You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Agusan del Norte
NASIPIT NATIONAL VOCATIONAL SCHOOL
Bayview Hill, Nasipit, Agusan del Norte

BanghayAralinsa ESP 9
Setyembre 30, 2016
Department: Related Subjects
Grade 9Taurus
Ikalawang Markahan: EdukasyonsaPagpapakatao

I.Paksa:

MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN


II. Layunin:

1. Napaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin.


2. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao .

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
Ang kalapati o anumang uri ng ibon ay may taglay na katangian. Taglay nito ang pagiging malaya at may
karapatang makalipad at makadapo sa kung saang sanga niya ibig. Ikaw din ay may angking karapatan
bilang tao. Ngayon naman ay tukuyin mo ang mga karapatang pantao. Panuto: Isulat mo sa bawat laso na
nakakabit sa kalapati ang mga pantaong karapatan
Sagutin mo ang mga tanong na sumusunod:
1. Ano-anong mga karapatan ang natukoy mo?
2. Alin sa mga natukoy na karapatan ang maituturing mong mahalaga? Bakit?
3. Saan kaya patutungo ang pagtukoy mo sa mga karapatang pantao?
B. Proseso
Hatiin ang klsae sa limang grupo at ipapaliwanag ang
Unang Pangkat: Karapatang Pantao Artikulo 1-15
Pangalawang Pangkat: Karapatang Pantao Artikulo 16-30
Pangatlong Pangkat: Tungkuling Makatao
Pang-apat na Pangkat: Mga Paglabag sa Karapatang Pantao
Panglimang Pangkat: Kalayaan at Katwiran

C. PAGPAPALALIM
1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?

C. Ebalwasyon:
Paghinuha ng Batayang Konsepto Anong konsepto ang naunawaan mo tungkol sa karapatan at tungkulin sa
lipunan? Gumawa ng isang flow chart. Ipagpatuloy ang nasimulan sa ibaba.

ANG TAO

MAY KARAPATAN

IV. TakdangAralin:
Hatiin ang klase sa limang pangkat at bibigyan ng paksa para sa kanilang pag-uulat sa klase.

Remarks: Ito ay hindi natalakay dahil sa pag-ensayo ng sayaw na inilaban sa “Teacher’s Night” noong
Setyembre 23, 2016.

You might also like