You are on page 1of 2

Ang Pangaral Ng Isang Ina

Mahalaga ang bawat pangaral sa akin ng aking ina dahil ito ang nagsisilbing gabay
upang hindi ako maging isang suwail at masamang tao sa hinaharap. Ang bawat bigkas ng
salita ng aking ina ay may kaugnay na paalala hinggil sa mga bagay o mga pangyayari na
maaring maganap kung ito’y aking susuwayin dahil siya ay minsan na rin nanggaling sa mga
karanasang aking pang lalakarin. Alam ng aking ina kung ano ang makakabuti para sa akin
kaya naman ginagawa niya ang lahat upang hindi ako mapariwara sa buhay dahil ako ay
mahalaga sa kanya at ayaw niyang maranasan ko ang mga pagkakamali niya noon. Ang mga
pangaral ng isang ina ang siyang batayan kung ano ang tama o naayon sa kapakanan natin kaya
naman ating pahalagahan ito alang-alang sa ating kinabukasan dahil ang kinabukasan nating
mga anak ay mahalaga sa ating mga magulang.

Ang pagsunod ko sa bawat payo ng aking ina ang humobog sa kung ano ako ngayon.
Naging isang mabuti akong mag-aaral na gagradweyt sa kolehiyo sa susunod na taon at masaya
ang aking ina dahil natamo ko ang hangarin niyang maging isang masunuring anak na malayo
sa kasawian o ano mang kapahamakan. Ang gabay na iyong ipinagkaloob and dahilan kung
bakit maayos ang kalagayan ko ngayon kung saan malayo ako sa mga masasamang
impluwensya sa paligid ko. Gayon pa man, hindi sa bawat pagkakataon ay mabuti ang pangaral
ng aking ina dahil kung minsan ito’y nagdudulot ng kalungkutan sa akin sapagka’t minamaliit
niya ang kakayahan ko bilang isang tao. Hindi niya nakikita ang kakayahan ko na maging isang
mabuting impluwensya sa aking mga maggiging anak sa hinaharap pagka’t ang laging layaw
niya ay kung ano ang pag-uugali ko ngayon ay gayundin sa kanila. Hindi natin maiwasan ang
makipag-talo sa ating mga magulang kung minsan na siyang nagiging sanhi kung bakit nila
nasasabi ang mga ganoon na salita. Kaya naman dapat natin intindihin na sila ay tao rin lamang,
nasasaktan sila kaya wag nating dibdibin ang anumang hindi magagandang salita na kanilang
sasabihin dahil walang ina na gustong ipahamak ang kanilang anak at kung mayroon man ay
hindi siya karapat-dapat na tawaging ina dahil ang salitang ina ay isang marangal na salita na
ang hangarin lamang ay ang mapabuti ang kanyang anak kung saan gagawin niya ang lahat
upang guminhawa ang kanyang anak at matamasa nito ang kanyang pangangailangan.

Nagpapasalamat ako sa iyo ina dahil kung hindi dahil sa inyong mga pangaral ay hindi
ko rin matatamasa itong mabuting kapalaran dahil ang kapalaran ng isang tao ay nakabatay sa
bawat hakbang na iyong tatahakin at sa bawat hakbang ko ay may kaugnay na gabay galing sa
mga pangaral mo na aking pinapahalagahan hanggang nangayon. Alam ko na marami kang
pagaalinlangan sa aking kakayahan kaya naman gagawin ko ang lahat ng aking makakaya
upang mapawi ang bawat pangamba mo para sa akin at sa magiging pamilya ko. Ang pangaral
mo, ina, ay hindi kailanman magdudulot ng pinsala sa akin bagkus ito’y magsisilbing aral at
paalala na sa bawat kakulangan ko ay may katumbas na pagsisikap upang ito’y mapunan.

You might also like