You are on page 1of 4

Ang Pamanahong-Papel

 Isang uri ng papel –pananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante


sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang akademiko.

 Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral


ng isang paksa sa isang kurso o asignatura sa loob ng isang panahon o term.

Mga pahinang Preliminari o Front Matters

 Fly Leaf 1

 Pamagating Pahina

 Dahon ng Pagpapatibay

 Pasasalamat o Pagkilala

 Talaan ng Nilalaman

 Talaan ng mga Talahanayan at Graf

 Fly Leaf 2

Pamagating Pahina - Nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel; kanino


iniharap o ipinasa ang papel; kung saang asignatura ito kailangan; kung sino ang
gumawa at panahon ng kumplesyon. Inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga
impormasyong nasapahinang ito.

Dahon ng Pagpapatibay - tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng


mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamahong-papel.

Pasasalamat o Pagkilala - Tinutukoy ng mananaliksik ang mga individwal, pangkat,


tanggapan o institusyong maaring nakatulong sa pagsulat ng pamahong-papel at kung
gayo’y nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat
pasalamatan o kilalanin.

Talaan ng Nilalaman - Nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang


bilang ng pahina Kung saan matatagpuan ang bawat isa.

Talaan ng mga Talahanayan at Graf - Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan


at/ o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng [ahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.

Fly Leaf 2 - Blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.


Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

 Panimula o Introduksyon

 Layunin ng Pag-aaral

 Kahalagahan ng Pag-aaral

 Saklaw at Limitasyon

 Definisyon ng mga Terminolohiya

Panimula o Introduksyon - Ay isang maikling talataang kinapapalooban ng


pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.

Layunin ng Pag-aaral - Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit


isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga tiyak na suliranin na nasa
anyong patanong.

Kahalagahan ng Pag-aaral - Inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng


pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging
kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang indibidwal, pangkat, tanggapan,
institusyon, propesyon, disiplina o larangan.

Saklaw at Limitasyon - Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito


itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang
baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral

Definisyon ng mga Terminolohiya - Ang mga katawagang makailang ginamit sa


pananaliksik at ang bawat isa’y binng pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal (
ibinibigay ang istandard na depinisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano
iyon ginamit sa pamanahong- papel).

May mga pamanahong-papel na kakikitaan ninyo ng Conceptual o Theoretical


Framework, Hypotheses at Assumptions sa Kabanata I
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

 Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may kaugnayan sa


pananaliksik.

 Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o


literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-
aaral.

 Dito ipinaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay


ng kanyang paksa.

 Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon.

 Piliting gumamit ng lokal at dayuhan

 Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa pag-aaral; at


sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

 Disenyo ng Pananaliksik

 Respondente ng Sarvey

 Instrumento ng Pananaliksik

 Tritment ng mga Datos

Disenyo ng Pananaliksik - Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang


pag-aaral. Halimbawa Deskriptib-analitik – isang disenyo ng pangangalap ng mga
datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.

Respondente ng Sarvey - Kung ilan sila at paano at bakit sila ang napili.

Instrumento ng Pananaliksik - Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa


pangangalap ng mga datos at informasyon. Sa bahaging ito, maaaring mabanggit ang
intervyu o pakikipanayam, pagko-conduct ng sarvey at pagpapasagot ng sarvey-
kwestyoneyr sa mga respondente bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang
aplikable sa isang deskriptiv-analitik na disenyo.
Tritment ng mga Datos - Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit
upang ang mga numerical na datos ay mailarawan. Sa pamanahong-papel, sapat na
ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa
kwestyuneyr ng mga respondente.

Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

 Lagom - binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na


komprehensibong tinatalakay sa Kabanata III.

 Kongklusyon - mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon at


impormasyong nakalap ng mananaliksik.

 Rekomendasyon – mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy


o natuklasan sa pananaliksik.

Mga Panghuling Pahina

 Listahan ng Sanggunin– isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o


sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.

 Apendiks / Dahong-Dagdag – maaaring ilagay o ipaloob dito ang liham,


pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,sampol ng sarbey-
kwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano
pa.

You might also like