You are on page 1of 3

Lesson 7.

2
A. Lesson Program : Rounds
B. Item Program : SIP
C. Layunin/LC : Napahahalagahan ang
pagpupunyagi ng mga bayani ng
sariling lalawigan at rehiyon sa
malikhaing pamamaraan.
(AP3KLR-IIh-i-7)

D. Paghahanda:
1. Ihanda ang tsart kung saan nakasulat ang mga items.
2. Ihanda rin ang mga larawan at ilagay sa pocket chart.
3. Pag-aralang basahin ang kuwento.
4. Iharap sa mga bata ang tsart at marahang basahin ang kuwento.
Ipakita ang larawang bilang 1.
5. Ipaalala ang mga pamantayan sa pakikinig sa mga bata.
6. Humingi ng tulong sa I.S.
7. Gamitin ang mga larawan habang nagbabasa nang kuwento.

E. Hakbang:
1. Gawain: Sabihin: SAGUTIN ITO _______. (Item)
Kung tama ang sagot ng bata, purihin siya. Sabihin:
MAGALING! Pero kung nagkamali ang bata, turuan siya.
Magpatuloy sa Hakbang 2.
2. Turuan ang bata. Sabihin: PAKINGGAN MO ANG KUWENTO
NA ITO. BABASAHIN KO ULIT. PAGKATAPOS BASAHIN
MO ANG TANONG. Ipasagot sa bata. Sabihin: NGAYON,
SAGUTIN ITO. Kung tama ang sagot ng bata, purihin din siya.
Sabihin: MAGALING! Balikan ang Hakbang 1.

F. Items:
1. Sino ang binatang bayani sa kuwento?
2. Anong mahalagang tulong ang natanggap ni Noel sa ama ni
Arnel?
3. Bakit mahalaga ang alok ng magulang at kapitan ng
Pasobolong kay Noel?
4. Kung ikaw ay si Noel, paano mo sasaklolohan si Arnel?

G. Feedback:
1. Ang binatang bayani ay si Noel Napal Cruz.
2. Si Noel ay nabigyan ng trabaho sa ZAMCELCO bilang
mahalagang tulong ng ama ni Arnel.
3. Mahalaga ang alok ng magulang at kapitan ng Pasobolong kay
Noel dahil sa kanyang katapangan at tibay ng loob. Isa siyang
bayani.
4. (Iba’t-ibang sagot ng mga bata ay dapat tanggapin.) Maaaring
tularan ko si Noel na may tibay ng loob. Maaaring tumawag
ako ng mga tao upang tulungan si Arnel.

Gamitin ang kuwentong ito at mga larawan.

Ang Binatang Bayani


sinulat ni: B.G. Galicia
Isang malamig na hapon sa bandang ala 2:00 PM, biglang lumaki
ang tubig sa ilog ng Pasobolong.
Sa distansyang 300 metro mula sa ilog ay may isang lalaki sa edad
na 7 at 5 taong gulang. Nakatayo sila sa pampang ng ilog habang
nanood ang malaking baha.
Biglang tinulak ang kapatid na may 5 taong gulang sa matanda
niyang kapatid. Ito’y nahulog sa pampang at tinangay ng malaking baha
ang bata.
Ito ang nakita ng mga tao. “Ang bata ay nakaupo lamang sa itaas
ng tubig habang umaanod sa baha.”
Sumaklolo ang binatang pinsan sa naaanod na bata. Tumakbo siya
sa pampang ng ilog at sinundan ang tabing ilog hanggang lumampas
siya sa naaanod na bata. Lumukso siya sa baha at sinalubong ang
naaanod na bata. Diyos ko! Nasaklolo ko si Arnel at siya’y ligtas na.
“matapang si Noel! Matibay ang loob niya.” Ang sigaw ng mga
kapitbahay sa pamayanang Pasobolong.
Nang nasa kamay na ang bata ng nanay, ito ang sinabi niya, “
Pinainom ko ang aking mga anaka ng himalang tubig ng STO. NIÑO na
kinuha ko mula sa Nakulong baryo ng Salaan, Zamboanga City,
kapitbarangay ng Pasobolong.”
Ito’y isang totoong kuwento na nangyari rito sa Barangay ng
Pasobolong, lungsod ng Zamboanga, Rehiyon IX, dalawang pu’t walong
taon na ang nakalipas. Si Noel Napal Cruz ay binatang bayani na
nagligtas nang buhay ni Arnel Manalo. Si Ariel Manalo naman ang
batang kapatid na tumulak kay Arnel.
Mahalagang alok ng magulang at kapitan ng Pasobolong kay
Noel, siya’y nabigyan ng trabaho sa ZAMCELCO.

Batang nahulog sa pampang Sinagip ni Noel ang bata sa


ng ilog at tinangay ng baha. malaking baha.

1 2

Si Noel ay nabigyan ng
trabaho sa ZAMCELCO

You might also like