You are on page 1of 2

Halimbawa ng payak na paglalarawan:

1. Ang sanggol ay malusog.


2. Maputi ang ipin ng bata.
3. Ang mga anak ni Berto ay matatalino.
4. Ang bulaklak ay mabango.
5. Ang sasakyan ay matulin.
6. Ang puno ay mataas.
7. Si Robert ay matangkad.
8. Si Aling Puring ay masayahin.
9. Ang bata ay mataba.
10. Ang aso ay maliksi.

Halimbawa ng masining na paglalarawan:


1. Ang kanyang daliri ay hugis kandila.
2. Siya ay may kutis porselana.
3. Kung lumakad siya ay parang pagong.
4. Singbilis ng hangin ang kotseng dumaan.
5. Ang katawan nya ay hugis gitara.
6. Ang kanyang labi ay simpula ng rosas.
7. Siya ay tila anghel sa kabaitan.
8. Ang boses nya ay parang musika sa aking pandinig.
9. Sing-itim ng gabi ang buhok nya.
10. Ang bata ay naglahong parang bula.
PAGLALARAWAN SA TAO. Ang pisngi ni Eva ay namumulang gaya ng isang makinis na mansanas.

PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN. Nakakatakot ang pangitaing nabasa ko sa Bibliya.

PAGLALARAWAN SA BAGAY. Ang higanteng barkong iyon ay naglululan ng mga malalaki at magagarang
trak at kotse.

PAGLALARAWAN SA TANAWIN O LUGAR. Maningning at napakagandang kulay orange ang tumambad


sa amin paglubog ng araw sa baybayin ng Manila Bay.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/151309#readmor

You might also like