You are on page 1of 3

ANG PAGONG AT ANG MATSING

Isang araw, nagpasyal ang magkaibigang pagong at tsonggo.


May nakita silang punong saging.

"Akin ito," sabi ng tsonggo at hinila ang parte ng puno na may dahon.
"Hindi, akin ito," sabi ng pagong at hinila ang may ugat na parte ng puno.

Habang naghihilahan sila, sinabi ng pagong, "Bakit hindi natin hatiin ang puno?
Kunin mo ang parteng gusto mo at kukunin ko ang bahaging gusto ko."
"O, sige," sabi ng tsonggo. "Kukunin ko ang parteng may dahon at kunin mo
naman ang bahaging may ugat."
Dinala ng tsonggo ang parteng may dahon at kinuha naman ng pagong ang
may ugat na bahagi.
Pareho nilang itinanim ang kanilang parte at kapwa sila nasisiyahang isipin na
magkakaroon sila ng maraming saging na kakainin.
Dinilig nila ang halaman nila araw-araw. Pero natuyo ang halaman ng tsonggo.
Samantala, nagkadahon ang halaman ng pagong.
Binisita ng tsonggo ang pagong upang kamustahin ang halaman nito.

"Kamusta ang halaman mo?" tanong ng tsonggo.


"Tumutubo ng mahusay," sagot ng pagong. "Malago na ang dahon ngayon."
"Namatay ang halaman ko," malungkot na sabi ng tsonggo. "Ewan ko kung
bakit."

Napangiti ang pagong. Hindi niya masabi sa tsonggo na karamihan ng


halaman ay di tumutubo kung walang ugat.
Lumaki nang lumaki ang punong saging ng pagong. Binabantayan din ng
tsonggo ang puno ng pagong.
Isang araw, namulaklak ang punong saging at nagkabunga. Araw-araw,
lumalaki ang prutas. Hanggang isang araw, nahinog ang mga saging. Gusto ng
pagong na pitasin ang saging pero hindi niya ito maabot.

Tinanong ng tsonggo ang pagong. "Hinog na ang saging mo, bakit di mo pa


pitasin?"
"Hindi ko maabot," sabi ng pagong.
"Gusto mo bang tulungan kitang pitasin ang mga prutas?" tanong ng tsonggo.
"Sa gayon, tayong dalawa ang makakakain ng saging."

Pumayag ang pagong. "Sige, akyatin mo ang puno. Tapos, ihagis mo sa akin
ang ibang bunga."

Inakyat ng tsonggo ang puno at kinain niya ang lahat ng saging. Wala siyang
inihagis sa pagong. Kapag humihingi ang pagong, tinatawanan lang ng
tsonggo.
Nagalit ang pagong at pinaligiran ng tinik ang puno. Tapos nagtago siya sa
ilalim ng bao ng niyog.
Nang nakain nang lahat ng tsonggo ang saging, bumaba siya sa puno at
natusok siya ng mga tinik na inilagay ng pagong. "Aray!" sigaw ng tsonggo.
Napaupo siya sa baong pinagtataguan ng pagong.

"Magbabayad siya," sabi ng pagong sa sarili. Hinila niya ang buntot ng tsonggo
sa butas ng bao.
"Aray!" sigaw uli ng tsonggo. Sumilip siya sa ilalim ng bao at nakita niya ang
pagong. Hinuli niya ito.

Habang tangan niya nang mahigpit ang pagong, sabi niya, "Itatapon kita sa
apoy."
Ayaw ng pagong na itapon siya sa apoy, pero sinabi niya, "A gusto ko iyan.
Mamumula ako. Gaganda ako."
"Kung gayon, hindi kita itatapon sa apoy," sabi ng tsonggo. "Pipitpitin kita."
"Magaling," maagap sa sagot ng pagong. "Pagkatapos mo dadami ako."
Marami akong magiging kalaro."
"Kung gayon, hindi na kita pipitpitin," inis na sabi ng tsonggo. "Alam ko na,
itatapon kita sa ilog."
Nag-iiyak ang pagong. Sabi niya, "Huwag! Huwag mo akong itapon sa ilog.
Malulunod ako! Mamamatay ako!"

Nang narinig ito ng tsonggo, dinampot niya ang pagong at itinapon sa ilog.
Sumisid ang pagong sa ilog. Pamaya-maya lumitaw siya sa tubig na
nagtatawa. "Ha, ha, ha, ha, ha! Dito ako nakatira. Bahay ko ang ilog!" At
lumangoy siyang palayo.

Napaupo ang tsonggo at sabi niya sa sarili, "Napakatanga ko! Pero hindi bale,
nakain ko naman ang saging."

You might also like