You are on page 1of 15

Buwan ng Wikang Pambansa 2019

GABAY SA PROGRAMA AT KALENDARYO NG MGA


AKTIBIDAD

Hinggil sa Pagdiriwang

Para sa taóng 2019, ipagdiriwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Buwan
ng Wikang Pambansa na tampok ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang
Bansang Filipino.”

Pakikiisa ito ng KWF sa proklamasyon ng UNESCO ng 2019 International Year of


Indigenous Languages (IYIL). Higit pa dito, ang pagdiriwang ay isang mahalagang
suhay sa ipinatutupad ng KWF na Medyo Matagalang Plano 2017-2020 sa
pamamagitan ng mabisang pagpapatupad ng mga pambansang programa para sa
patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng mga katutubong
wika na makapag-aambag sa higit na kagalingan at kalinangang pambansa ng mga
Filipino.

Hinggil sa BNW 2019 Logo


Nagtatampok ang BNW 2019 Logo ng tatlong mahalagang aspekto: (1) pagtatampok ng
mga abstraksiyon ng mga disenyong panghabi mula sa iba’t ibang pangkating katutubo
sa bansa; (2) pagtatampok ng sari-saring kulay; at (3) pagtatampok sa baybayin na “ka”
sa gitna ng logo ng KWF.

Ang mga abstraksiyon sa mga disenyong panghabi ng mga pangkating katutubo sa


bansa ay simbolo ng katangiang mapaglahok ng wikang Filipino at ang pagyakap nito sa
iba’t ibang katutubong wika sa Filipinas. Ang sari-saring kulay at paghahalo-halo ng mga
ito ay simbolo naman sa mithing kaisahan at epektibong daloy ng ugnayan para sa mga
katutubong wika sa bansa.

Sa gitna ng lahat ng ito, matatagpuan ang baybayin na “ka” sa loob ng logo ng KWF. Isa
itong pagtatanghal at pagpaparangalan ng Komisyon sa mga katutubong wika bilang
ubod ng mga mandato ng KWF dahil naniniwala ang ahensiya nasa mga katutubong wika
ang pagka-Filipino.
Hinggil sa mga Aktibidad

Ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” ay hinati sa apat na
lingguhang tema:


 Linggo 1 (Agosto 5-9): Ako at ang Katutubong Wika Ko
 Linggo 2 (Agosto 12-16): Pagbasa at Paglaya: Pagpapalusog ng mga
Katutubong Panitikan at Kaalamang-bayan
 Linggo 3 (Agosto 19-23): Sarikultura: Multilingguwalismo at Pag-uugnayan
para sa Isang Bansang Filipino
 Linggo 4 (26-30 Agosto): Pangangalaga sa mga Katutubong Wika,
Pangangalaga sa Bansang Filipino

Sa pamamagitan ng paghiling ng mga memorandum mula sa DepEd, CHED, DILG,


CSC, at NCIP, ginaganyak ng KWF ang mga indibidwal, mga institusyon, at mga
organisasyon na magpatupad ng sumusunod na programa sa kani-kanilang komunidad:
Para sa DepEd:

Maaaring i-download ang DepEd Memorandum

Baitang K-3

1.
1. Paggawa at pagpapaskil ng mga islogan na may kaugnayan sa tema
2. Pagdaraos ng timpalak sa pagbigkas ng isang katutubong tula ng
lalawigan o rehiyon
3. Pagsasagawa ng parada ng mga katutubong halaman at hayop
4. Pagdaraos ng timpalak sa pagbuo ng poster tungkol sa paksang “Paano
Ko Aalagaan ang Aking Wika”

Baitang 4-6

1.
1. Pagdaraos ng pampaaralang paligsahan sa ispeling sang-ayon sa KWF
2013 Ortograpiyang Pambansa (pampaaralan)
2. Pagsasagawa ng programang nagtatanghal sa mga kuwentong-bayan ng
lalawigan o rehiyon sa pamamagitan ng madulang pagkukuwento
3. Pagdaraos ng Sagisag Kultura Quiz Bee
4. Pagdaraos ng pandibisyong paligsahan sa ispeling sang-ayon sa KWF
2013 Ortograpiyang Pambansa (pandibisyon)

Baitang 7-10

1.
1. Pagbuo ng mga infographic ng mga katutubong salitang may kaugnayan
sa isang aspekto ng kultura ng lalawigan o rehiyon (halimbawa pagkain at
pagluluto, agrikultura, pamahiin, atbp)
2. Pagdaraos ng timpalak sa paggawa ng zine o chapbook na nagtatampok
ng mga katutubong panitikan o kaalamang-bayan ng lalawigan o rehiyon
3. Pagbuo ng tatlong minutong video tungkol sa ilang batayang
pagpapahayag sa katutubong wika ng lalawigan o rehiyon (pagbati,
pagtatanong o pagbibigay ng direksiyon, at iba pa)
4. Pagbuo ng eksibit na nagtatanghal sa mga bayani ng wika ng lalawigan,
rehiyon, o bansa

Baitang 11-12

1.
1. Pagsasagawa ng eksibit na may paksang “Sampung Bagay na Dapat
Malaman sa Ating Katutubong Wika”
2. Pagdaraos ng timpalak sa pagsulat ng kuwento o tula gamit ang
katutubong wika
3. Pagdaraos ng timpalak sa dagliang talumpati
4. Pagdaraos ng timpalak sa pagsasalin mula sa katutubong wika patungong
Filipino o Filipino patungong katutubong wika

Para sa CHED:

1.
1. Pagdaraos ng mga forum at talakayan hinggil sa mga katangian ng iba’t
ibang katutubong wika sa Filipinas
2. Tertulya sa pagbasa ng mga tula na nasa mga katutubong wika
3. Talakayan ukol sa mga panitikang-bayan ng mga rehiyon
4. Forum hinggil sa pagbuo ng bansa na nakasalig sa isang lipunang
multicultural
5. Pagpapatibay ng mga patakarang pangwika ng unibersidad/kolehiyo para
sa mga katutubong wika at sa Filipino
6. Pagbabahagi ng mga saliksik hinggil sa pangangalaga at pagpapasigla ng
mga katutubong wika
7. Community outreach sa mga marginalized na pangkat etniko ng
kinabibilangang bayan o lalawigan

Para sa DILG, CSC, Mga Ahensiyang Pangkultura, at NCIP:


Maaaring i-download ang CSC memorandum:
Maaaring i-download ang DILG memorandum:

1.
1. Pagbibigay ng mga pagsaalang-alang pangwika para sa mga serbisyong
frontline at/o programa
2. Pagtataas ng Watawat bilang hudyat ng pagbubukas ng Buwan ng Wika
3. Pagpapaskil ng ahensiya ng tarpolin o poster para sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wika
4. Pagbibigay ng mga grant at/o Gawad para sa mga programa para sa mga
katutubong wika
5. Pagdaraos ng mga eksibit ng mga salita o katawagan mula sa iba’t ibang
katutubong wika sa bansa
6. Linguistic Mapping
7. Pagsasalin ng mahahalagang dokumentong pampubliko sa wikang
Filipino at sa mga wikang katutubo
8. Pagsusuot ng iba’t ibang katutubong kasuotan ng mga Filipino
9. Lobbying at pagpapatibay ng mga patakarang pangwika para sa
pangangalaga at pagpapasigla ng mga katutubong wika ng bayan o
lalawigan
Buwan ng Wika 2019 (Gabay sa
Programa at Kalendaryo ng mga
Aktibidad)
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO·MONDAY, JULY 22, 2019·READING TIME: 7 MINUTES

Tayo nang ipagdiwang ang ating mga


katutubong wika!

HINGGIL SA PAGDIRIWANG
Para sa taóng 2019, ipagdiriwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Buwan
ng Wikang Pambansa na tampok ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang
Bansang Filipino.”

Pakikiisa ito ng KWF sa proklamasyon ng UNESCO ng 2019 International Year of


Indigenous Languages (IYIL). Higit pa dito, ang pagdiriwang ay isang mahalagang suhay
sa ipinatutupad ng KWF na Medyo Matagalang Plano 2017-2020 sa pamamagitan ng
mabisang pagpapatupad ng mga pambansang programa para sa patuluyang pagpapaunlad,
pagpapayaman, at pagpapalaganap ng mga katutubong wika na makapag-aambag sa higit
na kagalingan at kalinangang pambansa ng mga Filipino.
'Nais nating pagpugayan at patunayan na mahalagang bahagi ng ating pagkabansa ang 130
katutubong wika sa Filipinas,' ayon kay Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang
Filipino

Dahil Agosto at Buwan ng Wika, makakaasa na naman kayo ng mga


magpapakitang-gilas sa kanilang pagsasalita ng Filipino sa media at sa mga
paaralan. Palaliman. Palumaan ng salita. The more amoy tokador the narrative,
the better.
Maging ang mga patalastas sa traditional at new media ay Buwan ng Wika theme din.
Pero ang karamihan sa mga pakikiisang ito sa Buwan ng Wika ay hanggang sa ngalan
na lang ng novelty. Meaning, nagpipilit, hindi natural. Tulad ngayon, naglipana na
naman sa news feed ko ang mga salin sa esoteric natural science terms and
jargons na, kung babanggitin nga, can elicit laughter dahil sadyang mahaba.

Pero mayroon din namang malinis ang intensiyon. Take “sipnayan” na salin daw
sa “mathematics.” O “miksipat” para sa “microscope.” O “ilaw dagitab” para sa “neon
lights.” Bunga ito ng pananaliksik dati ni Gonzalo del Rosario sa kaniyang “Maugnaying
Talasalitaan” para bigyan ng tumbas ang mga terminolohiya ng agham at teknolohiya.
Ginawa ito noong hindi pa bantad ang bawat isa sa atin sa kakayahan ng internet na
buksan ang mundo sa iba’t ibang wika, geographical o cross-sociolect man. Kaya
naman lumulutang uli ang mga pagsasaling ito ngayong panahong napag-uusapan, for
better or worse, ang isyu ng pambansang wika. Well, at least naitatanghal pa rin ang
wika.

The effort and manner of using and discussing the language in a novelty, sometimes
ironic, fashion calls attention, sadly, more than the message. Kumpleto sa ngunit subalit
datapwat na pagpapahayag na laging galit kung hindi man nakasimangot, con todo de
baro’t saya at barong tagalog, ang industriyang nagtatamasa sa likod ng Buwan ng
Wika.

Nabanggit ko itong tungkol sa barong tagalog dahil noong nagdaang buwan, nag-anak
ako sa kasal. Kailangan kong bumili ng barong tagalog. Kaya matapos ang trabaho sa
unibersidad isang pangkaraniwang araw ng Hulyo, nagsadya ako sa malapit na
department store. Maraming nag-asikaso sa akin sa tanyag na department store sa
EDSA. Natuwa ako. Apat na sales personnel yata ang nagtulong-tulong upang
ipaliwanag sa akin ang bentahe at disbentahe ng ganito at ganoong fabric ng barong
tagalog.

Ipinaliwanag sa akin, in minute details, kung paano lalabhan, patutuyuin, paplantsahin,


hihimulmulan at aalagaan ang pinagpipilian ko pa lang noong mamahaling damit.
Ipinasukat ang iba’t ibang tabas, porma, kulay ng de-facto national costume sa lalaki. At
matagal bago ako nakabili dahil hindi pang-ready-to-wear ang frame ko. Walang
magkasya sa akin nang maayos. Either girth is way too big or the length is way too long
or the sleeves, again, too long that the excesses can cloth an entire barangay.

Ano ba ang problema? Sa isip ko, pangkaraniwan lang akong lalaki na may inaarugang
tiyan na pinalaki ng unli-rice at beer. Pero bakit walang umakma o sumaktong RTW
barong tagalog? Bakit lahat ng pantalon ay napakahaba? Tinanong ko ang mga
personnel to solicit their professional opinion regarding the clothing mishap. At kung
bakit lahat ng damit ay parang isinukat kay Derek Ramsay o Daniel Matsunaga. Wala
silang masabi, except to try my luck more, or to spend a great deal of my fortune sa
isang maayos na barong tagalog. Or, sabi nga nila, mag-diet until I reached the RTW’s
ramp model specifications.

Samantala, hindi ganito ang karansan ko pagbili ng longsleeves na batik sa Jakarta at


Yogyakarta. Ang tabas ng damit doon ay hindi pang-ramp model. Ang karaniwang sukat
ay iniakma sa karaniwang pangangatawan ng Indon na hindi nalalayo sa frame ng
katawan ko. Kaya kay sayang mamili ng murang batik long sleeves sa Indonesia dahil
ikinonsidera ang maiikling braso ko, ang mabilog na tiyan, at ang maiikli, bordering on
punggok, na taas. Sana ganito rin ang sa industriya ng barong tagalog na RTW.
Tandaan sana ninyo na hindi mala-Derek Ramsay lahat ang built ng unli-rice-eating
Filipino.

Advertisement

Mabalik tayo sa industriya. Itinanong ko kung mahina ba ang benta ng barong tagalog
dahil apat pa silang nagtutulong-tulong sa akin para bilhin ang tig-lilimang libong barong
tagalog. Oo raw. Sa araw na iyon, sa buwan ng Hulyo, matumal pa. Lalakas daw ang
benta ngayong Agosto dahil maraming bibiling guro, bata, empleyado at mga opisyal ng
gobyerno. Buwan daw kasi ng wika. (Alam ko, alam ko, nakasulat lang sa memo na
gumamit ka ng Filipino at magsuot ng barong tagalog. Sumusunod ka lang sa memo.)

May epekto naman pala sa industriya ng kinikilala nating pambansang kasuotan ang
Buwan ng Wika. Maganda ang bentahan. Tatlo sa apat na nag-asikaso sa akin ay
regular sa trabaho sa patahian, ang ikaapat, mare-regular na sa Setyembre.

May trabahong nililikha para sa kababayan natin. Dahil sigurado akong hindi na natin ito
ini-import gaya ng marami nating gamit at damit na galing na sa ibang bansa kung saan
higit na mura ang bayad sa trabahador at materyales.
Tiniyak sa akin ng pinakamataas sa apat, by virtue of being pinaka-senior sa nagtitinda,
na puro kababayan natin ang nananahi at nagbuburda ng tela mula sa lalawigan ng
Quezon at Laguna. Samantala, sa Quezon City malapit sa mga pinakamalalaking mall
sa bansa tinatahi ang mga barong.

Nakatutuwang isiping nagkakaroon ng pagtangkilik sa damit kasabay ng pagtangkilik sa


wikang pambansa. Sana lang, hindi ito pang-isang buwan. Sana buong taon. At sana,
hindi lang pang-ramp model ang tabas ng mga damit na ito.

Napag-uusapan din lang, bumabalik ang saknong ng tulang BARONG TAGALOG ni


Teo T. Antonio na nalathala kaniyang aklat na Taga sa Bato:

Inang, di sa damit natin tinitimbang


ang ating pag-ibig sa lupang hinirang.
At hindi, hindi rin ang barong pambansa
ang siyang sukatan ng bayang malaya.

Manumbat na sila’t sa aki’y mapoot


kung damit na iya’y ayaw kong isuot.
Ang barong umano’y dapat tangkilikin,
barong noo’t ngayo’y damit din ng taksil.

(12 Hunyo 1976)

Dahil sa totoo lang, bukod sa pakitang-tao ng pakikiisa sa pagtataguyod ng wika, suot


naman talaga ng bayani’t taksil ang ating damit, mas maayos nga lang dahil
nakapagpapatahi ng sukat na sukat sa kaniya. At nagsasalita sa ating sariling wika ang,
madalas, taksil din sa bayan. – Rappler.com

Bukod sa pagtuturo ng creative writing, pop culture, research, at seminar in new media
sa Departamento ng Literatura at sa Graduate School ng Unibersidad ng Santo Tomas,
writing fellow din si Joselito D. delos Reyes, PhD, sa UST Center for Creative Writing
and Literary Studies at research fellow sa UST Research Center for Culture, Arts and
Humanities.
BUWAN NG WIKANG PAMB ANSA
2019 TEMA AT PAKSA
By Mark Anthony Llego 1 Comment

Share

Tweet

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng


Buwan ng Wikang Pambansa 2019 mula ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto
alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041, s. 1997.

BUWAN NG WIKANG PAMB ANSA 2019


TEMA
Bilang tugon sa proklamasyon ng UNESCO na International Year of Indigenous
Languages (Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong Wika) ang taong 2019,
pinagtibay ng KWF ang Kapasiyahan ng Kalupunan Big. 18 -31 na naglalayon na
masiglang lumahok ang KWF sa pagdiriwang na ito; at ang Kapasiyahan ng
Kalupunan Big. 19-03 na nagtatakda ng temang Wikang Katutubo: Tungo sa
Isang Bansang Filipino at naglalayon na ilaan ang Buwan ng Wika sa Agosto
bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi para sa mga katutubong wika sa bansa.

ANG LAYUNIN NG PAGDIRIWANG AY


ANG MGA SUMUSUNOD:
a. maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Filipino ukol sa halagang
multilingguwalismo sa paglikha ng isang bansang Filipino na may
pagkakaunawaan;

b. mahikayat ang mga mamamayang Filipino, lalo ang mga may-ari ng katutubong
wika, na makilahok sa mga gawaing pangwika ng KWF;
c. mahikayat ang mga mamamayang Filipino na magpatupad ng mga malikhaing
programang pangwika na makatutugon sa pangangailangan ng kanilang
komunidad sa pakikipagtulungan sa KWF;

d. mapangalagaan ng KWF ang mga karapatang pangwika ng mga mamamayan


sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga patakarang magbibigay ng seguridad
laban sa mga diskriminisasyong pangwika; at

e. maipakilala sa mga mamamayang Filipino ang KWF bilang ahensiya ng


pamahalaan na nangangalaga sa mga katutubong wika ng Pilipinas sa
pamamagitan ng mga programang pangwika nito.

ANG LINGGUHANG PAKSA SA LOOB NG


ISANG BUWANG PAGDIRIWANG AY ANG
MGA SUMUSUNOD:
Petsa Tema

Agosto 5-9, 2019 Ako at ang Katutubong Wika Ko

Agosto 12-16, 2019 Pagbasa at Paglaya: Pagpapalusog ng mga Katutubong Panitikan at Kaalamang-bayan

Agosto 19-23, 2019 Sarikultura: Multilingguwalismo at Paguugnayan para sa Isang Bansang Filipino

Agosto 26-30, 2019 Pangangalaga sa mga Katutubong Wika, Pangangalaga sa Bansang Filipino

Kalakip ng Memorandum na ito ang Palatuntunan ng mga Gawain para sa isang


buwang pagdiriwang.

Para sa mga karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa

Komisyon sa Wikang Filipino, Sangay ng Edukasyon at Networking, Gusaling


Watson, 1610 JP Laurel St., Malacanang Complex, San Miguel, Maynila sa
telepono: (02) 736-2519; o email: komisyonsawika@gmail.com at website:
www.kwf.gov.ph.

Hinihiling ang malawakang pagpapapalaganap ng Memorandum na ito.

Ang tema ngayong taon:

“Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”

Inaanyayahan ang buong bansa na ipagparangalan ang wikang Filipino at mga


katutubong wika ng Filipinas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019 sa Agosto na may
temang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.

Pinagtibay ng KWF Kapasiyahan 19-03, hangad ng tema sa taóng ito na maikintal sa


pambansang kamalayan ang halaga at gampanin ng wikang Filipino at mga katutubong
wika sa pagbuo ng isang bansang nagkakaunawaan.

Paliwanag sa poster ng Buwan ng Wika 2019

Matutunghayan sa mga elemento ng poster para sa Buwan ng Wika 2019 ang temasa
darating na pagdiriwang na Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.

Sa disenyo, matatagpuan ang baybayin na “ka” sa loob ng logo ng Komisyon sa


Wikang Filipino (KWF). Pagtatanghal at pagpaparangalan ito ng KWF sa mga
katutubong wika na malaking bahagi ng kaakuhang Filipino.
Sumasagisag rin sa mga pangkating katutubo ang paggamit ng mga habing
matatagpuan sa Pilipinas. Sumisimbulo naman ang sarikulay ng parol sa minimithing
kaisahan at epektibong pag-uugnayan sa mga katutubong wika sa bansa.

Sa tala ng KWF, may 130 katutubong wika sa Filipinas na dapat pangalagaan bilang
pamanang pangkultura o intangible heritage. Pakikiisa rin ito sa pagtatalaga ng
UNESCO sa 2019 bilang taon ng mga katutubong wika sa buong daigidig.

Inaanyayahan ang lahat na ipaskil ang mga poster sa prominenteng pook sa kani-
kanilang gaya ng mga paaralan at tanggapan bilang pakikiisa sa buong buwang
pagdiriwang ng mga wika ng Pilipinas.

You might also like