Professional Documents
Culture Documents
Ang Kagamitang Pampagtuturo
Ang Kagamitang Pampagtuturo
Isang ulat-papel na ipinapasa kay Dr. Jane K. Lartec sa PhLEd 314: Special Topics in Language ni JENEFER
C. TIONGAN
I. PANIMULA:
· BEC: Iba’t ibang uri ng aralin batay sa texto ng Araling Panlipunan ang bumubuo sa bawat markahan.
Hiwalay na ituturo ang araling pangwika(gramatika) at mga aralin sa texto.
2010SEC: Nakatuon lamang sa isang akdang pampanitikan at angkop naaraling pangwika kasama
ang pamantayan sa pagganap ang bawat markahan. Magkasanib na itututro ang panitikan
at gramatika.
CONCEPTUAL FRAMEWORK:
BEC: Lilinang sa apat (4) na Kasanayang Makro: Pakikinig, Pagsasalita, Pagsulat at Pagbasa para sa
Kakayahang Komunikatibo.
2010 SEC: Lilinang sa limang (5) Kasanayang Makro: Pakikinig, Pagsasalita, Pagsulat, Pagbasa
at Panonood (naidagdag ito bilang pag-angkop sa makabagong teknolohiya) para sa Kakayahang
Komunikatibo at Kahusayan sa Pag-unawa’t Pagpapahalagang Literari.
CURRICULUM DESIGN:
BEC: Nagsisimula ang disenyo ng kurikulum sa Mga Layunin (Anu-ano ang mga layunin sa
aralin?), Nilalaman (Ano ang paksa ng aralin?), Mga Kagamitan (Anu-ano ang mga kagamitang
pampagtuturo na gagamitin ng guro?), Mga Istratehiya (Anu-ano ang mga pamamaraang gagamitin ng
guro sa pagtututro?) at nagtatapos sa Pagtataya (Anu-ano ang mga panukat na gagamitin ng guro sa
pagkatuto ng mag-aaral?).
2010 SEC: Nagsisimula ang disenyo sa (Antas 1) Inaasahang Bunga o Resulta (Ano ang dapat matutunan
ng mag-aaral?), sinusundan ng (Antas 2) Pagtataya (Ano ang inaasahang produkto o pagganap na
maipapakita ng mag-aaral?) at nagtatapos sa(Antas 3)Plano sa Pagkatuto (Anu-ano ang mga gawaing
instruksyunal na gagamitin ng guro at ng mag-aaral?)
BEC: Ang balangkas ng Banghay-aralin ay pang-isang linggong aralin. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
batay sa araw-araw na talakayan.
2010 SEC: Ang bawat paksa (topic) ay may istandard na Antas 1 at Antas 2 (given). Ang Antas 3 ang
maaaring baguhin/ayusin ng guro kung kinakailangan batay sa
( Deskripsyon )
Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education Curriculum)
ang Kapakipakinabang na Literasi para sa Lahat
(Functional Literacy For All ) na ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For
All 2015).
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2)
kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari
ng mga mag-aaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang limang makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa,
panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng iba’t ibang
Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan, masuri at magamit ang iba’t ibang teorya sa
pagkatuto at paggamit ng wika, at pagsusuring literari,
inaasahang matatamo ng mga guro ng Filipino ang mga layuning nabanggit batay sa inilarawan sa
batayang konseptwal.
Ang Konteksto/Kaligiran
Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing ikasampung taon. Ngunit bunga
ng mabilis
na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, naniniwala
ang Kawanihan
ng Edukasyong Sekondari na dapat nang isaayos ang kasalukuyang kurikulum upang sa gayo’y makaagapay at matugunan nito
Naging batayan sa pagsasaayos ng kurikulum ang mithiin ng Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015) - ang
magkaroon
ng Kapakipakinabang na Literasi ang Lahat (Functional Literacy For All). Tiniyak na ang mga binuong pamantayan,
kakailanganing pag-unawa
Isinaalang-alang din ang resulta ng ginawang ebalwasyon ng implementasyon ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002
(2002 Basic Education Curriculum) sa pagsasaayos at pagdisenyo ng bagong kurikulum, gayundin sa ginawang pagsasanay ng
mga guro
at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga punong-guro ng 23 pilot schools upang mahusay nilang mapamahalaan ang panimulang
pagsubok