Professional Documents
Culture Documents
Kaligiran NG El Filibusterismo
Kaligiran NG El Filibusterismo
Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.Sinimulan ni Rizal and
nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga
sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na
mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na
buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman
sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway
atbp.”
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang
buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay
walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal
sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang
kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming
kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa
libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at
pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang
insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-
kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at
mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod
dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa
isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang
maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan
ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako…
Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa
mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao
iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang
sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin
ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong
ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat
matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang
nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing
dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang
malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga
kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at
edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na
karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama
na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang
ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa
Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa
niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos
ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Kabanata 6 – Si Basilio
Kabanata 7 – Si Simoun
Kabanata 28 – Pagkatakot
Kabanata 30 – Si Huli
Kabanata 38 – Kasawiang-palad
Isagani – Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez
Juli – Katpian ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama
Kabesang Tales – Naging Cabeza de Barangay, dati’y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin
ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan
Don Custodio – Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buena Tinta
Ginoong Pasta – Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin,
pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng Akademya
Don Timoteo Pelaez – Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago, ama
ni Juanito
Kapitan Heneral – Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan
ni Simoun
Hermana Penchang –Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga,
mahilig sa pagpaparami ng indulgencia
Sandoval – Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kanyang mga kababayan,
nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas
Pecson – Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang laging
natatanaw sa hinaharap
V. KAHALAGAHAN NG NOBELA
- Ano ang kahalagahan ng EL FILIBUSTERISMO sa bansa? Ang nobelang "El Filibusterismo" ay
isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring
martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora. Tulad ng "Noli Me
Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito
sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas,
Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola
na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong
Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ang bayan. ito ay naging instrumento upang imulat ang mga ninunong Pilipino na
makipaglaban para sa kalayaan. Ito ay nararapat suriin upang maunawaan ng bawat isa ang
mga naganap noong mga panahong nasakop ang Pilipinas ng mga Kastila. Kinakailangang suriin
at unawain ang akdang ito sapagkat ito ay naglalarawan ng ilang mga sakit ng bayan na
hanggang sa ngayon ay nagaganap pa rin sa ating bansa kahit na wala na tayo sa ilalim ng mga
Kastila. Sa pamamagitan nito ay maaaring mailarawan sa bawat isipan ng mga mambabasa ang
pinagkaiba sa ugnayan ng simbahan sa gobyerno noon sa ugnayang mayroon ito ngayon.
KATANUNGAN
Para makamit ang tunay na kalayaan. Ngunit paano mo makakamit ito kung sa
Sarili mong bansa ay alipin ka? Kayat ito’y isinulat ni Rizal para ipag laban ang
Ang nobelang ito ang nagsimbing posporo para masimulan ang kilos
Patungo sa kalayaan.
3.) Bakit nakatulong ang nobelang ito sa
kaligayahang politikal at paglutas sa suliraning
panlipunan sa kasalukuyan.
Ang El filibusterismo ay kinakailangang pag aralan sa hayskul ayon sa Republic act 1425
Bakit? Ang dahilan kung bakit ay simple lamang. Para maalala natin ang sakripisyo ng
Ating mga kalahi para lamang mawala tayo sa gapos ng mga dayuhan.
Sa kasalukuyan ang Pilipinas at nasa interes ng Estados Unidos at malapit na rin tayong
Na masayang ang pag hihirap ng ating mga bayani na namatay na magiting sa bayan?
Kung ang mamayan ay buo ang loob at naimulat sa murang edad tungkol sa kanyang
Bayan.At paag siyay tumanda ay lalaking may pagmamahal sa bayan. Kung ang indibidwal
Ay mahal ang kaniyang bayan. Hindi niya itoy babauyin. Kayat nakakatulong ito sa ating
suliraning panlipunan. At kung ang mamayan ay handang ibigay ang lahat para sa inang bayan.
Ay tutulong siya sa simpleng paraan Ang pag babayad ng buwis para sa ating Gobyerno.
IPINASA NI: RESTY JOVEN P GARCIA
IPAPASA KAY: Ma’am RIZA PEPITO
SEKSIYON: 10 – VISION
PAKSA: FILIPINO