You are on page 1of 2

19

KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga problema at dahilan ng
hindi pagtatapos ng estudyante sa kolehiyo. Para sa pananaliksik na ito, ang grupo
ay nagbigay ng sarbey-kwestyoner na siyang sinagutan ng mga napiling
respondente. Sa walompung respondenteng aming nakapanayam gamit ang
kwestyoner ay nalaman naming karamihan sa kanila ay problema sa pinansyal ang
dahilan kung bakit sila ay huminto sa pag-aaral at karamihan din sa kanila ay nais
pa ring ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pag-aaral.
2. Kongklusyon
Batay sa mga datos na inilahad, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
kongklusyon na ito:
a) Marami sa mga tumigil na estudyante sa kolehiyo ay kapos sa pera. Dahil
sa ang pamilya ay kapos sa pera, napipilitan na lang huminto sa pagaaral.
b) Ang ibang huminto sa pag-aaral ay nagsabing nahihirapan sa mga
gawaing akademiko kayat nakakuha ng mababa o bagsak na marka sa
mga asignatura.
c) Isa ring dahilan ang kawalan ng interes ng mga estudyante sa pag-aaral
at pagiging tamad sa mga gawain sa eskwelahan.
d) May mga estudyanteng naimpluwensyahan ng barkada at nalulong sa
masamang bisyo kayat huminto na sa pag-aaral.

20

e) Kawalan ng atensyon ng magulang ay humahantong sa pagrerebelde.


f) Kakaunting aksyon ng pamahalaan upang matugunan ang kakulangan sa
mga paaralan o kolehiyo.

3. Rekomendasyon
Kaugnay

ng

mga

kongklusyong

nabanggit,

buong-pagpapakumbabang

inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:


a) Kailangang bigyan ng oras ang pag-aaral at magsipag upang hindi
magkaroon ng mababa o bagsak na marka.
b) Iwasan ang mga masamang bisyo tulad ng alak, droga, sugal at iba pa na
makasisira sa pag-aaral.
c) Mas gawing kaaya-aya ang pagtuturo upang hindi mawalan ng interes
ang mga estudyante.
d) Para sa magulang ay kailangang gabayan ang mga anak ng wasto upang
hindi sila mapariwara.
e) Kelangan ding mas bigyang pansin ng pamahalaan ang edukasyon dahil
napakahalaga nito sa ating buhay.
f) Sa mga huminto naman sa pag-aaral ay kung kaya pa ay kanilang
ipagpatuloy ang pag-aaral dahil ito ay magiging gabay sa buhay.
g) Para sa kapwa mananaliksik ay ipagpatuloy pa ang pangangalap ng
impormasyon at datos na makatutulong upang mabawasan ang problema
hinggil sa hindi pagtatapos ng kolehiyo.

You might also like