You are on page 1of 1

Ang binatang si Manimimbin na naglakbay sa paghahanap ng asawa.

Nakatagpo siyá ng isang


babae na inibig niya ngunit tumutol sa kaniyang panunuyò. May kapatid ang babae, si Labit, na
naging kaibigan ni Manimimbin. Sa pagpapatuloy ng kuwento, nag-away sina Manimimbin at
Labit. Dahil kapuwa may mahiwagang kapangyarihan, tumagal ang kanilang paglalaban at walang
manalo. Naisip niláng lumipad sa langit at humanap ng tagapamagitan. Natagpuan nilá ang Kulog
at bumalik silá sa lupa. Sa ikalawang paglalakbay ni Manimimbin at sa tulong ng mga
mahiwagang ibon at ng Binibini ng mga Isda, nagwakas ang epikong-bayan sa sabay na pag-
iisang-dibdib nina Manimimbin at Labit. Nakasal si Manimimbin sa kapatid ni Labit at si Labit sa
kapatid ni Manimimbin.

You might also like