You are on page 1of 14

Likha:

Isang Portfolio
ng
mga Sulatin

Likha:
Isang Portfolio ng
mga Sulatin

Ipinasa ni: James Remark J. Ochinang (12-STEM 1)

Ipinasa kay: Bb. Justine Daphnie Salvacion


Prologo

Bilang isang mag-aaral ang mga pangkatang gawaing sa subject na Filipino ay


nagiging parte na nang buhay sa estudyante. Maraming matutunan ang mga mag-aaral sa
paaralan. Ang pagkatoon nang mga bagong nilalaman. Sa mga bawat kahulugan nang
mga bagong kaalaman na itinuturo nang gaming guro. Ang pagkakaroon ng mga ulat at
pangkatang gawain ay nakapagtuturo ng kooperasyon sa mga mag-aaral. Ang pagsikap sa
mga bawat gawain lalo na sa mga takdang-aralin na binibigay sa amin. At ang pagsulat ng
mga akademikong sulatin ay napaka halaga bagamat makatutulong upang mag develop
ang abilidad namin bilang mag-aaral.

Ang mga nakalagay dito sa portfolio ay ang mga naggawa kong mga akademikong
pagsulat na napag-aralan namin sa Filipino 3 (1st semester). Ito ay ang repleksyon kung
gaano kalawak ang naintindihan ko sa mga tinuturo nang aming guro. At ang pag
“criticize” niya sa aming mga gawain ay ang dulot nang pagbubuti nang sa mga
sumusunod na pangkatang gawain lalo na sa mga akademikong pagsusulat.

Bilang isang tao na nagkakamali rin ay isaalang alang nang intindihin lalo na kung
tayo ay bago pa sa mga gawain na hindi pa tayo kabisado. Ang pagsusulat nang mga
akademikong sulatin ay isa sa pinaka ‘’challenge’’ na gawain kung ikaw pa ay estudyante
pa lamang. Ito ay nakatutulong din sa ating buhay. Ang pagbubuti nang value bilang isang
mag-aaral at dito natin makikita ang mga kamalian na dapat ay maituwid. Lubos na
nakatutulong ito sa iba pang mga task na di umanoy magagamit natin sa kasalukuyang
panahon. Ang makikitang kamalian sa aking mga naggawa ay hindi sign nang walang
alam sapagkat ito ang ay aking pagsisikap na kahit gaano kahirap ang pag-iisip nang mga
salita o mga bagong kaalaman na pwede isulat sa mga bawat sulatin ay sinubokang
maitama ang kamalian na dapat ay natutonan na.

Labis nang aking pasasalamat nang aming guro sa FILIPINO3 sa kaniyang walang
sawang pagtulong at pag-gabay sa amin na si Bb. Justine Daphnie Salvacion. Dahil sa
kanya ang may mga marami kaming natutunan. Sa aking mahal na magulang, sa aking
sarili na matatag at tumayo mag-isa dala ang sobrang pagsisikap “throughout” the first
semester kahit gaano ka stressful ang mga schedules at deadlines. At lalo na sa pinaka
mahalaga sa aking buhay na ang Panginoon.
Talaan ng mga nilalaman

I. Pagsulat ; Isang sanaysay P.1

II. Ang Buhay nga naman ; Isang Buod P.2

III. Paraisong Salat; Isang Repleksyon P.3

IV. Rebyu: Kantang “ANAK” ni Freddie Aquilar P.4

V. Posisyong Papel P.5

VI. Photo Essay “Pag-aaral. Isang malaking hamon sa buhay ng mga mag-aaral.” P.6

VII. Bionote ni James Remark J. Ochinang P.7

VIII. Epilogo P.8

IX. Rubriks P.9


Pagsulat: Isang Sanaysay
Ni: James Remark J. Ochinang

Ang pagsulat ay isang pisikal na aktibiti na ginagamitan ng mental na abilidad na


kung saan ang mensahe ng awtor ay maihahatid sa mga mambabasa. Ang pagsulat ay
ginagamitan rin ng mga simbolo o mga titik para mas kaakit-akit basahin ng mga
mambabasa. Ang proseso ng pagsulat ay kailangang dumaan sa mahabang pananaliksik at
proseso at hindi ito madali. Pero sa likod ng mahabang proseso ay hindi alam ng marami
na ito ay ginagamitan ng puso’t damdamin ng awtor para mas mapahayag sa mambabasa
ang kanyang gustong iparating.

Ang Pagsulat ay napakaraming proseso ang kailangang daanan upang makagawa ng


isang mahusay na pagsulat. May mararaming tao ang gustong ang pagsulat lalo’t nat kung
sila ay napapalakpakan sa larangan ng pagsulat. Upang maging mahusay na manunulat ay
kailangang meron kang maraming karanasan sa mga bagay-bagay dahil ang karanasan
ang siyang magsisilbing iyong gabay upang makagawa ng isang pagsulat na may buhay.
Bilang isang manunulat, kailangan na may buhay ang iyong isinusulat upang ang
mambabasa ng iyong akda ay makaranas at maka-unawa sa mga bagay na gusto mong
maihatid.

Ang pagsulat ay isa sa pinaka importanteng pisikal na aktibiti na ginagawa natin sa


pang araw-araw nating buhay at hindi importante kung marami o kauntilang ang
papalakpak sa iyong gawa,ang importanti ay kung minahal mo ang iyong ginawa at may
alam ka sa anong sinusulat mo. Ang pagsulat ay napaka mahalaga ngunit ito ay walang
bayad. Ang Pagsulat ay isang Gawain nang tao mula man tayo pa ay bata hanggang sa
tayo ay tumanda. Palaging ginagamit ito. Walang limitasyon ang pagsulat, Ang mahalaga
ay nasa puso’t damdamin ang iyong isinulat.
Bakit Mataas ang Langit; Isang Buod
Ni: James Remark J. Ochinang

Noong unang panahaon ay may mag-ina na nakatira sa isang bahay-kubo. Ang


anak na si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Tumindi
si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at
kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod
nang madali. Nagbayo na siya. Hinubad niya ang kuwinta. Inalis ang kanyang suklay.
Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay.
Samatalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas. Sa gayong pagsabi
ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya ulit ang
kuwintas at suklay. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang
dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umabot na pala ang ang halo sa langit. Sa
pagbawat pagtaas pala niya nang halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawat
pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapunani Maria ang nangyayari ay
mataas na ang langit. Tumataas din ang mga suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay
umupo si Maria sa may bintana at tinitingnan niya ang langit na ngayon ang ay mataas na
mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong
suklay at kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya naming mga bituin.
Paraisong Salat ; Isang Repleksyon
Ni: James Remark J . Ochinang

Paraisong Salat

Sabi nila ang paraiso ay isang lugar ng kasiyahan, ngunit hindi. Isang paraisong
nagpatunay na hindi lahat ay masaya, sa kabila ng pangalang ito ay may mga bagay parin
na hindi inaasahan at nakikita ng karamihan. Ito ay hindi isang ordinaryong paraiso,
matatagpuan ang isang pamilyang kailanman hindi hinangad ang kinabibilangan. Puno ng
kahirapan at pagdudusa sa 9 na bata na umaasa lamang sa kanilang mangingisdang ama.
Araw-araw nag susumikap na makakain kahit na lamang sila ay isang kahig isang tuka.
Kahit gaano kahirap sa kanila na harapin ang araw-araw na kahirapan hindi parin nawala
ang pangarap na patuloy nagbibigay sa kanila ng lakas upang lumaban sa madami pang
bukas.

Sa panahon ngayon marami paring tao na naghihirap, marahil marami ding taong
hindi nabigyan ng pagkakataon na makahanap ng maayos trabaho. Ang gobyerno ay may
malaki ring pagkukulang sa kahirapan ng mamamayan dahil sa “corruption”. Sa kabila ng
lahat ng ito nag sumikap parin ang kanilang ama upang sila ay mataguyod kahit hindi
maibigay lahat ng pangngailangan nila. Ang pagmamahal ng isang magulang ay
kailanman hindi matutumbasan ng kahit anong bagay. Lahat ng sakripisyo nila ay para
saating ikabubuti. Lahat ng pagod at sakit na makita nilang nahihirapan tayo ay hindi
maikukumpara sa kahit na ano.

Hindi lahat ng kabataan ngayon ay nakikita ang halaga ng bawat magulang. Hindi
lahat pinapahalagahan kung anong meron sa kanila. Hindi lahat ginagawang kayamanan
ang edukasyon. Tayong mga kabataan ay dapat na magsimulang mahalin ang ano mang
binigay saatin sapagkat hindi lahat ng tao nakukuha at nakakaranas ng mga bagay na
meron sayo. Wag natin sayangin ang bawat oras at bawat araw na nakakamtan natin ang
mga bagay na hinahangad ng iba. Hindi lahat ng tao ay may hinaharap na kahirapan sa
bawat araw ngunit lagi natin tatandaan na hindi nauubusan ng bukas para ipaglaban ang
mga pangarap na kailanman hindi naging mali na subakang tuparin.
Rebyu: Kantang “ANAK” ni Freddie Aguilar
Ni: James Remark J. Ochinang

Anak

Ang kanta ni fredie Aguilar na “anak” ay isang kanta na nagpapahayag kung


gaano tayo ka mahal ng ating mga magulang. Inihayag sa kanta kung paano tayo inalagaan
nung tayo ay bata pa at kung paano tayo tinuruan ng magandang asal. Ang mga magulang
natin ang nag turo saatin tumayo at lumakad saating mga sariling paa. Tinuroan tayo na
mag mahal at mahalin ang kung anong meron tayo. Ang ating mga magulang ang nag
sisilbing gabay saatin sa bawat lakbay na ating tinatahak sa buhay. Ang kanilang sakripisyo
ay walang katulad at hindi mababayaran ng ano mang pera sa mundo dahil ang
pagmamahal nila ay walang ano mang kapalit na hinihintay.

Habang tayo ay lumalaki, unti-unti narin tayong lumalayo sa landas na inilaan


saatin ng ating mga magulang. Sa paniniwalang mas magiging masaya tayo kapag tayo ay
nakalabas sa kamay nila. Tayo ay nagiging pasaway na at nabulag sa katotohanang tanging
ang barkada ang makakapag bigay saatin ng kasiyahan. Tayo ay nabulag sa mga
sakprisyong kanilang ginawa at nagpa kasaya sa mga bagay na nagbibigay ng
panandaliang kasiyahan lamang. Sinusuway natin ang kanilang mga gusto sapagkat hindi
natin gustong maramdaman na tayo ay nakakulong parin sa kanilang mga kamay.
Sinubukan lahat ng mga bagay sa labas na akala natin ay makakabuti at magdudulot ng
magandang bunga. Tayo ay naging maka sarili at nabulag sa mga makamundong bagay.
Tayo ay nakalimot na saating mga magulang na walang sawang minahal tayo t hindi tayo
sinukuan.

Tayo ay nabigo, muling namulat sa katotohanan at napagtanto na tama ang ating


mga magulang. Tayo ay nagkamali at muling bumalik sa kamay nila. Sa kabila ng lahat ng
ating pagkakamali muli tayong tinanggap ng walang pag kiling. Balang araw, mararanasan
din natin ang kanilang sinapit kapag tayo ay naging magulang na. Madadama rin natin ang
kasiyahan kapag nakita na natin an gating mga anak at ang sakit kapag sila naman ang
tumakas saating mga kamay. Mahalin natin ang ating mga magulang habang sila ay
nabubuhay pa. Alagaan natin sila at pasayahin dahil sila ay iisa lang at kailan man hindi
mapapalitan ng kahit na sino. Sila ang ating gabay wag natin sayangin ang ating buhay at
magpaka bulag sa makamundong bagay.
Posisyong Papel ;
Ni ; James Remark J. Ochinang

Sino ang mas mabuting mamumuno?


Mas espektibo ang lalaki na nagampanan ang tungkulin at pamumuno. Dahil
maraming mga bagay na kahit sobrang hirap gawin ay hindi nagagawa sa babae. Ang
isang mamumuno ay dapat hindi puro sa salita mayroong gawa din lalo nakung itoy para
sa kapwa niya.

Ang isang lalaking mamumuno ay kinakailangang marunong dapat tumupad ng mga


pangkaong kanyang binitawan sa kanyang mga nasakupan. Marunong dapat siyang
gampanan ng maayos ang kanyang tungkulin para sa kanyang mamamayan upang
makapamuhay ng maayos at mapayapa ang kanyang nasakupan. Ito rin and daan sa isang
matagumpay na bayan.

Mas mahusay ang isang lalaking mamumuno dahil mas palaging handa sila sa mga
sitwasyon na biglaan at palaging may kakayahang magbigay solusyon at tumugon sa
kasalukuyang mga isyu. Maraming kahalagahan ang katangian ang mga lalaki sa
pamumuno dahil may mga maaring silang responsibilidad na maggagamit sa panahon ng
matinding problema. Ang mamuno ay kailangang manatiling bukas ang isip upang mabuti
ang kalagayan ng lahat. Ang lalaking mamumuno ay mas kalayaang magsyuyo sa lahat
nang isyu sa ating panahon ngayon lalo na sa mga kagulohang nangyari at mas may mga
malalawak na utak ang lalaki lalo na sa pagdating nang matinding issue na hirap gawan
nang konklusyon kompara sa mga babae.

Ang lalaking mammuno ay kailangang maging matapat sa kanyang nasasakupan.


Hindi dapat kumukuha nang mga kaban ng bayan at kailangan niyang gamitin sa wasto at
sa ikabubuti ng lahat ang mga bawas na natatanggap mula sa kanyang mamamayn. Ang
isang lalakinh mamumuno palaging matatag at nas matindi ang disiplina lalo na sa
paggawa nang mga desisyon para langg sa ikabubuti nang kanyang bansa.

Higit sa lahat ang mamumuno ay kinakailangan na maging lalaki upang mas


malaman din na kung gaano talaga mapagkatiwalaan at may kakayahang mamuno ng
tama. Mas Mabuti rin ito upang mas mapa-unlad ang isanng nasasakupan sa paraan na
hindi nasasayang ang mga pondo na naibigay nang mga mamayan sa bansa dahil mas
maging malinis, Mabuti at mapayapa ang takbong nang isang bayan kung ang lalaki ay
mamumuno. Marami silang maibigay na kakayahan na maipakita na kadalasan sa mga
babae hindi nagtatagumpay.

Source : http://prezi.com>oq-lyevsfiod
Photo Essay
Ni; James Remark J. Ochinang

TATLONG MGA HAKBANG SA KALAYAAN MULA SA PAGKAKASALA


Bionote
Ni; James Remark J. Ochinang

James Remark J. Ochinang

Siya ay labing pitong taong gulang. Siya ay


nakatira sa lungsod ng Paradise Tres de Mayo
Digos City. Siya ay isang estudyante na nag-
aaral sa paaralang Cor Jesu College bilang
isang Senior High Student. Siya ay
nakapagtapos ng Junior High School sa Digos
City National High School. Kasalukuyan
siyang nag-aaral ng ika labing-dalawang
baitang sa Cor Jesu College, sa Strand ng
(STEM). Naging isang LGU committee siya
sa STEM division bilang isang Finace Under
Secretary ng kanilang paaralan. Hilig niyang magsulat hanggang siya ay nakagawa nang
sarili niyang blog. Siya ay sumasali sa mga dance contest. Siya rin ay nakarating na nang
district paligsahan nang pagguhit. Hilig niyang magkwento at magbasa ng mga Horror
Story. Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan niya ang mga pagtataya sa admisyon sa iba’t
ibang kolehiyo at akademiya.
Epilogo

Sa pagtapos nang aking experience sa asignatura na Filipino with Bb. Daphnie na may
maraming mga bagay na gusto kong sabihin bagamat mahirap tuparin. Tulad nalang nang
aking palaging late sa klase. Alam kong gaano iyon nakakaapekto nang marka sa isang
estudyante lalo na’t ikaw ay maka miss nang kahit isang pagusulit lang. Isang malaking
regret ang aking napala dahil alam kong mabuti akong mag-aaral lalo na sa asignaturang
Filipino na simula paman ay palaging malaki ang marka ko. Alam kong pwede ko pang
ibalik ang dapat na maging routine ko na dulot nang pagbabago sa aking pag-aaral at
pagbalik muli sa dating marka na alam kong deserved ko. Alam kong marami pa akong
dapat pang matututunan at ma-iprove sa lahat na kung ano ang dapat nang gawin nang
isang mabuting mag-aaral.

Natapos na ang asignaturang FILIPINO 3. Pero kailangan ay maging matatag sa lahat


nang pagsubok na dulot nang Academic learnings. Ngunit ang mga aral na natutunan sa
asignaturang ito ay mananatili sa aking puso at isipan. Ito’y magsisilbing gabay para sa
aking pag-aaral lalo na sa kolehiyo.

Maraming mga naganap at mga ala-ala na aming naibahagi bilang mga kaklase. Ito ay
ang pagmamahalan sa isat-isa kahit gaano pa karami ang naranasan naming pag-aaway
ngunit iyon siyang dahilan kung bakit nagging strong and bond naming. At ang
kasiyahang dulot ng pagsusulat o activity na aming nasilayan ay magmamarka. Salamat
sa aming guro dahil labis niya kaming iniintindi at minamahal simula paman hanggang sa
pagtapos nang aming pagsasama.
Rubriks

Prologo 10%

Nilalaman 60%

Epilogo 10%

Pagkamalikhain 20%

100%

You might also like