A. PAMAGAT: Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon,
Pagda-dub ng Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na ‘Moog’ ng Pagka-Pilipino B. MANANALIKSIK: Romelito B. Correa C. URI NG LATHALAIN: Di-nalathalang Tesis D. PAARALAN: Pamantasang De La Salle Manila.
II. PROBLEMA/ SULIRANIN
Laganap na sa bansa ang pag-eere ng mga dayuhang palabas na kung saan mas kumikita ang mga TV Network sa pagpapalabas ng mga anime o mga teleseryeng galing sa ibang bansa na isinasalin na lamang nila sa ating lengguwahe para mas maintindihan ng mga manonood ngunit saganitong paraan naisasantabi ang sarili nating gawa. Hindi na natatangkilik ang gawang Pilipino dahil nakatuon lamang sa mga dahuyang palabas.
III. ISKOP NG PAG AARAL
Nakapaloob sa pag aaral na ito ang importansya at gampanin ng wikang Filipino sa mundo ng telebisyon. Kung saan ang mga palabas na galing sa ibang bansa ay isinasalin sa ating wika upang mas maintindihan ng mga manonood ng isang istasyon. At kung paano nakakaapekto ang pagdadub ng isang sikat na palabas sa ibang bansa sa reyting ng kanilang programa.
IV. PAMAMARAAN/ METODOLOHIYA NG PAG AARAL
Ang pamamaraan na ginamit ng mananaliksik ay deskriptibong pamamaraan na kung saan inilarawan nya ang malaking kontribusyon ng wikang Filipino sa daigdig ng telebisyon at tagumpay ng mga istasyon sa Pilipinas. Kung saan ang mga bawat istasyon ay nagpapalabas ng mga dayuhang palabas na isinasalin pa ang lengguwahe upang mas maintindihan ng mga manonood.
V. SAMARI NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Mahalaga ang gampanin ng wika sa ating pang araw-araw na buhay, kung saan sa pamamagitan nito nailalathala natin kung ano ang mga nais nating ipabatid kaya’t hindi na kataka-takang naging mabenta sa tao o mamamayan ang mga palabas na galing sa ibang bansa na ginawan ng pagsasalin ng lengguwahe sa ating wika na kung saan maraming mas makakaintindi ng palabas sa mga telebisyon dito sa Pilipinas. Naging patok sa mamamayan ang mga anime na galing sa Japan kung saan ang mga palabas ay kinagiliwan ng mga kabataan na syang may magandang asal na matutunan galing dito. Naging laganap ang wikang Filipino ng mas dumami na ang mga kababayan natin na mas piniling magtrabaho sa ibang bansa dahil sa kakapusan sa pera. Ang wikang Filipino ay syang natatangi nating pagkakakilanlan sa lipunan na dapat natin mas pahalagahan sa kasalukuyang panahon dahil unti unti na nating nakakalimutan ang kahalagahan nito sa atin bilang mamamayan ng Pilipinas. Mas pagyamanin natin ang ating sariling wika para sa susunod na henerasyon ng kabataan ay maabutan pa sila. Wika ang kayamanan ng ating bansa na dapat nating ingatan, pahalagahan at inaalagaan kaya’t huwag sana nating hayaan na mawala ito.