You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL 1.

1.

Sa pagpasok ng makabagong henerasyon na siyang mas pinaiiral ang


paggamit ng wikang Ingles sa pakikipag-usap o pakikipagkomunika, karamihan
sa mga palabas ngayon sa telebisyon ay gumagamit na rin ng wikang Ingles
lalong lalo na sa cable channels. Ang cable channels ay available sa mga cable
televisions na ginagamitan ng satelite upang magkaroon ng mas malakas na
signal at sumasakop ng mga channels ng iba’t ibang bansa. Ang ilan sa mga ito
ay FOX, Disney Channel, Cartoon Network, MTV, CNN, ESPN, STAR
MOVIES at iba pa. Dahil sa mas malawak na paggamit ng wikang Ingles sa mga
programa sa mga channels na ito, nakakalimutang bigyan ng pansin ng
karamihan sa atin ang ating sariling wika, ang wikang Filipino. Bakit nga ba hindi
na nabibigyan ng pansin ang ating wika na dapat siyang tinatangkilik natin
ngayon at ginagamit natin sa pang araw-araw? Ikaw anong kilos ang dapat mong
gawin para sa wika natin? May magagawa ka ba? Kung meron, paano ka mag-
uumpisa ?

2.

Hindi ang mga namumuno lamang ang dapat magpasya sa mga


mamamayan ukol sa proseso ng Globalisasyon. Mas maayos ang
pagpasok ng mga pagbabago sa kabuhayan ng lipunan kung may
pagsang- ayon ang mga båtäng sector ng lipunan. Mas magiging epektibo
kung may partisipasyon ang mga mamamayan at makabubuti sa kanila
ang pagbabagong hinihingi ng paglahok sa globalisasyon. At Filipino data
ang gamit na wika sa pagsasangguni sa mga mamamayan. Mahalaga ang
wikang Filipino at alin pamang wikang katutubo sa ganitong sitwasyon.
Magiging malinaw lamang ang process ng globalisasyon kung ang gamit
na wika ay ang wikang kanilang ginagamit sa pang araw-araw na buhay.

You might also like