You are on page 1of 1

Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari

Ang ekonomiya ay naiuugnay sa salitang income, bayan, presyo, bilihin at iba


pang mga termino na may kinalaman sa pag-ikot ng pera sa bansa. Ayon naman sa mga
libro, ito ay nangangahuluganng ang pag-aaral kung saan inaalam kung paano gumawa
at gumamit ng yamang-bayan.

Mayroong limang konsepto ang ekonomiya, ito ay ang mga sumusunod: (1) agham
panlipunan, na mayroong maayos na sistema at mayroong dalawang pagsusuri, ang
positibo at ang normatibo; (2) kayamanan, ito ang bunga ng ating kalikasan na
tinutugunan ang ating mga pangangailangan at mga hilig; (3) hilig ng tao, ito naman ay
ang mga bagay na gusto ng mga tao base sa kanilang mga pangunahing
pangangailangan, nagiging iba-iba ito para sa mga tao dahil iba-iba ang kanilang mga
kinalakihang kaugalin; (4) Kagahulan or ang iskarsidad, ito ay ang pagiging kulang or
pagkaubos ng mga yamang bayan dahil marami ang mga tao na kailangang sustentohan
nito; (5) Paghahari o pamamahagi ng mga yamang-bayan upang masustentohan ang
mga pangangailangan ng taong bayan.

Kung ganoon, masasabi natin na maraing aspeto ang bumubo sa ekonomiya,


mula sa agham panlipunan hanggang sa pamamahagi at alokasyon ng mga kayamanang
pang ekonomiya. Masasadi din natin na hindi lang ito base sa intelekwal na mga aspeto
kundi pati na rin ang emosyonal at mental.

You might also like