You are on page 1of 3

EUCHARISTIC KING ACADEMY OF SARA, INC.

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


DON ANTONIO YUSAY ST. SARA, ILOILO

KABANATA II

Mga Kaugnayan sa Literatura at Pag-aaral

Ayon kay Bertllo (2011), sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag

ng teknolohiya. Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng

teknolohiya. Sa katunayan, ang teknohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung

bakit ang pag-aaral ay naging madali, mabilis, at mabisa. Kung kayanama't

napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang kaalaman sa mga mag-aaral kundi pati

na rin sa kalibangan at kaligyahan. Tunay nga't nabago ng teknolohiya ang

pamamaraan ng buhay ng mga mag-aaral, o maging ng kabataan sa kabuuan. Masasabi

natin na napakarami ng naitulong ang teknolohiya sa ating buhay

Ayon kay D. Chandler (2000), binago ng teknolohiya ang lipunan sa lahat ng

antas kabilang ang mga institusyon, mga interpersonal na pakikipag-ugnayan at maging

ang indibidwal. Ito ay patuloy na umuusbong linggid sa kontrol at kaalaman ng tao at

nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentum at walang taros na humuhubog sa

lipunan.

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may pakinabang para

sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para sa

pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan at sa mga

estudyante (M. Underwood, 2009).


EUCHARISTIC KING ACADEMY OF SARA, INC.
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
DON ANTONIO YUSAY ST. SARA, ILOILO

Ayon kay D. Chandler (2000), ang teknolohiya ay may positibo at negatibong

epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang

teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa.

Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang

ang kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa.

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na "The Influence of Technology

on College Students" sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya

ay ang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina batay narin sa

kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na "Ang kasaysayan at kultura

ay may malaking bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan." Sa

paglipas ng panahon, nagiging iba na ang pag-uugali ng tao kaysa noon na wala pang

impluwensya ng teknolohiya.

Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss (2003), sinasabi nila

na ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at social factor kagaya

ng impluwensya ng pamilya, ng media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-aaral at

ng politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga kolehiyo

kung paano sila makitungo sa kaniliang kapaligiran.

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga estudyante na

ang pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras, kung kaya't ang iba sa

kanila ay mas pinipili nalang na gumamit ng makabagong teknolohiya at ubusin ang oras

sa mga walang kwenta bagay.


EUCHARISTIC KING ACADEMY OF SARA, INC.
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
DON ANTONIO YUSAY ST. SARA, ILOILO

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007), kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaral

ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at kung gaano

sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa iba kung

ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon ay kayang pagsabayin ang

pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante ngayon.

Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung paano ito

mawawaldas ng may katuturan.

Gemmill at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung gaano

kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong teknolohiya at kung

malaki ba ang naidudulot nitong stress. Base sa kanilang nagawang pag-aaral, halos

25% na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya at may malaking parte din ito sa

stress na nararanasan ng mga estudyante.

You might also like