You are on page 1of 3

Intro: pakilala at pakita ng talent.

Kamay sa dibdib.
1. Saan tayo madalas pumunta pag summer at maligo, starts with letter B
Joker: Banyo
Host: Ay hindi, pag pumunta ka ditto, maarawan ka
Cath: Bubong
Host: hindi, kapag pumunta ka dito, marami makikitang babaeng naka bikini
Joker: Beerhouse
Host: Sorry Joker, the correct answer is BEACH
Cath: Ay Beach House
Host: Hindi, beach lang

2. Kamay sa atay, anong ginagamit na floatation device upang hindi ka malunod, starts with letter
S.
Cath: Sirena
Host: Hindi siya babae
Joker: Shokoy
Host: Hindi rin siya lalaki
Cath: Shokiek
Host: Ang tamang sagot ay STYROFORE
Joker: Halla, salbabida kaya yun
Host: alam mo pala bakit di mo sinagot?
Joker: Edi sana sinabi mo SA, hindi S
Cath: Oo nga

Kamay sa tenga.

3. Host: History… Ano ang pangalan ng lugar kung saan binaril si Gat Jose Rizal? Ang dating
pangalan nito ay Bagumbayan. Ang unang letra ng unang word ay L.
Joker: Lotton
Host: Ang second word ay park, blank park
Cath: Sandara Park?
Host: Hindi siya artista, lugar ito na pinupuntahan ng mag-syota
Joker: Victoria Park!
Host: Clue. Malapit sa Intramuros
Cath: Manila Planetarium
Host: Hindi, mas malapit pa don
Joker: Manila Aquarium
Host: Ano?
Joker: Manila Aquarium
Host: Lumapit ka pa
(Joker Lumapit)
Joker: Manila Aquarium
Host: Hindi ko sinabing lumapit ka. Cath, still.
(Cath lumayo…)
Cath: Manila Aquarium
Host: bakit ka lumalayo?
Cath: Manila Aquarium
Host: Bakit ka layo ng layo?
Cath: Hindi malapit eh
Host: last clue, pag pumunta ka ditto, makikita mo si Jose Rizal
Joker: Alam ko na yan, Lu-lu-lu-lu-lu-lu-lu
Host: Ay Sayang, Lu, Cath for the still, nakikita si Jose Rizal, Lu
Cath: Lumang Piso

Kamay sa dibdib.
4. The Philippines is composed of 7,107 islands, divided in to 3, mainly Luzon, Visayas and
Mindanao. The question is what is the square root of 16?
Cath: 2
Host: taasan mo pa
Cath: Twoooooo!
Host: Hindi mataas pa dyan
Joker: Twooooooooooooooooooooo!
Host: Hindi, the correct answer is 4!
Joker&Cath: Fooooooooooooooour!

Kamay sa puso.
5. Ano ang pangalan ng puno na National Tree ng Pilipinas, starts with letter N
Joker: Niyog
Host: Hindi, matigas to matigas
Cath: Niyug
Host: Hindi siya namumunga
Joker: Niyog na baog
Host: Matigas, hindi namumunga, tapos nakikita lang ito sa virgin na forest.
Cath: Virgin Coconut Oil
Host: Puno nga puno
Joker: Virgin Coconut Tree
Host: Malaking Malaki, sa sobrang laki nito,pwede kang pumunta sa ilalim at magpalamig
Cath: Ice buko
Host: the correct answer is Narra
Joker: ah, Narra flavor, masarap yon

Kamay sa tiyan.
6. Trivia tayo, kilalang ibon na may kapangalan na isang artistang may apilyedong Valdez, ang
ibong ito ay national bird ng Pilipinas. Starts with letter M.
Joker: Manok
Host: M ang simula, A ang dulo
Cath: Manoka
Host: kulay brown ito
Joker: Lechon Manoka
Host: Brown ito, maliit na maliit
Cath: Chicken cubes
Host: Maliit na maliit, brown na may pakpak
Joker: Chicken cubes with wings
Host: M ang simula, A ang dulo, National bird ng Pilipinas ang sagot ay Manok na Bata.
Kamay sa utak…(steady lang si joker at cath..pumapalakpal lang o nakatunganga)
Host: kamay sa ulo! Ay wala silang utak…
7. Sino ang tao na bumuhay muli ng demokrasya ng bansa at kilalang bagong bayani ang initials
nya ay N at A
Cath: Nora Aunor
Host: hindi, senador ang tinutukoy ko
Joker: Sen. Nora Aunor
Host: Hindi, children listen, ang taong tinutukoy ko ay bayani na patay na, patay na siya, patay
na
Joker: Ay ate kawawa ka naman (nilapitan si Cath)
Cath: Huhuhuhu, patay na si ate Guy…… Hindi! Hindi siya patay! Gusto ko ang show nila ni
Claudine
Joker: si Vilma Santos yun noh
Host: Kaloka kayo, ang ibig kong sabihin na N.A. ay si Ninoy, Ninoy Aquino!
Joker: (umiiyak…) ah. Patay na si Ninoy Aquino? Mas idol ko siya kesa kay ate Guy eh.

Host: Saan ba kayo nag-aral ha? Ikaw?


Joker: Im proud to be TESDAnian. Im from TESDA, at proud ako sa kanya kasi next year
magiging catholic school na siya.
Host: Anong pangalan?
Joker: St. Tesda
Host: ikaw Cath, san ka ba nag-aaral, ba’t hindi ka makasagot?
Cath: IS
Host: Oh, IS pala eh, ano yon?
Cath: Ilementary School

Last na ito. Kamay sa Noo.

8. Sino ang nakapatay kay Magellan, ang initials nya ay LL.


Cath: Lito Lapid
Host: Ano ka ba, hindi Pampangueno ang tinutukoy ko. Taga Cebu, Cebuano
Joker: Leto Laped
Host: Inuulit ulit ang pangalan ng taong ito, inuulit-ulit!
Cath: Leto Leto Laped Laped
Host: Maikli lang yung pangalan niya, parang nickname lang.
Joker: Lotlot
Host: Noong piñatay si Magellan, marami syang kasama
Cath: Lotlot and friends
Host: kaloka kayo, the correct answer is Lapu-lapu!
Joker: ah lapu-lapu and friends

You might also like