You are on page 1of 9

MGA SANHI NG PAGLIBAN SA KLASE NG MGA MAG – AARAL NG BALER

INSTITUTE

MIKEE GELLOANIE B. CAJUCOM

FEBRUARY 28, 2019


I. PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga mag aaral ng Baler Institute na nagsasagawa ng
pagliban sa klase. Itinakda ng mananaliksik ang hangganan ng pananaliksik na ito sa pagmungkahi
ng talagang dahilan nang pagliban ng mag-aaral sa klase.

II. RASYONAL/LAYUNIN

Mahalaga ang paksang ito sapagkat makatutulong ito sa mga maaring mangailangan ng
impormasyon upang maunawaan ang mga respondente ayon sa mga sanhi ng kanilang pagliban sa
klase.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan.

A. Isa ba ang kakulangang pinansiyal sa dahilan ng pagliban sa eskwela?

B. Problema sa loob ng tahanan na siyang nagiging dahilan ng pagliban sa eskwela?

C. Nakararanas ng “bullying” sa loob ng paaralan?

III. PAMAMARAAN

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagserbey sa dalawampung mga


mag aaral ng Baler Institute, sa iba’ ibang antas bilang mga respondente sa pagkumpleto ng
talakaying ito sa kabila ng layunin ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.
IV. PANIMULA

Ang Mga Sanhi ng Pagliban sa Klase ng mga mag – aaral ng Baler Institute ay tumutukoy
sa mga nagiging dahilan ng hindi maayos na pagpasok ng isag mag aaral sa eskwela. Talong bagay
ang maaaring pinakasentro ng sanhi ng nasabing paksa. Una ay ang problemang pinansiyal,
masasabi na hindi na bago sa kasalukuyang ang ganitong uri ng problema, maraming kabataan ang
hindi nakapag aaral o hindi na nakapagpatuloy pa sa pag – aaral bunga ng nasabing sanhi. Ikalawa,
ay ang problema sa loob ng pamilya, marami ang bilang ng mga mag aaral ang lubos na
naaapektohan bunga ng mga problema sa loob ng kanilang mga pamilya na kung saan maging sila
ay nangangailang tumulong sa paglutas. At ang huli ngunit kalianman ay hindi nawala, ang
“bullying,” napakalaking bilang ng mga mag aaral ang nakararanas ng kahindik hindik na gawaing
ito, ngunit kakauti lamang ang may lakas ng loob na sumuplong sa nakatataas. Bunga nito ay mas
pinipili na lamang ng mag aaral ang pagliban sa klase, upang makaiwas na sa ganitong karanasan.

Marami ang maaaring sanhi ng hindi pagpasok ng mag aaral sa eskwela, ngunit ano pa man
ang dahilan o sino man ang mag-aaral, isa lang ang nasisiguro, nangangailangan sila ng pang
unawa. Isang malawak na pang unawa, bukas na tenga at bukal na puso ng mga tumatayong
ikalawa nilang mga magulang, ang mga guro.
V. PAGTATALAKAY

A. Isa ba ang kakulangan pinansiyal sa dahilan ng pagliban sa eskwela?

SANHI

PINANSIYAL PAMILYA BULLYING

Sampo sa mga respondente ang sumasang ayon na, isa sa mga Sanhi ng Pagliban sa Klase
ng mga mag – aaral ng Baler Institute ay ang isang malaking “factor” na problemang pinansiyal
sa mga mag – aaral. Maaring malayo ang tahanan ng isang mag aaral at nangangailangan ng
“pamasahe” upang makapasok sa paaralan, ngunitdahil sa kakulangan sa pinansiyal ay mas pinipili
na lamang ng mag – aaral ang hindi pagpasok at paghahanap na lamang ng pagkakakitaan ang
siyang pagka abalahan ng sa gayon ay magkapasok na muli sa eskwela. At ang hindi kakayanan
ng mga magulang na suportahan sa kanilang pinansiyal na pangangailangan dahil sa hira ng buhay
at kawalan ng permanenteng trabago o sapat na pinagkakakitaan, na kung saan ang mga iyon ay
sapat lamang sa ang araw araw na gastusin ngunit hindi sa pagpapa – aral.
B. Problema sa loob ng tahanan na siyang nagiging dahilan ng pagliban sa eskwela?

SANHI

PINANSIYAL PAMILYA BULLYING

Lima sa mga respondente ang sumasang ayon na isa sa mga Sanhi ng Pagliban sa Klase ng
mga mag – aaral ng Baler Institute ay ang problema sa pamilya na kung saan naaapekohan ang
normal na pang araw araw na buhay ng mag aaral sa matinding pag iisip kung paano malulutas
ang problema sa pamilya. Bunga nito ay ang pagkawala ng pokus at interes ng mag – aaral.
C. Nakararanas ng “bullying” sa loob ng paaralan?

SANHI

PINANSIYAL PAMILYA BULLYING

Lima sa mga respondent ang sumasang ayon na isa sa mga Sanhi ng Pagliban sa Klase ng
mga mag – aaral ng Baler Institute ay ang bullying na kung saan ang isang magaaral na nakararanas
nito ay mas pinipili na lamang ang umiwas kaysa magsuplong ng problema sa nakatatas dahilan
ng kanilang ako na madawit pa sa mas malawakang gulo. Mas pinahahalagahan na lamang ng mga
ito ang katahimikan.
VI. LAGOM

Bilang pagbubod, masasabing ang mga Sanhi ng Pagliban sa Klase ng mga mag – aaral ng
Baler Institute ay ang:

A. Kakulangang pinansiyal sa dahilan ng pagliban sa eskwela.

B. Problema sa loob ng tahanan na siyang nagiging dahilan ng pagliban sa eskwela.

C. Nakararanas ng “bullying” sa loob ng paaralan.

Ang mga pangunahing sanhi ng hindi pagdalo sa klase ng isang mag – aaral. Ang kakulangang
pinansiyal, na hindi maiiwasan ng mga kapos na pamilya na kung saan ang kinikita ay sapat
lamang para sa pang araw araw na gastusin. Ang problema sa loob ng tahanan, kumg saan ay
nagiging dahilan ng kawalang pokus at interes ng mag aaral sa eskwela bunga ng matinding pag
iisip sa mga maaring maging solusyon sa mga suliraning kinahaharap. At ang huli, nakararanas ng
“bullying” sa loob ng paaralan, na kung saan mas pinipili na lamang ng apektadong biktima ang
katahimikan kaysa sa pagsuplong sa nakatataas.
VII. KONGKLUSYON

Ang mga pangunahing sanhi ng hindi pagdalo sa klase ng isang mag – aaral ay ang
kakulangang pinansiyal, na hindi maiiwasan ng mga kapos na pamilya na kung saan ang kinikita
ay sapat lamang para sa pang araw araw na gastusin. Ang problema sa loob ng tahanan, kumg saan
ay nagiging dahilan ng kawalang pokus at interes ng mag aaral sa eskwela bunga ng matinding
pag iisip sa mga maaring maging solusyon sa mga suliraning kinahaharap. At ang huli, nakararanas
ng “bullying” sa loob ng paaralan, na kung saan mas pinipili na lamang ng apektadong biktima
ang katahimikan kaysa sa pagsuplong sa nakatataas.
VII. REKOMENDASYON

Isa-alang alang:

1. Bigyang pansin ang bawat mag aaral sa paaralan, bawat isa ay may suliraning
kinahaharap. Maging sensitibo bawat desisyon o hakbang na gagawin.

2. Magkaroon ng bukas na tenga, kung saan ang bawat isa ay handing making sa hinaing
ng iba.

3. Ano man ang pinagdaraanan ay hindi sapat na dahilan upang manakit ng iba.

You might also like