You are on page 1of 4

Baldomar, Jessa B. TFri 9:00-10:30 a.m.

Literatura ng Indonesia Enero 21, 2019

1. Layunin

Matapos ang masining na pagtatalakay inaasahan magagawa ng mga


mag-aaral sa ika-apat na taon ng kolehiyo ang mga sumusunod na may 75%
kawastuhan:

a. nabibigyang pagkakaiba ang kultura ng Indonesia sa Pilipinas; at

b. nasusuri ang isang akdang pampanitikan ng bansang Indonesia.

2. Pahapyaw na Pagtalakay sa Paksa

Ang Indonesia ay tinaguriang “World Largest Archipelago” na binubuo ng


17,508 mga pulo, tinatayang nasa 6,000 na dito ay tinitirhan. Ito ay naging ika-16
na pinakamalaking bansa, ayon sa laki ng lupang sakop. Ang average na kapal
ng populasyon ng tao ay 134 tao bawat kilometro parisukat, ang ika-79 sa
daigdig, kahit na ang Java ang pinakamataong pulo sa buong mundo, na may
densidad ng populasyon na 940 tao bawat kilometro parisukat. Ang kabisera nito
ay ang lalawigan ng Jakarta na kung saan ito ang nagsisilbing sentro ng
kalakalan.

Ang bansang Indonesia ay kilala rin sa mga yamang mineral kagaya ng


mga sumusunod: Langis, Uling, Tin, Tanso, Nikel, Ore, Bauxite, Pilak at Ginto.
Ilan rin sa mga produktong agrikultural na mayroon sa bansang ito ay: bigas,
kape, mani, cocoa, copra, asukal, goma, hipon at isda. Ang bansang Indonesia
ay maaring mapagkunan ng ilang mga produkto katulad ng plywood, textiles,
mga damit, prosesadong pagkain, elektronik na kagamitan at liquefied natural
gas.

May limang relihiyon na kilala sa bansang Indonesia, 88% ay mga Muslim,


10% ay mga Kristyano at Protestante, at 2% ay Hindu at Buddhist. Ang limang
relihiyong ito ay kilala sa Indonesia at mayroong mga nasyonal holidays sa
pagdiriwang ng mga naniniwala. Kahit karamihan sa bansa ay Muslim, ang
gobyerno ay bukas sa lahat ng klaseng relihiyon ng mga Indonesian.
Ang pambansang wika sa Indonesia ay Bahasa. Ang karaniwang
transportasyon sa bansang ito ay becak ito ay isang lumalagitngit na sasakyang
may tatlong gulong ay isa sa mga makukulay na transportasyong lokal para sa
dalawang tao. Mayroon rin silang bus at Ojek (motorbike taxi) ito ay tinaguriang
mga sasakyang pang-madla dahil ito ang karaniwang ginagamit ng mga taong
walang sariling sasakyan sa kanilang pang-araw-araw. May tinatawag din silang
Perahu Penyeberabangan (River Taxis), ito ang ginagamit ng mga Indonesian
kapag traffic sa daan at dumadaan sa kanal.
Ang kultura ng Indonesia ay kinuha mula sa iba’t ibang rehiyon. Ngunit sa
kabila ng impluwensya ng mga dayuhan, may mga tribo padin ang Indonesia na
pinananatili ang kanilang kinagisnan tulad ng mga ritwal, mga paniniwala at mga
pangkakatutubong kasuotan. Ang ilan sa mga sayaw ng taga-Indonesia ay
siyang ginagamit bilang ritwal kagaya ng Kecak na kung saan ginagawa ang
sayaw na ito bilang pagpupugay sa dating labanan ng mabuti at masamang
espiritu. May tinatawag din silang Wayang na isang uri ng drama na sikat sa
Indonesia ito ay maihahalintulad sa isang puppet show.
Sa larangan ng sining ay mayroon silang sariling instrumento na
ginagamit kagaya ng Angklung na isang instrumento na gawa sa kawayan.
Sasando instrumentong gawa sa hinating dahon ng Lontar palm, na kahawig ng
alpa (harp). Mayroon din silang tinatawag na Gamelan Ensemble binubuo ito ng
labing-anim na tansong xylophones, gong at gong chimes, drums, cymbals at
bamboo flutes at Kroncon isang instrument na may hawig sa gitara na dala ng
mga Portuguese na manlalayag.
Ang mga tao sa Indonesia ay mahilig sa pagkain na maanghang mayroon
nga silang kasabihan na “if it’s not spicy, it’s not food”. Mayroon silang sobra
labing-limang uri ng sili. Mahilig rin sila sa isda na hindi mawawala sa kanilang
hapagkainan.
Kilala rin ang Indonesia sa mga magagandang tanawin kagaya ng Bali na
kung saan ito ay tinaguriang magical island. Isa lamang ang Bali sa pinaka-
tanyag na isla sa Indonesia. Noong 2009 ito ay tinaguriang Best Island sa mundo
ayon sa Paglalakbay & Leisure Magazine. Tanyag din ang Indonesia sa kanilang
mga naggagandahang gusali kagaya ng pinakakilalang Wisma BNI 46 Tower na
matatagpuan sa Jakarta, Indonesia.

3. Akdang Napili

Pamagat: Takipsilim sa Dyakarta (Buod)

Isang uri ng akdang pampanitikan na nobela mula sa Senjadi Jakarta na


isinulat ni Monchtar Lubis na isang kritiko ng dating pangulong Sukarno, isa rin
siya sa mga kilalang mamahayag at nobelista sa Indonesia. Ipinanganak siya
noong ika-7 ng Marso taong 1922 sa Padang, Indonesia at namatay noong ika-2
ng Hulyo taong 2004 sa Jakarta. Dahil sa kanyang pagiging kritiko ng
pamahalaan siya ay nakulong ng isulat niya ang Corruption Scandal in
Pertamina. Ang Takipsilim sa Dyakarta ang kanyang kauna-unahang akdang
naisalin sa Ingles. Isinalin naman ito sa Filipino ni Aurora E. Batnag na isang
manunulat sa Unahan ng Kilusang Feminista.

Takipsilim sa Dyakarta (Buod)

Isinulat ni Mochtar Lubis

Isinalin ni: Aurora E. Batnag

Sa harap ng restawrant na kung saan maraming nakaparadang kotse sa


bangketa. Dumating ang isang Cadillac na pulang-pula ang kulay at maaliwalas
dahil sa bagong bili pa lamang ito. Dalawang mayamang tao ang lumabas mula
sa nasabing sasakyan, kilala rin sila sa pagiging maluho dahil halos lahat ng
gusto ay binibili kahit na malaki ang presyo. Si Raden Kaslan at ang kanyang
asawang si Fatma, at pumasok sila sa restawrant. Pinili nila ang upuan na
malapit sa bintana at matapos maupo ay agad pumili ng kakainin ng hindi man
lang tinitingnan ang presyo. Samantala may isang lumang kalesa na walang
sakat at hila ng isang payat na kabayao ang dumaan sa harap ng restawran
sakay ang natutulog na kutsero. Mahimbing na natutulog ang kutsero habang
umaandar ang kalesa, dahil ito sa init ng panahon at dahil na rin sa gutom at
sakit na kanyang nararamdaman. Habang tinatahak ng kabayo ang daan ay
nagulat ito at umalma sa naghahabulang aso’t pusa kaya’t bigla itong nadapa.
Tumama sa pulang Cadillac ang kalesa na siyang dahilan ng pagkasira ng ilang
bahagi ng kotse. Nagulat ang mga tao sa loob ng restawrant at agad nakipag-
usyoso sa kung ano ang dahilan ng kanilang nasaksihang banggaan at ng
malaman ni Raden Kaslan na ang kanyang kotse ang nabangga ay dali-daling
siyang lumabas kasama ang kanyang asawa at galit na galit na sinigawan ang
naalimpungatang kutsero na si Pak Idjo. Pinilit niyang pabayaran ito sa kutsero
at tinadtad pa niya ng mga salitang pang-uuyam ngunit ang tanging
pagpapaliwanag ng kutsero na kahit siya ay patayin ay hindi niya mababayaran
ang nasirang kotse. Nagpatawag ng pulis si Raden Kaslan upang imbestigahan
ang pangyayari at mapapanagot sa pagkasira ng kanyang kotse si Pak Idjo.
Luhaang nagpaliwanag si Pak Idjo sa mga pulis na wala talaga siyang ibabayad
sa nasirang sasakyan dahil napilitan lang siyang magtrabaho kahit na masama
ang kanyang pakiramdam dahil walang makakain ang kanyang pamilya.
Matapos marinig ni Raden Kaslan ang paliwanag ng kutsero ay nawalan siya
nag pag-asang mababayaran pa ito kung kaya’t sa huli ay na pagdesisyunan
niya na hayaan na ito at pumasok na lang muli sa restawrant ng galit na galit sa
nangyari.
4. Gawain

A. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na mga salita.(5


PUNTOS)

1. Dalawang mayamang tao ang lumabas mula sa nasabing sasakyan, kilala rin
sila sa pagiging maluho dahil halos lahat ng gusto ay binibili kahit na malaki ang
presyo.

2. Dumating ang isang Cadillac na pulang-pula ang kulay at maaliwalas dahil sa


bagong bili pa lamang ito.

3. Nagulat ang mga tao sa loob ng restawrant at agad nakipag-usyoso sa kung


ano ang dahilan ng kanilang nasaksihang banggaan.

4. Matapos malaman ni Raden Kaslan na ang kanyang kotse ang nabangga ay


dali-daling siyang lumabas kasama ang kanyang asawa at galit na galit na
sinigawan ang naalimpungatang kutsero na si Pak Idjo.

5. Pinilit niyang pabayaran ito sa kutsero at tinadtad pa niya ng mga salitang


pang-uuyam ngunit ang tanging pagpapaliwanag ng kutsero na kahit siya ay
patayin ay hindi niya mababayaran ang nasirang kotse.

B. Panuto: Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kultura ng Indonesia sa


Pilipinas.(10 PUNTOS)

C. Panuto: Sagutin ang tanong at ipaliwanag ito ng maayos.(5 PUNTOS)

Ano ang kahalagahan ng pagpapatawad lalo na sa mga pangyayari na


hindi naman ninais o sinadya?

You might also like