos sa magaspang na dulo ng kuko.

2
B. Basahin ang wastong paraan ng paliligo.

1. Basain ang buong katawan. Tumapat sa shower o dutsa. Kung wala nito,
gumamit ng tabo sa pagbubuhos ng tubig sa buong katawan.
2. Guguan o shampuhan ang buhok. Banlawang mabuti.
3. Lagyan ng sabon ang bimpo o munting tuwalya. Ihilamos sa mukha.
Kuskusin ang leeg, braso, kilikili, katawan, mga singit, pababa hanggang
paa. Kuskusin at hiluring mabuti ang mga tuhod, talampakan at sakong
upang ito ay kuminis at pumuti. Linisin ang pagitan ng mga daliri.
Banlawan ang katawan. Ulitin ang pagsasabon kung kailangan.
4. Magbanlaw at magpunas ng malinis na tuwalya.

C. Paghihilamos

1. Basain ang mukha at leeg. Gawin ito sa lababo o gumamit ng palanggana.


2. Lagyan ng sabon ang bimpong binasa at ikuskos ito nang marahan sa noo,
pisngi, tainga at leeg.
3. Banlawang maigi ang bimpo. Ikuskos muli sa mga bahaging may sabon
pa. Ulitin kung kinakailangan.
4. Dampian at patuyuin ang mukha. Gumamit ng malinis at tuyong tuwalya.
5. Pulbusan nang kaunti ang mukha at leeg.

3
D. Pagsisipilyo

1. Hugasang mabuti ang sariling sipilyo. Lagyan ng kaunting toothpaste.


Kung wala nito, maaaring gamitin ang pinong asin.
2. Ikuskos ang sipilyo nang pababa at pataas sa mga gilid ng ngipin. Labas-
pasok naman ikuskos kapag bandang ibabaw ang lilinisin.
3. Marahan ding sipilyuhin palabas ang dila.
4. Diinan ang gilagid at puno ng ngipin ng pinong-pinong asin upang
mamasahe ito.
5. Magmumog nang mabuti. Gumamit ng baso at hindi ang palad.

E. Pagputol ng Kuko

1. Basain ang mga kuko upang lumambot.


2. Sabunin at linisin ang mga kuko sa pamamagitan ng nail brush o lumang
sipilyo.
3. Maingat na gupitin nang maikling-maikli ang kuko. Higit na mabuting
gamitin ang nail cutter sa halip na gunting.
4. Kinisin ang magagaspang na bahagi at mga sulok ng kuko. Gamitin ang
nail file.
5. Itulak nang marahan ang cuticle o ang paligid ng kuko.
6. Punasan at patuyuin ang mga kuko.

4
F. Pag-aayos ng Buhok

1. Nililinis din ang buhok upang maiwasan ang kuto, balakubak o sakit sa
anit at masamang amoy sa ulo.
2. Gumamit ng shampoo o gugo. Ito ay higit na mabuti kaysa buong sabon.
Ilagay sa tabo ang kaunting shampoo. Haluan ito ng kaunting tubig bago
ibuhos nang unti-unti sa buhok. Magiging pantay ang dami ng shampoo sa
buhok. Kuskusin nang paikot ang buhok na tila nagmamasahe. Paabutin
ang pagkuskos sa anit. Banlawang maigi upang walang maiwang
shampoo.
3. Pamalagiing maiksi ang buhok lalo na ng lalaki, upang mainam itong
tingnan. Ang maikling buhok ay madaling linisin at madaling ayusin.
4. Mag-brush ng buhok tuwina. Ito ay nagpapakintab at nagpapalusog ng
buhok.
5. Ang babaeng may mahabang buhok ay kailangang gumamit ng pang-ipit,
laso, o kaya ay headband upang hindi pumunta sa mukha ang buhok.
6. Kung may kuto at lisa, alisin ito. Gumamit ng suyod na pinahiran ng
kaunting langis.

SUBUKIN MO

A. Magtawag sa mga kasambahay o mga kaibigan. Ipakita sa kanila ang wastong


pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili tulad ng:

paliligo paggugupit ng kuko


paghihilamos pag-aayos ng buhok
pagsisipilyo

5
B. Ipakitang-gawa ang mga sumusunod:

1. Paggamit ng suyod
2. Paglilinis ng kuko
3. Paggamit ng sabon at bimpo

TANDAAN MO

May mga wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili tulad ng:

paliligo pagsisipilyo pag-aayos ng buhok


paghihilamos paggugupit ng kuko

PAHALAGAHAN MO

Paano nating pananatilihing malinis at maayos ang sarili?

Dapat sundin ang wastong pamamaraan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili.

Kung susundin natin ang mga ito, ano ang mangyayari sa ating sarili? Magiging malinis
at maayos ang sarili natin.

6
GAWIN MO

A. Kantahin o basahin ang mga sumusunod na taludtod:

Maghilamos ka sana
At hugasan pati paa
Suklayin ang iyong buhok
At humanda sa pagpasok

B. Gumuhit ng batang babae o lalaking malinis at maayos na handa sa pagpasok.

C. Gumawa ng sariling lalagyan ng iyong mga pansariling kagamitan. Pagandahin ang


isang munting kahon, lata, basket o bag at ilagay ang mga kagamitan. Dalhin sa
guro at ipakita.

PAGTATAYA

A. Kopyahin sa kuwaderno at buuin ang mga sumusunod ayon sa iyong gawi. Lagyan ng
tsek (√) sa kolum na inyong napili.

Gawain Palagi Minsan Kung Ibig


1. Paliligo
2. Paghihilamos
3. Paghihilod
4. Pagputol ng kuko
5. Pagpapagupit ng buhok
6. Paglilinis ng kuko
7. Paghuhugas ng kamay
8. Pagsisipilyo ng ngipin
9. Pagpapalit ng damit-panloob

7
B. Isulat sa kuwaderno kung Tama o Mali ang mga kaisipan. Kung Mali, isulat ang
dahilan.

1. Ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ay kailangang pansarili


lamang.
2. Maraming uri ng suklay, brush, at tuwalya.
3. Ginagamit ang pangkaraniwang suklay sa pag-aalis ng kuto.
4. Ang panlinis at pamputol ng kuko ay hindi maaaring hiramin.
5. Hindi maaaring magsipilyo kung walang “toothpaste.”
6. Itago agad pagka gamit ang mga pantulong sa kalinisan.
7. Itinatago ang mga kagamitan sa isang lalagyan.
8. Higit na mabuting pamputol ng kuko ang gunting.
9. Kung magaspang ang dulo ng kuko, ginagamit ang nail brush.
10. Iwasang ipanghiram ang pansariling kagamitan.

You might also like