Professional Documents
Culture Documents
Buhay Pa Nga Ba Ang Wikang Filipino
Buhay Pa Nga Ba Ang Wikang Filipino
Oo naman.
Iyan ang inaasahan, nararapat at wastong sagot. Lalo na sa mga araw na ito ng buwan ng Agosto,
ang Buwan ng Wika, sino ang magsasabing hindi buhay ang wikang Filipino (ang taguri sa
wikang pambansa simula noong 1987)? Tandaang bago ang Konstitusyon ng 1987, ang taguri sa
wikang pambansa ay Pilipino (hindi Tagalog). Samakatuwid, sa aspektong ito pa lamang,
mapapansin nang agad ang isang katangian ng isang wikang buhay – ang patuloy na pagbabago
(dinamiko). Mula sa simpleng Abakada ni Lope K. Santos na binubuo ng 20 titik, ngayon ay
naging Filipino na at may makapangyarihang 28 titik.
Kung tutunghayan naman ang lawak ng paggamit ng wikang Filipino, walang alinlangang lagpas
na marahil ito sa inaakala ng mga karaniwang Pilipino. Gamit na ang wikang pambansa maging
sa mga talakayang politikal (paano ka nga naman kukuha ng boto kung di ka gagamit ng wikang
pambansa?). Gamit na rin ang wikang ito sa mga usapin sa agham at teknolohiya (pansinin ang
mga anunsyo ng gamot sa radyo at telebisyon, at maging ang gamit nito sa internet). At gamit na
gamit ito sa mass media (lalo na sa mga programang nasa primetime slots).
Gayunman, ang mga ito lamang ba ang batayan ng pagiging “buhay” ng isang wika? Kung hindi
man patay, may aspekto kaya sa punto ng Linggwistiks (maagham na pag-aaral ng wika) ang
nakakaligtaang pansinin ng mga eksperto sa wika upang masabing may posibilidad na
magkaroon ng hindi inaasahang “atake sa puso” ang wikang inaakalang buhay na buhay?
Mayroon. Ito ang sa ganang akin ay ang aspekto ng paggamit ng wika. Wari itong masarap na
pagkaing alam ang pangalan at rekado, bantog sa sarap at sadyang nakahain na, ngunit, hindi
alam kung paano kainin: kakamayin ba o kailangan ng kutsara at tinidor; kakainin ba nang
malamig o mainit; hilaw ba o lulutuin pa?
Hayaan ninyong talakayin ko ito mula sa mga simpleng usapan hanggang sa malawak na midya
ng lipunan.
Hindi iilang kabataan (ang masakit, nahahawa na pati ang matatandang ignorante sa paggamit)
ang madalas kong marinig (mas masaklap pa kung maging sa kanilang pagsulat) ang nagwiwika
nang ganito:
Nasaan na ang Komisyon sa Wikang Filipino na ahensya ng ating gobyerno? Nasaan na ang mga
dalubwikang nasa magigiting na Unibersidad at Kolehiyo? Nasaan na ang wikang Filipino?
Buhay pa nga ba ito?