You are on page 1of 2

KABANATA 21 – Mga Ayos- Maynila

1. Paghambingin sina Camaroncocido at Tiyo Kiko. Bakit maituturing na malaking kahihiyan ng kanyang lahi si
Camaroncocido?

2. Paano nahati ang mga tao sa Maynila? Sinu-sino ang kasama sa bawat pangkat?

3. Dapat bang ipag-walang bahala ni Camaroncocido ang kanyang mga nakita at narinig habang siya ay naglilibot?

4. Bakit labis na nababahala si Ben-Zayb? Sang-ayon ba kayo sa kanyang paniniwalang siya lamang ang taong nag-iisip sa
Pilipinas?

5. Kung ikaw si Camaroncocido, ipagwawalang-bahala mo rin baa ng mga bagay na may kinalaman sa iyong kapwa?

KABANATA 22 – Ang Pagtatanghal

1. Bakit sa dualaan sina Pepay, Don Custodio, Macaraig, Isagani, Padre Irene at Ben-Zayb?

2. Makatwiran bang magalit si Isagani kay Paulita Gomez?

3. Nagustuhan ba ng mga mag-aaral ang naging pasya ni Don Custodio? Bakit?

4. May pagkakaiba ba ang palabas na tinalakay sa kabanata sa mga pagtatanghal sa kasalukuyan? Patunayan.

5. Likas bas a kulturang Pilipino ang tinatawag na FILIPINO TIME o ginaya lamang natin sa mga Kastila? Pangatwiranan.

KABANATA 23 – Isang Bangkay

1. Bakit hindi mapalagay si Simoun sa loob ng kanyang tahanan? Saan-saan siya nagpunta?

2. Ano ang dahilan at hindi nakadalo si Basilio sa dulaan? Tama baa ng kanyang ginawa? Pangatwiranan

3. Bunga ba ng pagpapabaya ni Basilio ang paglala ng kalagayan ni Kapitan Tiyago? Ipaliwanag.

4. Mahalaga baa ng sadya ni Simoun kay Basilio? Patunayan.

5. Kung ikaw si Basilio, papaya ka bas a iniaalok sa iyo ni Simoun? Pangatwiranan

KABANATA 24 – Mga Panaginip

1. Ano ang suliraning bumabagabag kay Isagani? Karaniwan ba itong nadarama ng isang nagmamahal? Ipaliwanag.

2. Bakit kailangan niyang makipagkita sa dalaga>

3. Sang-ayon ka ba sa ginawang panunumbat ni Paulita kay Isagani tungkol sa nangyari sa dulaan? Pangatwiranan ang sagot

4. Naniniwala ba kayong mahal na mahal ni Isagani ang kanyang bayan? Magbigay ng patunay.

5. Nagkaroon ba ng katuparan ang mga pangarap ni Isagani para sa kanyang bayan? Banggitin ang mga ito at iugnay sa
kaunlarang tinatamasa ng bayan sa kasalukuyan.

KABANATA 25 – Tawanan at Iyakan

1. Bakit nagdaos ng piging ang mga mag-aaral?

2. Totoo bang pagsasaya ang kanilang hangad nang gabing iyon? Ipaliwanag

3. Ayon kay Pecson, bakit daw kailangang pakibagayan ng mga Pilipino ang mga prayle? Sang-ayon ka ba rito? Bakit?

4. Kaiba sa naganap noon, paano ipinahahayag ng mga kabataan ngayon ang kanilang pagkabigo sa isang layunin?

5. Kung ikaw ay isang mag-aaral ng panahong iyon, ano ang iyong gagawin upang mabawasan ang katiwalian nangyayari sa
bayan? Bakit

KABANATA 26 – Mga Paskin

Piliin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakalimbag ng makapal


1. Iniwasan niya ang lumapit kay Kapitan Tiyago sa pangingilag na isipin nito na hinihingi na niya ang pangakong mana nito.

2. Waring natutubigan ang mga mag-aaral sapagkat natulala sila sa naging bunga ng kanilang ginawa

3. Ipinagwalang-bahala ni Basilio ang sinabi ng propesor dahil hindi na niya pinag-ukulan ng pansin ang iba pa nitong sinasabi.

4. Tinanong si Basiliong kaibigan tungkol sa paghihimagsik at naragdagan ang kanyang takot dahil sa alam niyang may
kaguluhang magaganap.

5. Pinayapa niya ang kanyang kalooban at mahinahon siyang nagpatuloy sa paglalakad

Tinanggap:

King Charles L. Guevarra (Sgd) Marjorie T. Toy (Sgd)


Pangulo ng Klase (10 – St. John) Pangulo ng Klase (10 – St. Luke)

You might also like