You are on page 1of 6

Panitikan ng Bagong Lipunan

1. ANG PANAHON NG BAGONG LIPUNAN


2. Bunga ng mga nagaganap na malawakang kilos protesta ng iba’t-ibang samahan
at ang masigasig na aktibismo ng mga kabataan noong Panahon ng Isinauling
Kalayaan, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong
Setyembre 21, 1972. Batas Militar
3. Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar anf pansamantalang pag papahinto ng
publikasyon ng mga pahayagan, ang sirkulasyon ng mga ito, pambansa man o
pampaaralan. Pinahinto rin ang pagpapalabas ng mga panooring
pantelebisyon at pagtatanghal ng mga pelikula. Pansamantalang ntigil ang
mga programa sa radyo . Batas Militar
4. Pinakamasiglang bahagi ng panitikan ng panahong ito ang dula na nagkaroon ng
pangunahing tgapgtaguyod sa katauhan ng noon ay Unang Ginang ng bansa
na si Imelda Marcos Batas Militar
5. Akronim ng PLEDGES
6. Peace and Order (Kapayapaan) Land Reform (Reporma sa Lupa) Economic
Reform (Reporma sa Pangkabuhayan Development of Moral Values (Paglinang
ng Kahalagahang Pantao) Government Reform (Repormang Pampamahalaan)
Educational Reform (Repormang Pampaaralan) Social Reform (Repormang
Panlipunan)
7. Naging karaniwang paksain ng mga lathalain sa unang bahagi ng Dekada’ 70 ang
tatlong tunguhin ng bansa sa ilalim ng Bagong Lipunan. Ang mga ito ay ang
pagtataguyod ng kaunlaran pangkabuhayan, pagbabagong panlipunan at
kalinangang pangkultura ng bansa. Dekada ‘70
8. Ang Dula
9. Sa kanyang masugid na interes at pagtataguyod ay pinasigla ng Unang Ginang
Imelda Marcos ang dulaan noong panahon ng Bagong Lipunan. Pangunahing
nakatulong sa pagpapasigla ng anyong ito ng panitokan ang pagpapaayos ng
lumang tanghalan gaya ng Metropolitan Theatre. Unang Ginang Imelda
Marcos
10. Mga Naitanghal sa Metropolitan Theatre. Isang Munting Alamat Portrait of the
Artist as a Filipino ni Lamberto Avellana. “Halik sa Kampilan” ni Leonardo
Ilagan “Usa sa Kasalan” ni Orlando Nadres “Tales of the Manuvu” ni
Beinvenido Lumbera dula
11. Nagpatuloy rin ang Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dulang may
iisahing yugto, isang bagay na nakadaragdag sa pagsigla ng dula sa panahong
ito. Isa sa mga natampok na dulang pinagkalooban ng gantimpala ng Palanca
noong 1974 ang dulang – “Sidewalk Vendor” ni Reul Molina Aguila na
naglalarawan ng buhay ng mga kabataang lalaking sidewalk vendor – mga
nagtitinda ng sigarilyo. Gawad palanca
12. Usaping Panulaan
13. Isa sa mga bagay na laging maaalala sa panahon ng Bagong Lipunan ang
malaganap na popularidad ng mga islogan. islogan
14. Halimbawa: Hinggil sa Kahalagahang pantao: Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina
ang kailangan. islogan
15. Hinggil sa Programang pangkabuhayan: Magplano ng pamilya, Nang buhay ay
lumigaya Tayo’y magtanim Upang mabuhay islogan
16. Kaugnay sa seryosong panitikan itinatag noong Agosto 1973 ang Galian sa Arte
at Tula (GAT) Tulang nasulat noong panahon ng Batas Militar “Pilipino: Isang
Depinisyon” ni Pociano B.Pineda “Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran” ni Juan
dela Cruz “Doktrinang Anak Pawis” ni Virgilio Almario “Litanya kay Sta. Clara”
ni Teo Antonio Galian sa arte at tula
17. Piling Bahagi ng LITANYA KAY STA. CLARA Misis dela Cruz, sumayaw ka
Kumendeng ka, kumendeng pa, Ipagaspas mo ang iyong saya, Humiling ka sa
mhal na santa, Umawit ka sa mahal na patrona
18. Hindi dasal ang pamphlet sa pagpaplano Ang kampanya sa dyaryo Ang
operasyon sa ari ng tao Sta. Clarang pinung-pino Sila po ay pakinggan
Pagsayawin po ng pawis ng sakripisyo Isakripisyo po ang pildoras sa
pandanggo.
19. Isang bahagi ng tulang “Polusyon” ni Beinvenido Ramos: May isang uri ng
polusyong hindi mo kayang lunasan Ni hindi mo kayang pigilin, lumalason di sa
katawan mo Kundi sa iyong moral, sa iyong ispiritu (Kung mayroon ka), Sa
iyong kaluluwa. Paano malulunasan ang polusyong ito? Hindi mo ito nakikita
ngunit nadarama mo.
20. Ito’y polusyong likha ng pabrika rin, ngunit pabrika ng iyong sarili na kumakain
ng kasakiman, karumihan, pandaraya, panlalamang, kalupitan, pang -aapi
pananagano, pagpapakayamo- sapagkat ikaw ay lumikha ng isang pabrika sa
iyong sarili na nagtatapon ng lason, dumi, polusyon.
21. Ang pagbibigay ng gawad parangal at pagkilala sa mga natatanging tulang
nasulat ay ipinagpatuloy ng Gawad Palanca. Gayundin naman, tumatanggap
ng pagkillala ang mahuhusay na makata mula sa Timpalak Literaryo ng
Cultural Center of the Philippines (CCP) at sa Talaang Ginto. Gawad palanca
22. Ang Talaang Ginto ay pagkilala ng Surian ng Wikang Pambansa sa
pinakamahusay na tulang naisulat sa isang takdang panahon. Ipinagkaloob
ang parangal sa mga sumulat ng mahuhusay na tula kasabay ng pagdiriwang
ng Arawni Balagtas na isinasagawa tuwing Abril 2, sa araw ng kapanganakan
ng dakilang si Francisco Baltazar. Gawad palanca
23. Sa Timpalak Literaryo na pinamahalaan ng Cultural Center of the Philippines,
kabilang sa mga makatang nabigyan ng parangal sa kanilang mga isinulat ang
mga sumusunod: Patimpalak literaryo
24. • Gloria Villaraza Guzman – nagsaaklat ng epikong Handog ng Kalayaan. • Jesus
Manuel Santiago – nagkamit ng ikalawang gantimpala sa Timpalak ng Tula ng
CCP noong 1976. Patimpalak literaryo
25. Usaping MAIKLING KUWENTO
26. Nagpatuloy nag Gawad Palanca sa pagkakaloob ng gantimpala sa mga
namumukod na maikling kuwento. Sumigla ang pagsulat ng mga manunulat
ng mga paksang hitik sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan ngunit
walang nalathalang mga kuwentong tumutuligsa sa Batas Militar at ang
epekto nito sa sa karapatang pantao at kalayaan ng mga mamamayan Gawad
Palanca PAtuloy!
27. Alfredo Lobo Mario Libuan Augusto Sumilang Lualhati Bautista Reynaldo Doque
Benigno Juan Benjamin Pascual Domingo Landicho, Rebolusyonaryong
manunulat
28. Bukod sa Gawad Palanca, isa pa sa nakatulong upang mapasigla ang pagsulat ng
maikling kuwento sa panahon ng Bagong Lipunan ang “Sagisag”. Nagkaloob
din ito ng Gawad Sagisag. Magasing “sagisag”
29. Usaping nobela
30. Naging balakid sa pagsulong ng nobela ang suliranin sa pagpapalimbag. Bukod
sa kamahalan ng pagpapalimbag, nakadaragdag pa sa kawalan ng insentibo ng
mga nobelista na sensura sa nilalaman mga inilathala. Mahigpit na sensura!
31. “Ginto ang Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol “May Tibok ang Puso ng
Lupa” ni Beinvinido Ramos “Gapo” ni Lualhati Bautista “Dekada 70” ni Lualhati
Bautista “Hulagpos “ ni Mano de Verdades Posadas Lathalaing Nobela
32. Usaping AWITING PILIPINO
33. Nakatulong sa pagtataguyod ng mga klasikal na awiting Pilipino ang mga
lingguhang konsyerto, ballet at dulang itinanghal sa CCP. Awiting nilikha
upang gamiting Propaganda: Awiting Pilipino Sumigla
34. Bagong Lipunan May bagong silang May bago nang buhay Bagong bansa,
bagong galaw Sa bagong lipunan Nagbabago ang lahat Tungo sa pag-unlad At
ating itanghal Bagong Lipunan
35. Ang gabi magmaliw nang ganap At lumipas na ang magdamag Madaling araw ay
nagdiriwang Sa umagang daratal. Ngumiti na ang pag-asa Sa umagang anong
ganda (Ulitin ang unang bahagi)
36. Tayo’y Magtanim Lahat na makakain ay ating itanim Magtanim, magtanim
tayo’y magtanim Gawing kulay luntian ang kapaligiran Magtanim, magtanim
upang mabuhay Magtanim, magtanim Tayo nang magtanim upang mabuhay.
37. Ako’y Pinoy Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wika ng mga banyaga Ako’y Pinoy na mayroong sariling
wika
38. Anak Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo At ang
kamay nila ang iyong ilaw At ang nanay at atatay mo’y di malaman ang
gagawin Minamasdan pati pagtulog mo
39. Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo’y naligaw Ikaw ay nalulong sa
masamng bisyo At ang una among nilapitan ang iyong inang lumuluha At ang
tanong, “Anak, ba’t ka nagkaganyan?”
40. Usaping PAHAYAGAN AT MAGASIN
41. Nangapinid ang mga pahayagan at lingguhang babasahin sa simula ng pag-iral
ng batas Militar. Mga pahayagan • Philippine Daily Express • Times Journal •
Balita at Pilipino Express Pahayagan at magasin
42. • Hiwaga • Espesyal • Bulaklak • Aliwan • Tagalog Klasiks • Darna • Liwayway
Komiks
43. usaping PELIKULA, TELEBISYON At RADYO
44. Nakatulong sa pagpapaunlad ng pelikula ang tamang pagdaraos ng Manila Film
Festival. • Manila sa Kuko ng Liwanag • Minsa’y Isang Gamu-gamo • Ganito
Kami Noon… Paano kami Bukas? • Insiang • Aguila Pelikula, telebisyon at
radyo
45. Pangkalahatang Pananaw sa panitikan Sa panahon ng Batas militar
46. Sa kabuuan, bagaman at nagkaroon ng sensura sa mga paksaing maaring
talakayin ang mga manunulat sa panahon ng Bagong Lipunan, nagpatuloy pa
rin sa pag-unlad ang panitikan. Nagging mabunga ang panahong ito sa
pagpukaw ng interes ng mga Pilipino sa mga bagay na pangkalinangan na
naipahayag sa uri ng mga dulang naitanghal , awitin at musikang naisulat at
mga pelikulang ipinalabas. Pangkalahatang balita

You might also like