You are on page 1of 8

Pasimula

Magagandang oportunidad ng paghahanap ng trabaho at mataas nasweldo ang


dahilan kung bakit maraming mga magulang ang napipilitan naiwanan ang kanilang
mga anak at mag hanapbuhay sa ibang bansa. Sa katunayan ay noong 2006 ay 1.6
milyon na Pilipino ang ipinadala sa ibat ibang lugar sa buong mundo. At dahil dun ay
maraming mga bata ang naulila sa kanilang mga magulang at lalo na yung mga batang
sanay na ang mga magulang nila ay umuuwi tuwing hapon o kaya pagkatapos ng
trabaho. Ang sitwasyon na ganito ay hindi pang karaniwan sa mga bata kaya’ tmalaki
ang nagiging epekto nito sakanilang pagiisip at paguugali.Isa pa sa mga malaking
epekto sa mga bata nang pagkawalay sakanilang mga magulang ay hindi sila
nabibigyan o natuturuan ng tamang disiplina. Maaaring may nag aalaga nga sa bata
pero hindi parin ito sapat dahilang mga magulang dapat ang gumagabay sakanilang
mga anak lalong lalo na pagdating sa disiplina ang pakikipag kapwa tao.

Ang mga kabataan sa ngayon ay sanay na sa mga sitwasyon na nalalayo sila


sakanilang mga magulang kaya’t na aapektuhan din nito ang kanilang pagaaral dahil
imbes na mag aral at matuto ay natututo na silang dumepende sa kanilang mga sarili at
bilang isang bata at wala pa sa wastong pagiisip ay humahantong ito sa mga maling
desisyon at delikadong sitwasyon. Sa panahon ngayon ay maraming mga estudyante
ang nabubuhay ng malayo sakanilang mga magulang at ayon sa pananaliksik ay
karamihan dito ay ang mga magulang ay nangingibang bansa para kumita ng pera na
pang tustos sa gastusin ng kanilang anak. May magandang dahilan naman ang mga
magulang kung bakit kailangan nilang lumayo, yun ay para mag hanap buhay para
sakanilang mga anak para mabigyan nila itong maganda at komportableng buhay.
Ngunit meron din itong mga hindi magandang epekto lalong lalo na sa kanilang mga
anak dahil ang kanilang mga anak ay naghahanap din ng pagaaruga ng kanilang
presensya lalo na sa mga importanteng okasyon tulad ng bertday at iba pa.

Ang ugali at disiplina ng bata ay malaking aspeto pag dating sa pag buo ng
kaniyang pagkatao. May mga batang malalakas ang loob na kakayanin nilang mabuhay
ng hindi sila humihinging tulong sa iba. Meron din na mga batang kahit malapit na sa
katinuan ang pagiisip ay umaasa at naka depende parin sa kung sino ang nag aalaga
sakanila. Itong dalawa ang maaaring maging epekto sa mga bata na maagang
nakararanas ng pag kawalay sa mga magulang. Ayon sa pananaliksik ay 80% ng
paguugali at disiplina ng isang bata ay hinuhubog dapat ng magulang at ang 20%
naman ay kung anong klaseng kapaligiran at mga taong nakakasalamuha niya araw
araw. Paano mo nga naman matuturuan ang iyong anak ng tamang asal at paguugali
kung malayo ka sakaniya. Hindi kelan man nagging magandang dahilan ang “ anak
para to sayo na ginagawa namin”. Maaaring maibigay ay maiparanas niyo nga sainyong
mga anak ang masagana at maginhawang buhay ngunit kapalit nito ay ang pag laki ng
inyong mga anak ng walang disiplina at sanay na palaging napagbibigyan kaya
humahantong ito sa mga delikadong sitwasyon. Ang pagdidisiplina at pagtuturong tama
sa mali sa isang bata kinakailangan ng mahigpit na patakaran upang matuto ang bata
na ang mali ay kelan man hindi magiging tama. Maraming mga bata ang nag
sasakripisyo sakanilang eskwelahan oh kahit sakanilang lugar ng kaunti an nagiging
kaibigan o kaya maraming nakakaaway. Hindi mo masisisi ang bata kung ang dahilan
ng kaniyang paglaking mali ay ang kaniyang pagkawalay sa kaniyang mga magulang.

Ang mga magulang ang bumubuo sa isang pagkataong bata, sila din ang
humuhubog at nagtuturo sakanilang mga anak kung ano ang tama at mali. Pero ano
nga ba talaga ang nararamdaman ng isang magulang na kinakailangan niyang lumayo
sakaniyang anak sa kagustuhan niyang mabigyan ito ng maganda at masaganang
buhay. Maraming pwedeng dahilan ng paglisan o paglayo ng isang magulang sa
kaniyang anak, ayon sa pananaliksik ay maraming mga magulang ang hindi gusto
namalayo na sakanilang anak pero marami din ang nag sasabing kailangan mag
sakripisyo para lang sa ikabubuti ng kanilang mga supling. Isang dahilan sa napipilitan
na umalis ang isang magulang ay sa kagustuhan niyang suportahan at buhayin ang
kaniyang anak, ngunit ang kapalit naman nito ay ang pag sasakripisyo niya ng panahon
at oras na dapat ay natuturuan at nagagabayan niya ang kaniyang anak. Ngunit sa huli
ay nasa bata parin ang pagiintindi at pagiisip ng tama na ang ginagawa ng kanilang
mga magulang ay para rin sakanilang ikabubuti.
Pagpahayag ng Problema

1. Demographic Profile ngmgamagaaralna may mga magulang na nasa ibang


bansa.

2. Mga epekto ng pangingibang bansa ng magulang ;mabuti at di mabuting


epekto.

3. Aspekto ng na aapektohan sa mag-aaral nang pangingibang bansa ng


kanilang magulang.

4. Adbokasiyang maaaring gawin ng mga mag aaral upang mabigya ng gabay sa


kalagayan.

Interpretation and Analysis

1. Demographic Profile

Edad Kasarian

Respondent Kalimitan Porsyento Kasarian Bilang Porsyento

16 2 8 Lalaki 13 52

17 3 12 Babae 12 48

18 8 32

19 12 48

Total 25 100 100

2. Epekto ng pangingibang bansa

Mabutingepekto Bilang Antas

Natutustusanangmgapangangailanganngpamilya 25 1

Pag- 18 3
kakaroonngpanibagongmgakagamitan(damit,
cellphone, atbp)

Sapatnakitaparasapamilya 23 2

Ayon sa mga datos na aming nakalap ang pangunahing mabuting epekto


ng pangingibang-bansang magulang ay natutustusan ang mga pangangailangan
ng pamilya. Sumunod ay ang Sapat nakita para sa pamilya at ang huli ay ang
Pag-kakaroon ng panibagong mga kagamitan (damit, cellphone, atbp)

Masamangepekto Bilang Antas

Walangsapatnakomunikasyon 13 4

Pagkalayongloobsamgamagulang 14 3

Kulangsaatnubay at
23 2
gabayngmagulang

Walasamgaimportantengokasyon 25 1

Ayon sa mga datos na aming nakalap ang pangunahing masamang


epekto ng pangingibang-bansa ng magulang Wala sa mga importanteng
okasyon. Sumunod ay ang Kulang sa patnubay at gabay ng magulang at
Pagkalayong loob sa mga magulang. Ang huli ay ang Walang sapat na
komunikasyon

3. Aspekto ng na aapektuhan sa pangibang bansa ng magulang sa mag-aaral

Pinansyal Bilang Antas

Sobra-sobrangpag-gastos 18 3

Walangnaiipon 24 2

Walanagbadyetnasinusunod 25 1
Ayon sa mga datos na aming nakalap, ang pangunahing nakaka-apekto
sa aspektong pinansyal ay ang sobra-sobrang pag-gastos, sunod ang kawalan
ng ipon at ang pang huli ay ang walang badyet na sinusunod.

Emosyonal Bilang Antas

Pangungulila 14 2

Kalungkutan 8 4

Pag-iisa 13 3

Walangkaagapay 18 1

Ayon sa mga datos na aming nakalap, ang pangunahing nakaka-apekto


sa aspektong emosyonal ay ang kawalan ng kaagapay, sunod ang pangungulila,
sumunod ang pag-iisa at ang pang-huli ay ang kalungkutan.

Sosyal Bilang Antas

Pililangpinapakisamahan 3 3

Walangtiwalasamgakaibigan 8 2

Gusto mapag-isa 19 1

Ayon sa mga datos na aming nakalap, ang pangunahing nakaka-apekto


sa aspektong social ay ang gusting mapag-isa, sunod ay walang tiwala sa mga
kaibigan, pang huli ay ang pagpili ng pinapakisamahan.

Psychological Bilang Antas

Depresyon 22 1
Pagkawalang-interes 14 3

Walangpokussaginagawa 18 2

Ayon sa mga datos na aming nakalap, ang pangunahing nakaka-apekto


sa aspektong psychological ay ang depresyon, sunod ang pagka-walang pokus
sa ginagawa at pang-huli ang pag kawalang-interes.

4. Mga adbokasiyang maaaring maimungkahi upang mabigyan ng gabay


ang mga mag-aaral sakanilang kalagayan na ang magulang nangibang-bansa.

 Palagi mag dasal


 Pag-tuunan ng pansin ang pag-aaral
 Isipin na may nagpapakahirap na magulang sa ibang bansa kaya dapat mag aral
ng mabuti para masuklian ang kanilang paghihirap.
 Mag-aaral ng mabuti dahil ang edukasyon lamang ang maibibigay upang
masuklian ang pahihirap ng mga magulang na nag tatrabaho sa ibang bansa.

Konklusyon

Mula sa datos at resultang nakalap ay nabuo ang sumusunod na konkulsyon:

Ayon sa sarbey ng mga respondante mas mataas na bilang ng nangingibang


bansa ay ang mga ina kesa sa mga ama.

Ang may pinakamabuting epekto ng pangingibang bansa ng mga magulang ay


natutustusan ang mga pangangailangan ng pamilya dahil dtto sa Pilipinas mahirap
mabuhay at makakuha ng pera. At ang may pinaka mataas na resulta sa masamang
epektong pangingibang bansa ay dahil wala sila sa mga importanteng okasyon. Ang
aspekto na nakaka apekto sa mag-aaral na OFW ang magulang ay unang una sa
financial dahil raw walang budget na sinusunod. Sunod naman na aspekto ay emotional
na mas mataas nasagot ay ang pagigingulila at walang kaagapay, pangatlong aspekto
naman ay ang social na kung saan mas maraming sumagot na gusto nalang nila
mapag-isa at ang huli naman ay psychological na kung saan nakakaranas silang
depresyon dahil sa pag kalayo ng kanilang magulang.

Rekomendasyon

Batay sa mga inilatag na konkulsyon ng pag-aaral ay narito ang mga


rekomendasyon.

1. Mag-aral ng mabuti upang ang kanilang magulang na pagod sa


kakatrabaho sa ibang bansa ay masuklian.
2. Tuunan ng pansin ang mga bagay na mas importante at makapag bibigay
ng magandang dulot saatin.
3. Bigyang importansya ang perang pinapadala.
References

https://www.coursehero.com/file/22161610/AP-Term-Paper-15/
https://www.academia.edu/6409012/PANANALIKSIK_RENDELL
http://www.academia.edu/Documents/in/Thesis_In_Filipino
https://www.coursehero.com/file/p20u934/Sa-pag-aaral-ng-migrasyon-partikular-ng-
international-migration-ay-mahalagang/
https://kyotoreview.org/issue-4/mga-overseas-filipino-workers-sirkulasyon-ng-paggawa-
sa-timog-silangang-asya-at-ang-maling-pangangasiwa-sa-mga-programa-ng-
migrasyon-paibayong-dagat/
https://www.scribd.com/document/383844447/Pagbibigay-Reaksyon-Sa-Diaspora-at-
Migrasyon
https://www.scribd.com/document/350695404/13Pandaigdigang-Demograpiya-at-
Migrasyon
https://ejournals.ph/article.php?id=7912
https://www.pinoyweekly.org/2014/10/migranteng-pinay-bilang-nars-nanny-nanay/
https://brainly.ph/question/2153138
http://filipino.cri.cn/501/2015/05/11/2s136352.htm
http://www.integrazionemigranti.gov.it/guidemultilingua/Documents/Vademecum2014/T
AGALOG_Vademecum_2014.pdf
http://www.hawaii.edu/filipino/Lessons/Pamilyang%20Pilipino/Pamilyang%20Pilipino.ht
ml
https://www.goodreads.com/book/show/17734194-pamilya-migrasyon-disintegrasyon
https://www.slideshare.net/JerlieMae/migrasyon-109823055
https://www.cebookshop.com/index.php?route=product/product&product_id=187070

You might also like