You are on page 1of 3

10-GALILEO GRUPONG MATULIS (IPINASA NOONG 6/20/19)

PANSURING PAMPANITIKAN NG AKDANG

ANG PARABULA NG TUSONG KATIWALA

(LUKAS 16: 1-5)

Ang paggasta o ang pag-gastos ng pera ang paksa ng parabulang ito. Ang

kayamanan ay maaaring isang biyaya mula sa ating maykapal o isang sumpa na sisira

sa ating pakikisama sa ating kapwa, batay kung paano siya gagamitin tulad ng pagiging

sakim sa kapangyarihan, isang gamit para maparamdam ang pagmamahal sa sarili,o

isang paraan upang matulungan ang ating kapwa na nangangailangan ng tulong. ang

kayamanan o pera ay isang kagamitan na maaring maraming paggamitan kapag

inilagay sa tama. Maaari itong makagawa ng mga kagamitan na magagamit ng iba.

Ngunit ang paghawak at ang pangasiwaaan ang pera ay isang sagradong katungkulan

na kailangan nating mahasa upang mapa-ayos ang ating pakikipag-salamuha. Ang

ating pinagkukunan ng yaman ay pampubliko kaya dapat natin itong ipamahagi sa mga

nagangailangan, ito’y isang paraan ng pagpapakita ng kabutihang-loob tungo sa ating

mga kapwa. Tulad ng ipinakita ng samaritano sa isang parabula na “ang mabuting

samaritano (Lukas 10:25-37)” at ang ipapakita ni Zacchaeus sa Lukas 19:1-10

Ang parabula ng tusong katiwala naman ay ibang iba dito. Ang aral dito ay

medaling makita, maging mapagbigay at responsible sa iyong yaman, ngunit kung

paano ito gumawa ng punto at ang epekto nito sa ating puso ay lalong diniinan ng

pansin.
Ang katiwala ay binawasan ang mga utang ng kanyang amo. Ito ay nagpapakita

ng kung paano niya ipapakita sa kanyang among mayaman na huwag maging isang

sakim sa mga yaman na ipinagkaloob ng Diyos amang makapangyarihan satin. Ito ay

ginawa niya para sa ating lahat na kanyang anak at likha. Siya ang dahilan kung bakit

tayo maligaya ngayon, nabubuhay upang sundin ang kanyang sampung utos, ibahagi

sa ating mga kapwa ang kanyang mga salita, tulungan ang ating kapwa, at lubos sa

lahat ay magmahalan. Sa mundo natin ,na kung saan ay naniniwala tayo sa mga banal

na salita, sumusunod sa mga utos ng Diyos ama sa atin, importante ang pagpapasya

kung ano ang tama at mali, kung papaano ipapamahagi o kung sino-sino ang

tutulungan sa iyong kapwa ngayon. Marami na tayong naiisip na masama sa ating

kapwa ngayon, tulad nalang ng pagiging isang adik o magnanakaw kahit hindi naman.

Pag may batang pumupunas sa bintana ng inyong sasakyan o mga naglilimos sa loob

ng mga pampasaherong behikulo, hindi tayo agad-agad na maka-desisyon kung

nararapat ba nating bigyan o tulungan ang bata o pulubing iyon dahil sa mga balitang

napapalabas ngayon sa ating telebisyon at mga radio na tungkol sa mga patayan ng

ating mga kapaligiran. Ngunit huwag tayong magpapadala sa mga ganito dahil

nararapat parin nating tulungan at ipamahagi ang mga biyaya at pagmamahal na

ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoon. Kahit simpleng dasal lang upang matulungan

sila sa kanilang pang araw-araw na problema ay sapat na. Sa pagtatapos, gusto ko

lang ipahiwatig sa aming pansuring pampanitikan na kahit anong mangyari, nararapat

nating tulungan ang ating kapatid na nagangailangn ng tulong. Sa paggawa nito ay

makakatulong ito sa pag- akyat natin kasama ang ating maykapal kapag dumating na

ang oras.

You might also like