You are on page 1of 24

Cordillera Career Development College

Filipino 13
Masining na Pagpapahayag
(Pananaliksik)

Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan


ng Pagtuturo sa Asignaturang
Filipino ng College of Teacher
Education sa Cordillera Career
Development College

Pinasa nina: Sabino, Gemma D.


Lumidao, Charis Vanesha C.
Fatuli, Joy W.
Montero, Ullyses

Pinasa kay: Ginang Medina Estioco

Petsa: ika-24 ng Nobyembre, 2017

1
Talaan ng Nilalaman

Pamagat…………………………………………………………………………………………………1

Talaan ng nilalaman…………………………………………………………………2

Kabanata I

Panimula o Introduksyon…………………………………………………………………3
Bakgrawnd ng Pag-aaral ………………………………………………………………4
Konseptwal/Theoritikal Framework…………………………………………5
Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………………7
Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………………………8
Depinisyon ng mga Salitang Ginamit……………………………………9
Iskop at Delimitasyon ng Pag-aaral…………………………………11

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Lokal na Literatura……………………………………………………………………………12

Dayuhang Literatura……………………………………………………………………………16

Kabanata III

Disenyo ng Pag-aaral………………………………………………………………………….18
Populasyon…………………………………………………………………………………………….………18
Respondente……………………………………………………………………………………………………18
Instrumento ng Pananaliksik………………………………………………………18
Proseso ng Pangangalap ng Datos………………………………………………19
Istatistikal tritment ng Datos…………………………………………………19
Questionnaire………………………………………………………………………………………………20

Kabanata IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos………………21

Kabanata V

Lagom………………………………………………………………………………………………………………………23
Konklusyon…………………………………………………………………………………………………………23
Rekomendasyon ………………………………………………………………………………………………24

2
KABANATA I

INTRODUKSYON

“Dekalidad na Edukasyon”.Ito ang sigaw ng bawat isa sa


atin. Nagnanais tayo na ito’y matugunan ng institusyon kung saan
tayo nag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon ay makakamtan lamang
kung malalaman ang mga salik na siyang makatutulong upang
paunlarin ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawain na ito ay
ang responsibilad ng guro. Dapat niyang malaman kung anu-ano ito
para sa ganun ay makapagplano siya ng mga estratehiya na
makapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at produktib na resulta
sa performans ng mga mag-aaral.

Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na


programa sa pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang
Filipino ay isang asignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay
na may kaugnayan sa ating Wikang Pambansa.

Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito


dahlia dito nakasalalay kung tunay nga bang isa kang Pilipino.
Sa kasalukuyan, ang asignaturang ito ay isa na may mababa na
grado lalo na sa resulta ng NAT Examination. Masakit mang isipin
ngunit kailangang tangapin.

Bilang tugon sa mga pangyayari at sa globalisasyon, ang mga


mananaliksik ay naglalayon na matulungan ang ating mga guro sa
pagdetermina kung anu-ano ang mga epektibong estratehiya na
kanilang magagamit upang mas mapaunlad pa ang performans ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino.

3
Bakgrawnd ng Pag-aaral

Lahat ng tao ay may iba’t-ibang ideya tungkol sa pagtuturo.


Para sa isang mag-aaral, ito ang pangunahing gawain ng guro
upang siya’y makakuha ng bagong kaalaman sa mga bagay-bagay o
pangyayari sa paligid.

Ang asignaturang Filipino ay dinisenyo ng departamento ng


edukasyon upang mapalawak ang kaalaman ng bawat Pilipino
patungkol sa sariling wika at ang mga kagamitan nito. Ayon kay
Abad at Ruedas, ang mga may-akda ng librong Filipino Bilang
Tanging Gamit sa Pagtuturo, ang wika ang pinakamalinaw at
pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung ano ang partikular na
pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan. Dahil dito,
binibigyang diin ng bawat paaralan ang pagtuturo ng asignaturang
Filipino.

Ayon rin kay Leticia F. Dominguez, ang may-akda ng librong


Hiyas ng Filipinong Pansekundarya, ang mga aralin sa wika ay
naglalayong linangin ang kakayahang komunikatibo at ang
kasanayan sa paggamit ng Wikang Filipino sa iba’t-ibang
sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay. Samakatuwid, ang
binibigyan ng higit na diin ay ang gamit ng Wika sa halip na ang
istruktura nito na siyang kalakaran ng ilang nagdaang panahon.
May mga aralin ding nagpapakitang angkop ang anyo ng wika na
gagamitin sa sitwasyon. Kaya importante na maituro nang maayos
ang asignaturang ito sa lahat ng mag-aaral sa pang-akademiko na
maiaaplay din nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Makikita natin sa bawat paaralan ang mga suliranin na dapat


bigyang pansin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino lalong-lalo
na kung ang mga estudyante ang pag-uusapan. Una, nakakawalang
gana sa mga estudyante ang pag-aaral ng asignaturang Filipino,
sapagkat wala silang interes na matutunan ito. Pangalawa,
pinagwawalang bahala nila ang pag-aaral ng asignaturang Filipino
sapagkat para sa kanila, ito’y hindi napapakinabangan pagkatapos
ng kanilang pag-aaral, lalong-lalo na sa mga estudyante na nais
pumunta sa ibang bansa. Patungkol naman sa mga guro, ang mga
suliranin na nakakaapekto sa kanilang pagtuturo ay ang
mgasumusunod: Una, sila ay nagtuturo ng asignaturang Filipino
kahit na hindi ito ang kanilang “Field of Specialization”
sapagkat konti lang ang kumukuha ng mayorya sa asignaturang
Filipino kaya kulang ang mga guro na nagtuturo sa nasabing
4
asignatura. Pangalawa, madalas isinasaisip nila na ang
asignaturang Filipino ay madaling maintindihan kaya hindi sila
nag-aaral nang maigi para sa kanilang pagtuturo. Ito ay isang
tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo. Gayunpaman, mas
binibigyang-diin din ng departamento ng edukasyon ang programa
para sa pagpapahusay ng wikang Ingles kaysa Filipino.

Pangkayariang Konseptual/Theoritikal Framework

Ang pinanghahawakang teorya ng pag-aaral na ito ay ang mga


teorya patungkol sa mga salik sa epektibong pamamaraan ng
pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga estudyante.

Ayon sa librong “Facilitating Learning: A Metacognitive


Process” nina Maria Rita D.Lucas at Brenda D. Corpuz (2007), may
iba’t-ibang teorya tungkol sa proseso ng pagkatuto at mga salik
na nakakaapekto dito pati na rin ang mga pamamaraan sa
pagtuturo. Una na rito ay ang likas na proseso ng pagkatuto na
kung saan mas epektibo ang pagkatuto kung ito ay intensyonal na
proseso sa pagbuo ng kahulugan galing sa impormasyon at
karanasan. Pangalawa ay ang hangad sa proseso ng pagkatuto, ang
tagumpay sa pagkatuto ay nakasalalay sa maayos na
representasyong kaalaman. Pangatlo, pagbuo ng kaalaman, ang
matagumpay na mag-aaral ay naipag-uugnay niya ang bagong
impormasyon sa dating kaalaman na mas makabuluhang paraan. Pang-
apat, pag-iisip na may estratehiya. Ang matagumpay na mag-aaral
ay nakakabuo at gumagamit ng makatwirang paraan ng pag-iisip
upang makamtan ang pagkatuto. Panglima ay ang pag-iisip kung ano
ang iniisip, ito ang mataas na ayos ng estratehiya sa pagpili at
pagmomonitor ng mental na operasyon sa malikhaing pag-iisip at
kritikal na operasyon. Pang-anim, pagkatuto mula sa mga
konteksto. Sinasabi na ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay
naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na ang kultura,
teknolohiya at mga paniniwalang instruksyonal. Sumunod dito ay
ang motibasyon at ang emosyonal na impluwensya sa pagkatuto, ito
ay kung paano natututo ang isang mag-aaral sa pamamagitan ng
motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay
naiimpluwensyahan ng indibidwal na emosyon, paniniwala, interes
at kaugalian sa pag-iisip. Hindi lamang ang emosyon ang
naiimpluwensyahan ng motibasyon pati na rin ang sarili. Ang
pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay makikita sa paggawa ng
5
mga gawain na bagaman mahirap ay nagagawa dahil sa personal na
interes ng mag-aaral at bukas sa kanyang kalooban na gawin ito.

Ayon naman sa impluwensya ng pagdebelop, ang pagkatuto ang


pinaka-epektibo kung iba-iba ang debelopment ng nakuhang
kaalaman mula sa pisikal, intelektwal, emosyonal at sosyal na
kapaligiran. Ang pagkatuto rin ay naiimpluwensyahan ng
pakikisalamuha, relasyon sa sarili at pagkakaroon ng
komunikasyon sa iba.

Ang mga salik sa pagkakaiba-iba rin ng bawat indibidwal ay


nakakaapekto rin sapagka bawat mag-aaral ay may iba’t-ibang
estratehiya at kakayahan para matuto mula sa kani-kanilang
karanasan. Mas makakatuto rin ang isang mag-aaral kung ang
lenggwahe, kultura at sosyal na background na iba-iba ay napag-
iisa niya. Batayan rin kung paano itinuturo ang asignatura,
paraan ng pag-ases at batayan kung may natutunan. Ayon naman kay
Vygotsky sa librong “Effective Teaching” na tinuran ni Aquino
(2003), ang paggamit ng scaffolding ay isang mabisang paraan sa
pagbibigay ng kaalaman na ginagamit upang punan ang gap ng guro
at estudyante.

Isa pang teorya na ayon sa sikolohistang si David P.


Ausubel na tinuran ni Aquino (1998), natututo ang mag-aaral mula
sa berbal na material─ sinasalita at sinusulat. Kaugnay naman
nito ang mga apat na bagay na pinagtutuunan ng pansin para
mabigyan ng estratehiya: ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat na ang mga estratehiyang gamit sa pagtuturo ay nakabase
sa pisiolohikal, sikolohikal, linguistic at sosyolohikal na
estruktura.

Sa mga pamamaraan ng pagtuturo naman, isa na dito ay ang


tradisyunal na pamamaraan. Ayon kay Acero at Javier (2000), ang
karaniwang gawain ng mag-aaral ay ang pagbibigay ng kahulugan,
katuturan, pagsasaulo ng alituntunin, pagbuo ng mga pangungusap
at iba pa. Ang lahat ng paksa sa aralin ay nakatuon sa mga
nakasulat sa aklat.

Ayon naman kay Bustos at Espiritu (1985) na tinuran ni


Laurente, nakakaimpluwensya sa pag-unawa ng mga estudyante ang
paraang gamit ng guro kaya dapat lang na mabisa ito.
Samakatuwid, nakasalalay sa asal at estratehiyang gagamitin ng
guro para makamtan ang nais niyang maunawaan ng estudyante.

6
Sa ibang banda, nakasalalay pa rin sa estudyante ang
pagkatuto at hindi sa titser at pamamaraan ng titser lamang. Ang
estudyante pa rin ang pipili kung gaano siya kabilis matututo.
Ang guro lamang ay tumutulong kung may kailangan ang estudyante.

Figure 1:

Wikang Gamit
sa Pagtuturo

Guro Epekto sa
 Nakapagdalubhasa performans ng
sa Filipino mag- mga mag-aaral
aaral na na kumukuha ng
asignaturang
 Batsilyer sa
Filipino
Filipino
 Hindi nagmedyor ng
Filipino

Pamamaran ng Pagtuturo
 Tradisyunal/Subject/
Teacher-centered
 Makabago/Learner-
centered

FIGURE 1. Ito ay nagpapakita kung papaano ang isang guro (ayon sa nakuha
nitong degree sa pagtuturo at ang kabihasaan sa paggamit ng wikang gamit
bilang medium sa instraksyon) gamit ang mga pamamaraan ng pagtuturo ay
nakakaapekto sa performans ng mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang
Filipino.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matugunan ang ilan sa


mga problema na may kaugnayan sa epektibong pamamaraan ng
pagtuturo sa asignaturang Filipino. Ang mga problema na
nagangailangan ng kaukulang pansin ay ang sumusunod:

7
1. Anu-ano ang mga salik sa epektibong pamamaraan na
nakakaapekto sa pagtuturo ng asignaturang Filipino?

2. May malaking kaibahan ba ang tradisyunal na pamamaraan


sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo?

Ipotesis

1. Mga epektibong pamamaraan sa pagtuturo.


2. May malaking kaibahan ang makabagong pamaraan ng pagtuturo
kaysa sa tradisyunal na pagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang tulungan ang mga guro


sa mga epektibong paraan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino.
Gayundin ang mga estudyante upang sila ay madaling matuto sa
nasabing asignatura.

Ang makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Tagamasid

Sila ay makapagrerekomenda ng epektibong pamamaraan ng


pagtuturo base sa mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo.

Mga Guro ng Asignaturang Filipino

Sila ang unang makakakuha ng benepisyo ng pag-aaral na ito,


sapagkat mas madadagdagan pa ang mga estratehiya nila sa
pagtuturo at mababawasan ang pag-aalala ng guro sa kung papaano
ituturo ang isang aralin sa asignaturang Filipino. Gayunpaman,
mapapagaan at mapapadali ang kanilang pagtuturo sa nasabing
asignatura. Mula sa pag-aaral na ito ay magkakaroon ng mas
maunlad at malawak na pag-uunawa sa pagtuturo ng nasabing
asignatura.

8
Mga Estudyante

Madagdagan at mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa


asignaturang Filipino. Lalo pa silang gaganahan sa pag-aaral ng
asignaturang ito sapagkat mas madali ang kanilang pag-unawa at
dahil dito lalo pa silang magsusumikap sa pag-aaral.

Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng


kahulugan ayon sa istandard na depinisyon o konsepto at
operasyonal upang madaling maintindihan.

 Filipino
Ito’y isa mga asignatura sa kurikulum ng sekondarya
mula unang taon hanggang ikaapat na antas. Tinutukoy sa
asignaturang ito ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa
bararila, mga uri ng pananalita at kahit na ang mga
mahahalagang pangyayari sa ating bansa gamit ang Wikang
Pambansa bilang medyum ng instraksyon sa pagtuturo.

 Karunungang Nakamtan (Achievement)


“Ito ay ang kaalamang natamo ng mga estudyante mula sa
isang aralin o asignatura” (Abad, 1995). Ang kaalaman na
ito ay siyang ginagamit ng tao upang lalo pang maintindihan
ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran at pati na rin sa
pagpapaunlad ng kanyang pansariling kaunlaran. Nakukuha ang
bagay na ito sa pamamagitan ng pagtuturo o kahit ang
pansariling pagmamasid.

 Guro -“Ang guro ang isa sa mga tao na may malaking papel
sa edukasyon” (Aquino, 1988). Sila ang naghahatid ng
kaalaman patungo sa lahat ng kanyang tinuturuan gamit ang
mga pamamaraan at mga materyales nas iyang nagsisilbing
tulay upang maibahagi ang kanyang kaalaman sa ibang tao o
sa kanyang mga estudyante.

9
 Estudyante
Sila ang mga mag-aaral. Sila ang pangunahing
respondent ng ginagawang pananaliksik. Tumutukoy ito sa
lahat ng tao na nag-aaral sa isang paaralan o sa lahat ng
institusyon na nagbibigay ng edukasyon. Sa pag-aaral na
ito, ang mga esyudante na tinutukoy ay ang mga mag-aaral na
kumukuha ng kursong Teacher Education sa Cordillera Career
Development College.

 Tradisyunal na Pamamaraan
Ito’y pamamaraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng
paglelektyur (Garcia, 1989). Ang pamamaraang ito ay ginamit
sa pagtuturo ng kontroladong grupo. Ang guro dito ay siyang
palaging naglelektyur habang ang gawain ng mga mag-aaral ay
siyang tumanggap lamang kung ano ang nasabi ng guro
(Brittanica Encyclopedia, 1976).

 Makabagong Pamamaraan
Kabaligtaran ito sa tradisyunal dahil ang pagkatuto
ng mag-aaral ay malaya at hindi lang puro sa guro kundi
binibigyan ng kalayaan ang mga mag-aaral na mangalap ng
impormasyon gamit ang sariling kakayahan (kognitib) at
gamitin ito (impormasyon) sa lahat ng gawain sa
kanikanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

 Kapaligiran ng Paaralan (School Environment)


Isa ito sa pinakaimportanteng salik na kailangang
bigyang halaga ng paaralan. Ang salik na ito ay may epekto
sa pag-aaral ng estudyante. Tumutukoy ito hindi lang ang
pisikal na katayuan kundi pati na rin ang lebel ng relasyon
ng bawat isa sa mga mag-aaral at sa kani-kanilang mga guro.
Interaksyon at pagtutulungan ang mga pangunahing katangian
ng isang magandang kapaligiran ng paaralan.

10
Iskop at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa personal at


propesyonal na salik (sa parte ng guro) na siyang may mas
malaking epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ito’y tungkol din sa mga “psychological” o “emotional” na


epekto sa mag-aaral kung papaano maipapahayag ng maayos ang mga
ideya o konsepto sa asignaturang Filipino ng bawat guro gamit
ang Wikang Pambansa.

Sa pag-aaral na ito, mahihinuha ang tatlong dahilan kung


bakit ito isinasagawa. Una, para malaman kung ano ang mga salik
na nakapagdudulot sa epektibong paraan ng pagtuturo sa
asignaturang Filipino. Pangalawa, maakapaglalahad ng solusyon o
rekomendasyon na makatutulong sa pagpapaunlad ng pamamaraan sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino. Pangatlo, para mapalawak ang
kaalaman ng mga guro sa iba’t ibang epektibong pamamaraan sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay naglalayon na


matuluyang malaman ang lahat ng posibleng salik na makakatulong
sa pagpapaunlad sa mga paraan ng pagtuturo ng mga guro sa
asignaturang Filipino sa Cordillera Career Development College.

11
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

o Lokal na Literatura

Wika

“Maraming iba’t ibang wika sa daigdig at bawat isa’y may


kahulugan, ngunit kung hindi ako marunong sa wikang ginagamit ng
aking kausap, hindi kami magkakaunawaan.”

1 Korinto 14:10-11

Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang binigyan


ng kapangyarihang makapagsalita, makarinig, makabasa at
makasulat ng may kritikal na pang-unawa. Dahil dito kanyang
natutuklasan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang
kapaligiran at natutuklasan ang mga pangyayaring nakakatutulong
sa paghubog ng kanyang kamalayan. Ang pagkakaroon ng talino at
isipan, ang kakayahang makalikha ng tunog at makapag-kritik, ang
dahilan kung bakit kailangang madevelop sa tao ang tinatawag na
makrong kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at
pakikinig.

Isang mahalagang kasangkapang nagagamit ng tao sa paglinang


ng mga kasanayang nabanggit ang wika. Ikinukunsider itong
kasangkapan sapagkat sa wika napapahayag ng tao ang kanyang
kaisipan at saloobin. Sa wika nagkakaroon siya ng pagkakataon na
makisalamuha sa mga taong nasa lipunan at sa pamayanang humubog
ng kanyang kamalayan. Sa wika, kanyang naibubulalas ang
damdaming maaaring sumikil sa kanyang pagkatao.

Sa wika lamang nakapag-uunawaan ang mga tao, sinasalamin


nito ang kultura, kaisipan, kasanayan at sining ng sambayanan.
Napag-uugnay-ugnay ng wika ang ibat-ibang salik ng kalinangan.
Wika ang masistemang simbolo sa tinig at sulat na ginagamit ng
tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.

Mahalaga ang wika di lamang sa sarili kundi sa pakikipag-


interaksyon na rin sa kapwa at sa lipunan. Ginagamit sa pagkuha
ng impormasyon, pagtatamo ng edukasyon, gayon din sa

12
pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan. Sa wika
napapabilis at napapagaan ang isang gawain.

Ayon kay Dr. Jose V. Abueva, pangulo ng Unibersidad ng


Pilipinas (UP), “Ang Pambansang Wika ay hindi lamang wika kundi
pananaw rin at pagtingin na maka-Pilipino. May mga pagkakamali
tayong nagawa sapagkat hiram ang ginamit nating salamin sa pag-
unawa sa ating realidad. Maitutuwid natin ang mga pagkakamaling
ito at higit pa nating matutuklasan ang mga aspekto ng ating
sarili sa paggamit ng wikang Filipino.”

Ayon naman kay Alfonso Santiago, “Ang alinmang wikang hindi


nanghihiram ay patungo sa pagkamatay sapagkat alinmang wikang
buhay ay patuloy na nanghihiram”

Ang pagpapayaman ng Wikang Filipino ay tungkulin ng lahat


at hindi ng isa o ng isang grupo. Tungkulin ito ng bawat
mamamayang Pilipino, sa pamamagitan ng paggamit, paglinang at
pagiging bukas ng mga isip sa mga pagbabagong nagaganap bunga ng
patuloy na pag-inog ng mundo ang pagpapaunlad ng Wikang Filipino
na patuloy na paggamit at pagpapahalaga nito.

Stratehiya

Lahat ng gawain, malaki man o maliit ay ginagamit ng mga


pamamaraan upang matapos ang naturang gawain. Habang ang demand
sa mga gawain ay dumarami(lalo na sa pagtuturo),isa sa mga
nakikitang problema na kailangang pagtuunan ng pansin ay tungkol
sa mga pamamaraan/ metodo/ estratehiya na siyang dapat rebisahin
at paunlarin pa upang ang mga resultang minimithi ay siyang
matugunan.

Isa sa mga aspeto sa isang pamayanan na nagangailangan ng


pagrerebisa sa mga pamamaraan ay ang pagtuturo. Sa pagtuturo,
(mga estratehiya) ay may mga malalaki at mahahalagang tungkulin
sa pagbibigay ng tulong sa guro upang ang isang paksa at ang mga
katotohanang nakapaloob dito ay maihahatid patungo sa mga
estudyante nang mas madali at mas maganda na kalidad ng gawain.

Mula sa pagkabuo ng konsepto ng edukasyon, ang stratehiya


ay kinukunsider na isang mahalagang kagamitan sa pagtuturo na
naglalayon sa magandang kinabukasan ng mag-aaral at maging sa

13
tagapagturo. Ito ay regular at sunud-sunod na mga pamamaraan na
gamit ng guro sapag gabay ng mga mg-aaral upang matamo ang mga
mithiin sa lahat ng sitwasyon ng pakatuto (Gregorio, Herman C.,
PRINCIPLES AND METHODS OF TEACHING, 1976). Kalakip dito ang
lahat ng sikolohikal na mga proseso pati narin ang mga
materyales (IM’s) para maapektuhan ang performans ng mag-aaral.

May dalawang uri ng estratehiya o pamamaraan na siyang


ginagamit ng mga guro sa pagtuturo:

o Ang Tradisyunal na Pamamaraan


-Ang mga katangian ng mga pamamaraan na ito ay isang
pagka-organisa ng “subject matter” sa pamamagitan ng mga
pagsasanay, pagpapabalikbalik at memorisasyon at “fixed” na
kurikulum (banghay- aralin) na binuo (formulated) ng mga
matatanda. Kalakip nito ang istriktong pamamalakad sa
paaralan, pormal na mga “pattern” na instraksyunal at
“fixed” na “standards” gamit ang proseso ng kompulsyon,
makitid na pagkontrol, pormalidad, takot at pangamba.
Nakabase ito sa konsepto na ang edukasyon ay isang
paghahanda para sa darating na buhay ng tao, isang
disiplina sa pag-iisip, ang paglipat ng kahusayan,
paghahanap lamang ng karunungan para sa “compliance”, at
pamamaraang “Teacher-dominated activites” (Gregorio, Herman
C., PRINCIPLES AND METHODS OF TEACHING, 1976). Ilan sa mga
halimbawa sa mga estratehiya na gumagamit ng tradisyunal na
metodo ay ang mga sumusunod:

-Direktang Pag-uutos -Protyekto o Gawain na

-Pagsasanay -Metodo

-Mga Lektyurs at mga Tutoring Presentasyons

-Pagsasalaysay (recitation) -Diskusyon

Ang tradisyunal na pamamaraan ay tinatawag din na Dedaktib


na “Approach” ng pagtuturo o nakasentro sa gawain ng pagtuturo
ng guro (teacher-centered), ayon sa Encyclopedia Brittanica,
Micropedia, 1974, vol. IX pp. 855-856. Mula sa malalaking parte,
ito’y hinihimayhimay hanggang lumiit ang mga parte nito bago pa
ihahatid ng guro ang bagong kaalaman patungo sa mga mag-aaral.

14
o Makabagong Pamamaraan
-Ito ay kabaliktaran sa depinisyon ng tradisyonal na
pamamaraan. Ang makabagong metodo ay nakabatay sa
pilosopiya ni John Dewey na ang edukasyon ay buhay,
pagsulong o paglaki, ang rekonstraksyon ng mga pantaong mga
karanasan na ito’y isang sosyal (may interaksyon sa pagitan
ng mga mag-aaral at guro) na proseso. Ang pangunahing
layunin ng pamaraan na ito ay ang kabuuang pagkatao na
paglago sa pamamagitan ng stimulasyon, paggabay at
direksyon. Mas binibigyang pansin nito ang pag-iisip kaysa
ang pag-alala, pag-uunawa kaysa pangangalap ng impormasyon,
at higit sa lahat ang totoong interes at hindi lamang para
sa “mere compliance”. Ang pamamaraan na ito ay hayagang
nagmumungkahi ng kalayaan, nanghihikayat sa malikhaing
pagpapahayag, ang pagkilala sa mga karapatan ng bata bilang
isang malayang katauhan sa isang makatotohanang sitwasyon.
Halimbawa na mga estratehiya na sumusunod sa mga
alituntunin sa pamamaraan na ito ay ang sumusunod:
-Pangakademikong Laro o Kompetisyon
-Kooperatibong Pagkatuto
-Fieldtrips
-Brainstorming
-Pag-uulat (Reporting)
-Pag-aaral ng Kaso
-Simulasyon
-Sentro ng Interes at mga Displays
-Sariling Pagkatuto
-Colloquia o Symposyum
-Pagsasadula
-Pagtatalo (Debate)

Ang makabagong pamamaraan ay tinatawag namang “indaktib” na


“approach” ng pagtuturo, nakasentro sa kakayahan ng mag-aaral na
matutunan kung paano makapagbibigay ng solusyon sa mga problema
gamit ang mga kognitibong kakayahan na matutuhan sa silid-
aralan(Encyclopedia Brittanica Inc., Micropedia. 1974, vol. IX,
pp. 855-856)

15
Mga Kaugnay na Literatura

Wika

Ayon kay Cruz, ang wika ay binubuo ng mga simbolikong


salita na kumakatawan sa mga bagay at pangyayaring mas
naipapahayag ng isang indibidwal sa kanyang kapwa.

Ayon naman kay Lachica, wika ang pinakamahalagang sangkap


sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at
komunikasyon.

Ayon naman kay Panganiban, ang wika ay paraan ng pagpapahayag


ng damdamin at opinion sa pamamagitan ng mga salita upang
magkaunawaan ang mga tao.

Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang pangunahing


instrumento ng pangkommunikasyong panlipunan. Bilang
instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga
instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika
ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga
lipunan upang matamo ang pangangailangang ito.

Samakatuwid ang lahat ng pahayag ng mga awtor ay


nagapapatunay lamang na napakahalaga ang papel na ginagampanan
ng wika sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Gamit ang wika,
nagagawa ng tao na masatisfy ang kanyang mga pangangailangan
maging ito man ay pangsosyal o propesyonal. Nagiging instrumento
ang wika upang makisangkot ang tao sa mga pangyayari sa kanyang
paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao ang pagiging
dalubhasa sa kanyang wikang ginagamit upang ito ang magamit niya
sa paraang tiyak at planado.

o Dayuhang Literatura

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pag-aaral na may kaugnayan


sa pananaliksik na ginagawa. Lahat ng ito ay tumutugon tungkol
sa wika at estratehiya.

Sa librong Act of Teaching ni Cruickshank, nahinuha na ang


karamihan sa mga guro ay naniniwala sa tatlong konklusyon na may
kaugnayan sa estratehiya. Una, ang mga guro ay naniniwala na ang
mga magkakaibang metodo ay para sa magkakaibang uri ng mag-

16
aaral. Pangalawa, ang palelektyur o diskusyon ay siyang pinaka-
epektibong uri ng metodo na magagamit sa mga mag-aaral. At
panghuli, ang mga guro ay may ibat-ibang persepsyon tungkolsa
diskusyon.

Ipinapakita sa librong ito na ang guro ang siyang mas


nakakaalam kung anu-ano ang mas epektibong pamamaraan na
gagamitin upang ang lahat ng uri ng mag-aaral ay matuto sa isang
paksa.

Ayon naman kay Gregorio sa kanyang aklat na Principles and


Methods of Teaching, ang isang pamamaraan upang maging epektibo
ay dapat magkaroon ng mga katangian at ang mga sumusunod: una,
ang epektibong metodo ay dapat may kasamang kahusayan sa
paggabay upang makamtan ang isang kaalaman o karunungan.
Pangalawa, ito’y dapat mabait na magagamit ng karamihan sa
pagkatuto. Kooperasyon ang pangatlong katangian nito. Pang-apat
ay dapat na may “remedial” na prosedyurs tuwing inaaply ang
pamamaraan na ito. Panglima ay kailangang nagbibigay kalayaan sa
mga mag-aaral sa pagkuha ng impormasyon. Panghuli, dapat
nakakapagresolba ito ng mga kahinaan sa pagkuha ng impormasyon.

Sa dalawang pag-aaral, mahihinuha natin na ang isang


epektibong pamamaraan ay makakamtan lamang kung ang gumagamit
nito ay nakakaalam sa mga katangian at naiaaplay niya ito nang
maayos at kung saan ang lahat ng mga mag-aaral ay may makukuhang
kaalaman mula sa isang paksa gamit nga ang isang pamamaraan. Ang
isang pamamaraan ay matatawag lamang na epektibo kung may
magandang resultang naidulot nito sa performans ng mag-aaral at
sa guro na gumagamit nito.

17
KABANATA III

Sa kabanatang ito, tinatalakay ang mga pamamaraang ginamit sa


pag-aaral, at ang mgakalahok kagaya ng populasyon ng pag-aaral
at ang mga respondente.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at


evalwativ. Ito’y disenyo ng pag-aaral na susuri at susukat sa
mga datos na sasagot sa mga katarungan. Nagbibigay ito ng mga
impormasyon mula sa mga mananaliksik, sa mga libro at
ebalwasyon. Sa pamamagitan ng impormasyong nakuha mula dito,
nagkakaroon ng mga solusyon ang mga katarungan o suliranin
tungkol sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang
Filipino sa CCDC.

Populasyon

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa Cordillera Career Development


College noong ika-20 ng Nobyembre taong 2017. Ito’y makikita sa
bayan ng Palompon,lalawigan ng Leyte. Nakatuon ang pag-aaral na
ito sa mga guro at mag-aaral na kumukuha ng kursong Teacher
Education sa CCDC.

Respondente

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa CCDC. Ang kabilang na mga


respondente ay tatlumpo’t lima (35) na mga guro at mga mag-aaral
mula sa Departamento ng Teacher Education sa CCDC.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral at mga


guro na mula sa Departamento ng Teacher Education. Ang sarbey
kwestyoner ang ginamit upang maipakita ang datos na
kinakailangan sa pag-aaral.

18
Proseso ng Pangangalap ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng


pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey
kwestyuner na naglalayong makahanap ng mga datos upang malaman
ang mga salik sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa
asignaturang Filipino mula sa mag-aaral at guro na nasa ilalim
ng Departamento ng Teacher Education. Nagsagawa din ng
pangangalap ng mga datos o impormasyon ang mga mananaliksik sa
ibat-ibang hanguan,sa internet, sa mga aklat at magasin.

Istatistikal Tritment ng Datos

Ang pagtally ang ginawa ng mga mananaliksik upang maibuod


ang mga datos ng pag-aaral.

19
Cordillera Career Development College
Poblacion,Buyagan, La Trinidad, Benguet
Survey for Thesis
Filpino 13

Mga Salik sa Epektibibong Pamamaraan ng Pagtuturo sa asignaturang


Filipino sa mga Mag-aaral sa Departamento ng Teacher Education

Pangalan: Edad:
Taon at seksyon: Kasarian:

PANUTO: Bilugan ang bilang na siyang pinakaangkop na naglalarawan sa


mga salik na nakakaapekto sa epektibong pamamaraan sa pagtuturo ng
assignaturang Filipino.

4 – Lubhang Nakakaapekto
3 – Nakakaapekto
2 – Di-gaanong Nakakaapekto
1 – Hindi Nakakaapekto

A. Personal na mga Salik (Guro):

1 2 3 4
a. Panlabas Na Kaanyuan
b. Pag-uugali
c. Pagiging Pasinsyosa/Pasinsyoso
d. Madaling Lapitan
e. Lebel ng Interaksyon
f. Kagandahang Asal

B. Propesyonal na mga Salik

1 2 3 4
Kabihasaan sa asignatura
Dedikasyon o pasyon sa pagtuturo
Pagiging malikhain
Educational Attainment ng Guro
Kabihasan sa gamit na linggwahe sa pagtuturo

20
KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Sa kabanatang ito naipapakita ang mga datos na nakalap mula


sa mga mag-aaral sa Departamento ng Teacher Education tungkol sa
mga salik sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng asignaturang
Filpino.

1. Anong mga personal na salik ang nakakaapekto sa pamamaraan


ng pagtuturo ng asignaturang Filipino?

Talahanayan 1
Personal na salik sa epektibong pamamaraan sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino

30

25

20

15
lubhang nakakaapekto
10 nakakaapekto
di- gaanong nakakaapekto
5 hindi nakakaapekto

Ipinapakita ng talahanayan 1 na lubhang nakakaapekto sa


epektibong pamamaraan sa asignaturang Filipino ang panlabas na
kaanyuan, pag-uugali, pasensyosos/pasensyosa, madaling lapitan,
lebel ng interaksyon, ata kagandahang asal.

21
2. Anong propesyonal na mga salik ang nakakaapekto sa
epektibong pamamaraan ng pagtututro sa asignaturang
Filipino?
Talahanayan 2
Propesyonal na mga salik na nakakaapekto sa epektiong
pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino

30

25

20

15 lubhang nakakaapekto
nakakaapekto
10 di-gaanong nakakaapekto
hindi nakakaapekto
5

0
kabihasaan pasyon sa pagiging edukasyong kabihasaan
sa pagtututro malikhain naabot ng sa gamit na
asignatura guro linggwahe sa
pagtuturo

Ayon sa talahanayan 2, ang mga kabihasaan sa


asignatura, dedikasyon o pasyon sa pagtuturo, pagiging
malikhain, edukasyon na naabot ng guro, at kabihasaan sa
gamit na linggwahe sa pagtuturo ay may lubhang epekto sa
epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang
Filipino.

22
KANABANTA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral, at ang


konklusyon at rekomendasyon para sa solusyon sa problemang
naitala sa pag-aaral na ito ay maibibigay.

Lagom

Ang paglalathala sa pag-aaral sa mga salik na nakakaapekto


sa pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino para sa mag-
aaral na nasa ilalim ng Departamento ng Teacher Education ay
naganap. Tatlumpo’t lima (35) ang respondante na sumagot sa mga
katanungan na aming ibinigay at ang resulta ay ang mga
sumusunod:

 karamihan sa mga respondente ay naniniwala na ang panlabas


na kaanyuan, pag-uugali, pagiging pasensyosa/o, madaling
lapitan, pagkakaroon ng interaksyon, at kagandahang asal ng
guro ay may malaking epekto sa pagtuturo sa asignaturang
Filipino.
 Sa kategoryang propesyonal na mga salik din tulad ng
kabihasaan sa asignatura, may dedikasyon sa pagtuturo,
pagiging malikhain, edukasyong naabot ng guro, at
kabihasaan sa gamit na linggwahe sa pagtuturo ang may
malaking epekto sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Konklusyon

Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang personal na mga salik tulad


ng panlabas na kaanyuan, pag-uugali, pagiging pasensyosa o
pasensyoso, madaling lapitan, pagkakaroon ng interaksyon, at
kagandahang asal ng guro ang may malaking nagagawa o
nakakatulong para sa mga estudyante na maunawaan ang
asignaturang Filipino.

Sa panig naman ng mga guro, ang kabihasaan sa asignatura,


dedikasyon sa pagtuturo, pagiging malikhain, edukasyong naabot,
at kabihasaan sa gamit na linggwahe sa pagtuturo ang higit na

23
nakakatulong sa kanila upang maipamahagi ang kanilang kaalaman
at sa mga estudyante din na kung saan mas mauunawaan pa nila ang
asignaturang Filipino tungo sa pagpapataas ng kanilang grado
dito.

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos,


nabuo ng mga mananaliksik ang mga rekomendasyong sumusunod:

 Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, kailangan ng malawak


na kaisipan at mahabang pasensya kasi nakasalalay sa iyo
kung paano mauunawaan ng mga mag-aaral ang asignaturang ito
 Ang pag-aaral ng asignaturang Filipino ay dapat huwag
hayaang ikabalewala ng mga mag-aaral sapagkat ito ang
lumilinang sa mga kasanayan natin sa pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip.
 Dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating sariling
wikang Filipino sapagkat ito ang nagbubuklod-buklod sa atin
at ito din ang magiging daan sa tagumpay natin sa
hinaharap.

24

You might also like