You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN
 Nsasusuri ang akdang “Tiyo Simon” ni N.P.S Turibio.
 Natutukoy ang pandiwa sa iba’t-ibang aspekto.
 Napahahalagahan ang mensaheng nais iparating ng may-akda.
 Nakagagawa ang bawat pangkat ng iba’t-bang interpretasyon na may kaugnayan sa paksa.

II. PAKSANG-ARALIN
 Paksa
Panitikan: Tiyo Simon
Wika: Aspekto ng pandiwa
 Sanggunian: Tuklas 9 (pp.35-37)
 Kagamitan
-larawan ng pintuan
-larawan ng simbahan
-ispiker
-larawan ng tao

III. PAMAMARAAN
a. Pang-araw-araw na Gawain
-pagdadasal
-pagbati ng guro
-pagsasa-ayos ng upuan
-pagkuha ng liban
-pagbabalik-aral ( flashcard)

b. Pagganyak
Utos ni haring Solomon: Sasabihin ng guro ang katagang utos ni “haring Solomon” at dapat sundin ng mga
mag-aaral ang utos ni haring Solomon. Ngunit kapag sumunod/ginawa nila ang sinabi ng guro na wala
namang utos ni haring Solomon sila ay may kaparusahan.

Mga gabay na tanong:


1. Ano anag nakikita mo sa larawan?
2. Sa palagay mo ano kayang klase ng tao ang nalakatira sa bahay na ito?
c. Paglalahad
Paglalahad ng paksa gamit ang larawang bahay na ipinakita ng guro.

Mga gabay na tanong:


1. Gusto niyo makilala kung sino ang nakatira sa bahay na ito?
2. Anong mapapansin niyo sa kanya?
d. Pag-alis ng sagabal
Ang guro ay magpapakita ng larawang simbahan
Panuto: Hanapin ang dalawang salitang magkasing kahulugan sa loob pangungusap at idikit sa larawang
simbahan ang sagot.

1. Si tiyo Simon ay isang ateista sapagkat hindi siya naniniwala sa


Diyos.
2. Ang buhay ay banal, ito’y sagradong biyaya mula sa Diyos.
3. Ang alingawngaw ng batingaw ang hudyat na magsisimula na
ang misa, ngunit may mga simbahang hindi nagpapatugtog ng
kampana.
4. Naalala bigla ni tiyo Simon ang kanyang kapatid na sumkabilang
buhay na , lalo na nung mabalitaan niyang pumanaw na ang
kanyang kapit-bahay.

e. Pagtalakay
Bubuuin ng mag-aaral ang isang larawan, dapat mabuo nila ang larawan ni tiyo Simon gamit ang
pinaghiwahiwalay na bahagi nag katawan. Bawat bahagi ng katawan ay may nakalaang larawan sa
pamamagitan ng larawan, isasalaysay ng mga mag-aaral ang pangyayari sa akdang tiyo Simon.
Mga gabay na tanong:
1. Sa unang larawan, maaari mo bang ilarawan sa amin ang nasa larawan?
Batay sa larawan ano sa palagay moa ng unang nangyari sa kwento/
2. Bakit nawala ang isang paa ni tiyo Simon?
Sino sa palagay niyo ang batang nakita ni tiyo Simon na nasagasaan ng trak?
3. Batay sa larawan ano ang mahihinuhan mong wakas ng kwento?

Susuriin ang akda


Pamagat: Tiyo Simon
Tauhan: Boy, Ina ni Boy at si tiyo Simon:
Tagpuan: sa bahay nila tiyo Simon
Mensahe ng akda:
Genre: Dula – ang dula ay isang akdang pampanitikan na itinatanghal sa tanghalan.(Melodrama)

TRAHEDYA
-malungkot na
wakas o di
kaya'y
kamatayan
para sa bida
MELODRAMA
KOMEDYA
-may
masayang malungkot na

wakas URI sangkap, ngunit


nagtatapos
nang masaya.
NG
SAYNETE DULA PARSA
-ang
-isang yugtong
nakakatawa pangunahng
layunin ay
ang diwa na
magdulot ng
nauukol para katatawanan
sa mga popular para sa
na tauhan manonood
Babalikan ang larawan ni tiyo simon at sa bawat larawan ay tutukuyin ng mga mag-aaral ang kung ano ang
ginagawa ng mga tauhan. Sa pamamagitan ng mga ng mga salitang ibinigay ng mga mag-aaral ay
matatalakay ang aspekto ng pandiwa.
Gabay na tanong:
1. Ano ang pandiwa?
2. Ano ang ibigsabihin ng aspekto ng pandiwa?

PERPEKTIBONG KATATAPOS PERPEKTIBO


- katatapos lamang gawin ang kilos -naganap na o tapos na ang kilos

ASPEKTO NG PANDIWA

KONTEMPLATIBO IMPERPEKTIBO
-mangyayari o magaganap pa lang ang kilos -kasalukuyang nagaganap ang kilos

f. Paglalapat
Pagpaparinig ng musika tungkol sa pananampalataya
Mga gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang akda?
2. Ano ang mensahe ng kanta?
3. ano sa palagay niyo ang kaugnayan ng kanta sa akdang tinalakay?
Pangkatang-gawain (limang minuto)
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng kanya-kanyang gawain na may kinalaman sa akdang tiyo Simon.
Ipapaliwanag ito gamit ang mga salitang nagsasaad ng kilos at galaw sa iba’t-ibang aspekto.

Unang pangkat:
Pagguhit ng simbolismong nakapaloob sa akadang tinlakay.
Panuto: Gumuhit ng simbolismong maaaring kinapalolooban ng akdang tinalakay.
Pamantayan:
1. Kaangkupan sa nilalaman ng
akda -2
2. Pagpapaliwanag -2
3. Presentasyon -1
Kabuuan = 5

Ikalawang pangkat:
Paggawa ng isang tula na nasa anyong malayang taludturan na binubuo ng dalawang saknong.

Ikatlong pangkat:

Pagsulat ng kanta hinggil sa akdang tinalakay na lalapatan ng sariling tono.

Ika-apat na pangkat: Pagsulat ng isang liham para kay tiyo Simon.

Mahalagang tanong:
Sa inyong palagay ano kaya ang mensaheng nais iparating ng may-akda?
g. Paglalahat
Mga gabay na tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akdang ating tinalakay?
2. Tungkol saan ang akdang tiyo simon?
3. Ano ang mensahe ng akdang tiyo simon?
4. Ano ang genre ng akdang tiyo simon? Anong uri ng dula?
5. Ano ang aspekto ng pandiwa?

h. Ebalwasyon
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod:
1. Akdang pampanitikan na itinatanghal sa tanghalan.
2. Anong uri ng akda ang Tiyo Simon?
3. Ano ang kaugaliang Pilipino ang ipinapakita sa Tiyo Simon?
4. Sa inyong palagay, ano ang mensahe ng akda?
5. Ibigay ang aspekto ng pandiwa at magbigay ng halimbawa nito.

IV. Takdang-aralin
Alamin kung sa anong teoryang pampanitikan nakapaloob ang akdang tiyo simon?

You might also like