Wais Pinoy - May Ipon para Sa Future at Walang Utang PDF

You might also like

You are on page 1of 52

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 2

Talaan ng mga Nilalaman

I.Ano Nga Ba Ang Ipon?

II.Iba't -Ibang Klase ng Ipon

III.Paraan Ng Pag-iipon

IV.Balakid Sa Pag-iipon

V.Bakit Kailangan Magipon

VI.Masama Bang Umutang?

VII.Paraan Para Maiwasang Umutang

VIII.Ipon Vs. Gastos Principle

IX.Bakit Nahihirapan Ang Pinoy Mag-ipon

X.Paraan Para Makawala/Makabayad Sa Utang

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 3


Wais Pinoy: May Ipon Para Sa Future at Walang Utang
Alamin Ang Swak na Paraan Paano Makaipon At Makawala Sa
Pagkakautang

Paunang Mga Salita Tungkol sa Pagiging Wais Pinoy

Wais na pinoy ang kadalasang tawag sa mga Pilipinong maabilidad at may


itinatabi para sa future na maari din magamit sa oras ng pangangailangan o
emergency. Maituturing na wais ang isang pinoy na marunong humawak ng
pera, ano man ang katayuan nito sa buhay, mayaman o mahirap, maliit o
malaki ang kinikita, walang hadlang upang makapag-impok para sa future.
Ngunit, maraming pagkakataon na ang mga pinoy ay nagiging alipin ng salapi
imbes na mapagyaman ito, nagiging dahilan pa ito ng pagkakalugmok ng
isang tao sa pagkakautang.

Nakakalungkot pero maraming pinoy ang nabibiktima ng 5-6 o kumakapit sa


patalim sa oras ng matinding pangangailangan sa kadahilanang kulang ang
pera o walang ipon. Kung kailan ito matutuldukan, marahil matatagalan kaya
napaka-importante na magkaroon ng kaalaman sa usaping ipon at utang.

Ang bawat pinoy naman ay may choice, at ang panahong iyon ay


magsisimula sa isang desisyon.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 4


Ito ay ang panahong magdesisyon ang isang pinoy na magsimulang mag-
impok at magkaroon ng financial freedom na kung saan sya ay hindi na
kailangang umutang. Subalit, sya dapat ay may sapat na kaalaman para
maging wais na pinoy.

Mahirap kung tutuusin, ngunit kung ang kapalit naman nito ay maayos na
future, mas maiging maging wais sa pananalapi sa mas maagang panahon.

Sa librong ito, paguusapan natin ang ipon at utang. Mayaman ka man o


mahirap, ano man ang iyong edad, ay dapat may nakatabi kang ipon. May
trabaho o wala, estudyante o bata ka pa lang, mag-umpisang mag-ipon para
sa iyong future.

Ikaw, may ipon ka na ba?

Sapat ba ang ipon mo para mabigyan ng magandang buhay ang iyong


pamilya?

Nahihirapan ka bang mag-ipon?

Nakakabayad ka din ba ng iyong utang sa takdang panahon?

Paano ka makakawala sa pagkakautang?

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 5


Alamin ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa pag-iipon at mga
dapat mong maintindihan para makawala na sa pagkakautang.

I. Ano Nga Ba Ang Ipon?

Pagdating sa usaping salapi, madaming tao ang limitado lamang ang


kaalaman. Ito yung tipong, magtatrabaho mula umaga hanggang gabi,
minsan may pangalawang trabaho pa, at pagkatapos sasahod, ang sahod ay
gagastahin para ipambayad sa mga bayarin sa kuryente, bahay, tubig,
pagkain, at iba pang pangangailangan.
Ito ay kilalang “hand to mouth” kung saan nagtatrabaho ang isang tao para
lamang tugunan ang kaniyang pangangailangan sa pang-araw araw.

Maraming pilipino ang biktima ng sistemang ito, kung kaya ay marami pa rin
ang nagsasabing mahirap sila. Ito ay dahil na din sa sistemang hand to
mouth kung saan walang ipon at walang madudukot sa oras na may biglaang
gastos. Marami ding pinoy ang may ugaling bili dito, bili doon. May sapat at
sobra ngang kita ngunit nagkukulang pa din at kadalasan nangungutang pa
upang matustusan ang gastos.

Pera- hindi ito madaling kitain pero tila ba ang daling gastusin. Kung
tutuusin, sa tuwing gagastos ang isang tao at magtutuwid ng kung paano
niya kinita ang pera na gagastusin, marahil, magiging mahirap itong gastusin.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 6


Halimbawa, ang isang teacher ay nagtrabaho maghapon at kumita ng 500
pesos sa isang araw. Siya ay nagdesisyon na pakainin sa labas ang kanyang
pamilya at gumastos ng 1,000 pesos. Kung tutuwirin, and perang isang iglap
lang ginastos ay kinita ng dalawang araw na sakripisyo. Logically speaking,
hindi wais.

Ang pera ay maaring master or slave, depende sa tao kung paano ito
gagamitin. Halimbawa, gustong mong bumili ng isang mamahaling
cellphone. Ikaw ngayon ay magtatrabaho ng ilang panahon, marahil
madaming araw na may over-time, mag-iipon para makabili ng mamahaling
cellphone. Ngayon, para saan ba gagamitin ang cellphone? Luho o
pangangailangan ba? Pagkakakitaan mo din ba ito?
Dito dumadating ang punto na ang salapi ay nagiging master na ng isang tao,
siya na ang nagpapa-ikot at hindi nagagamit sa mas mainam na paraan.

Delayed gratification, yan ang isa sa mga bagay na mahalagang matutunan


ng isang pinoy para siya ay masabing wais. Dumating ang bonus mula sa
trabaho, ano ang unang gagawin sa pera? Dalawa lang iyan, gagastusin o
iipunin. Masama ba itong gastusin? Hindi, pero may tamang panahon para
ito ay gastusin. Kelan ang tamang panahon? Kapag may sapat ka ng ipon at
wala ka ng utang, iyan ang delayed gratification, maghihintay ka sa tamang
panahon.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 7


Ang ipon ay nagsimula pa sa ating mga ninuno. Noong unang panahon, sila
ay nagiimpok na para may magamit sa mga araw na kakailanganin nila ito.
Hindi pa man nauuso ang pera noon, ang mga ninuno natin ay natuto na
mag-ipon at katunayan, marami sa kanila ay may naiwang yaman sa kanilang
mga anak at salin-lahi. Isang bagay, disiplina. Noon, ang mga tao ay mataas
ang disiplina sa pag-gastos. Alam nila ang prinsipyo ng needs versus wants.
Ngunit sa panahon ngayon, maraming mga pinoy ang nauuna ang wants
kesa sa needs. One day millionaire ngayon, pulubi later. Marahil, hindi na
naituro sa salinlahi ang pag-iipon.

Ano nga ba ang ipon? Mayroon kang perang nakatabi, masasabi na ba itong
ipon? Ang ipon ay ang pag-iimpok ng pera na hindi gagastusin sa mahabang
panahon o mayroon pinaglalaanang mas malaking bagay katulad ng pagbili
ng bahay, kotse, lupa, pangnegosyo, etc. Ang isang simple at ordinaryong
tao ay may kakahayang mag-ipon.

Kung tutuusin, maski ang mga bata ay may kakayahang mag-ipon kung kaya
naimbento ang alkansya. Ito ay isang paraan para maturuan ang mga tao
mula sa murang edad na mag-ipon na ng pera. Kung naaalala mo noong ikaw
ay bata pa, sa araw ng pasko ay marami kang naiipon na pera at ito ay iyong
itatabi o marahil ay kukunin ng iyong magulang. Maaring ito ay magastos o
maipon.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 8


Kung kaya’t hindi ka pa nagtatrabaho ay may kakayanan ka ng mag-ipon.
Halimbawa, binigyan ka ng 100 pesos ng ninong mo, maglagay ng limitasyon
sa sarili kung magkano lang ang pwede mong gastusin. Partehin mo ang
iyong pera, ilang pursyento ang mapupunta sa iyong ipon. Para saan ang
iyong iniipon? Magkaroon ka ng goal upang matulungan mo ang iyong sarili
na maging disiplinado pag dating sa pera.

Sa kabilang banda naman, kung ikaw ay waldas na bata, mahihirapan ka


talagang mag-impok. Pero huwag mag-alala, may mga gabay na tutulong
sayo para ang pag-iipon ay maging easy lang sayo.

Ang pag-iipon ng pera ay mag-iimbak ka pa lamang, hindi pa ito ang pag-


papalago ng iyong pera. Masarap mag-ipon para sa future at may iba’t ibang
klaseng pag-iipon ang dapat mong matutunan. Alamin kung ano ang swak
sayo depende sa iyong personalidad.

II. Iba't -Ibang Klase ng Ipon

May iba’t ibang klase ng ipon, lahat ng tao ay mayroon pinaglalaanan ng


kanilang iniipon. Ito ay mahahati sa apat na klase.

Tuwing ikaw ay mag-iipon, dapat ay alam mo kung ano ang iyong


pinaglalaanan para alam mo din kung saan dudukot sa oras ng
pangangailangan. Alamin ang apat na klase ng ipon.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 9


Regular Savings

Ang regular savings ang madalas na pangunahing ipon ng mga tao.


Madaming pwedeng paglaanan ang regular savings, ito ay mga bagay na
kailangan sa pang-araw araw. Halimbawa na lamang ay savings para
makabili ng bahay at lupa. Regular savings din ang tawag sa ipon na nilalaan
sa pag-aaral, pagpapakasal, at pagkakasakit.

Halimbawa, ang magkasintahan ay darating sa panahon na magpapakasal


tapos ay magkakaanak. Ito ay pinaglalaanan ng ipon lalo’t sa mga taong may
balak mag-asawa at magpamilya. Ang edukasyon ay isang bagay din na
dapat na pinag-iipunan. Ang mga magulang sa kanilang anak ay tinutugunan
ang pangangailangang ito at dapat ay may tiyak na kahandaan.

Mga basic needs ang pinaglalaanan sa regular savings. Iyong mga gastos na
tiyak darating sa buhay ng isang tao, mga pagkakataong hindi maaring
pigilan pero maaring paghandaan. Ang pagkakasakit ay isang gastos din na
dapat ay pinaglalaanan sa regular savings. Ang pagkakaubo o trangkaso ay
hindi mga biglaang pangyayari na dapat ay may nakalaan na regular savings
para doon. May mga pagkakasakit na nangyayari ng hindi biglaan o yung
mga sakit na karaniwang dumadapo sa isang tao, maituturing itong regular
na gastos.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 10


Ano ba ang goal mo ngayon? Tukuyin mo kung anong gusto mong paglaanan
ng iyong ipon. Kung gusto mong bumili ng bahay, paglaanan mo ito. Sabihin
na nating nagkakaipon ka na para sa bahay, ngayon, may dumating na
pagkakataon at may biglaang nagbebenta ng kotse sayo sa murang halaga at
dahil doon, gusto mong bilin ito.

Sa tingin mo, maari mo bang gamitin ang iyong regular savings na nakalaan
sa bahay para ipambili ng kotseng ito? Ang kasagutan, hindi. Ang pag-iipon
ay isang paraan ng pagdidisiplina ng isang tao. Sa usaping pera, maraming
pinoy ay nawawalan ng disiplina.
May mga biglaang gastos na dumarating at ang kadalasang nagagamit ay
ang regular savings o kung minsan naman ay nauuwi sa pagkakautang ng
malaki. Kung kaya’t may pangalawang klase ng ipon, ito ay ang emergency
fund.

Emergency Fund

Ang emergency fund naman ay nakalaan sa mga bagay na dumadating ng


biglaan. Ang pagpapakasal, panganganak, pagpapabinyag, paghahanda sa
birthday o debut, anniversary, pagpapagamot, pagaaral, at pagluho ay hindi
maituturing na kabilang sa mga gastos sa emergency fund.

Ang maituturing na emergency ay mga bagay katulad ng biglaang


pagkakasakit katulad ng cancer, aksidente, at mga bagay na bunga ng lindol,
hindi inaasahang kalamidad, at biglaang pagkamatay.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 11


Ang mga biglaang oportunidad na katulad ng nabanggit sa regular savings ay
maaring maituring na kabilang sa emergency fund.

Halimbawa, may nag-alok ng kotse sa murang halaga ngunit wala naman sa


iyong listahan ito ng regular na pinag-iipunan, kung mayroon ka namang
emergency fund ay maari mo itong galawin ngunit mayroon kang mga bagay
na ikokonsidera. Isa sa mga bagay ay kung magkano ang iyong emergency
fund, baka naman maubos ito sa iyong biglaang gastos. Pangalawa, kung ang
oportunidad ba ay makakatulong sayo sa pang-araw araw mong buhay o
makakadagdag sa panghanap buhay mo, o baka naman maging karagdagang
gastos lamang. Karaniwan, ang emergency fund ay para sa mga pagkakataon
talagang hindi inaasahan, mga bagay na hindi maiiwasan pero posible palang
mangyari sayo.

Leisure or Walwal Fund

Lahat naman ng tao ay may luho na nagbibigay ng kakaibang satisfaction sa


buhay. May iba’t ibang klase nga lang ng luho. Masama ba ang mag-luho.
Depende. Ang luho ay maituturing na karagdagang gastos, kung may
panggastos naman para dito ay walang masama. Ngunit, kung ang luho ay
nakikiagaw pa sa iyong panggastos sa pang-araw araw, ito ay nagdudulot na
ng hindi maganda sa isang tao o pamilya.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 12


Halimbawa, ikaw ay nagsisigarilyo, may mga pagkakataon na kahit wala ka
ng pera ay maninigarilyo ka pa rin, ang kadalasang nangyayari ay imbes na
maging savings na ang pera ay napupunta pa ito sa luho. Kung may regular
na ipon ka, pwede ka ring maglaan para sa iyong walwal fund. Hindi naman
bawal o hindi masama ang mag-luho ngunit siguraduhin lang na
natutustusan mo ang iyong pang-araw araw na pangangailangan kasama na
ang iyong pamilya at may regular savings na din na maituturing.

Bukod sa paninigarilyo, ang pag-inom, pagsugal, pag-gala, pag-outing,


panonood ng sine, pag-babakasyon, pag-shopping, pagkain sa labas ay
maituturing na luho. Itong mga bagay na ito ay hindi bawal ngunit may
tamang panahon at dapat ay pinaglalaanan din ito ng ipon. Huwag puro
walwal, wag “travel now, pulubi later”, magtabi muna para sa regular
savings at emergency fund. Ang luho ay pwedeng pag-laanan basta alam
lang ang priority sa buhay.

Ano mang bagay na hindi sakop sa pang araw-araw na gastusin na


nakakapagbigay ng kasiyahan sa isang tao na pinaglalaanan ng gastos ay
maituturing na luho. Halimbawa, magpapabirthday party ka sa unang taon
ng kaarawang ng iyong anak, maituturing itong luho kung kaya ay kailangan
ito ay iyong paglaanan. Walang masama sa luho basta tiyakin lamang na may
panggastos para dito, hindi dapat manggaling sa ibang tao o sa utang.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 13


Investment Fund

Ang huling klase ng ipon ay ang investment fund. Ano mang bagay na may
posibilidad na kumita ay maituturing na kabilang sa investment fund.
Halimbawa, ang sasakyan na inalok sayo sa murang halaga, pwede itong
maging asset sayo kung ito ay iyong pagkakakitaan. Karaniwan na sa mga
entrepreneurs ang mayroon ipon para sa investment fund.

Sa mag taong may experience na sa pagnenegosyo, importanteng mag-


impok para sa susunod na kanilang inenegosyo. Ang mga taong may thinking
ng pagiging negosyante ay iba ang diskarte. Sila ay nag-iipon para sa isang
investment na magpapalago ng kanilang pera.

Ang pera naman na kikitain ay hindi nila gagastusin ngunit iinvest lang muli
ito sa isa na namang bagong negosyo. Sa pangkaraniwang tao, kapag kumita
ay ipanggagastos na lamang ito imbes na ilaan sa investment fund.

Halimbawa, sa iyong bahay ikaw ay nagtitinda ng yelo. Saan mo inilalaan ang


pagbibilan ng yelo? Hindi ba sa pambayad ng kuryente at tubig? Ang
nangyayari parang hand to mouth ang iyong negosyo. Nagnenegosyo ka
para tugunan ang pang-araw araw na gastos. May mali dito. Maaring ang
iyong munting negosyo ang sagot sa iyong pang-araw araw na gastos ngunit
kung ang sistemang ito ang iiral, hindi lalago ang iyong negosyo. Ang
negosyo mo ay hanggang ganun na lamang.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 14


Pwede namang tugon ito sa pang-araw araw mong gastos ngunit tiyakin na
may naitatabi para sa investment fund.

Halimbawa sa pagnenegosyo mo ng yelo ay kumikita ka ng 200 pesos isang


araw, itabi mo ang 50 pesos kada araw para sa iyong susunod na negosyo.
Kung mayroon mang mga panahong matumal ang negosyo ng iyong yelo,
mayroon ka pang isang negosyo na maari mong pagkuhaan. Ngunit ito ay
mangyayari lamang kung ngayon pa lang ay may naitatabi na para sa iyong
susunod na negosyo.

Ugaliing mag-impok para sa investment fund. Masarap ang may active


income ngunit iba ang may passive income. Maari mong maitawid ang
pangangailangan ng iyong pamilya sa pang-araw araw sa active income,
ngunit ang passive income kung saan ay makukuha mo sa mga investments
ay makakatulong sa iyo ng malaki.
Ano mang liit ng iyong negosyo ngayon, maaring ito ay pagtitinda ng yelo,
sari-sari store, o e-load ay walang hadlang na ito ay lalago kung nag-iipon din
para sa iyong investment fund.

Maraming pinoy ang madiskarte sa buhay, dalawa, tatlo, minsan ay higit pa


ang kabi-kabilang trabaho ngunit ano mang sipag ng isang tao, hindi sapat
kapag walang ipon lalo na para sa investment fund.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 15


III. Paraan Ng Pag-iipon

Mahirap mag-ipon ngunit may paraan para ito ay mapadali. Bago natin pag-
aralan ang mga paraan ng pag-ipon, may mga bagay na dapat mong pag-
aralan.

Una, marunong ka bang mag-budgeting? Sa tuwing ikaw ay sasahod, ano


ang una mong ginagawa sa iyong pera? Ikaw ba ay lustay na tao o matipid?
Pag-aralan muna natin ang budgeting.

Ito ay isang term kung saan ay pinaparte-parte mo ang iyong kita. Isulat ang
mga klase ng iyong pinagkakagastusan versus sa iyong kinikita. Sapat ba?
May sobra ba? O kulang ba? Ano nga ba ang iba’t ibang klase ng iyong
pinagkakagastusan kada sasahod ka. Bahay, kuryente, tubig, internet bill,
pagkain, vitamins, maintenance, baon, at kung ano pa. Ugaliing maglista ng
iyong pinagkakagastusan.

Alamin kung anong bahagi ang pinakamalaking pinagkakagastusan. May


naiipon ka ba mula sa sahod mo o hand to mouth palagi?

Ikaw ba ay nabibilang sa mga taong takot sa katapusan ng buwan dahil sa


dami ng bills at due date? Nahihirapan ka bang mag-ipon dahil kadalasan ay
sapat lang? Maraming pinoy ang maraming reklamo sa pagtaas ng bilihin
ngunit ang sahod ay pareho pa rin.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 16


Isa sa mga pwedeng gawin ay bawasan ang pag-gastos. Alamin kung ano sa
mga gastos mo ang kadalasang mataas, i-adjust ito ayon sa iyong budget.

Mahalaga na may naitatabi, maliit man ay pwede na itong pangsimula. Ito


ang mga paraan ng pag-iipon na magagawa mo sa bahay. Hindi naman
kailangan kaagad na mag-impok sa banko. Kahit sa iyong bahay, magagawa
mo ang pag-iipon, kailangan lang ng paraan.

Alkansya

Una ay ang tradisyunal na pag-ipon ng pera sa alkansya. Ano mang sisidlan


ay maaring magsilbing alkansya. Maaring pinagbasyuhan ng polbo, gamot,
mineral water, o kahit sa isang maliit na kahon. Siguraduhin lang na ang
iyong alkansya ay malinis. May tatlong paraan ng pag-iipon sa alkansya:

1. Ipon kapag may sobra

Ang mga pinoy ay nasanay na kapag may sobrang barya ay inilalagay


sa alkansya. Bata palang ay tinuturuan na mag-alkansya. Ngunit isa sa
mga hindi naituro ay ang disiplina sa pag-alkansya.
Bata pa lang din ay naituro na ang pagdukot sa alkansya, hindi man ito
intensyong ituro ay naituro ito sa mga bata. Ang pag-aalkansya ay
isang mabisang paraan ngunit dapat may kaakibat itong matinding
disiplina.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 17


2. Ipon kada araw o linggo o buwan

Narinig mo na ba ang challenge ng pag-iipon. Ito ay mag-iipon ka


depende sa iyong naising paraan. Sa mga estudyante, mabisa ang daily
ipon challenge kung saan mag-iipon kada araw. Magsimula sa pa-lima
lima hanggang sa nadadagdagan na ito kada-araw. Pwede rin iyong
incremental o may dagdag na halaga kada araw. Halimbawa, unang
araw ay piso lang, sa pangalawang araw ay dalawang piso, hanggang
sa lumaki na ng lumaki. Mag-goal ng kayang abutin.

Halimbawa ang baon mo kada-araw ay 100 pesos, mag-ipon ng kahit


lima o sampung piso kada-araw. Malit man o malaki, ang importante
may ipon. Kung madami kang goal, dapat madami ka din lalagyanan.
Halimbawa, bilang isang estudyante ay maraming gustong
pagkagastusan katulad ng bagong cellphone, pag-aaral, at pang-travel.
Kung gaano kadami ang goals mo ay dapat ganoon din kadami ang
pag-iipunan mong lalagyan. Sa mga nagtatrabaho naman, kinsenas at
katapusan ang kadalasang sahod kung kaya ay magipon ayon sa dating
ng iyong sahod.

Halimbawa, kada sahod, mag-tabi ng pursyento nito, 10 pursyento ay


para sa emergency fund, 10 pursyente sa savings fund, 10 pursyento

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 18


para sa leisure fund, at 10 pusyento para sa investment fund. Maari
mo itong laruin depende sa goals mo. Kung may negosyo ka naman,
maglaan ng malaking pursyento para magkaroon ng panibagong
negosyo. Halimbawa, kada linggo ay kumikita ang iyong negosyo,
maaring kalahati sa kita ay iyong itabi na.

3. Ipon ng invisible bill


Mayroon naman nauso na tinawag na “the invisible bill”. Ito ay pagpili
ng isang perang papel, halimbawa napili mo ay 100 pesos. Lahat ng
100 pesos mo na kikitain ay iyong iipunin at ituturing itong invisible.
Halimbawa, ikaw ay namalengke sa supermarket, sinuklian ka ng 900
pesos o ng siyam na tig 100 pesos. Lahat ng siyam na 100 pesos na ito
ay iyong iipunin sa alkansya. Siguraduhin lamang na may tamang
paglalaanan para dito.

Paluwagan

Pamilyar na sa pinoy ang paluwagan, ngunit mataas ang risko nito kesa sa
pag-aalkansya. Ang paluwagan ay isang paraan ng pag-iipon ngunit
karaniwan ito ay nagiging pabigat sa buhay ng isang tao. Ito ay isang uri ng
bayanihan sa mga pinoy.

Magbubuo ng isang grupo kung saan ay magkakakilala, maaring


magkakapamilya o magkakapitbahay. Ang grupong mabubuo ay may
pagkakaunawaan. Ito ay mataas ang risko sapagkat para itong sugal.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 19


Halimbawa, may 10 katao sa isang grupo na nabuo, magpapaluwagan o
mag-aambagan ang 10 taong ito para makalikom ng pera.

Halimbawa, kada tao ay magbibigay ng 50 pesos kada araw, makakaipon ng


500 pesos kada araw at sa loob ng isang lingo ay makakaipon ng 2500 pwera
ang sabado at lingo. Mula sa perang naipon kung saan ay 2500, may isang
taong kabilang sa paluwagan ang sasahod. Makakatanggap siya ng 2500.

Ang proseso ay uulitin sa susunod na lingo, mula lunes hanggang byernes ay


maghuhulog ng 50 pesos ang kada tao na kasali. At sa sabado, may isa ulit na
sasahod. Ang proseso ay uulitin ng sampung beses dahil sampu din ang
kasali hanggang sa matapos ang paluwagan. Ang kalamitan lamang na
nagiging problema sa paluwagan ay kapag nag-ayawan na at ang iba ay hindi
pa sumasahod. Dapat ay may pagkakasundo sundo ang magkakagrupo
upang maiwasan ang pagkakaroon ng lamangan.

May mga paluwagang may cash bond, parang ito ang kasiguraduhan na
hindi aatras ang kasali. Halimbawa, may cash bond na 1000 pesos at kapag
umatras ang halaga ay hindi na mababawi at kada tao naman na sasahod ay
kakaltasan ng 1000 pesos. Sumakatuwid, ang cash bond ay nagiging 2000
pesos na. kailangan lamang ay may magandang usapan at sistema para
maiwasan ang ano mang dayaan sa paluwagan.

May ilan ding paluwagan na ginagamit ang cash bond para ipautang,
nagiging mas komplikado lamang at tumataas ang risko. Para itong isang
cooperatiba na nagtutulungan na mapalago ang kanilang munting salapi.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 20


Basta may disiplina ay malaking tulong ang paluwagan, lalo na kung ang
sasahurin na pera ay gagamitin upang lalo itong lumago.

IV. Balakid Sa Pag-iipon

Ang disiplina ang isa sa mga dahilan para magtagumpay sa pag-iipon ngunit
sa kabila ng alam ito ng mga tao, marami pa ring pinoy ang hindi
nagtatagumpay. Maraming dahilan o balakid, alamin ang mga ito at baka
ilan dito ay iyong balakid din sa pag-iipon.

YOLO

“You only live once”, yan ang kadalasang sinasabi ng kabataan, maging ng
mga professionals. Isang beses ka lang mabubuhay, minsan ka lang bata,
gawin mo na kung ano makakapagpasaya sayo dahil maikli lang ang buhay.
May katototohanan naman iyan, ang nagiging problema lang ay nakatuon
masyado ang karamihan sa mga pinoy sa usaping YOLO pag dating sa mga
bagay na may kinalaman sa kasiyahan. Ang nakakalungkot ay nakakaligtaan
ng maraming pinoy ang tunay na ibig sabihin ng YOLO. Yung minsan ka lang
magkakaroon ng pagkakataong mag-ipon ng maaga, bakit hindi mo pa
simulan.

Masarap nga naman kasing gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo,
sabi nga nila, memories are priceless.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 21


Ngunit, hindi ba mas masarap gawin ang mga bagay bagay ng wala kang
iniintinding mga gastusin, mga bills na naiwan mo sa bahay na sa iyong
pagbalik ay dapat mo pa ring bayaran, mga utang mo sa credit card na
ginamit mo na pang-YOLO mo.

Mas masarap mag YOLO kapag ikaw ay may sapat na ipon at walang utang.
Hindi imposible, isantabi muna ang mga YOLO moments mo at umpisahang
mag-impok.

Ang YOLO ay pang social media lang, pang happy memories na hindi mo
alam kung hanggang kelan mo mararamdaman, pero ang pag-iipon habang
maaga ay pang-long term. Yung mga YOLO na pinapangarap mo lang ay unti-
unti mo na palang nagagawa ng walang inaalalang utang pala ang
pinangtustos mo o pangbayad mo pala sa kuryente ang pinagkakape mo sa
isang mamahaling kainan. YOLO- you only lived once so ipon ipon muna para
may pang YOLO sa future.

Wants

Sa tuwing ikaw ay nagpupunta sa supermarket, lahat ba ng laman ng iyong


push cart ay pangangailangan? Suriing mabuti ang laman ng iyong push cart,
kung kailangan ay hayaan lang, ngunit kung sa tingin mo ay pang-porma
lang, sandali, ipon muna bago feeling rich.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 22


Walang masama sa pagporma o pagbili ng mga wants ngunit kapag ito ay
nakakaapekto na sa iyong budget, mag-isip muna bago bumili.

Sa mga may credit card naman, hinay hinay sa pag-kaskas. Ang dalawa, tatlo,
apat na kaskas kapag pinagsama, lumalaki sa oras na ng end of the month.
Isa ka din ba sa mga hindi takot sa end of the world, pero takot sa end of the
month? Suriin ang iyong ginagastos, baka naman pwedeng sa bahay ka na
lang kumain imbes na sa isang mamahaling restaurant na tipong ang isang
bill ay katumbas na ng isang linggo ninyong pagkain.

Tandaan, hindi masamang paminsan minsan ay bumili ng iyong wants, basta


may budget para dito. Kung may credit card, maging maingat sa pag-gamit,
imbes na nakakaipon ay ang pera naitatapon. Sale dito, sale doon, kaskas
dito, kaskas doon. Huwag magpabiktima sa iyong wants, ano mang bagay
ang nakaharap sa iyo, kapag buo ang loob mo na hindi bumili ay hindi ka
bibili. Isiping mabuti ang iyong pagkakagastusan, ang wants ay panandalian
kang mapapaligaya pero ang ipon, sagot sa iyong future.

Life Goals o Bucket List

Pumunta sa Thailand at sumakay sa elepante, mamasyal sa Disneyland,


umattend ng concert ng paborito kong K-pop, magtravel kasama ang
barkada, umakyat sa bundok kasama ang squad, magpakasal sa beach, at
marami pang ibang gusto mong gawin sa buhay.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 23


Maraming pinoy ang may bucket list, ito ay isang listahan kung saan
nilalagay ang mga gustong gawin ng isang tao bago siya mamatay.

Minsan ito ang umuubos sa pera ng isang pinoy. Gustong pumunta sa


boracay, mag-oovertime hanggang mamatay. Dalawa, tatlo o higit pa ang
trabaho para lang sa pinapangarap na scuba diving sa Palawan. Pati
pagtitinda ng kung ano ano pinasok na, mistulang isang department store
ang dala sa tuwing papasok sa opisina para lang sa pang-awra.

Maraming pinoy ang matikas magtrabaho dahil may gustong marating o


gawin na kasama sa kanilang life goals. Hindi ito masama, bagkos
nakakatulong ito para makaipon ngunit, karamihan lang ay inuuna ang life
goals, must-have or ang bucket list.

Kayod dito, kayod doon, over-time, kayod kalabaw, walang tulog, walang
kain, tipid na tipid para lang matugunan ang bucket list. Travel pa more, ipon
no more. Yan ang masaklap na katotohanan, madaming taong nagiging
biktima ng ganitong sistema. Panay ang pasyal, post sa Facebook ngunit ang
pinangbayad pala sa ticket sa eroplano ay utang.

Yung ilang araw na pagsasaya, ilang linggong pagbabayaran ng pagdurusa.


Life goals o bucket list man yan, makakapaghintay sa tamang panahon kung
ikaw ay may sapat ng ipon.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 24


Lifestyle

Ang lifestyle ng isang tao ang kadalasang kumukunsumo ng kanyang


kabuyahan. Maraming pagkakataon na mahirap ibaba ang lifestyle o
mapanatili ito sa kabila ng pag-angat sa buhay. Halimbawa, dati ang kinikita
mo lamang ay 500 pesos a day, makalipas ang ilang taon, kumikita ka na ng
1500 pesos a day. Kung tutuusin ay dapat mayroon ka ng ipon dahil 1000
pesos ang nadagdag sa iyong sahod. Ngunit, ang nakakalungkot, pati ang
lifestyle ay tumataas din.

Dati rati ay sapat na ang simpleng ulam, ngayon puro padeliver o kaya kain
sa labas na ang ginagawa. Ito ang kadalasang pumapatay sa pamilyang
pinoy, hand to mouth pa din. Mistulang naging isang rat race,
nakikipaghabulan sa buhay ngunit habang buhay pa ring rat kahit anong laki
ang sinasahod. Nakakalungkot na ito ang kinahantungan ng mga pinoy,
papasok sa trabaho araw-araw, makikipagsisikan sa pag-commute, uuwi,
matutulog, paulit-ulit araw araw. Maghihintay ng araw ng sahod, gagastos,
at walang matitira para sa ipon. Ganun lang ng ganun ang buhay, paulit-ulit
na walang kinakapuntahan.

Ang lifestyle pataas ng pataas, ang ipon, pakaltas ng pakaltas. Mahirap


gawin pero marapat na ang lifestyle manatili mababa sa kinikita ngunit mas
madalas na ang lifestyle ay mas mataas sa kita.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 25


Looking rich pero sa likod noon ay wala nang laman ang pitaka. Sa unang
linggo ng sahod, nakukuha pang mag-taxi, mag-grab, mag-kape ng mahal,
mag buffet, mag-hotel, at iba pa, pag petsa de peligro na, sardinas na lang
ang kayang bilhin ng laman ng bulsa. Masakit na katotohanan, isang buwang
pinaghirapan, saglit lang sa pinaglalaanan.

Kamag-anak Needs

Pag dating sa pamilya, malaki ang puso ng pinoy. Kadalasan sa mga pinoy
kahit na nag-asawa na ay sa magulang pa rin tumitira. O kaya naman, sa
pamangkin, ang nag-papaaral ay si tita. Karaniwan na itong nangyayari sa
pamilyang pinoy.

Ang responsibilidad ng isa ay inaaasa sa iba. Isang dahilan ay ang pagiging


mapagbigay ng pinoy sa kapamilya. Yung tipong isusubo na lang ay ibibigay
pa sa iba. Ang ending, si ate na nagpaparal ng pamangkin ay walang ipon.
Walang masama sa pagtulong ngunit minsan ay nagiging hadlang ito para
hindi makasimulang mag-ipon. Tila ang mga pamilyang pinoy ay sanay na
sumapo sa responsibilidad ng isa sa kapamilya.

Masarap tumulong ngunit sa isang banda, ang kapamilyang nagiging i-


responsible ay lalo lang nalulugmok sa pagiging i-responsable.

Imbes na matulungan mo ang iyong kapamilya ay lalo mo lang siyang


inilulugmok at hindi nagiging independyente sa buhay.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 26


Ang sistemang ito ay karaniwan na sa pinoy ngunit dapat itong matapos.
Ugaliing limitahan ang pagtulong sa kapamilya, kung ikaw ay may sarili ng
pamilya, bumukod at mag-ipon para sa future ng iyong sariling pamilya.
Kung ang iyong kapamilya naman ay umaasa sayo, sabi nga, teach a man
how to fish. Kung patuloy lang ang pagsustento mo sa iyong kapamilya, hindi
ka nga makakaipon at hindi mo din sila tinuturuang mamuhay sa sarili nilang
paa. Maaring sabihan kang madamot, maigi na kesa ang ipon mo ay
kakarampot at sa oras ng pangangailangan ay wala kang madampot.

Bigyan ng limitasyon ang pagtulong, ang pinakamagandang gawin ay


turuang maging responsible ang iyong kaanak, hindi pera ang sagot sa
pagtulong.

V. Bakit Kailangan Mag-ipon

Mag-ipon ka para pag dating ng panahon, may madudukot ka, yan ang
kadalasang payo ng matatanda noong tayo ay mga bata pa. Marahil, hindi
yan madaling maintindihan noong ikaw ay musmos pa lang. Ngunit ngayon,
napakasimple lang pala ng mga salitang iyan, simple pero malalim ang
kahuluguhan at kahalagahan. Bakit nga ba tayo pinag-iipon ng pera ng mga
matatanda o ng ating mga magulang? Kapag nag-ipon ka ba ay magiging
milyonaryo ka na?

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 27


Ang pag-iipon ay hindi lang basta para yumaman ka, may mas malalim pang
mga dahilan kung bakit. Kung hindi mo pa rin matagpuan ang iyong sarili na
mag-iipon ng pera sa mga darating na araw, alamin ang mga dahilan na ito.

Biblical ang Pag-iipon

Ang pag-iipon ay mababasa mismo sa Bibliya, matatagpuan ito sa Proverbs


6:6-8 kung saan ginawang halimbawa ang gawi ng mga langgam.

“Proverbs 6:6-8 KJV. Go to the ant, thou sluggard; consider her ways, and be
wise: Which having no guide, overseer, or ruler, Provideth her meat in the
summer, gathereth her food in the harvest.”

Ang mga munting langgam nga naman, walang nagtuturo sa kanila para
mag-ipon, wala silang financial coach, o sino pa man na gumagabay sa
kanila. Hindi ka pa ba nakakita ng hilera ng mga langgam tuwing tag-init
kung saan may mumunti din silang bitbit at patungo kung saan dala ang ano
mang kanilang mapulot sa daan. Ito ay ang panahon ng kanilang pag-iimpok.
Obserbahan mo ang mga langgam, kapag may nahulog kang pagkain,
makalipas ang ilang sandali, may mga langgam na susugod para kuhanin ang
mga ito. Sila ay marunong makakilala ng oportunidad sa buhay, alam nila
kung kelan sila mag-iimpok upang pagdating ng panahon ng tag-lamig ay
hindi na nila kinakailangan pang makipagsapalaran sa labas para maghanap
ng pantawid gutom nila.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 28


Ang mga langgam din ay may magandang sistema, may pagtutulungan,
mapapansin na lahat sila ay kumikilos para sa kanilang kinabukasan. Maliit
mang maituturing ngunit may magandang mensahe silang itinuturo sa atin.
Daig pa ba tayo ng langgam, sila alam nila kung bakit sila nag-iimpok, ang
mga tao kaya?

Dahil Wais ang Nag-iipon

Nakakabilib ang utak ng mga pinoy, maraming malikhain at matatalino


ngunit, wais daw ang pinoy na may ipon. Ano mang galing ng isang tao kung
wala naman siyang ipon, nababaliwala ito. Isipin mo, nagtatrabaho ka
maghapon at sa isang iglap pagdating ng araw ng sahod ay gagastusin lang
lahat ang sweldo, paanong masasabing wais ang pinoy kung ganitong
kagawian na ang patuloy na ginagawa. Ayon sa iba, may susunod pa namang
sahod, doon na lang mag-iipon. Ang wais na pinoy, nag-iipon gaano man
kaliit o kalaki ang sahod.

Para May Pangtustos sa Future

Ang kinabukasan ng isang tao ay hindi nadedetermina sa kanyang galing,


edukasyon, o yaman ng pamilya. Ang future ng isang tao ay masisiguro kung
may ipon. Ang pag-iipon ay maaring simulan habang maaga, kahit bata pa
ang isang tao o nag-aaral pa lang ay maaari na mag ipon para sa future.
Tiyak naman na isang araw ay magkakaroon ng desisyon ang isang tao na
mag-asawa, magpamilya, at bumili ng ari-arian katulad ng bahay at kotse.
Kasama na din ang kagustuhan na magkaroon ng sariling negosyo.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 29


Lahat ng ito ay maaring makamit kapag may ipon ka. Kahit gaano
kapursigido ang isang tao sa pagtatrabaho, kung walang naitataibing ipon,
ay parang balewala ang sikap nito sa pagkayod. Ugaliing magtabi kahit
pakonti konti para sa future. Ang pagiging hard-work ng pinoy ay
napakagandang karakter nito, samahan ito ng pag-ipon para ang pagod ay
may katapat na sarap sa tamang panahon.

Dahil Darating ang Panahon ng Emergency

Ang emergency ay dumadating sa pagkakataon na walang nakakaalam.


Kadalasan itong may kaakibat na gastos. May biglaang nagkasakit ng
malubha sa pamilya, walang madukot dahil walang ipon. May biglaang
naaksidente o nasunugan, walang ipon, mahirap kapag dumadating ang mga
panahong ito.

Ang mga taong may inborn na sakit ay dapat nag-iimpok na para sa


emergency. Katulad ng diabetes, ano mang panahon ay pwedeng
humantong sa pagkakaopera marahil maputulan ng paa, o mabulag kung
kaya dapat ay may emergency fund para dito. Kahit ang mga taong walang
tiyak na karamadaman ay dapat may emergency fund, katulad halimbawa ng
magpapamilya, dapat may regular savings para sa panganganak. Ngunit
dapat may nakatabi ding emergency fund sakaling biglang
magkakomplikasyon.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 30


Sino mang tao ay hindi tiyak ang kahandaan sa emergency at wala ding
taong gustong magkaroon ng emergency sa kanilang buhay. Ngunit iba ang
may ipon, may madudukot sa panahon ng emergency. Halimbawa,
karamihan sa ospital sa Pilipinas ay hindi tumatanggap ng pasyente na
walang deposit sa kabila ng pagbabawal nito ay mayroon pa din lalo na sa
mga pribadong ospital. At ang karaniwang nagiging sanhi ng pagkakamatay
ng isang taong nasugod sa ospital ay iyong walang gustong tumanggap dahil
walang deposit. Yan ang masakit na katotohanan, maraming pinoy ang hindi
handa sa oras ng emergency, kahit mismong sa mga sakuna katulad ng
bagyo.

Ang bagyo, taon taon ay dumadating naman sa Pilipinas sa pagitan ng Hunyo


hanggang Octobre, ngunit madami pa ring pinoy ang hindi naghahanda para
dito. Ang emergency ay darating sa buhay ng isang tao, kung kelan ay
walang nakakaalam kung kaya ugaliing mag-impok para dito. Iba ang handa
sa oras ng sakuna, kapag mag sinuksok ay mayroon ding madudukot.

Para sa Investment

Ang pag-iipon ay hindi lamang sa pangangailangan ngunit para din sa mga


opportunidad na maaring dumating sa iyong buhay. Maraming pinoy ang
gustong magnegosyo, kaya lang isa sa hadlang ay ang hindi pagkakaroon ng
sapat na ipon para sa puhunan. Lahat ng negosyo ay kailangan may
puhunan.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 31


Kung may plano kang mag invest at magnegosyo, umpisahan mo ng mag-
ipon ng pera. Turuan din ang mga anak na mag-ipon para sa pagpapalago ng
pera imbes na para sa pang-luho. Tandaan na ang mga bagay na
natututunan ng mga bata sa maagang panahon ay kanila ding kakalakhan at
madadala sa kanilang pagtanda. Kung ang bata ay naturuan mag-ipon para
sa pagpapalago ng kanyang pera ay tiyak may maganda siyang future.
Ngunit kung ang bata ay naturuan na mag-ipon para ipambili ng isang bagay,
laruan, o pangpasyal, tiyak ay kakalakhan niya ito.

Walang tamang edad sa pagnenegosyo, kahit bata pa sila ay pwede na silang


mag-invest para sa kanilang future. Masarap iyong pagtanda ng iyong anak
ay may sarili na itong pera, sa oras ng kanyang paghahanap ng trabaho ay
mayroon na siyang ipon na maari niyang pansimula sa pagnenegosyo.

Walang maliit, walang malaking ipon, ang importante ay matutong mag-ipon


para sa investment at business opportunity. Kung ano ang natututunan ng
bata tungkol sa pag-iipon ay siya ring magiging values niya pagdating sa
financial management. Basahin ang simpleng kwentong ito:

Isang araw may nagbigay ng pera kay Juan, ang kanyang tita na galing ng
States ay nag-abot sa kanya ng 10,000 pesos. Gustong gusto ni Juan bumili
ng cellphone katulad ng sa kaniyang mga kaklase. Ngunit naalala niya ang
turo ng kanyang tatay minsang sila ay nag-aararo sa bukid.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 32


Juan: Tay, naka-ipon na po ako ng 1,000 pesos mula sa aking baon sa loob
ng 3 buwan katulad po ng sabi niyo. Naalala niyo po ba na sabi niyo po ay
bibigyan ninyo ako ng isang karamput na lupa upang aking pagtaniman
kapag ako ay may ipon na.

Tay: Oo anak, sapat naman na ang 1,000 pesos para sa karampot na


puhunan. O sige, bibigyan na kita ng sarili mong lupa na pag-sasakahan.

Juan: Salamat itay, gusto ko po talagang mag-negosyo dahil iyon ang turo
niyo sa akin noong bata pa lang ako. Kaya nga po bilib din ako sa inyo na
napalago ninyo ang ating sakahan sa pamamagitan ng pagsisikap ninyo at
naka-ipon pa po kayo para sa pag-aaral naming at sa pagpapatayo natin ng
bahay.

Tay: Mabuti naman anak at natutunan mo iyan. Ano pala ang gagawin mo
sa anihan, kapag napalago na ang iyong 1,000 pesos?

Juan: Ang kikitain ko po ay akin muling ipupuhunan, magkano po ba ang


kailangan ko para makabili ng karampot na lupa na aking pwedeng sakahan
pa?

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 33


Tay: Sa halagang 20,000 pesos ay pwede ka na bumili ng maliit na sakahan,
maliit man pero magandang simula na iyan anak.

Lumipas ang panahon at dumating ang anihan, kumita si Juan ng 15,000


pesos mula sa lupa na ibinigay ng kanyang ama sa puhunan niyang 1,000
pesos. Ngayon ay mayroon na siyang 25,000 pesos mula sa kita niya at sa
ibinigay ng kanyang tita mula sa States. Dali dali humangos si Juan sa
kanyang ama na walang pagdadalawang isip. Ibinigay niya sa kanyang ama
ang halagang 25,000 pesos, ang 20,000 pesos ay para sa pambili ng lupa na
kanyang sasakahan at ang 5,000 pesos naman ay para sa puhunan niya
dito. Hindi nagdalawang isip si Juan na i-invest ang kanyang pera, nasa isip
niya na ang cellphone na gusto nya ay maari naman niyang mabili sa
tamang panahon na mayroon na siyang magandang kita o kapag ito ay
kanyang kakailanganing talaga. Lumipas ang panahon, nagkaroon na si
Juan ng malaking sakahin ngunit hindi pa din niya nabili ang cellphone. Pero
sa loob ni Juan, masayang masaya siya na naging tama ang kanyang
desisyon. Nakikita niya ang kanyang mga kaklase na may bagong cellphone
kada anihan, at siya ay wala ngunit masaya siya dahil may ipon siya para sa
kanyang future. Kahit 10 cellphone ay kaya na niyang mabili para sa
kanyang sarili ngunit hindi natagpuan ni Juan ang kanyang sarili na
magiging Masaya mula doon dahil hindi naman iyon ang kanyang financial
values.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 34


Para sa Leisure

Lahat naman ng tao ay may luho. Iba’t ibang klase nga lang ang luho, ano
mang bagay na hindi kasama sa pangunahing pangangailangan ng tao na
nakakapagbigay kaligayahan ay matatawag na luho. Ang mga sumusunod ay
halimbawa ng luho:

Pagkain sa mamahaling restaurant. Maituturing itong luho dahil pwede


namang gawin ito sa bahay. Masama ba pagkain sa mamahaling restaurant?
Hindi, basta may sapat na ipon na nakalaan para dito. Masarap kumain sa
buffet paminsan minsan, basta may pera ka naman para doon. Marami
kasing tao ang kumakain sa mamahaling restaurant tapos pag dating sa
bahay, isang linggong sardinas na lamang ang ulam. Naging Masaya ng isang
araw, pero isang linggong dusa naman ang katumbas. Kung kaya namang
magtiis para dito, at minsan sa isang buwan ay pwede naman. May
naipopost nga sa social media na picture ng masarap at mamahaling kape,
pero pag-uwi naman sa bahay, walang bigas na maisasaing. Happy now,
suffer later. Matutong mag-ipon para sa pangkain sa labas, at huwag galawin
ang perang hindi naman para dito.

Paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay isang luho, ngunit karamihan sa mga


taong naninigarilyo ay nagsasabing pangangailangan nila ito. Isa daw itong
paraan para magpagpag ng stress. Kung tunay nga itong pangangailangan,
bakit marami pa ring tao ang hindi naninigarilyo sa kabila ng madaming

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 35


stress sa buhay. Isa itong luho na pwede namang iwasan, marahil mahirap
pero kapag iyong naiwasan ay malaki ang iyong matitipid at magiging mas
maganda din ang iyong kalusugan. Kung talagang hindi maiiwasan, tiyakin na
may sapat na ipon para sa bisyong ito.

Pag-inom ng alak. Isa itong luho ngunit karamihan sa mga taong madalas
uminom ay iyong mga tambay. Walang masama sa gawaing ito basta nasa
ayos lang. Paano masasabing maayos ang pag-inom ng alak? Iyong tamang
inom lang, pag inom lang at walang lasingan, walang sakitan, at higit sa lahat
dapat hindi apektado ang budget ng pamilya. Karaniwan sa mga taong
umiinom ay wala naman talagang sapat na pera para doon. Kung may balak
kang uminom ng alak, magtabi ka para dito kung hindi mo talaga ito
maiwasan. Huwag galawin ang budget para sa pamilya, pang emergency, o
ang pang negosyo. Mag-ipon ng para sa pang-luho. Ngunit kung kaya naman
iwasan, ilaan na lang ang panggastos dito para sa ibang mas mahalagang
bagay.

Pag-shopping. Isa din itong luho na maituturing kung nag-shoshopping ng


higit sa pangangailangan. Halimbawa may sale sa mga mall, kahit hindi
kailangan ay bumibili, ito ay luho na. kung walang perang nakalaan para
doon ay huwag bilhin. Nanghihinayang sa sale, pero hindi nanghihinayang sa
perang inilalaan para dito. Walang masama na mag-shopping, pero dapat
may limitasyon din at dapat naayon ang binibili sa perang sinasahod. Baka

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 36


naman bibili ka ng sapatos na halagang 5,000 pesos tapos ang buwanang
sahod mo ay nasa 10,000 hanggang 20,000 pesos lamang. Masyadong
malaki ang inilalaan sa luho, maging wais sa pag-iipon para dito. O kaya
naman tuwing sale ay kaskas dito kaskas doon, kung may pang cash ay mas
mainam kesa sa uutang ka para sa luho. Marami ka ngang bagong damit,
sapatos, bag, pero nagdudusa ka naman sa pagbabayad ng mga ito.

Gadgets. Halos kada buwan ay may lumalabas na bagong gadgets. Iyong


binili mong bago ngayon, sa mga susunod na buwan ay iba na ang uso.
Mabilis magpalit ng uso ang mga gadgets ngayon. Kung uugaliing
sumusunod sa uso, luho na itong matatawag. Kung bibili ka ng gadgets,
siguraduhing pangangailangan ito o magagamit mo naman sa iyong trabaho
o kaya sa negosyo.

Travel Goals. Once in a lifetime lang ang travel, kaya hanggat kaya mo ay
gawin mo. Yan ang kadalasang maririnig mo sa mga kabataan at sa mga
millenials. Iyong gustong gusto makapunta kung saan saan at i-enjoy lang
kahit gumastos pa ng malaki. Memories kasi ang worth noon. Okay lang
magtravel basta may sapat na ipon para dito. Huwag lang iyong bibili ka ng
ticket sa eroplano at gagamit ka ng credit card. Iwasan ito, kung may pang-
cash ka ay go. Okay lang mag-stay sa mamahaling hotel pero siguraduhing
may ipon para doon. May mga tao namang nagtatravel para sa mga business
opportunities, kung kaya mong pagsabayin ay mas maganda.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 37


Nakakapagtravel ka na, natututo ka pa at lumalago pa ang iyong kita.
Mayroon din namang mga travel bloggers o vloggers. Isa din itong paraan
para kumita ng pera. Kung isa ito sa goals mo, mag-impok na ng pera ngayon
pa lang. Sulitin mo ang bawat travel na meron ka para hindi ito mabigat sa
bulsa.

Squad Outing. Swimming dito, hiking doon, at iba pa. Kung mayroon ka
namang sapat na panahon at ipon, bakit hindi. Ngunit karamihan sa
kabataang pinoy, para makasama sa squad goals ay humihingi sa magulang
imbes na mag-ipon para dito mula sa kanilang baon. Ang masaklap pa,
kadalasan ay nagsisinungaling na kesyo may project sa school ngunit ang
totoo naman ay para lang sa outing. Nakakalungkot na nagiging ganito ang
financial values ng karamihang pinoy, pag luho ay nagagawan ng paraan.
Walang masama, pero maganda ay galing ito sa ipon.

VI. Masama Bang Umutang?

Ang pag-utang ay hindi naman masama. Katunayan, maraming negosyante


ang malaki ang kinikita sa pangungutang. Lahat naman ng tao ay may isang
punto sa buhay na nagkaroon na ng utang, halimbawa sa loob ng klase, yung
simpleng panghiram ng papel sa kaklase ay maituturing ng pag-utang.

Mayaman o mahirap man ay nakakapangutang. Kahit ang mga negosyante,


minsan nangungutang para sa ikalalago ng kanilang negosyo.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 38


Hindi masamang mangutang kung ang pag-gagamitan ay para ikalago din ng
iyong pera o kaya naman sa panahong may emergency. Pero syempre,
babalik pa din tayo sa tanong na may ipon ka ba para dito? Kailangan nga
bang umutang?

VII. Paraan Para Maiwasang Umutang

Iisa lang naman ang paraan para maiwasang umutang, ito talaga ay ang
mag-ipon. Ang disiplina ay iyong mama-master kapag ikaw ay natutong mag-
ipon. Anomang nasa iyong harapan, kapag may disiplina ka sa pera, alam mo
ang iyong gagawin. Ang kadalasang naglulumok sa pinoy sa paghihirap ay
iyong pangungutang. Para mapantawid ang gastos, mangungutang sa 5-6 at
sa sahod ay babayaran ito. Ngunit minsan, hindi pa din sapat ang sahod para
ipambayad ng utang kung kaya humahantong uli sa pagkakautang na
naman.

Ang sistema ng mga pinoy, mangungutang ng panibago para bayaran ang


paagkakautang ngayon. Ang nangyayri ay nagkakapatong patong lamang ang
interes at lumalakad ng lumalakad ang araw na lumalaki lang ang iyong
utang.

Masaklap na katotohanan pero ganito ang karaniwang nangyayari. Iyong


tipong kumakatok si Bombay sa pintuan para maningil at ikaw naman,
nagtatago dahil wala ka pang pambayad.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 39


Kung mayroon ka naman pang-cash ay iwasang mangutang. Kung
mangungutang naman, dapat may sapat kang kakayahan at pagkukunan ng
pangbayad katulad halimbawa kung i-pangnenegosyo mo ito at ang tubo
ang siyang magiging pang-bayad utang. Ang mabisang paraan talaga para
umiwas sa utang ay ang mag-ipon kaso ang karamihan sa pinoy, nahihirapan
talagang mag-ipon dahil sa kulang sa kaalaman at tamang gabay.

VIII. Ipon Vs. Gastos Principle

Magkano nga ba dapat ang iyong iipunin, ilan pursyento ba ng iyong


kinikita? Iyan ay nakadepende sayo. Pag-aralan ang halimbawang
komputasyon na ito:

Kita: 20,000 pesos kada buwan. Pag-aralan natin ang 7-30 rule ng pag-
gastos.

70% ng 20,000 ay mapupunta sa mga gastos katulad ng pang-bayad ng bills,


bahay, pagkain, allowance, at iba pa.

30% naman ay mapupunta sa savings, ang pag-kakahati-hati ay


nakadepende sayo.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 40


Halimbawa, 50% ng iyong ipon ay para sa regular savings, 20% para sa
emergency fund, 20% para sa investment fund, at and natitirang 10% ay
para sa leisure fund. Importanteng i-determina kung anong rule ng
pagkakahati-hati ang iyong gagawin sa iyong kita.

Ugaliing magtabi tuwing may perang papasok. Hindi man maiiwasan ang
paggastos, ang mahalaga ay mayroon kang naisusuksok. Sa mga
pagkakataon naman na kulang ang iyong panggastos, humanap ng ibang
paraan para masustentuhan ang pagkukulang. Kung may ipon na, huwag
galawin ang ipon kung hindi naman ito laan sa bagay na kung saan may
pagkukulang ang iyong kita.

Halimbawa, tumataas ang bilihin, ibig sabihan ba mula sa 70-30 na hatian ay


magigin 80-20 na lang, 20% na lang matitira para sa ipon? Hindi dapat
ganoon ang mangyari, manatiling 70-30 pa rin ang hatian at ikaw ay
magadjust ng iyong gastos. Pwedeng bawasan ang mga binibiling
pangunahing pangangailangan o kaya maghanap ng mas mura pero
epektibong alternatibo. Pwede din naman magtipid sa ibang bagay,
halimbawa sa kuryente, tubig, o sa pag-loload sa cellphone. Maraming
pwedeng i-adjust sa gastusin basta ang importante, hindi dapat mabawasan
ang pursyento na itatabi mo para sa iyong ipon. Kapag lumalaki ang gastos,
matutong magtipid o humanap ng alternatibong paraan para matustusan
ito.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 41


IX. Bakit Nahihirapan Ang Pinoy Mag-ipon

Ang mga pinoy ay sanay sa hirap ng buhay,nakukuhang magtrabaho araw at


gabi, kabi-kabila pang trabaho ang kinukuha.

Ang ilan ay nakukuhang mangibang bansa upang mas mabilis ang pag-
asenso. Ang iba naman sa kagustuhang umangat sa buhay ay nalulugmok sa
illegal na paraan. Sa kabila ng pagiging maabilidad, masipag, at matyaga ng
mga pinoy ay marami pa rin ang walang ipon. Ikaw, may ipon ka ba? Alamin
ang mga dahilan bakit hirap na hirap mag-ipon ang mga pinoy.

Hindi Nakagawian

Noong mga bata pa lang tayo, tinuruan na tayong mag-alkansya. Ngunit, ang
pagkakamali ng karamihang magulang ay hindi naging consistent sa pag-
tuturo sa mga bata o kaya naman mali ang intension ng pag-iipon. Hanggang
sa makalakhan ng isang tao na ang pag-ipon ay sa dahilang mayroon kang
gustong bilin. Kung kaya naging sistema na sa pamilyang pinoy ang hand to
mouth. Kikita ngayon, gagastusin ngayon hanggang sa wala ng ma-ipon. May
pagkakataon mang maka-ipon ang isang ordinaryong pinoy ngunit mali
naman ang intensyon. Halimbawa, mag-iipon ka kasi gusto mong bumili ng
bagong cellphone na nauuso. Gastos agad ang nasa isip kesa gamitin ang
iyong ipon sa mas makabuluhang paraan.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 42


Hindi naman masama na mag-ipon dahil mayroon kang bibilhin, mabuti nga
ito ngunit ang prinsipyong ito na ang nakaugalian at tila ang hirap baliin.
Imbes na ang ipon mo ay napupunta sa mas magandang bagay, tila parang
natatapon na lang sa mga pag-gastang hindi mo naman kailangan.
Karamihan sa mga pinoy na pinanganak na mahirap, ang dahilan na wala
silang ipon ay dahil mahirap ang kanilang mga magulang. Dahil mismong
mga magulang ay hindi naging magandang halimbawa sa mga anak.

Marahil may puntos naman, pero sabi nga kapag pinanganak ka na mahirap
at namatay ka na mahirap, kasalanan na itong maituturing. Mahirap
magsimula mag-ipon lalo na kung hindi mo ito nakagawian o walang
magandang halimbawa na nagpapakita sayo nito. Paano ito
masosolusyunan? Aksyunan mo, ikaw ang manguna at magdesisyon na
baguhin ang iyong kinabukasan. Hindi naman hadlang na hindi mo ito
nakagawian, maari kang magsimulang mag-ipon. Unahin mo muna sa maliit,
hinay hinay lang at ikaw ay makakaraos din. Balang araw, pasasalamatan mo
ang iyong sarili na nag-umpisa ka mag-ipon.

Sanay sa One Day Millionaire

Ang pinoy kapag nagkaroon ng pera, tila parang tumama sa lotto. Yung
tipong one time millionare, parang walang bukas. Lalo na sa mga
pagkakataon na dumadating ang bonus, gastos dito, gastos doon. Walang
masama sa pag-gastos basta may ipon ka naman.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 43


Ipon now, gastos later o kung patuloy ka pa din sa pagiging one time
millionaire, gastos now, then suffer later.

Sinasalo ang Responsibilidad ng Kapamilya

Katulad ng nabanggit kanina, ang Pilipino sanay na kasama ang pamilya o


madalas, nakaasa sa pamilya. May mga taong single na kung kumayod daig
pa ang may dalawang pamilya, kung sila ay iyong tatanungin, isa lang ang
kanilang isasagot, kailangan ako ng pamilya ko. Naroong ang pamangkin ay
pinag-aaral, ang kapatid ay tinutustusan, maging ang karelasyon ng kanyang
kapatid ay pinag-aaral. Mabait ang mga Pilipino, natural na ang pagiging
mapagbigay ngunit nakakalungkot lang isipin na madalas naabuso na ito.
Kahit mismong sa sariling pamilya, nagiging mistulang palasak na ang kamag-
anak sytem.

Walang masamang tumulong ngunit may panget din itong epekto sa taong
tumutulong at tinutulungan. Kung ikaw ang inaasahan ng iyong pamilya sa
gastos, tiyakin mo lamang na mayroon ka ding naiipon. Kung ikaw naman
ang umaasa sa kapamilya, kelan ka matututong maging responsible? Na sa
tuwing papakainin mo ang iyong mga anak, kaninong sikap ito? Masakit pero
totoo, ang mga pinoy close family ties pero madalas naabuso na ito na tila
naghahatakan pababa imbes na nag-aangatan pataas. Maging responsible,
mag-ipon para sa iyong sarili habang tumutulong na matulungan ang iyong
kapamilya na maging responsible din.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 44


Maraming Gastos

Lagi naman maraming gastos, dapat ay nakokontrol mo ang paggastos mo


ng pera. Ang tukso lagi lang nandyan, mapa-luho man o pangangailangan,
laging mayroong pagkakagastusan. Isang dahilan kung bakit wala kang ipon
dahil madaming nakikita ang iyong mata na iyong ninanais.

Maliit ang Sahod

Kadalasang reklamo ng pinoy, maliit ang sahod. Walang ipon dahil maliit ang
sahod. Sa totoo lang, wala naman sa liit o laki ng sahod ang pag-iipon.
Subukan mong isipin noong panahon na ikaw ay maliit pa lang ang kinikita
kumpara sa ngayon na mas lumaki na. May naipon ka ba? Suriin mo ang
iyong lifestyle, baka naman sa pagtaas ng sahod ay kasabay ding tumataas
ang lifestyle. Kung dati, simpleng ulam lang okay na ang iyong pamilya,
ngayon kailangan bongga palagi. Ang nangyayari, ang isipan ng tao, maliit
lang kasi ang kita kaya hindi makapag-ipon.

Maraming Utang

Lahat naman ng tao nagkakaroon ng utang, ang mahalaga ay dapat itong


binabayaran. Ang pagkakaroon ng utang ay nagiging hadlang para hindi
maka-ipon ang isang tao. Sa dami ng inintinding utang, imbes na makabayad
ay nagkakabaon baon pa lalo sa utang. Ang iba naman ay nagtatago na
lamang hanggang sa maging apektado na pati ang trabaho at pamilya.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 45


X. Paraan Para Makawala/Makabayad Sa Utang

Wala kang ipon at madami kang utang, anong mangyayari kapag nagpatuloy
ito? Marahil ay stress na stress ka na sa buhay mo. Hirap na hirap dahil sa
dami ng gastos, pangangailangan, maliit ang sahod, at higit sa lahat may
utang pa na babayaran. May mga paraan naman para magkaroon ng
financial freedom at makawala sa pagkakautang. Huwag magpadala sa stress
at sa tambak na utang. Alamin ang mga mabisang paraan para makabayad
ng utang.

Magkaroon ng Budget Plan

Bago gumastos, tiyakin muna na lahat ay naka-plano. Sa pamamagitan ng


budgeting, makikita mo ang iyong magagastos, maiipon, at kung sapat ba
ang iyong kinikita. Ilista ang lahat ng dapat bayaran, mga pang-araw araw na
gastos, bills, grocery, tuition fee, pamasahe, at maging ang utang. Magplano
ng ayon sa iyong pera. Huwag mag-asam na bumili ng bagay na hindi naman
swak sa iyong kita. Halimbawa, ang iyong kita ay 20,000 pesos kada buwan,
ilista din ang iyong gastos.

Kita: 20,000 pesos

Mga gastusin:

Upa ng bahay: 3,000

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 46


Pagkain: 8,000
Kuryente at tubig: 1,500
Allowance sa pagtatrabaho: 5,000
Matitira: 2,500

Ugaliin na gawing prioridad ang pag-iipon. Itabi na kaagad ang 10% ng iyong
sahod bago ito partihin. Ang 10% ng iyong sahod ay ilaan para sa pambayad
utang o sa iyong ipon. Kung ang utang ay tumutubo, tiyakin na huwag
pumalya sa pagbabayad nito kada buwan. Sa oras na pumalya sa pagbayad
ay lumalaki din ang interes nito at magiging karagdagang gastos para sayo.

Makontento sa Simpleng Pamumuhay na Nakagawian

Ang mga pinoy ay sanay sa payak na pamumuhay ngunit maraming


pagkakataon na nadadala sa uso o sa impluwensya ng iba. Bibili ng mga
bagay na mamahalin upang maging sikat o kainggitan ng iba. Ang iba naman,
pipiliting gumaya sa mga kaibigang rich kid para lang masabing in siya sa
barkada. Bibili ng mamahaling kape kahit 200 pesos na lang ang laman ng
bulsa. Madaling sabihin makontento sa payak na pamumuhay ngunit dahil
sa tukso at malakas na impluwensya ng ibang tao lalo na sa social media,
karamihan ay nagiging social climber. Ang pagiging social climber ay pagbili
sa mga bagay na wala naman sa iyong kakayahan.

Ito ay pagpapanggap na mayaman kahit ang wallet ay kakaunti na lamang


ang laman.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 47


Walang masamang maging simple o maging pa-sosyal basta mayroon kang
panggastos para dito at siyempre hindi galing sa utang. Kapag nakontento sa
simpleng pamumuhay, maiiwasan din ang pangungutang at madaling
makakabayad sa pinagkakautangan.

Iwasang Magdala ng Ekstrang Pera sa Tuwing Lalabas

Kapag lalabas ka, dalhin lang ang sapat na pera. Halimbawa, mamamalengke
ka at ang iyong budget plan ay halagang 1,000 pesos lamang kung kaya ito
lang ang iyong dalhin. Huwag na huwag magdadala ng ekstra para makontrol
mo ang iyong paggastos. Kapag kasi nagdadala ka ng ekstra, ang nangyayari
ay mapapabili ka din ng ekstra na magiging dahilan ng pagkasira ng iyong
budget plan. Imbes na makakabayad ka sana ng utang, naimpambilii mo na
tuloy ng bagay na wala naman sa iyong listahan.

I-Cut Muna ang Credit Card Kung Meron Man

Ang credit card ay tinatawag nilang life saver, oo naman kung marunong
kang humawak nito. Kung mayroon kang credit card at marami kang utang,
i-paputol mo muna ito hanggat mayroon ka pang utang. Ang pagkakaroon
ng cedit card minsan ay nagiging dahilan ng pagkakalugmok mo sa utang.
Iwasang magkaskas kung meron ka namang pang-cash. Hindi sagot ang
credit card kung mayroon kang gustong bilhin, pag-ipunan mo ito para iwas
utang na magpapasakit lang sa iyong kalooban pag dating ng oras na ng
singilan.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 48


Magbenta ng mga Gamit na Hindi Naman Nagagamit

Decluttering, yan ang sagot para magkaroon ng ekstrang pera na wala kang
puhunan. Unahing linisin ang iyong aparador, piliin ang mga damit na hindi
mo na ginagamit at pwedeng ibenta. Magtayo ng garage sale sa inyong
bahay o kaya naman ay i-post mo sa mga online selling groups ang mga
bagay na hindi mo naman na ginagamit. Ang perang iyong malilikom pwede
mong gawing puhunan o kaya ay ipangbayad mo na agad ng utang. Sabi nga
nila kapag bili ka ng bili ng mga bagay na hindi mo kailangan, darating ang
panahon na magbebenta ka ng mga bagay na iyong kailangan. Huwag na
hintayin ang panahong iyan, umpisahang ibenta ang mga bagay na wala
naman ng pakinabang sayo para hindi na humantong sa pagkakataon na ang
mga bagay na iyong kailangan ay iyo pang mabenta.

Maghanap ng Ekstrang Pagkakakitaan

Sa panahon ngayon, maraming pwedeng pagkakitaan, kahit nagtatrabaho ka


o nag-aaral, pwedeng pwedeng magtrabaho ng ekstra. Mula sa simpleng
pagtitinda ng yelo, pag-loload, pagkakaroon ng online shop, pagtanggap ng
encoding job, at marami pang iba. Ang mga Pilipino ay maabilidad at
talentado kung kaya kahit anong trabahong marangal ay madali lang na
mapag-aralan. Kailangan ay laging open minded lang sa paghahanap ng
ekstrang pagkakakitaan. Ngunit maging mapanuri din, may mga taong
handang kumita kahit na makalamang na sa kapwa kaya walang takot na sila
ay nag-sscam ng kapwa pinoy.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 49


Bago pasukin ang ekstrang pagkakakitaan, siguraduhing alam mo ang
pasikot sikot nito. Iwasang kumapit sa patalim, kahit anong hirap ng buhay
ay may mga desente at legal na hanapbuhay na pwede mong pagkakitaan.

Mag-Ipon Para sa Investment

Ang pag-iipon talaga ay isa sa mga paraan para makalaya sa pagkakautang.


Kung isa ka lamang ordinaryong manggagawa, papasok ng 8 at uuwi ng 5,
magtatrabaho at sasahod, malayong magkaroon ng financial freedom. Wala
pang taong yumaman mula sa pagtatrabaho ng 8-5, karamihan sa mga
asensadong pinoy ay mayroon negosyo, investment, at siyempre nagsimula
mula sa simpleng pag-iipon. Ang wais na pinoy hindi lang nakukuntento sa
nakagawiang trabaho, maraming paraan para kumita ng ekstrang pera. May
mga negosyo na kailangan ng malaking puhunan, meron naman kahit maliit
ay pwede, at meron din naman na kahit walang puhunan na pera ay uubra.
Pero iba pa din ang may ipon para sa investment, kapag pinaglaanan mo ng
salapi ang isang negosyo, malamang ang iyong puso din ay nandoon at tiyak
na pagbubutihan mo ito.

Panghuling Mga Salita Tungkol Sa Pagiging Wais Pinoy

Maraming pinoy na hanggang ngayon ay nahihirapang umahon sa hirap ng


buhay, walang ipon at ang masaklap ay may utang pa. Habang tumatagal ay
lalong nababaon sa hirap ang mga pinoy. Daing dito, daing doon, kada araw
na lumilipas ay mayroong nagtatas ng presyo sa mga bilihin.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 50


Tumaas ang gas, tumaas ang pamasahe, tumaas ang isda, ang bigas, at pati
ang presyo ng sili.

Hindi na bago ang mga reklamong iyan dahil nga naman sa hirap ng buhay,
konting taas ng presyo ng bilihin ay apektado na agad ang budget ng mga
pinoy. Mahirap ang kalagayan na ito lalo na sa mga ordinaryong pinoy pero
para sa mga taong natutong mag-ipon at maghintay sa tamang panahon,
umaani na.

At higit sa lahat, hindi lang ang pag-iipon ang kanilang natutunan kundi mula
sa kanilang ipon ay natutong mapalago ang kanilang pera.

Mahirap kumita ng pera, panay ang daing ng isang ordinaryong Pilipino,


pero hindi ba na mas mahirap yung kumikita ka ng pera sa iyong
pagtatrabaho ngunit kahit isang kusing ay wala ka man lang ma-ipon.
Marahil kulang lang sa sapat na kaalaman at gabay ang karamihang pinoy na
walang ipon. Sa librong ito, nawa ay matulungan kang mag-umpisa na mag-
ipon.

Food is life, travel goals, lakwatsa pa more, bili pa more, at iba pa, naging
biktima ka din ba niyan? O kaya andyan si ate, si kuya, si pamangkin, na tila
parang mga holdapper na halos limasin na ang iyong pinaghirapan. O baka
naman malakas kasi ang tukso ng alak, sigarilyo, at sugal.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 51


Ang perang iyong pinaghirapan sa mahabang panahon, kulang sa tulog,
pagod, puyat, kalam ng sikmura, siksikan sa MRT, ay nababalewala dahil
wala ka man lang ipon.

Hindi ka pa ba pagod sa rat race ng iyong buhay? Paulit-ulit, paikot-ikot ka sa


iyong buhay na tila walang pinapatunguhan.

Hand to mouth na walang hanggan? Susweldo ngayon, bukas ubos na ang


iyong kita.

Ngayon, ang desisyon ay nasa iyo, kelan ka maguumpisang mag-ipon? Bukas,


sa isang linggo, sa susunod na sahod, sa isang taon?

Bakit ka mag-iipon? Magkano dapat ang iyong iniipon? Pagkatapos mong


mabasa ang librong ito, ikaw na ang magdesisyon kung gaano ka-importante
na may ipon ka sa buhay. Ano mang financial awareness ang iyong mabasa,
kung walang aksyon ay wala ding magiging positibong epekto sa iyong
buhay.

Ano mang estado mo, edad, kita, may pamilya o wala, kayang kaya mong
mag-ipon kahit na ikaw ay nasanay sa waldas na pamumuhay. Walang sapat
na dahilan para hindi ka maka-ipon dahil mayroong mga tamang paraan
para ikaw ay makapag-umpisang mag-ipon.

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 52


Maging ang iyong mga utang ay dapat ng bayaran at dapat maiwasan na ang
pag-utang sa susunod na panahon.

Ngayon, ito na ang panahon para maging wais na pinoy. Tama na ang mga
panahong wala kang ipon, mga panahong naging alipin ka ng salapi, alipin ng
pag-waldas ng iyong kita. Masarap kumain at matulog araw-araw na wala
kang iniisip na utang, less stress at more ipon, maging wais pinoy ngayon.

Meron pala kami ginawang programa para matulungan ka pa namin


makawala sa pagkakautang at maka simula mag ipon.

Click mo lang itong link na ito  Ascending Life Savers and Debt Free
Program

Salamat!

Sana makasama ka namin sa aming programa.

Ascending Life

PS. We have few slots for now because we have limited coaches. Grab
your slot now!  Link

Wais Pinoy - May Ipon Para Sa Future At Walang Utang 53

You might also like