You are on page 1of 50

Modyul 1.

TAMANG PAGKAIN

Bahay kubo, kahit munti


Ang halaman doon, ay sari sari
Sinkamas at talong, sigarilyas at
mani
Sitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo't kalabasa


At saka mayroon pang labanos,
mustasa,
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.

1
Anong mga pagkain ang nakapagpapalusog sa
atin?
Subukan Natin
Kulayan ang kahon sa kanan:
 berde kung ang pagkain ay mula sa
halaman.
 pula kung mula sa hayop.

A.

1. Saging

2. Manok

3. Keso

4. Gatas

5. Mais

2
B. Bilugan ang mga pagkaing pampalusog
1. 2.

french fries prutas

3. 4.

tinapay ice candy

5.

Lollipop

C. Iguhit ang kung ito ay dulot ng


masustansiyang pagkain.
Iguhit ang kung ito ay dulot ng hindi
gaanong masustansiyang pagkain.

1. Makinis na balat

2. Bulok na ngipin

3. Pagtangkad

4. Mahinang katawan

5. Sobrang timbang ng bata

3
D. Tingnan ang dalawang larawan.
Bilugan ang mga pagkaing pampalusog.

1.

baso ng tubig lata ng soda

2.

Repolyo mga hotdog

3.

Cake pinya

4.
sopas tasa ng kape

5.

pizza mga prutas

4
Aralin 1. Halaman at Hayop Bilang
Pagkain
Pag-aralan Natin:
Gawain 1: Halaman o Hayop?
Lagyan ng berdeng tsek  kung galing sa
halaman.
Lagyan ng pulang tsek  kung galing sa hayop .

5
Gawain 2: Mula sa Halaman o Hayop?
Ikahon ang pagkaing mula sa mga halaman.
Bilugan ang pagkaing mula sa mga hayop.

Pandesal keso mga itlog

Inihaw na manok jam ice cream

chicharon pineapple juice butter

Tandaan:

NAGBIBIGAY SA ATIN NG PAGKAIN


ANG MGA HALAMAN AT HAYOP

6
Aralin 2: Masustansiya Ba o Hindi Gaanong
Masustansiya?
Gawain: Masustansiya o Hindi Gaanong
Masustansiya
Lagyan ng tsek  ang masustansiyang pagkain.
Lagyan ng ekis X ang hindi gaanong
masustansiyang pagkain.

mangga soda chicharon

pechay saging isda

mga karot lollipop mga hotdog

Tandaan:

Kumain ng Pagkaing Masustansiya


Sapagkat sa katawan ito’y mahalaga!

7
Aralin 3: Kumakain ka ba sa Tamang
Oras?
Pag-aralan Natin

Gawain 1: Gustong- gusto ko ang Almusal

Dapat mag-almusal ang lahat ng tao.


Ito’y nagpapalaki, nagpapasigla at
nagpapatalino.
_________ ang paboritong almusal ko.
Sumasaya ang buong araw ko.

Gawain 2: Masayang Mag-almusal

Mag-unahan tayo sa pagkuha ng mga


masustansiyang pagkain sa ating BREAKFAST MOBILE

8
Gawain 3: Gustong-gusto ko ang Tanghalian
Pumili ng 4 na pagkain na gusto mo para sa
tanghalian.
Lagyan ng guhit papunta sa Lunch box o baunan.

9
Gawain 4: Gustong-gusto ko ang Hapunan
Sipiin ang unang titik ng salita.
Bigkasin ang tunog.

Larawan Titik/Letra

10
Gawain 5: Masustansiya ang Gatas

Ngipin ko’y tumitibay


Buto ko’y lumalakas
Dahil sa tuwinang
Pag-inom ng gatas

11
Gawain 6: Bigyan Mo Ako ng Tubig

Kulayan ang larawan

TUBIG AY KAILANGAN ,PAMPASIGLA NG KATAWAN!

TANDAAN

SA BAWAT KAGAT...
TAMANG PAGKAIN ANG DAPAT.

12
Aralin 4: Isaisip ang Tamang Gawi
Pag-aralan Natin
Gawain 1: Bakit dapat ugaliin ang tamang gawi sa
hapag-kainan?
Wastong gawi sa Hapag-kainan para sa lahat
1. 2.

Maghugas ng kamay Umupo nang wasto.


bago kumain.
3. 4.

Magagandang bagay Sabihin ang"Pakiusap” sa


ang pag-usapan habang pagpapasa ng pagkain.
kumakain.
5. 6.

Iwasan ang pagsasalita Nguyain ang pagkain na


kung may laman ang nakasara ang bibig.
bibig.

7.Kumain nang dahan-dahan.


Upang magustuhan ang pagkain.

13
Ang Aking Pangako

Wastong gawi sa hapag-kainan.


Sa loob ng isang araw dapat na
isakatuparan.
Gagawin ko ito sa araw-araw.
Nang ako’y magkaroon ng wastong gawi sa
hapag-kainan.
Ako ay tutulong

Lagda ng Magulang

_______________________

Tandaan

1. Maghugas ng kamay bago kumain.


2. Umupo nang wasto.
3. Magagandang bagay ang pag-usapan
habang kumakain.
4. Sabihin ang"Pakiusap” sa pagpapasa ng
pagkain.
5. Iwasan ang pagsasalita kung may laman ang
bibig.
6. Nguyain ang pagkain na nakasara ang bibig.
7. Kumain nang dahan-dahan.
Upang magustuhan ang pagkain.

14
Huling Pagtataya
A. Halaman o Hayop?
Isulat ang Hn kung ang pagkain ay nagmula sa
halaman.
Isulat ang Hp kung ang pagkain ay nagmula sa
hayop.

___________1. isda

___________2. mga itlog

___________3. mga karot

___________4. mais

___________5. manok

B. Pampalusog o Hindi Gaanong Pampalusog?


Bilugan ang pagkaing pampalusog.
Lagyan ng ekis X ang hindi gaanong pampalusog

gatas lollipop doughnut soda

isda mga karot

15
C. Bilugan ang iyong sagot.
1. Aling pagkain ang dapat kainin sa almusal?

Pizza at soda pritong manok, itlog, gatas burger at kape

2. Anong pagkain ang dapat kainin sa tanghalian?

Fries, sorbetes, tsokolate adobo at kanin cake at sorbetes

3. Aling prutas ang angkop sa almusal?

bayabas saging suha

4. Aling inumin ang angkop sa mga bata?

Soda gatas kape


5. Alin ang dapat kainin sa hapunan?

Gatas, kanin, sinigang kanin, sinigang, cake kendi, kanin, isda


pritong manok

16
D. Sino ang may tamang pag-uugali sa hapag
kainan?
Iguhit ang  sa patlang.

_______

________

________

Nanalo ako sa paligsahan!!!

__ _______

_________

_________

17
Modyul 2. AKO AY MALUSOG

18
Gusto mo bang maging malusog?
Subukan Natin:
A. Alin ang larawang nagpapakita ng magandang
asal sa kalusugan?
Lagyan ng  tsek.

B. Bilugan ang angkop na larawan.


1. Gamitin ito sa paghuhugas ng iyong paa.

2. Takpan ang iyong bibig kapag umuubo.

19
3. Gawin ito pagkatapos gumamit ng palikuran.

4. Gawin ito pagkagising.

5. Gamitin ito pagkatapos maligo.

C. Kulayan ng pula ang kung tama ang


pangugusap.

1. Magsuot ng malinis na damit.


2. Matulog na marumi ang paa.
3. Maglaro sa labas kahit mainit.
4. Punasan ang iyong mukha ng malinis na
tuwalya.
5. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos
kumain.

20
Aralin 1. Malinis na Kamay
Pag-aralan Natin
Gawain 1
Awit tungkol sa ating mga kamay (tono na “Maliliit
na Gagamba”)
Awitin Natin.

Ako ay May Mga Kamay


Ako’y may mga kamay
Na Kaliwa at Kanan
Itaas mo man ito’y
Malilinis naman
Ipalakpak, ipalakpak
Itong mga kamay
Ipalakpak, ipalakpak itong
mga kamay

21
Ito si Rica.
Hi! Rica ang pangalan ko
Ipinakikita niya sa atin ang
Ito ang aking mga kamay
kanyang mga kamay. Nakagagawa ako ng
Ano ang sinasabi niya? maraming bagay sa tulong
ng aking mga kamay.
Sa taglay na kalinisan,kay
gandang pagmasdan
Pagkat sa tuwina ito'y
hinuhugasan.
IKaw, paano mo
inaalagaan ang
ang iyong kamay?

iyong kamay

Kailangang hugasan ang ating mga kamay.


Kailan dapat hugasan ang ating mga kamay?

Kapag ang mga ito ay marurumi

Bago at pagkatapos kumain

22
Pagkatapos gumamit ng palikuran

Pagkatapos pakainin ang alagang tuta

Kapag umuubo at bumabahin

Pagkatapos maglaro sa labas

Pagsasanay 1
Sino ang dapat maghugas ng kamay.
Bilugan ang larawan.

23
Gawain 3: Ito ang Paraan

Ngayon, hugasan natin ang ating mga kamay.


Gawin natin ito.
Hugasan natin ang ating mga kamay ng wasto.
Sinasabi sa awit ang tamang paraan.
Awitin natin ito.( Sa tono na “Ang Piyera ni Juan”)

Ito ang Paraan


Ito ang paraan ng paghuhugas
ng kamay,
paghuhugas ng kamay,
paghuhugas ng kamay
Ito ang paraan ng paghuhugas
ng kamay
upang sakit ay maiwasan.

May mga wastong paraan ng paghuhugas ng


kamay
Pag-aralan natin.

1.Basain nang malinis 2. Gumamit ng sabon


na tubig ang mga at kuskusin ang
kamay mga kamay (15-20
minuto)

24
3. Kuskusing mabuti 4. Banlawan angmga
ang lahat ng bahagi kamay ng malinis na
ng kamay. tubig.

5. Tuyuin ang mga 6. Gamitin ang


kamay nang malinis tuwalya sa pagsasara
na tuwalya. ng gripo.

Tandaan Natin

Hugasan nang wasto


ang ating mga kamay.

Ang Aking Pangako

Nangangako
ako
na huhugasan ko nang wasto
ang aking mga KAMAY

Parent’s Signature: ___________________________


Date: _________________________

25
Aralin 2. Malilinis na Paa
Pag-aralan Natin
Gawain 1

Tingnan si Biboy.
Naglalaro siya sa baha.
Ang dumi-dumi na niya.
Ano ang dapat niyang gawin
pagkatapos maglaro?

Piliin ang tamang larawan sa kanan.


Lagyan ito ng guhit.

Dapat bang maglaro si Biboy sa


tubig baha?

26
Kailan dapat hugasan ang ating paa?
Hinuhugasan natin ito:

1. Kapag ito ay marumi

2. Bago matulog

2. Pagkatapos magtampisaw
sa baha

Kailangang hugasan nang wasto ang iyong paa.


Narito ang Wastong Paraan ng Paghuhugas
1. Hugasan ang paa gamit ang tubig at sabon.

Hindi sapat na tubig


lamang ang gamitin sa
paghuhugas ng paa .
Gumamit ng sabon at
kuskusin ang buong bahagi
ng mga paa.
Kuskusin nang mabuti
ang daliri

27
2. Tuyuing mabuti ang mga paa.
Tuyuin nang maayos.
Gumamit ng malambot
na pamunas o tuwalya.
Tuyuin ang pagitan ng
mga daliri.
Ang natitirang dumi
ang nagiging sanhi ng
mabahong amoy at
inpeksiyon sa paa.
Suriin Natin

A. Tingnan ang mga larawan


Sino ang dapat maghugas ng paa?
Bilugan ang larawan.

28
B.
Naglaro si Kiko kasama ang kanyang kamag-
aral.
Napansin niya ang dumi sa kanyang mga
paa.
Nais niya na hugasan ang mga ito.
Tulungan si Kiko na makarating sa may poso.
Sundan ang dadaanan ni Kiko papunta sa may
poso.

Pag-aralan Natin
 Ingatan ang iyong mga paa upang mapanatili
itong malusog at malinis.
 Hinuhugasan natin ang paa:
 kapag ito ay marumi
 bago matulog
 pagkatapos magtampisaw sa baha
 Hugasan ang paa gamit ang tubig at sabon.
Tuyuin itong mabuti gamit ang malinis na
tuwalya.
“Sa maruruming paa sakit ay makukuha,
kaya alagaan sa tuwi-tuwina”.

29
Aralin 3. Tamang Gawi sa Pag-ubo at Pagbahin
Pag-aralan Natin

Masama ang pakiramdam ni Ramil.


Nang bigla siyang napabahin sa kanyang kamay.

Naku, Ramil!
Huwag kamay ang
gamitin mo na
pantakip sa pagbahin.

Ipagpaumanhin
mo, Rita

Ayos lang ,Ramil.


Hayaan mong Okay...
turuan kita kung
paano umubo at
Let’s start.
bumahin ng tama.

30
Gawin Natin
Gawain 1: Tamang Pagbahin
Takpan ang bibig kapag umuubo at bumabahin:

gamit ang iyong braso gamit ang panyo o


tissue paper

Itapon ang tissue paper na gamit na:

sa tamang basurahan at hugasan ang kamay

Kung ikaw ay may sipon:

mag-suot ng surgical mask.

Ang kamay ay hindi dapat gamitin na pantakip sa


bibig kung umuubo.

31
Gawain 2: Tamang Gawing Pangkalusugan
Tingnan ang larawan.
Iguhit ang kung tama ang gawing
pangkalusugan.
Iguhit ang kung hindi tama ang gawing
pangkalusugan.

1. 2. 3.

Tandaan Natin

Sa Pag-ubo at Pagbahin,
Bibig ay Takpan
Upang Sakit ay Maiwasan

32
Aralin 4. Pagsusuot ng Malinis na Damit
Pag aralan Natin
Gawain 1: Malinis o Marumi

Sino ang maayos tingnan?


Bakit?

Gawain 2: Malinis na Damit

Damit na Malinis

Damit na malinis
ang laging suotin.
Nang maging kaaya-aya
sa tumitingin.

33
Gawain 3: Gawin Natin ang mga Ito

Magpalit ng damit pagkatapos maligo.

Magpalit ng damit kung ito ay narumihan na.

Magpalit ng damit bago matulog sa gabi.

Ugaliin ang madalas na pagpapalit ng damit-


panloob.

34
Gawain 4: Ano ang Isinusuot natin sa Iba’t ibang
Pagkakataon?
Iba’t iba ang isinusuot nating damit.
Bawat isa ay may sariling gamit.

1. Magsuot ng uniporme sa paaralan.

2. Magsuot ng damit na panlaro sa


paglalaro.
Isuot din ang mga ito sa bahay.
Ang mga damit na ito ay simple.
Maginhawa rin ito sa katawan.
3. Magsuot ng angkop na damit sa lugar ng
dalanginan.
Magsuot din ng ganito sa mga pagtitipon.

4. Magsuot ng damit na pantulog sa


pagtulog.
Ito ay maluwag at maginhawa sa
katawan.
5. Gumamit ng damit panloob.

35
Gawain 5. Anong Damit ang Dapat Isuot
Bilugan ang tamang larawan.
1. Alin ang dapat isuot sa paaralan?

2. Alin ang dapat isuot na panloob sa damit?

3. Alin ang dapat isuot kung maglaro?

4. Alin ang dapat isuot sa lugar-dalanginan?

5. Alin ang dapat isuot sa pagtulog?

36
Gawain 3: Kulayan ang Damit
Kilalanin sina Ali at Sara.
Tulungan silang magbihis.
Kulayan ang damit ni Ali.
Kulayan ang damit ni Sara.

Tandaan
Magsuot ng malinis na damit araw-
araw.
 Magpalit ng damit
 pagkatapos maligo
 kung marumihan ang damit
 bago matulog sa gabi
• Magsuot ng iba’t ibang uri ng
damit.
 uniporme
 damit-panlaro
 damit para sa pagtitipon
 damit na pantulog
 damit na panloob
• Magsuot ng malinis na damit na
panloob.
37
Aralin 5: Natutulog Ka Ba?
Gawain 1: Pahinga, Pahinga, Kailangan ko ay
Pahinga

Lumakad tayo.
Tumakbo tayo.
Pagod na tayo.
Magpahinga tayo.

Gawain 2: Gaano Kahaba ang Tulog Mo?

Ang pahinga at tulog ay nagpapalaki sa inyo.


Nagpapalusog din ang mga ito.

Gaano kahaba ang tulog ni Nina?


Bilangin ang bituin.

Masdan ang orasan.

38
Ika-8:00 na ng gabi.
Natutulog si Nina tuwing ika-8:00 ng gabi.
Gumigising siya sa ika- 7:00 ng umaga.
Natutulog siya ng 11 oras.
Ikaw anong oras ka natutulog?
Kailan kayo gumigising?
Anong oras ka gumigising?

Natutulog ako sa ganap na_____.


Gumigising ako sa ganap na______.
Natutulog ako ng _________.

Gawain 3: Matulog ng maaga

Maagang matulog
At gumising nang
Para maging malusog ____
Tayong mga bata.

Anong oras ka ba natutulog?


Anong oras ka ba gumigising?
Ano ang mangyayari sa iyo?
Bakit?

39
Gawain 4: Inaayos ko ang tulugan ko.
Pagmasdan ang larawan A at B

A B
Alin sa dalawang batang lalaki ang gusto mo?
Bakit?

Gawain 5: Handan a akong Matulog


Basahin ang Kuwento

Hello Leo!
Opo nanay.
Inaantok na po Mukhang
ako. inaantok ka
Ibig ko na pong na.Handa ka
matulog.
na bang
Malinis na po ako.
Naghugas na po
matulog?
ako ng aking paa.
Nagpalit na po
ako ng aking
damit.

40
Opo nanay. Maayos na
Maayos na po ba ang iyong
ang tulugan ko. tulugan?
Malinis po ang
kumot at unan ko.

Wow, magaling! Salamat po nanay


Isa kang magaling at magandang
na bata. gabi po.

Kailangan ng ating katawan


ang pahinga .
Kailangan ng ating isipan
ang pahinga.
Nakapapahinga tayo kapag
natutulog tayo.
Ang pahinga ay
nagpapalusog ng ating
katawan.
Kaya kailangan natin ang
sapat na tulog.

41
1. Palitan ang kobre kama linggo-linggo.

2. Palitan ang punda linggo-linggo.

Tandaan:

Kailangan natin ng oras sa


pagtulog.
Ang pagtulog ay nagpapalusog.

Nakatutulog tayo nang


mahimbing kapag malinis ang
kobre kama.
Nakatutulog tayo nang
mahimbing kapag malinis ang
mga unan

42
Gawain 6: Ano ang nasa kama mo?

Ano-ano ang ginagamit mo sa pagtulog?


Bilugan ito.

43
Aralin 6: Ang aking Tindig!
Pag-aralan Natin
Gawain 1: Tumayo ng Tuwid

1.Tumayo nang tuwid sa


tabi ng dingding.
2.Hayaang nakalapat ang
ulo sa dingding.
3.Hayaang nakalapat ang
balikat sa dingding.
4.Hayaang nakalapat ang
likod sa dingding.
5.Tumingin ng tuwid.
6.Ituwid ang tuhod.
7.Iliyad ang dibdib.
8.Huwag iliyad ang tiyan.

Nagawa mo ba?

Tumayo ng Tuwid

Tumayo nang tuwid


Tumayo nang tuwid
Tumayo nang tuwid

Mahal kong kaklase.


Tumayo nang tuwid
Tumayo nang tuwid
Mahal kong kaklase

44
Gawain 2: Umupo ng Tuwid

1. Umupo nang tuwid sa silya.


2. Isandal ang likod sa silya.
3. Umupo na tuwid ang balikat.
4. Hayaang dumaiti ang ibabang bahagi
ng katawan sa silya.
5. Umupo ng nakaayos ang tuhod
at balakang.
6. Ilapat ang paa sa sahig.
7. Huwag pagpatungin ang dalawang binti.

Gawain 3: Lumakad nang Wasto

1. Tumayo ng tuwid.
2. Tumingin ng tuwid at hindi
patungo.
3. Itaas ang baba.
4. Huwag iliyad ang tiyan.
5. Lumakad pauna.
6. Hayaang gumalaw ang braso
pauna.
7. Hayaang gumalaw ang braso
pahuli.
8. Ibaluktot nang bahagya ang
tuhod.

45
Gawain 4: Pulutin ang Iyong Gamit

Kung pupulot ng bagay sa sahig:


1. Ibaluktot ang tuhod.
2. Ituwid ang binti habang may pinupulot.
3. Kung may ilalagay sa ibaba:
4. Ibaluktot ang binti at balakang.
5. Patigasing bahagya ang kalamnan ng tiyan.
6. Gamitin ang kalamnan ng binti.
7. Ibaba ang bagay.

Gawain 5: Sino ang may maayos na tindig?


Bilugan ang tamang sagot.

1. Sino ang wasto ang pag-upo?

A B
2. Sino ang wasto ang pagtayo?

A B
46
1. Sino ang may wastong tindig sa paglakad?

A B

Tandaan:

Tumayo nang tuwid


Umupo nang tuwid.
Lumakad nang wasto.
Pulutin ang mga bagay nang buong ingat.

47
Huling Pagtataya
A. Ano ang ginagamit natin sa paghuhugas ng
kamay at paa?
Pagdugtungin linya ang mga ito.

B. Papaano tayo naghuhugas ng ating kamay?

48
Lagyan ng bilang ang larawan ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod.

C. Lagyan ng ekis ang maling larawan.


49
1. Pagtatakip ng bibig at ilong kapag umuubo at
bumabahin.

2. Wastong Pag-upo

3. Wastong pangangalaga ng katawan.

D. Isulat ang Oo kung tama ang gawain.


Isulat ang Hindi kung mali ang gawain.
________ 1. Maglalaro ako nang buong araw.
________ 2. Matutulog ako sa tamang oras.
________ 3. Tatayo ako nang tuwid.
________ 4. Matutulog ako sa malinis na banig.
________5. Magpapalit ako ng damit lingo-linggo.

50

You might also like