You are on page 1of 2

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

Intro: Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino, sa nakaraang aralin natin ay natalakay ang mahabang
kasaysayan nito, nakita natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago n gating wika. Malaki ang epekto ng
makabagong teknolohiya sa ating wika.

Ano na nga ba ang kalagayan ng wikang Filipino sa ika-21 siglo sa iba’t ibang larangan? Mayroon tayong
anim (6) na SITWASYONG PANGWIKA at isa na ditto ang telebisyon na aming tatalakayin ngayong araw

 TELEBISYON- ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at


pagpapahayag at pag tanggap ng mga gumagalaw na larawan at tunong sa kalayuan
 -Pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan sa kadahilanang naabot nito ang
mga tao sa iba’t ibang sulok ng bansa dahil sa cable o satellite connection.

Script: noon ay hindi pa ganoon kalaganap ang telebisyon kaya naman mga mayayaman at may kaya
lamang ang nakakanood ng palabas kaya hindi laganap ang epekto nito sa nakakarami. Radyo ang sikat
noon, ngunit ngayon ay laganap na ang telebisyon kaya naman malaki na ang impluwensya nito sa ating
pananalita

Ano ang Papel ng Telebisyon sa Pag-unlad ng Bokabularyong Filipino?

- Ang Telebisyon ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng Bokabularyong


Pilipino sapagkat ang mga nauusong mga salita sa iba't ibang palabas ay dumadagdag o
itinuturing na bahagi ng Bokabularyong Pilipino.-

Script: Ngunit sa kabilang banda nito ay nagdudulot pa rin ito ng masama o mga salitang hindi na-
aangkop sa pagkakaroon ng magandang lipunan, tulad ng pag-papaikli ng mga salita at, ang mga
binabanggit o naririnig sa telebisyon na mga salitang hindi na masyadong makahulugan. Ngunit
nakakatulong pa rin ang telebisyon sa pag-unlad ng wika, na mababakas sa pang-araw-araw nating
pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa.


 Halos lahat kasi ng mga palabas sa mga lokal na channel ay gumagamit ng wikang
Filipino at ng iba’t ibang barayti nito.
 Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino
ay ang mga teleserye, mga pantanghaling palabas, mga magazine show, news and
public affairs,reality shows,komentaryo at dokumantaryo, at mga programang pang
showbiz at maging ang mga programang pang edukasyon.

Script: ibig sabihin ba nito ay purong Filipino ang mga palabas sa telebisyon dito sa pilipinas? Hindi
naman, may mangilan-ngilang news program sa wikang ingles subalit ito’y hindi sa mga nangungunang
estasyon kundi sa mga lokal na news tv at madalas ay inilalagay sa gabi kung kalian tulog na ang
nakakarami

You might also like