You are on page 1of 4

“Kaalamang Pangmatematika ng mga Estudyante

sa Senior High School Baitang 11 STEM”

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang kaalamang pangmatematika ng mga

estudyante sa senior high school baiting 11 STEM. At masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Sa anong antas ang kaalamang pangmatematika ng mga mag-aaral sa baitang 11

kaugnay sa asignaturang Pre Calculus?

2. Anu-ano ang mga positibong naidudulot ng pagtuturo ng asignaturang

pangmatematika (Pre Calculus) sa baitang 11 STEM?

3. May kaugnayan ba ang pagtuturo ng asignaturang Pre Calculus sa kursong

kukunin ng mga estudyanteng nasa ika 11 baitang STEM?

4. Gaano kalawak ang kaalaman ng mag aaral sa matematika partikular na sa Pre

Calculus?

5. May nakalap bang kaalaman ang mga mag aaral sa asignaturang Pre Calculus

sa nagdaang mga taon?

IPOTESIS

Batay sa inilahad na suliranin ng pag-aaral na ito maipapakita ang mga sumususnod:

1. Ang antas ng kaalaman na mayroon ang mga estudyante sa biatang 11 ay

mababa.
2. Walang positibong naidudulot ng pagtuturo ng asignaturang pangmatematika sa

ika 11 baitang lalo na’t nagpapahirap lamang ito sa mg mag-aaral.

3. Walang kaugnayan ang pagtuturo ng asignaturang Pre Calculus sa kursong

kukunin ng mga estudyante ng baiting 11 STEM.

4. Hindi gaanong malawak at hindi pa bihasa ang mga mag aaral sa asignaturang

Pre Calculus.

5. Walang nakalap na kaalaman ang nga mag-aaral sa asignaturang Pre-Calculus

sa nagdaang mga taon

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay makatulong ng malaki sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Maaring makipag-ambag ito ng tulong sa mga kasalukuyang nag-aaral

ng senior high school na kumukuha ng asignaturang matematika particular na ang Pre

Calculus. Ang kinalalabasan sa pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan at

makapagbibigay ng sapat na kaalaman upang mas maunawaan pa ng mabuti ang

asignatura at maintindihan kung ano ang kanilang nararapat gawin.

Guro. Ang ganitong pag-aaral ay mahalaga para sa kanila dahil sa pamamagitan

nito ay lalong maisasagawa ng mga guro ang kanilang tungkulin sa pagtuturo at pagtugon

sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Ito ay nagbibigay ng mga ideya kung paano

makikisama ang mga guro sa mga tinuruan nila na mag-aaral at kung ano ang mga

materyales ang kanilang ginamit upang mapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Magulang. Mabigyan din nila ng patnubay at gabay upang hikayatin ang kanilang

mga anak na mag-aral ng mauitng sa asignaturang pangmatematika.


Susunod na Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa kanila dahil

naibabahagi ng mga mananaliksik ang mga datos at impormasyon ukol sa paksang

tinalakay.
Saklaw at Limitasyong ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga impormasyong nakalap sa mga

estudyante ng senior high school sa biatang 11 STEM na napapaloob lamnag sa

paaralang Holy Name University. Nililimitahan lamang ang pag-aaral na ito na

magsagawa ng pananaliksik sa mga mag-aaral ng senior high school

WA PA NI NAHUMAN!!!!

You might also like