You are on page 1of 3

Paaralan Makapuyat NHS Baytang 12

Guro Gleceryn R. Rondina Asignatura Filipino sa Piling Larangan


Petsa Disyembre 13 hanggang 14, 2017 Sangkapat Unang Markahan

I - Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman  Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-
aaral sa iba’t ibang larangan (Akademik)
B. Pamantayan sa Pagganap  Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin

C. Kasanayang Pampagkatuto  Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating
teknikal bokasyunal
 Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ang piniling anyo.
 Naipaliliwanag nang pasalita sa paraang sestimatiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng angkop
na mga termino.
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat,at wasto at angkop sa pag gamit ng wika.
 Naisasaalang alang ang etika sa binubuong teknikal bokasyunal na sulatin.
II - Nilalaman Flyers, Leaflets, at Promotional Materials

III – Mga Kagamitan Laptop


A. Mga reperensya Filipino sa Piling larangan modyul
B. Iba pang Reperensya Internet
IV - Pamamaraan
A. Balik Aral Balik tanaw sa paksang pinag aralan
B.Panimula Panimulang Pagsusulit

I. IDENTIPIKASYON. Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang mga pahayag. (2 puntos bawat isa)

1. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ________________.


2. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _______________ ng mga mamimili.
3. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto
o serbisyo.
4. Ang _______________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material at may pagkakahati-hati ng mga impormasyong
nakalagay rito.
5. Naglalaman ang ______________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na
paraan.

C.Pagganyak . Tanungin ang mag-aaral tungkol sa kanilang mga karanasan kung kailan nagkaroon ng pagkakataong makakita ng mga flyer, leaflet, at iba
pang promotional material.

Itanong ang sumusunod:

Saan kayo kalimitang nakakakita ng mga flyers, leaflets at iba pang promotional materials?

Ano ang karaniwang mababasa sa mga flyers, leaflets at iba pang promotional materials?

D.Instruksyon Ipapaliwanag ang kahulugan at kaibahan ng flyer at leaflet at sa iba pang promotional materials

Matapos ang pagtalakay sa mga binasa, itanong sa magaaral ang sumusunod:

1. Ano ang karaniwang nilalaman ng isang flyer?


2. Saan kadalasang ginagamit ang isang promotional material?
3. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit gumagamit ng promotional materials ang isang kompanya?

A. Pagsasanay Ang mga mag aaral ay gagawa ng sarili nilang leaflet at flyers
Ang flyers o leaflet ay susuriin sa pamamagitan ng rubriks

B. Pagsusuring Pagkatuto IDENTIPIKASYON. Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang mga pahayag. (2 puntos bawat isa)

a. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ________________.


b. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _______________ ng mga mamimili.
c. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang
produkto o serbisyo.
d. Ang _______________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material at may pagkakahati-hati ng mga
impormasyong nakalagay rito.
e. Naglalaman ang ______________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o ibig iparating na mensahe sa
biswal na paraan.
C. Takdang Aralin Sagutin ang mga tanong. Ipaliwanag ang sagot (10 puntos bawat isa)
a. Ano ang kahalagahan ng isang mahusay na promotional material para sa isang kompanya?
b. Ano ang isang epektibong promotional material para sa iyo?
Kung makapagbibigay ka ng isang halimbawa ng huwarang promotional material sa mga produktong pamilyar sa iyo, sa anong produkto iyon?
Pangatwiranan.

You might also like