You are on page 1of 15

MASUSING BANGHAY – ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

IKA-8 BAITANG

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng araling ito, ang 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang

maipapamalas ang mga sumusunod nang may 90% na pagkatuto:

1. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-

ibang panahon.

2. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng

pamumuhay ng mga unang tao.

3. Nakahahanap ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong

unang panahon.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: “Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig” (AP8HSK-If-6)

B. Konsepto: Panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao (Panahong

Paleolitiko, Panahong Neolitiko, at Panahon ng Metal)

C. Integrasyon Sa Iba Pang Asignatura: Antropolohiya

D. Pagpapahalaga: pakiki-angkop sa kapaligiran, malikhain, mapamaraan

E. Kagamitan:

-whiteboard marker -maliliit na sanga

-plastic -mga dahon

-bato

F. Sanggunian:

Book Reference: Cabiles, Ma. Dolores S. and Santiago, Aurora L. (2007).

“Kasayasayan ng Daigdig”. JMC Press, Inc. Lungsod Quezon.

1
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pang-araw-araw na Gawain

(Panalangin) (Pinangunahan ng nakatalagang

Magsitayo ang lahat para sa estudyante sa araw na iyon ang

panalangin. panalangin)

Magandang Umaga din po guro.


Magandang Umaga klase.

Maaari na kayong umupo.

(Pagtatala ng liban sa klase)

Sinu- sino ang lumiban sa


Wala po.
klase?

Salamat at kumpleto ang

lahat.

Bago natin simulan ang lahat, pulutin

ang mga kalat na nasa ilalim, tapat, likod


(Nagpulot ng mga kalat at umayos ng
at gilid ng inyong upuan. Huwag ilagay sa
upo).
bag ng kaklase kundi itago niyo sa mga

bag niyo.

B. Balik Aral

Kahapon ay tinalakay natin ang

tungkol sa mga sinaunang tao at May tatlong paniniwalang pinagmulan ang

ang mga paniniwalang pinagmulan tao. Una, ang paniniwala mula sa

nila. Ilahad mo nga sa klase ang mitolohiya tulad ng Alamat ni Malakas at

iyong natatandaan sa araling iyon. Maganda. Ikalawa naman ay ang

(Tumawag ng isang mag-aaral) paniniwalang panrelihiyon kung saan si

Adan at Eba ang pinagmulan ng tao. At

ang huli ay ang paniniwala mula sa

2
siyensya na kung saan ang tao ay

nagmula sa unggoy.

Tama ba sya klase? Opo

Magaling. Karagdagan? Ayon sa teoryang Ebolusyon ng Tao ni

(Tumawag muli ng isa pang mag- Charles Darwin, ang tao daw ay nagmula

aaral) sa iisang ninuno na dumami at naging iba’t

ibang specie na ang tanging matibay at

malakas ang siyang mag-eevolve sa

pamamagitan ng “natural selection”

Mahusay. Meron pa ba? Meron pa po.

(Tumawag mula sa mga nakataas

ang kamay) Ayon sa mga eksperto, ang tao daw ay

nagmula sa sinaunang mga specie ng

Apes. Ito ay ang specie ng

“Austrolapethicus” at specie ng mga

“Homo” kung saan kabilang ang Homo

Habilis, Homo Erectus, at Homo Sapiens.

Ekselente. May nais pa ba kayong Wala na po.

idagdag klase? Mga katanungan o

nais linawin sa araling ating

tinalakay? Kung wala na ay tutungo

na tayo sa gawain natin ngayon

bago natin pormal na buksan ang

3
susunod na aralin.

C. Pagganyak/Motibasyon

Ngayon, bago natin simulan ang

ating talakayan meron akong

inihandang aktibiti na maaari niyong


Opo titser.
malaman kung tungkol saan ang

ating aralin ngayong araw na ito.

Handa na ba kayo klase?

Hahatiin ko kayo sa tatlong

pangkat. Ngayon magbilang na tayo (Magbibilang 1,2,3)

ng isa hanggang tatlo at

pagkatapos ay igrupo na ang

inyong mga sarili.

Ngayong naka grupo na kayo,

bibigyan ko ang bawat grupo ng


Pwede po ba kaming gumamit ng ibang
isang plastic bag na nag lalaman ng
bagay bukod sa laman ng
iba’t ibang bagay na gagamitin nyo
plastic?
upang makagawa ng isang bahay

sa loob lamang ng 7 minuto.

Hindi pwede. Uulitin ko ang

gagamitin nyo lamang sa paggawa

ng inyong bahay ay yun lamang Opo! (At sinumulan na nilang buuin ang

nasa plastic na ibibigay ko. Malinaw kanilang bahay)

na ba klase?

Ito po ang aming munting bahay nagtulong


Nakatapos na ba ang lahat? Mamili
tulong kaming lahat sa paggawa nito,
ng isang representative para

4
ipaliwanag ang iyong nagawang nagplano po muna kami pagkatapos ay

bahay at ilahad ang mga ginawa na namin hanggang sa huli ay

kagamitang inyong nagamit. Mauna nilagyan naman namin ng disenyo. Ang

na ang ang unang grupo. ginamit namin ay mga bato, sanga ng mga

halaman at ang mga dahon nito.

Magaling unang pangkat. Sumunod

naman na groupo.
Ito naman yung nagawa naming bahay na

mula sa mga makikinis na bato, clay at

ilang matitigas na papel.


Mahusay group 2. Ngayon ang huling

pangkat. Ipakita sa buong


Halos lahat ng materyales ay aming
klase ang inyong nagawang bahay.
nagamit at napag-isipan din naming

maayos kung paano namin ito gagamitin.

Kung titingnan ang mga nagamit namin ay

maliliit na pawid, mga sanga, tali o pisi,

stick, at mga hibla-hibla. Dahil na rin sa

mga materyales na ito ay naging matibay

ang aming bahay.


Magaling ikatlong pangkat. Ayan, nakita

nyo na mayroong iba’t ibang bahay ang


(Tuwang tuwang pinapalakpakan ang mga
mga nagawa gamit ang mga materyales sarili)

na aking binigay sa bawat grupo. Natuwa

ako sa mga nagawa nyo, nagamit nyo

nang maayos ang mga materyales na

ibinigay ko sa inyo. Dahil dyan palakpakan

nyo ang inyong mga sarili.

D. Paglunsad ng Aralin

Ngayon naman matutunan natin

5
ang isang bagong aralin. Sa aralin

nating ito, matutukoy natin ang

pagkakaiba ng pamumuhay ng mga Opo, kami’y handa na.

unang tao sa iba’t ibang panahon. (Umupo ng maayos)

Handa na ba kayo sa bagong aralin

natin ngayon?

(Nagtala sa pisara ng mga ginamit nilang

Sa ginawang aktibiti, itala niyo nga kagamitan sa paggawa ng bahay)

sa pisara ang mga ginamit na -bato

materyales sa paggawa ninyo ng -sanga ng mga halaman

bahay. -dahon

(Tumawag ng ilang mag-aaral - makikinis na bato

upang magsulat sa pisara) -clay

-ilang matitigas na papel

- maliliit na pawid

-tali o pisi

-stick

-mga hibla-hibla

Anong mapapansin nyo sa mga

nakatalang materyales sa pisara? Lahat ng mga nakatala ay madaling

(Tumawag ng isang mag-aaral) makita at makuha sa ating paligid.

Tama ba ang kanyang sagot klase? Opo

Tama. Lahat ng mga bagay na iyan Opo. Dahil ang mga materyales na iyan ay

ay makukuha natin sa ating paligid. mayroon na noong unang panahon.

Sa tingin nyo, kung nabubuhay

6
kayo noong sinaunang panahon,

magagamit niyo rin ba ang mga

materyales na iyan? Bakit?

Paano kung iyan lang ang mga

gamit na mayroon kayo? Walang Opo. Hindi po

mga gadgets na mayroon kayo

ngayon. Mabubuhay kaya kayo?

Bakit oo? Bakit hindi?

(Tumawag ng isang mag-aaral) Hindi po kami mabubuhay kasi po wala

Salamat. Bakit naman oo? kaming gadgets na kailangan namin.

(Tumawag muli) Opo, mabubuhay po dahil noong unang

panahon hindi naman po kinakailangan

ang mga gadgets para mabuhay sila

halimbawa na lang ang pagkuha nila ng

pagkain, manghuhuli sila ng hayop gamit

ang sibat upang may makain sila.

Salamat sa inyong mga opinyon.

Kung nakagawa kayo ng bahay

mula sa mga materyales na binigay

lang sa inyo, ganun din ang mga

sinaunang tao. Ginamit nila ang

mga makikita nila sa kanilang

paligid na posible nilang magamit.

Ang pamumuhay ng sinanunag tao

ay nahahati sa tatlong panahon.

7
Magbigay ng isa. Panahong Paleolitiko

(Tumawag ng mag-aaral)

Magaling. Ano pa?

(Tumawag muli ng isa pang mag- Panahong Neolitko

aaral).

Mahusay. At ang huli? Panahon ng Metal

(Tumawag ng isa pang mag-aaral)

Magaling. Panahong Paleolitiko ang Noong unang panahon, mga 2.5 milyong

unang panahon. Anong mayroon taon na ang nakakaraan, dito nagsimula

noong panahon ng Paleolitko? ang PANAHONG PALEOLITKO.

(Tumawag ng isang estudyante). Tinatawag din itong “Panahon ng Lumang

Bato” (Old Stone Age).

Tama ba siya klase?

Opo

Magaling. Karagdagan?

(Tumawag ng isang mag-aaral). Ang panahong paleolitko ay nagmula sa

salitang Griyego na “Paleos” na

nangangahulugang matanda o luma, at

“lithos” na nangangahulugang bato. Ito

ang pinakamahabang yugto sa

kasaysayan ng sangkatauhan.

Tama. Anong uri ng kagamitan ang

meron sila? Magagaspang na bato ang kagamitan ng

(Tumawag ng isang mag-aaral) mga tao sa panahon ito.

Magaling. Meron silang mga

magagaspang na kagamitan.

Paano naman sila kumukuha ng Pulo-pulotong sila sa paghahanap ng mga

kanilang pagkain? pagkaing kinakalap nila mula sa

8
(Tumawag ng mag-aaral) kapaligiran maging sa paghuli ng mga

galang hayop.

Tama. Sama-sama sila sa

paghahanap nila ng kanilang

makakain. Nananatili ba sila sa

iisang lugar? Hindi po.

Bakit?

(Tumawag ng isang estudyante) Lagalag sila at pallipat-lipat ng tahanan

subalit panandaliang nananatili sa mga

yungib at malalaking punong kahoy para

makaiwas sa mga mababangis na hayop

at ilan pang mga panganib na nagbabanta.

Magaling. Tinatawag din silang mga

nomadiko dahil sila ay lagalag o

hindi sila nananatili sa kanilang mga

lugar. Kanina sinabi niyo na

magagaspang na bato ang gamit ng

mga sinaunang tao ng panahong

ito, tama ba klase? Opo.

Saan naman kaya nila ito

ginagamit? Ginamit nila itong mga sandata para

(Tumawag ng isang mag-aaral). manghuli ng mga maiilap na hayop sa

ilang, panghiwa ng karne, pamputol ng

kahoy, at maging sa pagkuha ng iba pang

halaman.

Tama. Para may magamit sila

bilang sandata, ginamit nila ang

magagaspang na bato. Dito din sa

panahong ito natuklasan ng mga

9
sinaunang tao ang apoy.

Ano naman ang sumunod na

panahon? Ang sumunod po ay ang panahong

(Tumawag ng isang mag-aaral). neolitiko.

Tama. Paano naman kaya

namumuhay ang sinaunang tao sa Sa panahong ito, natutunan ng mga

panahong ito? sinaunang tao ang pagtatanim at ang mga

(Tumawag ng isang estudyante). kasangkapan nila ay yari na sa mga

makikinis na bato.

Magaling. Kung sa panahon ng

paleolitiko, ang mga sinaunang tao

ay nangangalap ng pagkain at

nanghuhuli ng hayop, dito naman

sa panahon ng neolitiko natutunan

ng mga sinaunang tao ang

pagtatanim at umunlad din ang

kanilang mga kasangkapan sa

paggamit ng mas makinis na bato.

Ano naman kaya ang kanilang mga

itinatanim? Nagtatanim sila ng mga butyl, buto ng

(Tumawag ng isang estudyante) prutas, gulay at iba pang halaman.

Ganun na nga. Ano pa kaya ang

mga ginagawa nila noong Nagawa din nilang magpaamo ng hayop

panahong ito? na nagsilbing malaking tulong sa kanilang

(Tumawag ng isang estudyante) mga gawain at pagbubungkal ng lupa.

Magaling. Hindi lamang pagtatanim,

natuto din sila mag-alaga ng hayop.

Hindi lang nila ito hinuhuli at

kakainin bagkus inaalagaan pa.

10
Ano pa? Ano pa ang nagagawa nila Nakagawa din sila ng palayok mula sa

ng panahong ito? luwad na ginagamit nila para lutuan at

(Tumawag ng isang estudyante) imbakan ng pagkain.

Tama. Sa panahong ito ba, nanatili

na sila sa kanilang lugar? Opo. Naging pirmihan na rin nila ang

(Tumawag ng isang estudyante). kanilang mga tahanan, nakapagtatag sila

ng mga pamayanan at dumating din sila

sa puntong nagkaroon sila ng pinuno at

pamahalaan.

Tama. Isang halimbawa ng

neolitikong pamayanan ay ang

“Catal Huyuk” na matatagpuan sa

Anatolia Turkey.

Ang mga batong gamit nila ay mas

makinis, makintab at higit sa lahat

ay may disenyo. Bawat disenyo ay

ayon sa kani-kanilang gamit sa

pangangaso at gawaing bahay.

Ano naman ang huling panahon ng Panahon ng Metal

pamumuhay ng sinaunang tao?

(Tumawag ng isang estudyante)

Tama. Panahon ng metal. Ito ay Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronse,

nahahati sa tatlo, ano-ano ang mga at Panahon ng Bakal

ito?

(Tumawag na isang estudyante)

Tama ba sya klase? Opo.

Anong meron sa panahon ng

tanso? Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil

11
(Tumawag ng isang estudyante) sa tanso subalit patuloy pa rin ang

paggamit sa kagamitang yari sa bato.

Magaling. Ano pa? Nalinang ng mabuti ang paggawa at

(Tumawag ng isang estudyante) pagpapanday ng mga kagamitag yari sa

tanso.

Mahusay. Meron pa ba? Wala na po

Ano naman ang nangyari noong

panahon ng Bronse? Iba’t ibang kagamitan at armas ang

(Tumawag ng isang estudyante) nagawa mula sa tanso tulad ng espada,

palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at

sibat.

Magaling. At sa panahon ng bakal?

(Tumawag ng isang estudyante) Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang

pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa

Kanlurang Asya.

Tama. May idadagdag pa ba?

(Tumawag na isang estudyante) Natutunan nilang magpanday ng bakal at

nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng

bakal sa iba pang kaharian.

Mahusay klase. Ang panahon ng

metal ang huling yugto ng

pamumuhay ng sinaunang tao at

hanggang ngayon makikita natin ito

sa kasalukuyang panahon.

E. Pagbubuod

Sinong makakapagbuod ng napag- Napag-aralan natin sa araw na ito na may

aralan natin sa araw na ito? tatlong yugto o panahon ang pamumuhay

(Tumawag ng estudyante) ng mga sinaunang tao. Ito ay ang

12
panahong paleolitiko, neolitiko at metal.

Ang panahong paleolitiko o tinatawag ding

lumang bato ay nagmula sa katagang

paleos o matanda at lithos o bato. Ang

mga sinaunang tao sa panahong ito ay

mga nomadiko dahil nangangalap sila ng

kanilang pagkain at naghuhuli sila ng

maiilap na hayop. Ginagamit nila ang mga

magagaspang na bato sa paghuli ng

hayop. Ang panahong neolitiko naman ay

tinatawag na panahon ng bagong bato.

Dito, ang mga sinaunang tao ay pumipirmi

na sa kanilang mga tirahan at nag-aalaga

na rin sila ng mga hayop. Makikinis na

bato naman ang ginagamit ng mga

sinaunang tao ditto. Nagkaroon na rin ng

pamayanan at pamahalaan sa panahong

ito, halimbawa na lang ang Catal Huyuk na

matatagpuan sa Anatolia Turkey. Ang

huling yugto ay ang panahon ng metal

kung saan ito’y nahahati pa sa tatlong

panahon. Ito ay ang panahon ng tanso,

panahon ng bronse, at panahon ng bakal.

Ang mga metal na materyales ay

ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang

kagamitan at armas tulad ng epada,

punyal, martilyo, sibat, at iba pa.

Mahuhsay na pagbubuod.Sino pa

ang nais magbahagi ng kanyang

13
natutunan? (Binahagi ng mag-aaral ang kanyang mga

(Tumawag ng isa pang estudyante) natutunan)

F. Pagpapahalaga

Anong kabutihan o kagandahan Napag-alaman kong sa bawat pagdaan ng

ang napag-alaman mo o nakita sa panahon, nagkaroon ng malaking

bawat pamumuhay ng mga pagbabago sa pamumuhay ng mga

sinaunang tao? sinaunang tao lalo na sa mga kagamitan

nila na ginagamit nila sa pagkuha ng

kanilang mga pagkain.

May katanungan pa ba klase

tungkol sa ating aralin? Nais Wala na po.

bigyang linaw?

Kung gayon naintindihan niyo na

ang ating aralin sa araw na ito kaya

alam kong handa na kayo sa

inihanda kong maiksing pagsusulit.

Kumuha ng isang-kapat na papel at

lagyan ng bilang 1-5.

IV. Pagtataya

Sagutin ang mga sumusunod ng may buong husay.

1. Ano ang tatlong yugto o panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao?

Sagot: Panahong Paleolitiko, Panahon Neolitiko, at Panahon ng Metal

2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao noong

panahon ng Paleolitiko o Lumang bato?

Sagot: mga magagaspang na bato

3. Paano mamuhay ang mga sinaunang tao noong panahon ng paleolitiko?

14
Sagot: Sila ay mga nomadikong tao o naglalagalag upang kumuha ng

kanilang pagkain at manghuli ng mga hayop

4. Anong pinagkaiba ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ng panahon ng

paleolitiko sa panahon ng neolitiko?

Sagot: Noong panahon ng paleolitiko, ang pamumuhay ng mga sinaunag tao

ay mangalap ng pagkain at manghuli ng mga hayop habang noong panahon

naman ng neolitiko, ang mga sinaunang tao ay natutong pumirmi sa kanilang

lugar at natuto silang magtanim at mag-alaga ng hayop.

5. Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal?

Sagot: Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal sa

paggawa ng iba’t ibang kagamitan at armas tulad ng espada, palakol,

kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat.

V. Kasunduan

Takdang aralin:

1. Sa isang buong papel, gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa

pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig ayon sa inyong pagkakaintindi sa

nagging aralin natin.

2. Basahin at unawain ang Aralin 3 “Mga yugto sa pag-unlad ng kultura sa

panahong Prehistoriko”.

Inihanda nina:

Caracas, Angelica

Rebulado, Monaliza E.

III-10 BSE Social Science

15

You might also like