You are on page 1of 5

Masusing Banghay-Aralin

sa Filipino 1

I. Layunin
Ang mga mag-aaral ay inaasahang
a. natutukoy ang mga salitang nabibilang sa konseptuwal na kategorya sa
tulong ng mga larawan
b. aktibong nakikilahok sa gawain ang klase

II. Paksang-aralin
a. Paksa: Mga Larawan at Salitang Nabibilang sa Konseptuwal na Katergorya
b. Sanggunian: Filipino 1, pahina 96-97
c. Kagamitan: Mga tunay na bagay, larawan ng mga bagay na magkakauri at di
magkakauri, plaskards, tsart
d. Saloobin: Pagiging maayos sa mga gamit

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing-Mag-aaral
A. Paunang Gawain
1. Panalangin
2. Atendans
3. Balik-aral

Klas, ano ang tinalakay natin


kahapon? - Ma’am tungkol po sa salitang
magkahulugan
Magaling!

Ano ang salitang magkahulugan? - Ma’am ang salitang magkahulugan


ay magkatulad ang ibig sabihin.
Mahusay!

B. Pagganyak

Mga bata, nasubukan na ba ninyong


pumunta sa palengke? - Opo

Anu-ano ang mga bagay na binibili


doon? - Ma’am, mga laruan, mga damit at
marami pang iba.
Mga bata, sa araw na ito ay iyong
matutunghayan o makikita ang isang
dula-dulaan. Ito ay tungkol sa Pamilya
na pumunta sa palengke. Pagkatapos
ng dula-dulaan ay inyong sasagutin
ang tanong na:

Anu-ano ang binili ng Pamilya Reyes


sa palengke?

C. Pamantayan

Pero bago natin mapanood ang dula-


dulaan. Ano ang dapat gawin habang
may dula-dulaan? - Ma’am, manood ng mabuti.
- Makinig sa usapan.
- Tumahimik po.
(Pakikinig at panonood sa dula-dulaan)

Dito na po nagtatapos ang munting


dula-dulaan. Ngayon palakpakan natin
ang mga nagsiganap.

D. Pagtatalakay

Anu-ano ang mga binili ng pamilya


Reyes sa palengke? - Ma’am. Mga gulay, prutas at mga
laruan.
Sinu-sino ang mga pumunta sa
palengke? - Ma’am. Tatay, Nanay at mga anak.

Bakit mas mahalagang bilhin ang mga


gulay at prutas? - Mahalaga po, dahil masustansiya at
mainam po sa katawan.

Base sa dula-dulaan. Tatawagin ko


muna ang mga sumusunod:
Tatay, Nanay, mga anak at Tindero.

Sinu-sino sa kanila ang mga kasapi sa


pamilya? - Ma’am. Tatay, Nanay, mga anak.

Sinu-sino ang dapat magkakasama sa


grupo? Sino ang hindi kasali? - Ma’am. Tatay, Nanay at mga anak.
- Tindero po.

Bakit sila dapat magkakasama? - Kasi po, sila ay miyembro ng


pamilya.
Ano ang puwedeng itawag sa Tatay,
Nanay at mga anak? - Pamilya po.

Magaling!

Narito rin ang mga binili ng pamilya sa


palengke. Sabihin ang mga pangalan
nito.

Alin ang dapat magkakasama? - Ma’am. Manga, saging, mansanas


at pongkan
Bakit sila magkakasama o
magkapangkat? - Ma’am. Kinakain po at mga prutas.

Bakit hindi kasali sa pangkat ang


manika? - Hindi, kasi laruan po ito.

Tama!

Ano ang pantawag sa pangkat ng


saging, mansanas at pongkan?
(Pagtatalakay sa gulay pa…)

E. Kasanayang Pagkabisa

Ngayon mga bata, bubuo tayo ng


tatlong pangkat, ang bawat pangkat ay
mabibigyan ng mga larawan. Ang
gagawin ninyo ay pipiliin at
pagsasamahin ang magkakapangkat at
alisin ang hindi kasali, pagkatapos ay
piliin ang angkop na pangalan para sa
pangkat. Ilagay ito sa mga tsart.

Pero bago natin simulant. Ano ang


dapat gawin kapag may gawain? - Tumulong sa grupo.
- Tumahimik po.
Paano ninyo pinangkat ang mga
larawan o bagay? - Ma’am. Ayon po sa gamit.

Ano ang pantawag sa bawat pangkat?

F. Paglalahat

Mga bata, ano ang aralin natin


ngayon? - Ma’am. Pagpapangkat at
pagbibigay ng pangalan sa
pangkat.

Paano ipapangkat ang bawat grupo? - Sa pamamagitan po ng gamit, kulat


at anyo.
G. Saloobin

Ano ang dapat gawin para maging


maayos ang mga gamit? - Ma’am. Para maging maayos ang
mga gamit, ilagay sa tamang
lalagyan at dapat hindi magkahalu-
halo sa isang lalagyan.
Mahusay!

H. Kasanayang Pagpapayaman

Mga bata, mayroon akong mga lobo


dito. Pero bago tayo maglaro, ano ang
mga dapat gawin habang naglalaro? - Ma’am. Sumali sa laro
- Huwag magulo at maingay

Magaling!

Ngayon, hahatiin ko kayo sa tatlong


grupo. Ang mga lobo na ito ay may
lamang mga sulat at larawan. Ang
gagawin ninyo ay papuputukin ang
lobo, pagkatapos ay kukunin ninyo ang
papel na nasa loob at ididikit ninyo
kung saang salita nabibilang sa
konseptuwal na nakapaskil na
kategorya sa pisara. Tatawag ako ng
tig-iisang miyembro sa bawat grupo.
Naintindihan ba mga bata? - Opo, Ma’am.

Mga bata, tignan nga natin kung tama


ang inyong ginawa?
IV. Pagtataya
Panuto: Pagkabitin ang mga larawan na nabibiliang sa konseptuwal na
kategorya sa hanay A at hanay B sa pamamagitan ng linya.

A B

1. mansanas a. Gulay

2. Nars b. Prutas

3. pechay c. nakikita sa ospital

4. lapis at papel d. Gamit ng babae

5. palda, panty, blouse e. Gamit sa paaralan

V. Takdang Aralin

Gumuhit ng (5) limang larawan na kasama sa isang kategorya na gamit sa


kusina.

Inihanda ni:

Jenna Ponhal
PT Student

Pinuna ni:

Mrs. Mary Grace R. Lacandazo


Cooperating Teacher
Pangalan: ______________________________________ Baitang: _________

Panuto: Pagkabitin ang mga larawan na nabibiliang sa konseptuwal


na kategorya sa hanay A at hanay B sa pamamagitan ng linya.

A B

1. mansanas a. Gulay

2. Nars b. Prutas

3. pechay c. nakikita sa ospital

4. lapis at papel d. Gamit ng babae

5. palda, panty, e. Gamit sa paaralan

blouse

You might also like